Share

EXOTIC GIRL 11

Pagdating sa likod ng library ay napasalampak kaagad ako sa lupa. Wala akong pakialam kesehodang madumihan ang gown ko. Napahagulgol ako ng iyak. Tinimpi ko lang kanina sa harap ng ibang tao ang aking nararamdam kahit na gusto ko nang bumunghalit ng iyak at magsusumigaw sa sama ng loob.

Wala akong may nakikitang mali sa performance ko. Lahat binigay ko. Kahit hindi ako manalo. Kahit man lang sana sa Top 3. Kahit ang mga manonood ay humihiyaw sa aking pangalan kanina.

Anaya..

Anaya…

Pero lahat nang ‘yon ay nawalan ng saysay. Ngayon ko napagtanto na ang hirap pala kalaban ang mga mayayaman at may koneksiyon sa lipunan. Kahit anong pagpupursige mo, may mga balakid sa iyong pangarap. Katulad ni Ronila, mas magaling at maganda ang performance ko pero dahil isa si Senyor Roberto sa may-ari ng eskwelahan ay siya ang nanalo.

“Huhuhu…” sumisinok pa ako habang tumaas baba ang aking balikat sa pag iyak.

Habang umiiyak ay pilit kong inaabot ang zipper ng aking suot na gown. Lalo akong pumalahaw
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status