Sabay kaming napatingin sa pintuan nang binuksan ito ng katulong namin at nagkatinginan kaming muli ni Andrea nang bumungad sa amin si Frederick na nakangiti ngunit nang makita niya si Andrea Fae ay unti-unting naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka. "What are you doing here?" Kunot-noong sabi niya habang nakatingin kay Andrea."It's none of your business," galit na sagot ni Andrea. "Really? If I am not mistaken, you're still in love with me Andrea, so it's still my business," he said. "Asa ka! Hindi ka kawalan sa akin mr. womanizer. Hindi ka naman kaibig-ibig. Hindi ka karapat-dapat mahalin at isa pa, ikaw din kasi yung tipo ng taong madaling makalimutan."Umigting ang panga ni Frederick at kinuyom ang mga palad niya na halatang naiinis na. Wala pa naman itong pasensya at mahina ang self control. Kaya agad na akong pumagitna sa kanila para tumigil na ang bangayan nilang dalawa."Kung mag-aaway kayong dalawa dito, mas mabuti pang umalis na kayo. Ayaw kong makarinig ng nag
"Bakit mo sinusundan si Esther? Anong binabalak mong gawin sa kanya?" Tiim-bagang na tanong ko."Wala akong binabalak na masama laban sa kanya. Gusto ko lang malaman ang lahat ng tungkol sa kanya," walang kaemo-emosyong sagot niya.Umigting ang aking panga dahil sa kanyang sagot at kung wala lang sana si Esther na nakatingin sa amin ay natamaan ko na sana ito sa aking nakakuyom na kamao."Bakit mo kailangang gawin iyon? Sinong nag-utos sa yo na manmanan siya sa lahat ng galaw niya? Sino ka ba?" Kunot-noong tanong ko.Sandaling natahimik ang lalaki at yumuko na para bang may iniiwasan. Mukha naman siyang mabait at may kaya sa buhay. Dahil bukod sa branded ang mga suot ay mukhang alaga din ng skin care ang mga balat. Kahit na may edad na ay makikita mo pa rin ang kaayusan sa kanyang pananamit. "Sumagot ka kung ayaw mong masaktan!" Sigaw sa kanya ni Frederick. "Wala akong masamang intensyon sa kanya. At mas lalong walang nag-utos sa akin para sundan siya. Ako ang may gusto nun. Balak k
Tanging ugong at busina ng mga sasakyan ang naririnig namin habang kami ay nagbibyahe pabalik sa bahay. Gusto kong tanungin si Esther sa pananahimik niya ngunit mas pinili ko na lang ang bigyan muna siya ng space dahil alam kong iyon ang kailangan niya. Maging si Frederick ay tahimik lang na nakamasid sa amin mula sa likuran na tila nagpipigil din magsalita.Pagdating namin sa bahay, nauna na akong lumabas sa sasakyan at sumalubong sa akin si lola na alalang-alala. "Where have you been? I told you not to go out but you disobeyed me again. Paano kung nakita ka ng mga taong gustong pumatay sa yo? Makikipaghabulan ka na naman ba kay kamatayan?" Salubong na sermon sa akin ni lola Aurora pero biglang kumunot ang noo ng mapagtantong may mga kasama ako."Who is this beautiful lady behind you? Girlfriend mo o ni Frederick?" Kunot-noong tanong niya. "Si Esther po la, bestfriend ko."Agad na nagmano si Esther kay Lola na ikinangiti naman ng huli."Kaawaan ka ng Diyos apo.""Siya ba ang dahila
"Babe san ka ngayon?" tanong ko sa girlfriend ko na si Angela."Andito ako sa bahay. Bakit?" sagot niya.Napapikit ako ng mata dahil sa pagsisinungaling niya. Hindi niya alam na nandito ako sa bahay nila at naghihintay sa kanya. "Pwede ba tayong magkita? I miss you babe," sabi ko at pilit na pinapalambing ang boses ko kahit na ang totoo ay gusto ko ng magalit at prangkahin siya."Sorry babe may pupuntahan kasi kami ni mama. Next time na lang. Pasensiya ka na I need to hang up aalis na kami. Bye," sagot niya at pinatay na ang tawag ko.Pilit akong ngumiti sa mama ni Angela na nakatingin lang sa akin. Nagpaalam na lang ako sa kanya dahil parang hindi ko na kayang kontrolin pa ang pangingilid ng luha sa aking mga mata.Tumango lang sa akin ang mama ni Angela at ngumiti.Mabilis akong pumasok sa kotse ko at tahimik na umalis sa bahay ng girlfriend ko. Sobra akong dismayado sa pagsisinungaling niya sa akin.Tinawagan ko ang best friend kong si Mark dahil kailangan ko ng kausap. Kailangan k
Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan nang mapagtanto kong ibang silid ang kinaroroonan ko. Napangiwi pa ako dahil sa sakit ng katawan at ng ulo ko. Nagulat ako dahil may telang nakabalot sa aking kanang palad. Dahan-dahan akong umupo sa maliit na kama na hinihigaan ko. Nalatagan lang ito ng banig kaya siguro masakit ang aking katawan. May maliit din na mesa na nakapwesto sa tabi ng bintana at napatungan ng plastic na flower vase. Sa tabi ng mesa ay may nakasaksak na electric fan at nakatutok pa sa akin. Maliit lang ang kuwarto at halatang babae ang may-ari dahil sa kulay ng mga gamit mula sa pink na unan, bulaklaking kumot at kurtina.Ipinikit ko ang aking mata at hinimas ang ulo ko dahil kumikirot ito at parang mabibiyak na."Gising kana pala. Magsoup ka muna para mainitan ang sikmura mo at pagkatapos ay inumin mo itong gamot para gumaling ang sakit ng ulo mo," sabi ng isang babaeng hindi ko kilala.Inilapag niya ang isang bowl ng macaroni soup sa maliit na mesa at iniurong ang la
Nakaparada sa tabi ng Strumm's bar & club ang kotse ko ngunit flat na ang mga gulong at basag na rin ang dalawang side mirror. Napakamot ako sa aking batok at napamura dahil sa malaking pinsala ng kotse ko."S**t. Ano ba ang nangyari kagabi bakit nagkaganito ang kotse ko? Bakit wala man lang akong naaalala?" tanong ko sa sarili ko. Ayaw ko muna sanang umuwi sa bahay ngunit kailangan ko ang tulong ng aking ama para mapaayos ang kotse ko. Binuksan ko ang aking kotse at hinanap ang cell phone ko. Nakita ko ito sa loob ng compartment at pag-open ko ay nakita ko ang 50 miscalls ni papa at 20 naman galing kay kuya Daniel, ang panganay sa aming magkakapatid. May mga messages din ngunit pag-open ko ay biglang na-empty na ang cp ko. Wala akong ibang choice kundi magtaxi na lang pauwi sa bahay. Ayaw ko man ipakita ang itsura ko sa pamilya ko dahil tiyak na pagagalitan ako ni papa ngunit wala akong ibang malapitan kundi sila lang. Wala pa kasi si Lola dito para sa kanya na lang ako hihingi ng
Nagkunwari akong tulog kahit na ang totoo ay hindi talaga ako makatulog. Nararamdaman ko na hindi rin makatulog si Esther sa sahig na hinihigaan niya dahil naririnig ko ang malalakas niyang buntung-hininga.Iniisip ko kung paano ko sisimulan ang mamuhay na mag-isa. Kaya ko ba? Tawagan ko na lang siguro si Lola Aurora para humingi ng tulong. Kailangan kong maipaayos ang kotse ko na regalo pa naman sa akin ni papa noong birthday ko. Wala pang dalawang buwan nasira ko na. "Uuwi na lang siguro ako sa bahay ni Lola. Pwede naman sana akong dumeretso doon pero bakit dito ko pa naisip pumunta," sabi ng right side ng utak ko."Kasi si Esther lang ang nasa isip mo," sabi naman ng left side ng utak ko.Nababaliw na ako. Hindi ko namamalayang napapangiti na ako sa mga iniisip ko. "Alam kong gising ka pa. Pwede ba tayong mag-usap?" tanong sa akin ni Esther na ikinagulat ko. Hindi ako agad nakapagsalita.Bumangon siya at umupo sa dulo ng kama na hinihigaan ko kaya agad din akong bumangon at tuma
Madilim pa nang dumating ako sa bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang gate namin maging ang pintuan ng aming bahay na halatang inaasahan ang aking pag-uwi dahil hindi ito naka-lock. Pagpasok ko sa sala ay bumungad sa akin ang nakadekwatrong si kuya Daniel. Agad na dumako ang tingin niya sa akin na para bang isa akong kaaway na biglang pumasok sa bahay niya. "Mabuti naman at sumunod ka sa utos ko. Anong nangyayari sa'yo Paul? Pinapahiya mo ako sa pinaggagawa mo," tiim-bagang sabi ni Kuya Daniel. "Ano po ba ang ginawa ko na ikinakagalit mo kuya?" nagtatakang tanong ko. "Hindi mo alam? O nagkukunwari kang inosente sa mga katarantaduhan mo," sigaw niya. "Bukod sa pambubugbog ko kay Mark wala na akong alam na ginawa kong katarantaduhan," nakasimangot kong sabi. "Panoorin mo ito," saad niya sabay abot sa akin ng cellphone niya. Kinuha ko naman ito agad at pinanood ang video na naroon. Laking gulat ko nang makita ko ang aking sarili na pinagbabasag ang mga bote ng alak sa aking harapa