Asper Reign Dahlia’s Pov
Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa akin nang buksan ko ang bintana ng kwarto ko. Kaya naman naisipan ko munang tumambay sa balkonahe nito at dito ininom ang itinimpla kong kape kanina matapos kong makapaligo.
Isang taon.
Ganoon na din katagal mula nang maisipan kong umalis at tumakas sa bahay namin para hindi matuloy ang plano ni Daddy na pagpapakasal sa akin sa prinsipe ng bansang ito.
At sa loob ng isang taon ay unti-unti na ding nawawala ang atensyon sa akin ng palasyo at ng iba pang opisyal nito dahil tuluyan ko na ding tinigil ang pagpapakita sa publiko.
Pero kahit naman hindi na ako nagpapakita sa mga tao ay tuloy pa din ang pagtulong ko sa kanila gamit ang mga foundation at ospital na naipatayo ko na.
Iyon ang nag-iisang bagay na hinding-hindi ko makakayang itigil pero ang lahat ng transaksyon ko sa mga iyon ay nangyayari na lamang via email at ang kasalukuyang namamahala ng personal doon ay ang bunso kong kapatid na si Aasiyah.
Well, iilan lang naman ang nakakaalam ng pag-alis ko sa bahay namin.
Unang-una na dito si Kuya Jasper na hindi pa nga muna pumayag nang sabihin ko ito sa kanya dahil alam niya kung gaano kadelikado para sa akin ang umalis sa puder ng mga magulang ko.
Kahit paano kasi ay napo-protektahan ako ng kanilang posisyon kaya hindi ako basta nagagalaw ng ibang nagtatangka sa buhay ko.
At naiintindihan ko naman na nag-aalala lang siya pero ang pag-alis ko lang din kasing iyon ang nag-iisang paraan upang tuluyan nang matapos ang gulo, hindi lang sa pamilya namin, kundi maging sa gusot na dinala ko sa royal family.
Matapos kong mapapayag si Kuya ay agad ko itong sinabi kay Mommy at Aasiyah na hindi nagdalawang-isip na sumang-ayon sa plano ko.
Ang sabi ni Mommy, mas gugustuhin niyang umalis ako at magtago habang ginagawa ang mga bagay na gusto ko kaysa makulong sa palasyo kasama ang prinsipe na siguradong aalipinin lang at gagamitin ako.
Doon na din nagprisinta si Aasiyah na siya na lamang ang magha-handle ng mga foundation at hospital na pinamumunuan ko upang hindi ito mapabayaan at maipagpatuloy ko pa din ang pagtulong ko kahit nasa malayo ako.
Nagpaalam din ako sa dalawa ko pang kapatid na si Kezia, ang sumunod sa akin, at si Easter, ang pangalawa sa bunso sa aming magkakapatid.
Noong una ay ayaw pa nilang pumayag ngunit matapos kong ipaliwanag ang lahat ay wala na din silang nagawa kundi ang bilinan na lang ako na mag-ingat at huwag pababayaan ang sarili ko.
Gusto ko din sanang magpaalam kay Daddy ng personal pero alam ko na kahit ano pa ang gawin kong pagpapaliwanag sa kanya ay hindi niya tatanggapin dahil ang pagpapakasal ko lang sa isang prinsipe ang nakikita niyang paraan upang masiguro ang kaligtasan ko.
Kahit pa hindi iyon ang gusto ko para sa sarili ko.
Kaya hindi na ako nag-abala at nag-iwan na lang ng sulat para sa kanya.
Dala ang ilang damit at sapat na halaga para makapamuhay ng maayos ay napadpad ako sa isang maliit na bayan sa dulo ng aming bansa.
Ang Yain City.
Hindi masyadong kilala ang bayan na ito at hindi hindi ganoon kadami ang mga taong dumadayo dito dahil karamihan sa mga nakatira dito ay high profile people na lumalayo sa gulo na mayroon ang mga syudad.
Ang iba pang naninirahan dito ay mga foreigner na nakapangasawa ng taga-rito. Mga matatanda na nag-retire na sa kanilang mga trabaho at pinili na dito manatili at ang iba ay mga taong sanay sa tahimik na paligid at malayo sa maingay na syudad.
And this is a perfect hiding place for someone like me who wanted to avoid the eyes of the public and the palace.
Sa parte ng bayan na kinatitirikan ng bahay na ipinagawa ko ay hindi pa masyadong develop kaya naman iilan pa lamang ang mga kapitbahay ko.
Which is very good for me dahil hindi ko kailangan na makihalubilo sa kanila. Well, maliban kay Miracle, ang nag-iisang kaibigan ko sa lugar na ito na nakilala ko noong dalawang buwan pa lang ako dito.
Pero kahit ganoon ay hindi naman ito nagpapahuli sa mga tanawin at atraksyon kaya masagana pa din ang bayan na ito.
Lalo na sa mga sikat na kainan.
Ang buong Arya Region ang itinuturing na food capital of Hexoria dahil dito halos itinatayo ang mga iba’t-ibang klase ng restaurant na talaga namang dinarayo pa ng iba’t-ibang personalidad, hindi lamang dito sa bansa, kundi maging sa buong mundo.
But Yain City is really not that famous kaya naman safe na safe ako dito at walang nakakakilala sa akin.
But just to be sure, madalas lang akong nakakulong sa bahay ko habang si Miracle naman ang pinamamahala ko ng aking cafe na pinagkukunan ko ng panggastos sa araw-araw.
Tinigilan ko kasi muna ang paggamit sa mga personal asset ko na ipinamana sa akin ni Lola mula nang lumipat ako dito.
Sa ganoong paraan ay hindi ako basta-basta mate-trace ni Daddy o ng kung sino mang taga-palasyo.
“Asper!”
Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Miracle na kapapasok lang ng gate ng bahay ko.
Nakasimangot siya habang nakatingala at nakatingin sa akin.
“Ang aga-aga, nakasimangot ka agad diyan,” natatawa kong sabi tsaka tumayo na at bumaba para harapin siya.
She is Miracle Ryedale, Mira for short. Matanda lang siya ng dalawang taon sa akin pero mas marami na ang experience niya sa pagha-handle ng business, especially a cafe.
Kaya naman nang malaman ko iyon ay hindi ako nagdalawang-isip na hingin ang tulong niya para maging manager ng cafe ko.
Sa paraang iyon ay hindi ko na kakailanganin pang lumabas at dito na lang ako sa loob ng bahay gagawa ng mga sweets na siyang binebenta sa Sweetheart Cafe ko.
“Hindi ba’t sinabihan kita na maaga akong pupunta para kunin ang mga order ni Misis Santiago?” bungad niya sa akin nang magkita kami sa kusina ko. “Nagbilin ang client na iyon na maagang i-deliver sa kanya dahil maaga magaganap ang meeting nila ng mga amiga niya.”
“Can you relax for a bit?” sabi ko sa kanya tsaka inabot ang isang tasa na may laman na tsaa. “Ayan, maupo ka muna at i-enjoy ang camomile tea na inihanda ko para sayo.” Ako pa ang humila sa kanya para makaupo.
“Asper!”
Bumuntong hininga ako.
Well, kasalanan ko din naman kung bakit ganito si Miracle.
Pinaubaya ko sa kanya ang lahat ng trabaho sa labas habang ako ay nagpapasarap dito sa bahay kaya hindi ko din siya masisisi kung bakit hindi niya magawa na mag-relax.
“Fine,” sabi ko. “Ihahanda ko na ang order niya para matahimik ka na diyan. Pero habang ginagawa ko iyon ay maupo ka lang diyan at mag-relax, okay?”
Wala naman siyang magawa kundi tumango na lamang. Iyon lang din kasi ang kanyang magagawa habang hinihintay ang order ng kliyente.
Asper Reign Dahlia’s Pov“So, ano ba ang pagbabago na mayroon ngayon sa cafe?” tanong ko sa kanya habang inilalagay ko na sa box ang mga cupcake na order sa amin ng isa sa suki ng cafe.Isang beses sa isang buwan lang kung bumisita ako doon at madalas ay naaabutan kong marami itong customer kaya hindi na ako nakikigulo pa sa loob at umuuwi na lang din.Hinihintay ko na lang na si Miracle ang magsabi sa akin ng nangyayari doon dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya.“Nag-hire uli ako ng dagdag na server dahil dumadami na ang dumadayo sa cafe natin.” Inilapag niya sa gilid ng mesa ang ilang folder. “Nandyan ang resume nila at may note na diyan ang mga nakapasa sa interview. Aside from that, naghire na din ako ng dalawa pang bagong delivery driver dahil kahit ang mga order for delivery ay nadadagdagan na din.”“Ibig sabihin, sa loob ng limang buwan ng cafe, nagsisimula na itong makilala sa buong Yain City?”Tumango siya. “Maganda din kasi ang naging encounter nyo ni Saraya,” sabi niya
Asper Reign Dahlia’s PovSa buong maghapon, wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kundi ang pagpe-prepare ng lahat ng umo-order sa shop namin.Sa gabi ay inaasikaso ko ang mga papeles na ipinapadala ni Aasiyah.Maliban pa doon ay may sapat na oras pa din ako para sa pagre-relax, pag-e-exercise, maging ang paglilinis ng bahay ko.Kaya naman kahit hindi ako lumalabas ng bahay ay hindi ako naiinip dito kahit hindi naman talaga ako sanay nang lagi lang nasa loob.Aba’y noon ay lagi akong nasa labas at nakikihalubilo sa lahat ng makasalamuha ko pero sa nakalipas na isang taon kung saan iilang tao lang ang nakakaharap ko sa bawat araw ay unti-unti akong nasasanay.And being in solitude is actually addictive.Mas nakakapag-isip ako ng mga bagay-bagay at kapag naman gusto ko ng kausap ay madali namang tawagan si Miracle.Muli akong sumilip sa bintana at nakitang nagsisimula na ang construction team sa ibaba na sukatin ang buong lote.Nakita ko na ipinapaskil na nila ang kanilang mga buildi
Asper Reign Dahlia’s PovMaaga akong nagising dahil tulad ng usapan namin ni Miracle ay maaga ang dating niya sa bahay ko.Kaya nga kahit hindi pa ako nakakapaghilamos ay agad na akong lumabas ng bahay at binuksan ang gate dahil nakasimangot na naman ang babaeng iyon na kararating lang din naman kasama sina Sari at Saki.“Akala ko ba ay maaga ka?” Itinuro niya ang buhok ko. “Halatang-halata na bagong gising ka pa lang eh.”“Duh!” Inirapan ko siya. “Sobrang aga mo naman kumpara sa natural mong punta dito noh.”Napalingon ako sa katabing lote at nanlaki ang mga mata ko nang makita na halos naitayo na ng mga gumagawa doon ang magiging pundasyon ng bahay na ginagawa doon.“Hala!” Itinuro ko pa iyon. “Ang bilis naman nilang gumawa.”Parang kahapon lang ay kararating lang ng construction team at nagbabasa pa ng blueprint para sa gagawing bahay tapos wala pang dalawampu’t apat na oras ay nakapaghukay na sila at naitayo na ang mga makakapal na haligi ng bahay.“Baka nagmamadali ang mga titira
Asper Reign Dahlia’s PovIbinaba lang ako ni Miracle sa harap ng grocery store at agad na din siyang pumunta sa bayan para magbukas ng SweetHeart Cafe.At dahil hindi ako iyong tipo na mag-aaksaya pa ng oras ay agad na akong pumasok sa loob ng store, kumuha ng cart at sinimulang mag-ikot sa buong lugar habang inilalagay dito ang mga kailangan kong bilhin.Alam ko naman ang mga dapat kong bilin kait pa wala akong dalang listaan. At halos isang taon na din naman akong namimili dito kaya kabisado ko na kung saan nakalagay ang mga bibilhin ko.Hindi nagtagal ang pamimili ko. Matapos kong makuha ang lahat ng kailangan ay agad ko na itong dinala sa cashier at sinabihan na lang sila na i-deliver sa bahay ko ang mga pinamili ko.Madalas naman na iyon ang gawain ko nang sa gayon ay makapamasyal pa ako ng sandaling oras nang walang iniintinding bitbitin.Nang matapos ang transaksyon ko sa grocery ay agad na akong lumipat sa restaurant na nasa tapat nito.Saglit lang naman akong kumain dahil kap
Asper Reign Dahlia’s PovKung noong una ay nagulat ako sa mabilis na progress ng construction ng bahay ni Caspian Jyn, pero sa paglipas ng araw ay hindi na.Well, malaking construction team naman kasi ang ni-hire nito para buoin ang kanyang magiging mansyon. Maliban pa doon ay wala ding tigil ang kanilang trabaho.Twenty four hours sila kung magtrabaho.Kaya siguro agad na akong sinabihan noong si Raj dahil talaga nga namang magiging maingay sila ng mga ilang araw.Though, hindi naman ako naapektuhan ng ingay na iyon dahil sa soundproofing na ginawa sa bahay kong ito.Pero kahit inaasahan ko na ang mabilis na paggawa nila ay nagulat pa din ako nang makitang matapos ang halos sampung araw ay tuluyan nang naayos ang kabuuan ng mansion.Ayon kay Mira, 300 square meters din ang lote na iyon. At tingin ko ay nasa two hundred lang ang lawak ng bahay na kanilang ginawa.Ang natitirang one hundred ay ang kabuuan para sa bakuran nito.“Malapit na pa lang matapos iyan,” ani Miracle na ay nakata
Asper Reign Dahlia’s PovNatapos ang buong mansyon sa katabing bahay sa loob lang ng labing limang araw. Mula sa haligi hanggang sa mga pader, sahig at bubong. Mayroon na din itong kuryente at tubig. Kumpleto na din ang mga gamit mula sa labas hanggang loob kaya pwedeng-pwede nang tirhan.At tanaw mula sa bintana ng kwarto ko na mahigpit ang security ng bahay na iyon kahit iilan lang ang mga guard na nagro-rounds sa bakuran nito.May mga cctv camera din kasi sa paligid at may kataasan ang pader kaya wala talagang magtatangka na pasukin iyon.Nakita ko na may limang kotse na din na naka-park sa garahe nila kaya mukhang nandyan na ang mga talagang titira doon kaya agad na akong bumaba.Sinuot ko ang contact lens ko at hinablot ang box na pinaglagyan ko ng mga cupcake na ginawa ko kaninang umaga.Ibibigay ko kasi ito sa kapitbahay ko dahil sabi nga ni Mira, mas mabuti na din iyong maayos ang ugnayan namin ng mga iyon dahil kung sakali nga namang may mangyari ay kami-kami lang din ang mag
Asper Reign Dahlia’s PovHindi ko inaasahan na magiging close agad ako sa mga kapitbahay ko. At ang dahilan kaya mabilis akong naging close sa kanila?Well, ang dessert ko lang naman.Nagustuhan kasi nila ang cupcake na binigay ko sa kanila noong unang araw na nagpunta ako sa kanila at nang malaman nila Karyu na ako mismo ang gumagawa ng mga product namin sa SweetHeart Cafe ay nag-request sila na magdala araw-araw.Kumontra pa nga si Rajiv at sinabi na mahiya sa akin ngunit mabilis kong sinabi na okay lang naman iyon at hindi nakakaabala dahil pwede ko namang isabay sa mga order na ginagawa ko ang para sa kanila.Then, Schlain insisted that they will pay their order para kahit paano naman ay hindi ako malugi sa pagpapakain sa kanila. Ang delivery fee na lang daw ang ilibre ko sa kanila.Halos tatlong linggo ko na iyong ginagawa kaya naman nagiging komportable na talaga akong kasama ang tatlong iyon.At sa loob ng panahong iyon ay hindi ko pa nakikita si Jyn.Minsan ko na iyong natanon
Asper Reign Dahlia’s Pov“I know that I was the one who suggest that you should be close to your neighbor,” ani Mira na naabutan kong kakababa lang sa sasakyan niya pagkagaling ko sa kapitbahay ko. “Pero hindi ko naman inaasahan na sa loob ng tatlong linggo ay malaya ka nang nakakapasok diyan.”“Well, they trusted me easily and they love my desserts.” Inaya ko na siyang pumasok at sa kusina na kami dumeretso dahil naihanda ko na naman sa mesa ang kakainin namin. “They want everyday supplies of SweetHeart’s product so I am giving them a special delivery.”“Nagiging busy ka na,” sabi niya. “Tingin ko ay dapat kumuha ka na ng makakatulong mo para sa paggawa ng products natin.”“For now?” Umiling ako. “I can still manage my time with doing our products and some other stuff.""Are you sure?" paninigurado niya. "I can just put a hiring sign so when you need them, we can just call them."Medyo napaisip ako sa sinasabi niya.Tulad ng sinabi ko kay Mira, kaya ko pa namang gawin ang lahat ng tr