Share

EXOTIC GIRL 17

Nag-aagaw na ang aking antok nang maramdaman kong nagbukas ang pinto ng aming cottage. Sa pag-aakalang si Julia at Miana na ang pumasok ay itinuloy ko nalang ang naunsiyami kong tulog. Hindi ko na cheneck dahil nakapatay ang ilaw sa aming cottage.

Pasado alas onse na nang gabi at antok na antok na ako kaya nauna na akong nagpaalam kanina sa kanila. Ang naiwan ay sina Julia, Miana, Johnson, Jessica, Ronila at Ronnie. Nagulat nga kami kanina at bigla nalang sila nakisali sa aming grupo. May dala dala silang mga alak. Dahil nga hindi kami mahilig sa alak ay kumuha nalang ng juice si Jessica at iyon ang binigay sa akin.

Si Julia at Miana naman ay nagiging madaldal na dahil sila ay tumikim naman ng alak dahil sa panunulsol ni Jessica at Ronila. Kahit na pinigilan na sila ni Johnson ay tawa lang sila ng tawa. Si Johnson naman ay naka ilang bote na rin ng beer pero nakokontrol pa rin niya ang kanyang sarili, hindi kagaya ni Ronnie na tahimik lang pero medyo nakalungayngay na ang kanyang ulo.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status