Share

Chapter 4 - Park

Tila'y tumigil ang oras ng makita ko ulit siya pagbukas niya ng pinto.

"Oh Sofie akala ko ba nakapagaayos ka na?" tanong niyang habang naglalakad papunta sa'kin saka hinalikan ang noo ko.

"Ano ginawa mo dito?" tanong ko rin naman sa kaniya.

"Nakita mo ba yong bulaklak? Na gustohan mo ba?" tanong niya na parang iniiba ang usapan.

"Ah sige may pupuntahan lang ako para makapagbihis, hintayin mo na lang ako sa labas," sabi ko saka lumabas ng red room.

Pumunta ako sa dressing room saka nagbihis, pagkalabas ko ng club nakita ko siyang nakatayo nakasandal sa itim na kotse paharap sa'kin.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko.

"Ako si Matias, Matias Chavez 29 years old. Nagpapasalamat naman ako sa kapatid kong si Miles dahil binook niya ako sa club niyo," pagpapakilala niya.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko.

Binuksan niya ang pinto ng kotse "Pasok ka may pupuntahan tayo," utos niya.

"Uuwi na kasi ako Matias," sabi ko naman.

"Mamaya ka na umuwi Sofie, ayaw mo na ba ako makasama?" pakiusap niya.

"Sige pero sandali lang tayo sa pupuntahan natin kasi magaalaga pa ako sa kapatid ko," pumayag na ako na agad rin pumasok sa kotse at sinarado niya ng pinto saka siya nagdrive.

• Matias POV • 

Wala akong masyadong maalala ng gabing nakasama ko ang babaeng iyon, pagkagising ko nakapatong ako sa kaniya. Maganda siya, She's like a goddess while sleeping.

Bumangon ako saka nagbihis, nilagyan ko siya ng blanket dahil pareho kaming walang saplot. Lumabas ako ng red room at lumabas ng club saka pumasok sa kotse. 

Pagpasok ko sa bahay binati nila ako "Good morning sir Mateo," 

"Sir Mateo? Bakit saan pumunta si Mateo? pagtataka ko.

"Sir Matias, pasensya na po hindi ko po kayo nakilala," sabi ng katulong saka siya umalis.

Pumunta ako sa kwarto ko at tiningnan ang mga gamit ko na hindi ako nagkamaling may ginawa na naman si Mateo ng kalukuhan.

Lumabas ako ng bahay at tinanong ko ang guard "Saan pumunta si Mateo? Ano oras siya umalis?" 

"Kagabi po kasi sir nang umalis ka sumunod din si Sir Mateo, tapos nitong kinaumagahan kaninang 5:00 Am ay umuwi siya. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ka at nagdrive ng kotse," paliwanag niya.

Tama nga ang hinala ko, sinundan niya ako kagabi.

"Kakarating ko lang sa bahay, hindi pa ako nakauwi. Next time na mangyayari ulit to, nakikiusap ako na huwag niyo siya palabasin," pakiusap ko sa guard.

"Sir paano naman po namin malalaman na ikaw yon?" panong niya.

"We having forearm band tattoo, Sa akin ang Lion tattoo at sa kaniya naman ay Triangle tattoo, " sagot ko sa kaniya na may kasamang ipinakita na litrato.

"Tama sir, nakita ko nga po yong sa kaniya kanina na Triangle," sabi niya.

"Do you have any Idea of where my twin is?" I questioned.

I need to find my twin. 

"Sa Pa-Park po," na uutal niyang sagot.

Agad ako pumunta sa kotse ko at nagdrive. Pagdating ko sa park lalabas na sana ako pero nasa harapan sila ng kotse, tumigil sila sa paglalakad.

"Ano ba ang gagawin natin dito Matias?" tanong ni Sofie.

"Magde-date tayo," sagot ni Mateo

"Date? Pero nakakahiya naman mapapagastos ka," pagtanggi ni Sofie.

Hinawakan niya sa bewang si Sofie at naglakad papalayo sa kotse ko.

"Hindi pa rin talaga nagbago Mateo," sabi ko saka pinaandar ulit ang kotse pa balik sa bahay.

Pag uwi ko pumasok ako sa kwarto ni Mateo, hinintay ko siya hanggang gabi at doon na din ako kumain kasi may mini table naman sa kwarto.

May kumatok "Sir Matias, si Sir Mateo nandito na," sabi ng katulong.

Maya-maya bumukas ang pinto at pumasok si Mateo "Oh Matias kanina ka pa ba sa kwarto ko?" tanong niya.

Nakaupo ako sa bed niya "Saan ka galing Mateo?" tanong ko ng may pagtataka para di' niya alam na alam ko kung saan siya nagpunta.

"Ah wala lang, may pinuntahan lang akong kaibigan," sagot niya habang sinarado ang pinto at umupo din sa bed.

Tumayo naman ako saka humarap sa kaniya "Ano na naman ba binabalak mo?" tanong ko.

"Nagenjoy ka kagabi tapos ako sa bahay lang, unfair naman nun," sagot niya habang nakatingin sa kesami.

"Wag ka na magsinungaling Mateo, alam kong may kinalaman ka sa nangyari kagabi!" pagsisi ko sa kaniya.

"Ako? Eh hindi naman ako lumabas kagabi," pagaarte niya.

"Sinabi sa'kin lahat ng guard tapos magdedenay ka?" pagtataka ko.

"Oo na, may kinalaman nga ako sa nangyari pero paano yan? Nangyari ang dapat mangyari at lahat ng plano ko gumana," sagot niya ng may pagyayabang.

Hinawakan ko siya sa dib-dib ng damit niya sa gitna saka susuntukin na sana "Sige tuloy mo, Matias. Sinabi ko pa naman sa kaniya na gustong gusto mo siya at lahat ibibigay mo para lang mapasaya siya, at! Hindi lang iyon, sinabi ko rin na kapag sinagot ka niya ay maaangkin na niya ang katawana mo at magiging alipin ka niya ng pagmamahal niya," pagtatapat niya sa'kin.

Binitawan ko siya at umayos sa pagtayo "Bakit mo ba ginagawa to Mateo?" tanong ko.

"Tanong mo kay Miles, tinawagan ko siya at sinabi kong padalhan ka ng invitation para naman kahit papaano magenjoy ka pero walang kinalaman Miles sa nangyari sayo kagabi," sagot niya.

"Dinamay mo pa Talaga si Miles sa kalukuhan mo," pagdedesmaya ko.

"Bakit Matias? Kaya mo ba sabihin kay Sofie na gusto mo siya? Dahil ako gusto ko siya eh, alam ko naman na pagdating sa babae mahina ka," sabi nito habang may kinukuha sa bulsa.

"Pagkatapos niyo sa park? Saan kayo pumunta?" tanong ko.

"Bago kami umalisa park, syempre may ginawa muna kami sa loob ng kotse saka pumunta muna sa mall at binilhan ko siya ng damit gamit ang card mo," sagot niya saka ipinakita ang card ko na nakatago sa cabinet sa loob ng kwarto ko.

Agad ko kinuha ang card sa kaniya "Ginamit mo? Ang card ko dahil lang sa babae? Alam mo ba na iniipon ko to para kay Miles? Sana card mo na lang ginamit mo!" pagsisi ko sa kaniya saka sinuntok ko na talaga siya.

Ngumisi siya at tumayo "Huwag kang magalala, babayaran ko naman yan. Kaya kung ako sayo lumabas ka na sa kwarto ko dahil gusto ko mapagisa," sabi niya habang tinutulak ako papalabas ng kwarto niya saka sinarado ang pinto.

Sa oras na may mangyaring hindi maganda kay Mateo, hindi ko na siya tutulongan na talaga. 

Kung sakali man magusap kami ni Sofie ulit sasabihin ko na sa kaniya ang lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status