"PAANO?" mahina kong usal habang nakahawak sa dibdib. "Paano akong magiging masaya kung ang sarili kong kasiyahan ay napahamak dahil sa akin?""Tatiana..." Yumakap sa akin si Plum. "I'm sorry. Hindi ko agad nakita ang pagpunta ni Elias do'n. Masyadong mabilis ang pangyayari."Hindi ako tumugon at nanatiling nakayuko habang patuloy pa ring umaagos ang masaganang luha. Ilang oras na kaming naghihintay dito sa harap ng ICU ngunit hindi pa rin lumalabas ang doktor. Naroon naman sa pinto ang pamilya ni Elias habang katabi ko sina Yara at Jill na kanina pa rin umiiyak.Ni hindi ko magawang tignan ang mga magulang ni Elias dahil nahihiya ako. Kasalanan ko kung bakit nadamay ang anak nila sa magulo kong mundo. Dapat dinoble ko ang proteksyon niya para hindi siya mapahamak. Pero heto ako, unti-unti nang nadudurog dahil sa mga nangyayari.Gusto ko na lang ulit maglaho pero sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi sa akin ni Elias ay hindi ko na 'yon magawa. Nagkaroon na rin ako ng takot kay Lord na
TATLONG araw pa lang akong nakakulong sa kung saang bahagi ito ng Manila ay para na naman akong mababaliw. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko nang dakpin ako ng Omega dati, tila wala akong kawala.May kumatok sa pinto. Bumukas din 'yon at pinasok ng French officer ang tray ng pagkain. Sumaludo siya sa akin kaya tumango lang ako bilang pasasalamat."Major Chastain wants to know if you're done planning the capture of Omega boss?""Yesterday pa," irap ko. "And tell him I need more special paper like this." Tinaas ko ang papel. "The scented one, okay? Like the smell of the church.""Understood, Captain." Saka siya lumabas.Nilingon ko ang salamin at nakitang nangangalumata ako dahil sa puyat. Sa sobrang pag-aalala kay Elias, hindi ako nakatulog. Wala akong balak matulog, lalo na't kailangan kong tapusin ang mahahalagang sulat. Sulat para sa baby boy ko.Kinuha ko ang tray at nag-antanda upang taimtim na pasalamatan ang Panginoon sa araw-araw na biyaya. Sumubo na rin ako ng sisig at tinuloy
"IN the world where everything seems uncertain, God always loves you beyond words, time and distance."Iyon ang mga katagang sinulat ni Elias sa kaniyang journal notebook. Ang katagang namuo sa kaniyang isipan nang mapakinggan ang sermon ni Father Ben. Kauuwi lamang nila mula sa simbahan at agad siyang tumungo sa kwarto upang gumawa ng reflection. Nakasanayan na niya ang gano'ng gawi mula pa noon at hindi siya magsasawang gawin 'yon araw-araw.Biglang nahagip ng tingin niya ang litrato nilang dalawa ni Tatiana. Stolen shot 'yon habang papunta sila sa garden ng Gilbert mansion. Nakatingin sila sa isa't isa, parehas may matamis na ngiti sa labi at magkahawak ang kamay. Si Jill ang kumuha niyon at binigay sa kaniya bilang remembrance dahil napansin nitong wala pa silang picture kahit isa.Yumuko siya, pinatong ang baba sa mesa at nilapit ang picture frame upang mas mapagmasdan ang nobya."Kamusta ka na?" bulong niya at agad na namuo ang luha. "Miss na miss na kita."Hinding-hindi niya ma
"CLASS dismissed. See you next semester."Tumayo si Elias at niligpit na ang mga gamit."Ano, pre?" Inakbayan siya ng kaklase. "Sasama ka ba sa amin mamaya? Laro tayo ng basketball.""Hindi." Sinukbit niya ang bag. "May pupuntahan ako.""Ay, alam na! Pupunta ka ulit ng France, 'no? Makikipagkita sa girlfriend." Saka sila muling naghiyawan. "Elias Gentry at your service!"Tinapik niya sa balikat ang mga ito. "Mauna na ko.""Ingat, pre! Magbaon ka ng proteksyon."Napailing na lamang si Elias at lumabas na ng room. Dumaan din siya sa simbahan bago tuluyang umuwi."Ma, ako na po r'yan," sambit niya. "Sabi ko naman po ako na ang mag-aayos ng damit sa maleta.""Patapos na ko, anak. Hubarin mo na 'yang uniporme at magpalit ng damit. Baka mahuli ka pa sa flight."Sinunod na lamang niya ang ina at pumasok na sa kwarto. Saglit siyang nag-shower at nagbihis. Bitbit ang trench coat ay lumabas siya habang sukbit ang backpack."Sana this time magkita na kayo ni Ate," nguso ni Elle. "Four months ka
7 years later..."EACH day is a blessing. Blessing to enjoy life to its fullest, blessing to correct any mistakes, blessing for us to forgive, blessing to ask for forgiveness and blessing to love and be loved. How wonderful that our God is a God of many blessings. God is good. God has been good. God is always good and will aways be good! Amen?""Amen!" sabay-sabay naming sambit. "Praise the good Lord!""Go forth, the mass is ended.""Thanks be to God."Masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa buong simbahan. Nakangiti naman akong tumugtog ng piano kasabay nang pagkanta ng choir ng I Will Sing Forever bilang recessional song. Mula sa altar ay nakita kong sumamang naglakad pababa si Elias kay Father Ben upang alalayan ito. Lalo na nang lumapit ang mga bata't matanda upang magmano sa pari."Maraming salamat po, Ate Tatiana!" malakas nilang wika nang matapos ang kanta. "Sa susunod na Linggo po ulit ikaw po ang tumugtog, ha?""Oo naman," ngiti ko at ginulo ang kanilang buhok. "Dumeretso
7 years ago... NANGINGINIG ang mga kamay ko habang nagpapalit ng damit at pilit pinipigilan ang pagtakas ng luha. Hindi ko na makilala pa ang sarili ko dahil sa mga ginagawa ko. Hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong tumapak sa mundong 'to.Ang dami kong nasaktan. Ang daming inosenteng nasaktan dahil sa akin. Ngunit wala akong magawa para itama 'yon. Hawak nila ako. Hawak nila ang leeg ko sa loob ng limang taon. But not until this day came.Hindi ako karapat-dapat sumaya ngunit kahit ngayon lang, nakaramdam ako ng kaunting pag-asa. Pag-asa sa habambuhay kong kalayaan at pagbabago.Sumakay ako sa big bike saka mabilis na humarurot paalis. Pagdating ko sa hideout, sumalubong agad sa akin ang sikretong bandila ng Omega na kinakabit sa gitnang poste ng bulwagan. Napangiwi na lang ako at dumeretso sa opisina niya ngunit malayo pa lang ako ay humarang na agad ang mga tauhan sa pinto."Où allez-vous?" (Where are you going?)"Isn't it obvious, dimwit?" I replied. "I w
"HOSTAGE taking is happening at Autun, Paris. Bus is on the middle of the road, including 40 kindergarten pupils."Mabilis kong sinuot ang tactical protective gear at dinampot ang HK-MP5 submachine gun saka kumaripas nang takbo pasakay ng renault truck defense. Sumunod sa akin ang mga kasamahan ko at humarurot paalis."Hostage takers are equipped with two MR 73 Manurhin revolver and two Mauser rifle."I slightly crooked. The hostage takers are quite rich. They could afford that kind of firearms."So, total of 4 takers inside the bus," I said on the line."2 inside, 2 outside.""Got it."Huminto ang truck sa gilid ng isang gusali. Maliksi akong bumaba habang bitbit ang armas. Nadatnan namin ang school bus sa gitna ng kalsada. Naroon na rin ang mga pulis sa paligid, binabantayan ang galaw ng dalawang hostage takers sa labas."Captain," mahinang usal ng troop ko sa aking likuran. "We're waiting for your command.""Give me binoculars first."Agad kong kinuha ang inabot nila at tinapat sa
"OH my gosh, Tatiana!" tili ni Plum saka tumakbo palapit sa akin, talagang hindi natatapilok sa suot na five inches heels. "You won't believe who's here!""Yeah, I won't believe and I don't even care." Inisang inom ko ang cocktail at kumuha ng panibago.She leaned on me. Lalo akong nairita nang maamoy ang halo-halong pabango ng mga lalaki niya."Jaime is here."Gano'n na lang kabilis ang paglingon ko dahilan para mauntog siya. "What did you just say?""That hurts!" She pouted and caressed her forehead. "And as I've said, Jaime is here. He's—""Oh, shut up." Tinaliman ko siya ng tingin. "Where exactly is he?"Nilingon niya ang bar stool. "There.""I want to slap you, Plum," I said in gritted teeth. Halos mabasag ko na sa kamay ang cocktail glass nang tuluyang masilayan si Jaime na nakaupo roon. "What the hell is he doing here?" He should be in the Philippines or anywhere in Europe."I'm sure kasama siya sa mga pinadala ng pamilya mo para sundan ang bawat kilos mo." Saka siya tumawa.Hi