Share

CHAPTER ONE

  

“Emergency couple chapter one”

“Halos 1hour late na si Troy, Sam Dadarating pa kaya yon? Hindi kaya tulad nina Cyrus at Limuel, hindi rin s'ya sisipot sa kasal ninyo?” Hindi mapakaling tanong ng kaibigan niyang si Elaine

 

“T- tama ang nasa isip mo Elaine, Kare- receive ko lang ng message n'ya. Hindi pa daw s'ya handang mag pakasal at nagkipag split narin s'ya sakin.” Hikbi niya sa kaibigan

“Nakakalungkot man ang pangyayaring ito ngunit hindi sila dapat panghinayangan dahil wala silang mga kwentang tao! Tama lang na hindi sila sumipot sa kasal ninyo dahil hindi mo deserved ang mga ganung klaseng lalaki! Napaka- iresponseble nila! Lalong hindi sila dapat pag aksayahan ng luha Sam kaya wag mo silang iyakan.” Wika nito habang marahang tinatapik ang kanyang likod

 

“Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nangyayari sakin ang mga ito. Sabihin mo nga may mali ba sakin?” Hindi mapigilang hagulgol niya

“Wala Sam, Wala sayo ang problema okay? Ang mga lalaking iyon ang may problema kaya pahirin mo yang luha mo dahil hindi ikaw ang nawalan kundi sila.”

Masama ang loob niya sa mga nangyari ngunit pinili parin niyang sundin ang payo ng kaibigan. Naisip niyang tama ito at kung tutuusin hindi ito ang kauna unahang hindi pag sipot ng kanyang groom kaya hindi na siya masyadong apektado bagaman natapakan ulit ang kanyang pride bilang babae.

Natigil sila sa pag uusap ng mag beep ang phone niya at nanlaki ang kanyang mata ng mabasa ang message ng ama.

“Elaine parating na daw si Dad in 30 minutes anong gagawin ko?” Tarantang tanong niya sa kaibigan

 

“Oh my God! Paano na ito? Tiyak na magagalit na naman si Tito Emilio kapag nalaman niyang cancelled ulit ang wedding mo.”

 

“May naisip akong plano pero hindi ko alam kung uubra ito pero bahala na.” Sagot nito habang lumilinga sa paligid na tila may hinahanap

Problemado si Jaycee habang naglalakad pauwi. Bagsak na naman kasi siya sa exam at job enterview sa kumpanyang kanyang inapplayan kaya muling nasayang ang mala executive niyang porma. Ang aga pa naman niyang gumusing kanina para dito. Nalu- lungkot siya dahil sa hindi pagkakatanggap sa trabaho kailangang kailangan pa naman niya ngayon ng trabaho dahil may sakit ang kanyang ina kaya't laglag ang kanyang mga balikat dahil sa labis na panghihinayang.

Busy siya sa pag sesearch ng online job ng biglang may kamay na pumigil sa kanyang braso kaya agad niya itong nilingon at medyo nagulat pa siya ng makitang isang magandang babae na naka wedding gown ang may ari ng kamay na iyon.

“A-ahh Miss may kailangan kaba?” Takang baling niya dito

“O- oo ano k- kasi, Ahh kailangan ko ng Groom.” Kanda utal nitong sagot sa binata

“Kailangan mo ng groom? Pwede bang linaw hindi ko kasi maintindihan kung ano ang pwede kong maitulong sa problema mo.” Naguguluhan niyang tanong sa babaeng kaharap

“Ang ibig sabihin ng kaibigan ko nag hahanap kami ng talent bilang groom niya. Nag sho- shoot kasi kami for music video. Gusto mo ba?” Sabat ng isa pang babae

“Oo tama, kailangan na namin maka kuha ng talent para sa

groom dahil ngayon araw na ang deadline of submission. Hindi kasi sumipot yung talent na kinuha namin kaya baka pwede ka? Parating na kasi si derik Emilio tiyak na magagalit iyon kapag nalaman niyang hindi pa settled ang lahat kaya please pumayag kana.” Pakiusap nito sa kanya

“Sorry pero wala akong alam sa ganyang trabaho kaya tingin ko'y hindi ko kayo matutulungan.” Kunwaring tangi niya para mag alok ito ng malaking halaga

“Mataas kami mag bayad ng talent fee.” Habol nito ng akmang tatalikod na siya

“Okay tara na! Simulan na natin.” Mabilis niyang sagot

“Tingnan mo tong lalaking ito nakarinig lang ng malaking talent fee ang bilis mag bago ng isip!” Bulong niya sa isip habang tinitinggnan ang lalaking muntik pang matalisod sa pagmamadali

“Ahh teka ano nga pala ang kailangan kong gawin? Wala pa akong experience sa ganitong trabaho kaya pwede bang ipaliwanag nyo muna ang mga kailangan kong gawin? ”Tanong niya sa mga ito

“Well Ganito wala tayong script dahil kailangan natural ang mga eksena. Kailangan ipakita ninyong dalawa na inlove kayo sa isa't isa. Mag imbento nalang kayo ng mga sasabihin ninyo sa vow siguro naman nakapanuod na kayo ng ikinasal sa tv? Gayahin nyo nalang ang mga iyon. Basta't ang pinaka importante maging kapani paniwala at makatotohanan ang kasal na ito.” Seryoso nitong sagot

“Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung kaya ko ang pina-pagawa ninyo pero sa ngalan ng malaking talent fee susubukan ko parin.”

“Basta maging natural ka lang at mag kunwaring inlove sa magandang bride mo i'm sure maganda ang kalabasan ng shoot natin. Sayang naman yang OOTD mo today atleast di na kami mahihirapan mag hanap ng susuotin mo.”

“Okay, pero wala ba talagang script baka kasi mag kamali ako?” Muling tanong niya sa nagpakilala assitant director na babae

“Tulad ng naunang sinabi ko wala tayong script. Hindi kami nagba- base duon para mas ramdam ng manunuod ang eksena. Basta't sundin mo lang ang mga sinabi ko kanina i'm sure na magiging maayos ang lahat.”

“Ahh ako nga pala si Jaycee domingo. Alam kong hindi  na kailangan pero gusto ko paring magpakilala sainyo.” Pagpapakilala niya

“Naisip ko mas mabuting nga sigurong magkakilala kilala tayo.”

“I'm samantha but you can call me sam for short.” Nakangiting pagpapakilala ng babaeng naka wedding dress habang makadaop ang kanilang mga palad

“Ehem!” Kunwaring tikhim nito ng makitang magkadaop parin ang kanilang mga palad

“Elaine ang name ko, anyway thank you dahil pumayag ka sa alok namin.”

Tumango na lamang siya bilang sagot. Inilibot niya ang paningin sa lugar ngunit wala man lamang siyang nakita kahit isang gamit para sa pag sho- shooting bagay na ipinag tataka niya. Duda man siya sa dalawang babaeng kausap hindi na lamang niya ito binigyan ng pansin. Trabaho na ang lumapit sa kanya at malaki rin ang offer ng mga ito kaya hindi na niya ito tatangihan pa.

Iniwan niyang nag uusap sina Jaycee at Sam habang pasimple naman niyang inalis ang mga bagay na may kinalaman kay Troy tulad nalang ng picture nila ni Sam sa gilid ng pinto ng simbahan.

“Mag sstart na tayo in 5 minutes so be ready guys.” Tawag pansin niya sa dalawa na tila nagkaka palagayan na ng loob

Maya maya pa'y nag simula na nga ang kasalan. Nag umpisa na ang pari sa kanyang mga sermon at paalala para sa dalawang ikakasal nag tanong din ito kung handa ba silang mag sama sa hirap at ginhawa sa lungkot o saya at tulad ng demand ni Elaine sinagot nila ito ng maayos at kapani paniwala.

Napansin niyang pati ang paring nag kakasal sa kanila ay in character din pati narin ang kanyang bride kaya para hindi siya mapahiya mas pinag buti niya ang pag arte.

Maayos at kapani- paniwala ang kasalang nagaganap kaya't masaya si Don Emilio dahil sa wakas natupad narin ang kanyang hiling para sa anak. Matapos ang palitan ng vow ng bride at groom ay nag tanong na ang pari.

“May tumututol ba sa kasalang ito? ” Tanong nito habang inililibot ang tingin

Kabadong luminga si Elaine sa paligid. Natatakot siyang baka biglang sumulpot si Troy at sabihing siya ang tunay na groom ni Sam at hindi ang lalaking kasama nito sa altar.

Muling nagpatuloy ang pari ng walang nagtangka na tumututol sa kasalang iyon.

“Dahil sa pag ibig na nakikita ko sa mga mata ninyo idini-diklara kong kayo ay kasal na.” Nakangiting saad ng nito

Nagulat sila sa sinabing iyon ng pari siguro'y sobrang in charater sila kaya inakala nitong totoong mahal nila ang isa't isa.

“You may now kiss the bride. ” Muling saad nito

 

Tumitig muna siya na tila nag tatanong kung okay lang sa bride niya na sundin nila ang sinabing iyon ng pari. Ngumiti naman ito bilang hudyat ng pagpayag. Ramdam niya ang matinding kabog ng dibdib niya ngunit pinilit niyang maging natural. Marahan niyang inilapit ang kanyang mukha palapit sa dalaga upang abutin ang malambot at mapula nitong labi.

Isang malakas at mahabang palakpakan ang pumutol sa halik nilang dalawa na tila naenjoy nilang parihas.

“Hello Neil bakit napatawag ka? Nasa wedding ako ngayon ng kapatid mo. Bakit nga pala wala ka dito?” Tanong ni Don Emilio sa panganay na anak

“What do you mean Dad? Natuloy ang kasal ni Sam and Troy?”

“Who's Troy? Jaycee ang name ng groom ni Sam tsaka bakit parang gulat na gulat kang natuloy ang kasal ng kapatid mo? Hindi kaba masaya for your sister?”

“No Dad, Of course im happy for her. Actually nasa mall ako ngayon nag-hahanap ng gifts for her wedding.” Paliwanag nito sa ama

“Okay, Akala ko nalimutan mo ang wedding ng kapatid mo. By the way let's again talk later tapos na kasi ang  wedding ceremony babatiin ko lang ang mga newly wed.”

“Okay Dad.” Maiksing sagot nito

Palabas na sila ng simbahan ng salubungin sila ni Don Emilio para batiin. Niyakap nito ang kanyang bride at tinawag din nitong anak bagay na ipinagtaka niya. Nakipag kamay ito sa kanya at sinabihang “Welcome to our family” Naguguluhan man sa  mga kaganapan inisip nalang niyang kasama pa ito sa shoot.

Matapos ang kasal agad nilang nilisan ang simbahan at mabilis na sumakay sa puting kotse na napapalamutian ng ibat ibang bulaklak at laso. Nang mapag solo sila ay halos walang gustong mag salita isa man sa kanila dahil sa ilang na namamagitan sa kanilang dalawa. Ganunpaman sinikap ni Jaycee na labanan iyon kaya siya na ang bumasag sa nakakabinging nilang katahimikan.

“M- miss Sam sorry kanina. Sabi nyo kasi gawin ko yung ginagawa ng mga normal na kinakasal eh tsa- ”

  

“It's okay dont worry.” Maagap nitong sagot

Tumango lang siya bilang sagot pagkatapos no'n ay tila nagkaroon ulit ng harang sa kanilang pagitan.

“Congrat's nga pala ang galing mo kanina. Napaniwala mo si Dad E- este si derik pala.” Basag nito sa nabubuong ilang sa pagitan nila

“Actually hindi ko pa nga ginalingan ehh.” Pagyayabang niya

“Haisst! May pagka hambog din talaga ang lalaking ito.” Bulong niya sa isip

“A- ahh ito nga pala yung talent fee mo.” Sagot nito sabay abot ng isang envelop na pera

 

“Salamat, Malaking halaga ito at Sa totoo lang kailangan ko talaga ng pera ngayon eh. May sakit kasi ang nanay ko at kailangan kong mabili ang gamot nya. Salamat talaga hindi man ako naka pasa sa enterview ko ngaun nag offer naman kayo ng trabaho at mas malaki pa ang kinita ko.”

“Naku wala yon. Actually sinave mo ako today kaya thank you. Ahh saan ka nga pala nakatira ipapahatid narin kita.” Alok nito sa kanya

“Naku hindi na Miss Sam. Medyo makalat sa bahay nakakahiyang makita mo pa yun. Dyan nalang ako sa kanto lalakarin ko nalang pauwi malapit narin naman ako samin.” Tanggi niya

“Okay. Thank you ulit and bye one day groom.” Nakangiting kaway nito habang paalis siya

Masayang tinatanaw ni Sam ang binatang papalayo sa kanyang kinaroroonan nang biglang mag ring ang kanyang phone.

“Elaine napatawag ka may problema ba?” Bungad niya sa kaibigan

“Kasama mo paba ang groom mo?” Tanong nito sa kabilang linya

“Nakauwi na siya kanina pa kailangan nya daw kasing bumili ng gamot para sa nanay nya. Oo nga pala thank you sa idea mo kanina, You save my day friend. ”

“Wag ka munang mag thank you dahil may mas malaki pa tayong problema ngayon. Haissst! feelling ko lalo lang kitang ipinahamak eh.”

“Ano bang pinahamak ang sinasabi mo dyan? Linawin mo nga naguguluhan ako sayo eh.”

“Si Tito Emilio kasi nag pa enterview about sa wedding mo. Nag bigay din siya ng picture at video ninyo ni Jaycee sa mga press na kuma-kalat ngayon sa mga social media at naka publish narin sa ilang newspaper. ” Pagku-kwento nito

“So? Anong masama duon? happy lang si Dad dahil finally kasal nako. ”

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kumakalat na ngayon ang wedding picture's at video ninyo at kapag nakita iyon ni Jaycee malaking problema ang kakaharapin mo. Get's mo naba?”

“Haisst! Ang boba ko bakit ba hindi ko kaagad naisip yun? Teka pano na? Anong gagawin natin? May naiisip kabang idea? Tulungan mo ako please.” Pakiusap niya

 

“Hiningi mo ba ang contact number ni Jaycee o kahit address man lang?”

“Hindi eh. Hindi ko naman kasi naisip na kakailanganin ko pa syang ulit. Hay hindi talaga ako nag iisip!” Paninisi niya sa sarili

“Haha. Wala namang bago duon Sam.” Natatawang sagot nito

“Ang bad mo sakin kainis ka!” Kunwaring pagtatampo niya dito

“Haha. Nagbibiro lang ako kaya wag kanang mag tampo.”

“Oo na! Pero pwede bang tulungan mo muna akong hanapin sya? Kaso saan natin sya hahanapin ngayon? ” 

“ Wag kanang mag alala natandaan ko naman ang full name nya kaya pwede natin syang hanapin through social media. Mag kita tayo sa guest house nyo sa Tagaytay duon natin pag usapan ang gagawin nating plano. ”

“Okay, Mag kita nalang tayo duon.”

Hindi niya maintindihan dahil may tuwa siyang nakapa sa kanyang dibdib ng malamang magkikita silang muli ng kanyang one day groom.

All Rights Reserved 2020

Copyright © 2020 by LEEANNA89

_______________________________

A/N: Hello guys! Sana samahan nyo ulit ako sa panibagong yugto ng mga character ko.💕

Enjoy reading po thanks!

Ps. Please vote, comment and follow me. Labb you guys!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Author Lee
Ay bongga iba na talaga kapag mayaman...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status