Share

CHAPTER TWO

“Emergency couple chapter two”

“Hindi pwedeng malaman ni tito na nandito tayo sa guest house ninyo okay? Sabihan mo na ang mga maintenance nyo dito na wag sasabihing nandito tayo.”

“Okay copy.” Maikling sagot nito

“Sandali Sam, A- ahh kapag tumawag si tito sabihin mong paalis kayo ng bansa ni Jaycee for honeymoon at sabihin mo narin na mga one month kayo duon. Yung time na iyon ang gagamitin natin para mahanap si Jaycee.”

Tumango naman siya bilang pag sang ayon sa kaibigan.

Agad niyang kinausap sina manang Loida at mang Edwin na maintenance ng kanilang guest house. Sinabihan niya ang mga itong wag ipapaalam sa kanyang ama o sa kahit kanino na narito sila. Siya narin mismo ang tumawag sa ama para sabihing paalis sila ng bansa ng asawa for honeymoon.

“H- hi Dad. Sorry po kung secret ang naging wedding namin ni Jaycee. Gusto ko lang po kasing mag ingat baka po kasi maulit uli ung nangyari sa mga previous wedding ko.”

“It's okay iha ang importante successful ang wedding mo. Alam mo bang sobrang saya ko dahil finally married na ang princess ko. Sa kabilang banda nalulungkot din ako dahil simula ngayon hindi na kita madalas makikita at makakasama.” Sagot nitong bakas ang lungkot sa tinig

“Wag kana pong malungkot nag asawa lang po ako at hindi namatay kaya pwede mo parin akong makita kahit kailan mo gustuhin. Promise po didiretso kami ng husband ko dyan pag uwi namin after honeymoon.”

“Okay aasahan ko iyan iha. Sige na baka naaabala na kita mag enjoy kayo okay? Siya nga pala iha gusto ko sana ng maraming apo.”

“Dad talaga.” Reklamo niya

“Nagbibiro lang naman ako. Ohh sya sige mag iingat kayo.” Paalala nito bago tuluyang ibinaba ang linya

Nakaramdam siya ng guilt sa ginawa niyang panloloko sa ama ganunpaman kailangan niyang magpatuloy dahil lalong itong masasaktan o malulungkot kapag nalaman nitong peke ang naganap na kasal.

“Nagawa ko na ang mga inutos mo ano nang next step natin?” Tanong niya kay Elaine

“Susubukan na nating hanapin si Jaycee. Sana lang mahanap natin sya through social media.”

“Teka ano nga ulit ang full name ng one day groom ko?” Tanong nitong tila kiniilig

“Jaycee domingo, bagay sa kanya yung name nya diba? Kung iisipin malinaw parin talaga ang mga mata mo sa mga gwapo eh. Talagang pinili mo sya dahil gwapo diba?” Tudyo nito

“Ano kaba hindi ahh. Nag kataon lang na siya yung nakita ko at tsaka naka suit nadin si Jaycee nuong araw na iyon kaya okay na okay siyang mag panggap bilang groom.” Pagtatanggol niya sa sarili

“Sus! Denial pa ang bestfriend ko. Hoy! Miss Samantha clare Imperial kilalang kilala na kita at alam na alam ko rin ang mga tipo mo nuh kaya wag kanang mag kunwari pa riyan. Alam kong unang tingin mo palang kay Jaycee type mo na sya hindi ba? Aminin mo na bestfriend mo naman ako diba?” Pangungulit nito

“Hindi ahh! Bakit ko naman magugustuhan ang lalaking ngayon ko lang nakita? May sense ba yon?” Tanong niya at saka nag cross arms

“Naku mukhang kahit patayin pa kita hindi ka parin aamin. Hanapin na nga lang natin si Jaycee mo.”

Sinimulan na nila ang pagha-hanap sa binata ngunit hindi ito naging madali para sa kanila. Maraming lumabas na account na kapangalan ng binata ngunit hindi naman ang mga ito ang Jaycee na hinahanap nila.

“Pano na iyan hindi natin sya mahanap? Ano nang gagawin natin?” Nag aalalang tanong niya sa kaibigan

“Gagawin natin ang lahat para makita sya kaya wag kanang mag aalala okay? Kailangang mahanap natin siya bago pa niya mabasa ang article o makita ang mga picture's nyo sa internet.”

“Pero paano natin gagawin yon kung wala naman tayong alam tungkol sa kanya. Hindi rin natin mahanap ang social media account nya kaya paano natin sya makikita?”

“Tingin ko kailangan natin ng detective. Don't worry may kilala ako at mapagka- katiwalaan ang taong yon.”

“Mabuti naman kung ganon.” Sagot niyang tila nabunutan ng tinik sa lalamunan

“Kapag nahanap natin si Jaycee kailangan mo siyang mapa- payag na mag panggap bilang asawa mo kasabay no'n i- seduce mo siya para ma fall sya sayo at kung uubra ang plano nating ito hindi mo na kailangan pang mag pretend. Anong say mo sa idea ko?”

“Parang gusto ko yang idea mo pero sa ganda kong ito no need to seduce him dahil siguradong maiinlove agad yun sakin.” Kumpyansa niyang sagot

“Haha. Lakas din ng fighting spirit mo friend, pero totoo naman na maganda ka kaso laging iniiwan.” Kantyaw nito

“Ang hard mo sakin huh! Makikita mo mapapaibig ko din siya.” Buo ang loob niyang sagot

“Okay kung ganon settled na ang plan. Wait tatawagan ko muna yung friend ko para masimulan ang pag hahanap sa kanya.”

“Hi Mr. Marasigan may gusto sana akong ipahanap sayo at kailangan ko ng mabilis na resulta.” Bungad niya sa kabilang linya

“Asahan nyo po ang mabilis na resulta Ms. Estrella. Sino nga po pala ang kailangan kong hanapin?”

“Jaycee domingo ang buong pangalan niya. Mag sesend ako ng picture para madali mo siyang makilala at gusto kong tawagan mo ako kaagad in case na mahanap mo siya.”

“Yes Ma'am makakaasa po kayo. Sisimulan ko napo ang pag hahanap.” Paalam nito bago tuluyang ibinaba ang kabilang linya

Matapos niyang makipag usap sa detective ay agad niyang binalingan ang atat na atat na niyang kaibigan.

“Anong sabi nya? Mahahanap daw ba niya si Jaycee?” Di mapigilang usisa nito

“Simpleng case lang ang paghahanap ng tao para sa katulad niyang detective kaya ang kailangan nalang nating gawin ay mag hintay.”

Ilang araw din lumipas bago pa nag karoon ng resulta tungkol sa pag hahanap kay Jaycee. Tulad ng utos niya sa detective tinawagan agad siya nito ng magkaroon ng resulta sa ginawa nitong paghahanap.

Na confirmed nilang ito ang binata ng makita nila ang picture na galing sa detective. Excited nila itong tinawagan at sinabihang pumunta sa address na kanilang ibibigay kasama ang binata.

“On the way na sila kaya ihanda mo na ang sarili mo Sam. I'm sure na magagalit yun kapag nalaman niyang involve siya sa kalukohang ginawa natin.” Babala nito sa kaibigan

“Wag mo na nga akong takutin! natatakot na nga ako eh. Sana lang wag siyang magalit ng bongga sakin.”

Habang naghihintay sa pag dating nina Jaycee ay tila sasabog ang kanyang dibdib sa matinding takot. Punong puno ito ng agam agam ngunit hindi niya maamin kung para saan ang mga isiping iyon, dahil nga ba sa inaasahang galit ng binata o dahil sa muli niya itong makakaharap.

Maya maya pa'y tumunog na ang doorbell hudyat na nasa harap ng guest house nila ang kanyang one day groom. Bakas din sa mukha ng kaibigan niya ang takot kaya hindi nito mapag pasyahan kung papasukin ba ang mga inaasahan bisita ngunit muling tumunog ang doorbell kaya sa huli ay pinag buksan din nila ang mga ito.

“Good job Mr. Marasigan maasahan ka talaga.” Bungad ni Elaine ng pagbuksan nila ng pinto ang dalawang lalaki

“At your service Ma'am. In case po na may gusto pa kayong ipatrabaho tawagan nyo lang po ako.” Naka ngiti nitong sagot

Agad itong nag paalam sa kanila matapos niyang iabot ang isang envelop na may lamang malaking halaga.

“Long time no see po Miss Elaine ganon din po sayo Miss Sam. Ahh Bakit po ninyo ako pinahanap? kailangan nyo po ba ulit ng talent?” Tanong nitong wala paring kaalam alam sa mga nangyayari

“Wala kapa bang nababasa sa internet o kaya sa newspaper? ” Ani Elaine

“May dapat po ba akong mabasa?” Kunot nuong tanong nito sa kanila

“So hanggang ngayon pala hindi mo parin alam kung ano talaga ang nangyayari? Heto tingnan mo ang mga picture's nyo at basahin mo rin ang news paper nato.” Sagot niya sabay abot ng mga ito sa binata

Isa isa niyang tiningnan ang mga picture's na kumakalat ngayon sa social media at matyaga rin niyang binasa ang iba't ibang comment na nag papaabot ng pag bati sa kasal nilang dalawa. Isang comment ang na highlight sa kanyang mata. “Happy wedding Imperial princess and enjoy your married life.” Dinampot niya ang news paper at agad iyong binasa. Naka bungad duon ang wedding photo nila at may caption itong “Imperial princess is now finally married.”

Gulat at hindi parin siya makapaniwala sa mga nakita at mga nabasa kaya hinarap niya ang dalawang babae para hingian ng paliwanag.

“Anong ibig sabihin nito? Akala ko ba shooting lang ang kasal? Bakit pinagkakaguluhan ito ng mga tao? Ano ba talagang nangyayari pwede bang ipaliwanag ninyo? Kunot nuong baling nito sa kanila

“Iyan mismo ang dahilan kung bakit gusto ka namin makausap. Pinahanap ka namin para ipaliwanag sayo ang nangyayari kaya please calm down Mr. Domingo we will explaine this to you.” Ani Elaine

“Nakakatawang isipin na bigla akong naging groom ng isang Imperial princess. Hindi na ako magtataka kung bakit ganon nalang akong tingnan ng mga taong nakakasalubong ko nitong mga nagdaang araw.”

“Sorry kung ginulo namin ang buhay mo. Tanggapin mo sana ang paghingi namin tawad ng kaibigan ko.” Hingi ng tawad ni Elaine

“Sabi nga nila naka jackpot daw ako dahil maganda at mayaman ang pinakasalan ko. Sa totoo lang pamilyar ang mukha mo sakin nuong una palang pero hindi ko naman naisip na ikaw ang Imperial princess. Ngayon pwede mo bang ipaliwanag mo kung bakit mo ako isinangkot kalokohang ito?” Sarkastikong tanong nito sa kanya

“As you can see hindi talaga shooting ang wedding na nangyari nuon at hindi rin director ang kaibigan kong si Elaine. Nuong araw na inalok kitang maging groom ko iyon din ang 3rd wedding attempt ko pero tulad ng ibang ex- fiance ko hindi rin sumipot si Troy sa araw mismo ng aming kasal. Wala na ako sa sarili ko ng time na iyon dahil sa takot ko kay daddy. Ayokong ma- disappoint ulit sya kaya naisip kong humanap ng one day groom ko para lang matuloy ang kasal.”

“Ahh, kaya ba ako ang naisip mong paglaruan? Ano bang tingin mo sa mga tao sa paligid mo Ms. Imperial mga laruang di susi na pwede mong paganahin ayon sa gusto mo?”

“H- hindi iyon ganon Jaycee. Sorry dahil hindi ko naisip na lalala ng ganito ang sitwasyon dahil lang sa pagiging imature ko. Patawarin mo ako dahil nadamay ka sa gulong ginawa ko para lang takasan ang kahihiyan at dissapointment ni Dad.” Nangingilid ang luhang hingi niya ng tawad

“Sorry Mr. Domingo ako ang dapat sisihin sa mga nangyari. Ako ang nakaisip ng ideang iyon kaya sa akin ka dapat magalit.” Sabad ni Elaine

“Natulungan nyo rin naman ako ng araw nayon kaya tinatanggap ko ang paghingi ninyo ng tawad pero may gusto lang din akong linawin. Hindi naman legal ang kasal hindi ba kaya tingin ko wala ng problema back to normal tayo.”

“Oo hindi nga pero tingin ko may problema parin tayo.”

“Anong magiging problema?” Mabilis nitong tanong

“H- hindi man legal ang kasal pero para sa mga taong naka-panuod ng enterview ni Dad at sa mga nakakita ng mga picture's natin online iniisip nilang totoo ang lahat ng iyon.” Problemadong sagot niya sa binata

“Importante pa ba sayo ang sasabihin ng ibang tao?” Muli nitong tanong

“Wala akong paki alam sa sasabihin ng iba ang tanging inaalala ko ay ang daddy ko. Ayokong sumama ang loob niya kapag nalaman niyang peke ang naging kasal. Matanda na siya at marami nang sakit na iniinda. Ang ikinakatakot ko baka ito pa ang maging dahilan ng paglala ng sakit niya.” Malungkot niyang sagot

“So ano ang gusto mo gawin ko?” Tila naiinip nitong tanong

“Gusto kong mag panggap ka bilang asawa ko Jaycee.” Disidido niyang sagot

“Ano? Nasisiraan kana ba talaga ng bait?” Tanong nitong halata ang pagka gulat sa isinagot niya

“Don't worry dahil magpa- panggap ka lang hanggang sa mahanap ko ang lalaking handa akong pakakasalan. Nakikiusap ako sayo, handa akong mag bayad kahit mag kano para sa araw na hindi ka makakapag trabaho dahil sakin.” Pagsu- sumamo niya sa binata

“Nakakatawa na nangyayari pala talaga ang ganito in real life pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ang maganda at mayamang babaeng tulad mo ganon nalang ka desperadang magpakasal.” Pang iinsulto nito

“Desperada? Ang gusto ko lang naman ay magmahal at mahalin pero bakit sa ganito humantong ang lahat?! Hindi ko na alam ang dapat kong gawin kaya nga nakikiusap ako sayo please tulungan mo ako, kailangan ko ang tulong mo.”

“Paano kapag nalaman ng daddy mo na pagpapanggap lang ang lahat baka pati ako'y madamay pa sa galit nya. Isa pa may girlfriend ako kaya hindi ko talaga kayang gawin ang gusto ninyong mangyari.” Tanggi nito sa alok niya

“Anong pwede kong gawin para lang tulungan mo ako? Nakahanda akong gawin at ibigay ang lahat ng gusto mo basta't tulungan mo lang ako sa problema ko. Natatakot akong kumalat ang balita na hindi ulit ako sinipot ng fiance ko. Isa pa kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa pagkuha ko bayaran groom para lang matuloy ang kasal sigurado mas malalagay sa kahihiyan ang pamilya ko at baka hindi iyon kayanin ni daddy.”

“Sana lang naisip mo yan bago mo pinasok ang kalokohang idea na ito. Hindi ka character sa pelikula o sa kahit anong love story kaya sa susunod pag isipan mong mabuti ang mga disisyon mo sa buhay. Pasensya kana pero tingin ko hindi ko kayo matutulungan sa problema ninyong ito.”

Matapos ang mahabang pag uusap at pangungumbinsi nila sa binata bigo parin silang mapapayag ito. Wala narin silang nagawa ng mag pasya na itong umuwi ganon pa man ibinigay nalang ni Elaine ang contact number niya in case na mag bago ang isip nito para madali sila nitong ma contact.

Nakaramdam siya ng lungkot dahil sa mga masasakit na salitang iniwan ng binata sa kanyang puso. Inakala niyang madali niya itong mapapayag sa ginawa nilang plano ngunit nagkamali siya at ang pinaka masakit inakala niyang kaya niya itong paibigin tulad ng kanyang inaasahan ngunit sinampal siya ng katotohanan at nagawa rin nitong tapakan ang natitirang pride niya sa sarili.

All Rights Reserved 2020

Copyright © 2020 by LEEANNA89

_________________________________

A/N: Hello guys kamusta? Salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik sa aking obra.

Ps. Please vote, comment and follow me po. Thank you!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rachel
ayan kasi padalus dalos pero keri lang mukhang dahil dyan magkaka asawa kana...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status