Share

Chapter 20

Wala si Erica sa tabi ni Jacob nang ito ay magising nang umagang iyon. Bumangon ito na matapos bahagyang ayusan ang sarili ay lumabas ng silid. Di nito nakita sa alinmang bahagi ng resthouse si Erica.

Lumabas si Jacob ng resthouse, wala rin sa hardin si Erica. Noon ito parang biglang kinabahan. Muli ay pumasok ito sa loob, dagling nagsuot ng jogging pants. Naalala nito ang sabi ni Erica na ibig nitong mag-jogging sa isang park na malapit lang naman doon.

Nasa isang parke nga si Erica. Kanina pa siya sa kanyang ginagawang pagtakbo. Gising na gising na ang dugo niya. Ni hindi niya alintana ang maraming lalaking nakatingin sa kanya, talagang tumawag ng pansin ang kakaibang hubog ng kanyang katawan na, na pinatingkad ng suot niyang hapit na sando at ng maigsing short pants.

Nagulat pa siya nang sabayan siya sa pagtakbo ng isang lalaki.

"Hi," anito sa kanya.

"Hi," ganting bati niya.

"Mukhang di ka marunong mapagod, a? Kanina pa kita nakikitang tumatakbo," hindi siya tumugon, ngumiti lamang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status