Share

CHAPTER FIVE

“Emergency couple chapter five”

   

“Koreaaaa im here again!” Sigaw ni Elaine habang nakalawit ang ulo sa bintana ng kotse

“Hoy! Ano kaba? Umupo ka nga ng maayos dyan! Tuwing mag tatravel tayo nagkaka-ganyan ka hindi ka paba nag sasawa?”

“Kailan man hindi ako mag sasawang mag travel dito dahil para sakin korea is life.” Nakangiti nitong sagot 

“Kung ganon bakit hindi ka nalang magpa petition kina kuya Jin at ate Yhannie?”

“Hindi mo parin ba alam ang dahilan kung bakit hindi ko maiwan ang pilipinas?”

“Teka hulaan ko ahh. Hmm si kuya Neil ba?”

“Haha paano mo nalaman?” Di makapaniwala nitong tanong

“Hoy! Obvious kayang crush mo ang kuya ko.”

“Ganon ba talaga ka obvious? Haissst! Kung hindi lang dahil sa kuya mo susunod na talaga ako dito kina ate yhannie para updated ako sa mga oppa ko.”

“Maganda at payapa ang bansang ito yon nga lang medyo mahirap makipag commiunicate, hindi naman kasi tayo marunong ng langguage nila.”

“Ano kaba sabi nga nila kung gusto may paraan kaya kung hindi parin magiging kami ng kuya mo, dito na talaga ako mag sstay at mag fofocus nalang ako sa mga oppa ko.”

“Hay! Puro kasi kdrama ang inaatupag mo ayan tuloy hindi mo maasikaso ang lovelife mo.” Tudyo niya sa kaibigan

“Sus! Palibhasa nahanap mo na yung sayo eh.” Sagot nito sabay sulyap sa tulog na si Jaycee

“Nahanap ko na?! Sino yang lalaking yan? duhhhh! Pwede ba Elaine alam mong hindi ko type ang mga lalaking sobrang puti dahil hindi sila machong tingnan.” Taas kilay niyang saad

“Hoy ano kaba? Hinaan mo naman ng konti yang boses mo baka marinig ka nya.” Saway nito sa kanya at saka sumulyap muli kay jaycee

“Anong marinig hindi mo ba alam na malala pa sa mantika kung matulog ang lalaking yan.” Inis na baling niya sa lalaki

“Ang hard mo naman kay Jaycee, friend samantalang kanina para kang palay na tinutuka ng manok. Umamin ka nga hindi ka man lang ba kinilig kahit konti kanina?” Pang iintriga nito

“Kinilig? No way!! Kahit kailan hinding hindi ako maiinlove sa lalaking yan! Kung sa butterfly lang din na iyan magpapakaburo nalang ako! Anyway hindi naman iyon mangyayari dahil gagawin ko ang lahat para mahanap ko agad ang Mr. right ko at nang matapos narin ang kalokohang ito.” Sagot niya at pinag krus pa ang kanyang braso

“Uyy! Wag kang ganyan diba nga may kasabihang “The more you hate the more you Love.” Ani Elaine

“Pwede ba! Hindi ko sya hate pero mas lalong hindi ko sya love kaya tumigil ka!” Singhal niya sa kaibigan

“Kung hindi mo siya hate at hindi rin love ano mo sya?” Tanong nitong may halong pang aasar

“Ayy ewan! Matulog ka na nga lang umiral na naman yang kadaldalan mo eh.”

"Oo na matutulog nalang ako. Baka sa panaginip ko umamin kana." Muling tudyo nito at saka sumandal at pumikit

Mahaba ang naging byahe kaya nang marating nila ang vacation house na pagma- may ari ng mag asawang Jin at Yhannie, agad silang bumaba ng kotse dahil maginaw sa labas at bukod pa duon gusto rin nilang ipahinga ang ngawit at pagod nilang katawan.

“Dalawa lang ang room dito, so siguro naman pwedeng share nalang kayo ng room ni Jaycee tutal naman husband and wife na kayo.” Baling nito sa kanila

“Anooo?! Ayoko nga!” Mabilis niyang tanggi

“Wag kang mag alala dahil ayoko din namang katabi ka, dito nalang ako sa couch okay na ako dito.” Sagot nitong tila nainis sa inasal niya

“Hay naku! Kayong dalawa hindi ba talaga pwedeng lumipas ang isang oras nang hindi kayo nag babangayan huh? Nakakalimutan nyo na bang kailangan nyong mag panggap bilang mag asawa? Marami na tayong hirap dito kaya pwede bang kahit minsan mag kasundo naman kayo?” Saway nito sa kanila

Natahimik naman silang dalawa kaya pumasok na ito sa sarili nitong kwarto. Kinuha niya ang kanyang mga gamit at mabilis na pumasok sa isa pang kwarto at dahil sa pagod na nararamdaman dala ng mahabang byahe agad silang nakatulog maliban kay Jaycee.

“Grabe talaga ang babaeng iyon! Hindi man lang ako inabutan ng unan o kahit blanket man lang ang ginaw pa naman.” Inis na bulong niya sa sarili

Pilitin man niyang ipikit ang kanyang mga mata ay hindi siya makatulog dahil sa lamig na nanunuot sa buo niyang katawan. Nag pasya siyang kumatok sa kwarto ng asawa ngunit hindi ito naka lock kaya pumasok nalang siya at hindi na ginambala pa ang tulog na babae. Palabas na sana siya ng silid bitbit ang mga kailangang gamit ng masulyapan ang himbing na himbing niyang asawa na nakabalot sa makapal na blanket. May kung anong nag udyok sa kanyang tabihan ito at pagmasdan habang natutulog.

“Maganda naman siya at mayaman pa pero bakit kaya lagi siyang iniiwan ng mga nakarelasyon nya? Hmmp. Kung sabagay hindi sana kita katabi ngayon kung natuloy ang kasal mo sa lalaking iyon.” Bulong niya sa isip

Patayo na sana siya ng bigla itong pumihit paharap at yumakap sa kanya. Marahil napagkamalan siya nitong unan dahil ikiniskis pa nito ang mukha sa dibdib niya. Tila may kuryente siyang nararamdaman dahil sa pagkakadantay ng ulo nito sa kanyang dibdib, gusto niya itong itulak palayo ngunit natatakot siyang baka magising ito at gumawa ng eskandalo. Minabuti nalang muna niyang manatili at hintayin na ito ang kusang kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

Hindi na niya maalala kung ilang butiki na ang nakita niyang pagapang gapang sa kisame at hindi narin niya mabilang kung ilang beses na siyang naghikab dahil sa sobrang antok. Pakiramdam niya sobrang bigat na ng kanyang mga talukap ngunit pilit niya itong nilalabanan.

Sinubukan niyang gawin ang lahat upang labanan ang antok na nagsusumiksik sa kanyang mga mata ngunit bigo siya nang tuluyan siyang iduyan ng lamig ng aircon.

Kinabukasan...

Isang malakas na tili ang gumising sa kanya kaya bigla siyang napa bangon sa kama.

“B- bakit nandito ka huh?! Sabi ko na nga ba manyak ka eh!” Sigaw nito habang takip takip ng blangket ang katawan

“Ako Manyak?! Hoy! Para sabihin ko sayo pumasok ako dito kagabi para kumuha ng unan at blanket pero bigla mo akong niyakap.”

“Wag mong akong baliktarin dahil ikaw ang pumasok sa kwarto ko.”

“Makinig ka okay? Ikaw ang yumakap sakin, ginusto kong tanggalin ang pagkakayakap mo pero natakot akong baka magising ka at magsisigaw ng tulad nito kaya hinintay kong ikaw na ang kusang lumayo pero dahil parang nag enjoy ka sa katawan ko nakatulugan ko ang pag hihintay.” Mahabang paliwanag niya

“A- ako ba talaga ang yumakap ako sayo?” Kanda utal niyang tanong

“Ganon na nga! Ano masarap bang gawing unan ang dibdib ko?” Sarkastikong niyang tanong

“Tulog ako kaya paano ko iyon malalaman?! Isa pa sabihin nating yumakap nga ako sayo, pero dapat ginising mo parin ako hindi yung hinayaan mo lang. Malamang nag enjoy ka rin kaya hindi mo ako sinubukang gisingin! Ang sama mo talaga!” Maktol nito

“Anak ng kamote naman! Tumigil nga kayong dalawa! Ang aga aga pa para mag away! Nakakahiya sa mga neighbor natin umaabot sa kanila ang pag aaway ninyo.” Saway nitong tila nag saway ng makukulit na anak

Natameme naman sila dahil sa sinabing iyon ni Elaine. Naisip nilang tama ito, na maaga pa para mag talo at mayroon silang kapitbahay na pwedeng mabulabog.

Masamang tingin ang ipinukol niya kay Jaycee bago tuluyang lumabas ng silid. Kahit maaga pa ay pakiramdam niya'y kumukulo ang dugo niya dahil sa sobrang inis at pagka pahiya kanina yun nga lang ay mas malakas ang pagkulo ng sikmura niya kaya nag hanap siya ng pwedeng makain sa kitchen.

“Sam and Jaycee may pupunta tayo mamaya kaya mag ready kayo. Kailangan nyo ng ilang picture na nasa vacation para may mai post tayo sa social media. Im sure naghihintay na ng update ang fans ninyo. Isa pa baka mag tanong si tito Emilio atleast may proof kayong pwedeng ipakita.”

Wala imik ang mga ito kaya muli siyang nagsalita.

“Oo nga pala importanteng sweet kayo sa mga picture's kaya stop fighting muna okay?”

“Kailangan ba talaga yan? Ang hirap naman ng pinapagawa mo.” Reklamo niya samantala nanatili namang tikom ang bibig ni Jaycee

“Wag nga kayong puro reklamo! Madali lang ang pinapagawa ko lalo na kung susubukan nyong magkasundong dalawa kahit bukas lang. Isipin nyo nga bakit ba tayo nandito? Ikaw Sam diba kaya mo ito ginagawa dahil ayaw mong malaman ni tito na hindi natuloy ang wedding mo? At ikaw Jaycee diba kaya ka pumuyag na mag panggap para sa perang kailangan mo? Kailangan nyo ang isa't isa kaya please mag tulungan kayo. Ang hirap kasi sainyo para kayong aso't pusa eh. Gusto nyo bang sabuyan ko kayo ng asukal para maging sweet naman kayo kahit konti?” Wika nitong tila nauubusan na ng pasensya sa dalawa

“Sakin walang problema ewan ko lang sa kanya.” Sagot nito sabay sulyap sa gawi niya

Pumayag na ang damuho niyang asawa kaya nasa kanya na ngayon ang nagtatanong na mata ng kaibigan.

“Oo na pumapayag na ako.” Kanda haba nguso nitong sagot

“Okay good! Pupunta muna ako kina ate Yhannie, duon muna ako hanggang 5pm nakiusap si ate na ako muna ang mag bantay kay Gabbin dahil may lalakarin silang importante. Basta mag ready kayo before 5pm susunduin ko kayo dito okay?” Paalala niya

“Oo na sige na, ingat sa pag didrive.” Paalala niya

“Thanks pero tingin ko ikaw ang dapat mag ingat.” Sagot niyang may halong pang aasar bago tuluyang ini start ang kotse

Dahil sa sinabing iyon ng kaibigan ay bigla siyang kinabahan. Sila nga lang pala ng peke niyang asawa ang maiiwan sa bahay at tiyak na disaster ito dahil wala si Elaine na laging pumapagitna sa tuwing sila'y nag aaway.

Habang nagkakape ito hindi niya sinasadyang matabig ang baso nitong may lamang kape at tumapon itong lahat sa dibdib ng kanyang asawa.

 

“Naku! Sorry Hindi ko sinasadya.” Hingi niya ng tawad habang tarantang pinupunasan ang parteng dibdib nito

“Hindi mo sinasadya? I don't think na nagsasabi ka ng totoo. Base sa nakikita ko pati na sa ginagawa mo ngayon intention mo talaga ito para ma tyansingan mo ako. Alam kong gusto mo ako pero wag ka namang masyadong mag pahalata.” Sarkastikong wika nito

“What? Type kita? Ang lakas naman ng bilib mo sa sarili mo nuh?! Tsina-tyansingan kita? Gusto mong ipagtimpla ulit kita ng kape?” Tanong niya habang tumatawa ng mapakla

“Ipagtitimpla mo ako? Bakit para ba magising ako o di kaya'y kabahan?” Nang iinis nitong tanong

“Hindi isasaboy ko sa makapal mong mukha!” Mataray niyang saad

“So ang ibig bang sabihin ng pagsusungit mo sakin, hindi mo ako type?” Tanong nito kasunod ang pilyong ngiti

“Oo ganon na nga! Kaya wag kang mangarap ng gising dahil mabibigo ka lang at gusto kong ipapaalala sayo baka kasi nakalimutan mo agad na kaya tayo nag pakasal dahil lang sa kasunduan?” Taas kilay niyang sagot

“Ngayon malinaw na hindi mo nga ako type. So kung hindi mo nga ako gusto dapat kahit na gawin ko ang bagay na ito hindi ka maapektuhan.” Sagot nito habang hinuhubad ang damit na nabasa ng kape

“Anong ginagawa mo?! Mag suot ka nga ng damit ang halay mong tingnan!” Sigaw niya habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang mata

“Mahalay nga bang tingnan o mahalay ang tumingin?” Tanong nito habang unti unti lumalapit sa kanya

“Ano ba lumayo ka nga sakin! Pag hindi ka lumayo sisigaw ako.” Banta niya ngunit tila bingi ito kaya sinubukan niyang sumigaw ngunit maagap ang kamay nitong tumakip sa kanyang bibig

Ramdam niya ang init na nagmumula sa kamay nito kaya muntik na niyang makalimutang huminga mabuti nalang at inalis din kaagad nito ang kamay na tumatakip sa kanyang bibig ngunit hindi iyon duon nagtatapos. Bawat hakbang nitong palapit ay siyang hakbang niya paatras, nagulat pa siya ng maatrasan ang sulok na bahagi ng bahay at nang tuluyan siya nitong ma- corner.

Automatikong napapikit ang traydor niyang mga mata ng makita ang dahan dahang pag lapit ng mukha ng kanyang asawa ngunit napadilat siya ng marinig niyang pindutin nito ang switch ng ilaw at mag salita.

“Maliwanag na sayang naman ang kuryente.” Wika nitong kasunod ang nakakalukong ngiti

Muling nag kulay kamatis ang kanyang pisngi ngunit hindi dahil sa kilig kundi sa labis na kahihiyan. Sobrang sama ng loob niya dahil nahulog siya sa patibong ng peke niyang asawa kaya dali- dali siyang pumasok ng kwarto at duon nag kulong. Duon niya ibi-nuhos ang mga luha kanina pang gustong mag alpasan sa kanyang mga mata dahil muli na namang napag laruan ang kanyang damdamin.

Nakatanggap ng text si Jaycee mula kay Elaine na hindi daw matutuloy ang lakad nila dahil hindi ito makakauwi. Kinatok niya ang asawa para ipaalam ang message ni Elaine ngunit hindi ito sumasagot. Marahil galit pa ito sa ginawa niya kanina kaya naman hinayaan na lamang muna niya itong magpalipas ng sama ng loob.

Nilalamig man kailangan niyang mag shower dahil nanlalagkit siya sa kapeng tumapon sa kanyang katawan. After niyang maligo ay muli siyang nag timpla ng kape para maibsan ang lamig na nanunuot sa kanyang balat. Nagbasa basa siya ng mga nakakalat na magazine duon ngunit sumakit lang ang ulo niya dahil hindi naman niya ito maintindihan dahil Hangeul ang naka imprinta dito.

Naubos na ang lahat ng pwedeng niyang gawin ngunit hindi parin lumalabas ng kwarto ang kanyang asawa kaya nag simula na siyang mag alala. Gusto na niya itong pasukin ngunit nag hintay parin siya na lumabas ito. Dumidilim na ang paligid at nakaramdam narin siya ng gutom kaya nagpasya siyang ipag luto na muna ang sarili.

Matapos kumain ay muli siyang naghintay sa pag labas nito ngunit pasadong alas dyes na ng gabi hindi parin ito lumalabas ng kwarto kaya duo'y nag pasya na siyang pasukin ang asawa. Hinanap niya ang master key ngunit hindi niya ito makita kaya sinubukan niyang ibunggo ang sarili sa pintuan ngunit hindi parin umubra kaya muli siyang naghanap ng gamit na pwede ipang sira sa pinto.

All Rights Reserved 2020

Copyright © 2020 by LEEANNA89

_________________________________

A/N: Hello guys kamusta kayo? Sanay nagustuhan nyo ang chapter nato.

Ps. Vote, comment and dont forget to follow me for more kiligs story! Thank you♡

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status