“Sige, naiintindihan ko.” Huminto siya. “Pero, okay na ba tayo? Pangakong tutuparin ko ang pangako ko at hindi ko na ulit babanggitin si Travis.”“Oo, okay tayo. Walang problema.” Ang sabi ko sa kanya, tapat sa bawat salita.“Salamat.” Ang sabik niyang sinabi. “Mag bonding na kayo ni Noah. Sabihin mo sa kanya na bumati ako, at good night.”“Ikaw din, Letty.”Ibinaba ko ang phone at huminga ako ng malalim. Dahil binaba na ni Noah ang phone, tumawag ulit ako sa kanya.“Hello?” Nabigla ako sa tunog ng boses ng nanay ko mula sa kabilang linya.Hindi ko pa siya nakausap simula noong araw sa airport. Sa mga taong nanakit sa akin, mas masakit sa kanya. Ang isang nanay ay dapat mahalin at pahalagahan ang mga anak niya, pero ako ay wala lang para sa sarili kong nanay. Paano niya nagawa na talikuran lang ako? Paano niya ako nagawa na itrato na parang wala lang?Ngayon at may sariling anak na ako, hindi ko maintindihan kung paano niya ito nagawa. Hindi ko maisip na talikuran si Noah.“Ava
Dumilat ako at nakita ko na nasa sala ako, ang mga kamay ko ay nakatali sa isang upuan.“Ahh, gising ka na. Iniisip ko kung gaano katagal bago ka gumising. Tutal, mas gusto ko na gising ang mga biktima ko kapag pinatay ko sila.” Kinilabutan ako sa boses ng lalaki.Dumaan siya sa harap at nakita ko na siya. At least parte niya, dahil nakatakip ang mukha ko. Isa siyang malaki at maskuladong lalaki. Ang mga braso niya ay parang kaya dumurog ng ulo ng isang tao. Mapanganib siya at hindi dahil ako ang biktima niya. May nakakatakot na bagay lang talaga sa kanya.Umupo siya sa harap ko, hawak ang isang baso ng wine sa kamay niya. Baso at wine ko. Mukhang komportable siya, na para bang ito ang bahay niya.Sinubukan kong kumawala, ngunit masikip ang mga tali.“Pwede mong subukan ang lahat ng makakaya mo, pero hindi ka makakatakas sa akin ngayon.” Tumawa siya. “Marami kang problema na ibinigay sa akin, at ayaw ko ng problema.”“Sino ka at ano ang kailangan mo mula sa akin?” Ang tanong ko s
“Sa tingin mo ba talaga ay madali lang para tumakas mula sa akin?” Ang panlalait niya.Tinaas ko ang binti ko, tinuhod ko siya sa itlog niya, at sumigaw siya. Tumakbo ulit ako, walang pakialam kung saan ako papunta. Gusto ko lang makatakas mula sa kanya.Mabilis siyang naging maayos, dahil hindi nagtagal ay naramdaman ko na may kamay na humawak sa paa ko. Hinila ako at natumba ulit ako, tumama ang baba ko sa sahig. Nasa ibabaw niya na ako bago ang makatayo.“P*ta ka!” Ang sigaw niya bago niya ako sinampal ng malakas sa mukha.Sa sandaling yun, nakita ko na lumabo ang paningin ko. Masakit ang saktan ng isang lalaki.“Dahil pinahirapan mo ako, magsasaya muna ako bago kita patayin.” Ang sabi niya ng masama.Hindi ko kailangan ng interpreter para malaman ang ibig niyang sabihin. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa baywang ko habang sinubukan niyang hilahin pababa ang pajama ko. Napuno ako ng takot. Ganito ba ako mamamatay? Gagahasain at papatayin sa sarili kong bahay?Lumaban ako sa
Rowan:“Boss” Ang tawag ni Drake, nanginginig ang boses niya.Lumayo kay Emma, na siyang nakahiga sa dibdib ko habang nanonood kami ng isang movie. Marami akong ginawa para pagbigyan niya ako sa huli. Hindi ko sinasadya na saktan siya ng mas higit sa ginawa ko. Gusto ko lang na bumalik ang lahat sa tulad noong mas bata pa kami.Nalilito pa rin talaga ako at hindi ko alam ang ginagawa ko. Hinalikan ko ang isang kapatid habang nasa relasyon at mahal ko ang isa pa. Nalalasahan ko pa rin ang mga labi ni Ava pagkatapos ng ilang araw, pero tulad ng lahat ng tungkol sa kanya, tinutulak ko siya at ang halik niya pabalik sa dulo ng isipan ko.Matagal akong naghintay na makasama si Emma. Hindi ko sisirain ang pagkakataon ko na makasama siya. Anuman ang nararamdaman ko para kay Ava ay wala lang. Maliban kay Noah, mundo ko si Emma, at totoo ito kahit noon pa. Hindi ko hahayaan ang kahit ano na pumagitan sa amin ulit.“Ano?!” Ang naiirita kong tanong kay Drake, naiinis na inabala niya ang date
“Sige.” Ang sagot niya at dumilat siya.Sumingit si Brian. “Wag kayong mag alala, malapit na silang dumating. Sa ngayon, ayos lang ba sayo na magbigay ako ng ilang katanungan?”Tumango si Ava at ngumiwi siya.Lintik! Pinadaan ko ang kamay ko sa buhok ko. Masakit ang nararamdaman ni Ava at nadudurog ang puso ko.“Mabuti. Pwede mo bang ilarawan sa akin kung ano ang itsura ng lalaking umatake sayo?” Ang tanong ni Brian kay Ava.Huminga ng malalim si Ava. “May suot siyang mask, kaya hindi ko masabi kung ano ang itsura niya. Pero meron siyang shaggy brown hair, medyo matangkad siya, baka nasa six feet ang tangkad at masuklado siya.”“Meron pa bang iba?”“Wala… yun lang.”“May sinabi ba siya? Tulad ng rason kung bakit ka niya inatake?”“Meron, sinabi niya na hindi siya parte ng kahit anong gang, pero may taong nangako sa kanya na magbabayad ng malaking halaga ng pera kapag pinatay niya ako. Hindi siya nagbanggit ng pangalan o kung sino ang boss niya.” Ang kamay niya ay nanginginig s
Anonymous POV:Naiinis ako. Hindi lang yun. Sobrang naiinis ako, galit na galit. Muli siyang nakatakas sa akin. Muli siyang nakaligtas kung saan dapat ay patay na siya.“Sabihin mo sa akin, paanog buhay pa siya?” Ang tanong ko kay Ben.“Pangako, muntik ko na po siyang mapatay, malapit na ako, kaso dumating ang lintik na bodyguard at naligtas siya,” Ang bulong ni Ben.Sa tingin ba ng lalaking ito ay tanga ako? Na hindi ko alam ang nangyari? Wala akong ibang nakuha kundi dahilan mula sa kanya simula noong nagsimula ang buong operation. Tatlong beses siyang nabigo na patayin si Ava. Ang tanging positibong bagay tungkol dito, ay hindi ko pa siya binabayaran. Isipin mo kung binayaran ko siya at hindi pa niya tapos ang trabaho.Makakakuha siya ng kalahating milyon kapag natapos niya ang trabaho. Ang pera na ito ay sapat na motibasyon na dapat para tapusin niya ang trabaho sa time limit na pinag usapan namin.Uminom ako ng whiskey ko. Namumuo ang inis sa loob ko.“Talaga? Muntik mo na
Ava:Nagpapagaling pa rin ako mula sa atake sa akin. Pagod na ako ng mental pati pisikal, at ang gusto ko lang ay matapos na ang lahat ng ito. Sinubukan akong patayin ng tatlong beses. Tatlong beses akong nakaligtas. Hindi ko lang alam kung mauubos ang swerte ko dahil sa puntong ito, ang sinumang gusto akong patayin ay mukhang desidido talaga na hindi ko na makikita si Noah ulit.Kinilabutan ako nang maalala ko na muntik na akong namatay. Nandoon siya sa bahay ko. Plano niya akong gahasain bago niya ako patayin. Napuno ng luha ang mga mata ko at ginawa ko ang lahat para pigilan ang mga ito.Sapat na ang pag iyak ko sa nakalipas na mga araw. Pagod na ako dito, gusto ko lang maintindihan kung bakit. Bakit naman ako gustong patayin ng kahit sino? Wala naman akong ginawa sa kahit sino, maliban kay Emma. Kahit na siya ito, kasama niya na si Rowan ngayon, kaya wala na dapat akong sala. Hindi dapat ito nangyayari sa akin.Ang pinakamalaking takot ko ay ang magtagumpay sila. Ibig sabihin a
“Christine, ginawa mo ang lahat para alisin ako habang iniisip mo na papansinin ka ni Rowan. Kahit noong kinasal na kami, ginawa mo pa rin ang lahat para akitin siya, pero kahit kailan ay hindi siya nagpakita ng interes sayo. Oo, hindi niya ako mahal, peroasawa niya ako habang ikaw ay isang secretary lang, isang secretary na hindi nakuha ang interes niya. So, itatanong ko rin ito sayo, ano ang pakiramdam na kahit kailan ay hindi ka magiging ang babae niya? Na habang buhay ay isang secretary ka lang para sa kanya. Ano ang pakiramdam na hindi ka niya itinuturing na sapat na babae? Na mas pinili niyang makipagtalik sa akin kahit na kinamumuhian niya ako kaysa tanggapin ka bilang kabit? At ano ang pakiramdam na malaman na wala kang chansa ngayon at bumalik na si Emma?” Ngumisi ako, masaya na nagsalita na rin ako sa wakas.“Walang hiya kang pangit ka!” Ang sigaw niya bago siya sa umugod sa akin.Nagawa kong umiwas at nadapa siya sa napakataas at mamahalin na high heels niya. Tumayo siya n