AND now, what am I doing here, huh?
Iyon ang naitanong ng binatilyong si Cameron sa kaniyang isipan. His eyes then scanned the dark and dirty place. Nasa harapan niya ngayon ang dalawang lalaki na mukhang papatay, anumang sandali. Pero ganoon pa man, wala siyang maramdamang takot, sa totoo nga ay mas may nabubuhay na excitement sa kaloob-looban niya. "Oy, bata. Huwag mo ng balakin na makialam dito, umuwi ka na!" Nakangisi at tila tinatakot siya upang umalis na lamang sa madilim na bahagi ng eskinitang iyon. Cameron grimaced. As if naman ay matatakot siya rito, matagal nang limot ng kaniyang sistema ang salitang 'takot'. He wasn't born for that. "Gusto rin yatang makisali sa gagawin natin sa babaeng 'to." Sabay hagalpak ng isang lalaki matapos sabihin ang mga katagang iyon. Lumipad ang tingin ni Cameron sa isang dalagita na tahimik na humihikbi, habang nakatalpak sa maruming sahig. Oh yes, ito pala ang dahilan kung bakit naroon siya. Nakita niya kasi kanina sa gilid ng kalsada ang paghila ng dalawang lalaki rito, habang papadaan ang sinasakyang niyang kotse, at hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya, upang sundan ang mga ito. Wala naman dapat siyang pakialam pa sa kung ano man ang gagawin ng dalawa sa dalagita, but something deep inside him want to save the poor girl. "Tulungan mo ako." Umangat ang ulo ng dalagita at tumingin sa kaniya, and now, he had the full access to observe her face. She had a high nosebridge, a beautiful little pair of lips, and those hazel eyes of her gave him a warm feeling. She's a beauty, indeed. Kaya siguro ganoon na lamang ang kasabikan ng dalawang lalaki na gawan ng masama ito. "What can I get in return, if I help you?" Nanlaki ang mga mata ng dalagita sa tinuran niya. "Seriously?!" Bulalas ng babae at biglang tumayo, pinunasan ang mga luha. "Tsaka na lang natin pag-usapan iyan, kapag pareho na tayong ligtas sa mga pangit na 'to!" "Close your eyes then." Walang kangiti-ngiting utos ni Cameron sa babae. Agad namang ginawa ng dalagita ang utos nito. "Mayabang kang batang uhugin ka, ah! Tignan natin hangang saan ang tapang mo!" Galit na bulyaw kay Cameron ng isang lalaki, pagkaraan ay magkapanabay na sinugod ng mga ito ang binatilyo. Cameron didn't even move from where he stood. Hindi man ito kakikitaan ng kaba o takot. Tila sanay ito sa dahas sa ganoong edad pa lamang. Hindi alam ng dalawang lalaki na ang kaharap ay dumaan na sa maraming pagsasanay ng mga close combat techniques, martial arts na kinakailangan ng isang Silvestre. Parang napakadali lamang para kay Cameron ang pag-iwas at paminsan-minsang pagsalag sa mga suntok na pinapakawalan ng dalawa, halos hindi nga makatama ang mga ito at nais niyang pagtawanan ang dalawang unggoy. Kahit nasa bente pa lamang si Cameron, malaki ang bulas nito at ang pangangatawan. Nagdilim ang paningin niya nang may nakalusot na suntok at tumama sa may gilid ng bibig niya, dahilan upang magdugo iyon. Hindi naman iyon gaanong masakit, may sasakit pa ba sa mga latigong natamo niya noon mula sa ama? Wala na. Panandaliang tumigil sa pagsugod ang dalawa at nakangising tumingin sa kaniya. "Ano, bata? Hangang ilag at salag ka na lamang ba?" Mayabang na tanong sa kaniya ng isa. Pinunasan ni Cameron ang gilid ng labi at taas noong ngumisi rin sa mga ito. Kita niya ang tila bahagyang pag-atras ng dalawa, tila may anong nakita ang mga ito sa kaniyang mga mata na ikinakot ng mga ito. "Iyon ang una't huli." He smirked. "It's my turn." And gave them the Judo poses. Muling sumugod ang dalawa, this time ay may inilabas na balisong ang isa. Ngunit gaya nga ng sinabi ni Cameron kanina, iyon na ang una't huling makakatama sa kaniya ang dalawa na napatunayan naman niya. Ilang saglit pa ay makikita na ang pagbagsak ng dalawa sa maruming sahig. Kapwa mga duguan dahil sa mga tinamong tama mula kay Cameron. Halos makikita ang pagkabali ng mga buto ng mga ito, lalo na sa parteng kamay na mas pinuruhan ni Cameron. "Uy, ano na? Tapos na? Puwede ko na bang idilat ang mga mata ko?" Lumipad ang tingin ni Cameron sa dalagita na nasa sulok. Did he just saved a life? Iyon ang katanungang naglaro sa isipan ng binatilyo. Walang salitang naglakad na lamang siya palayo. NANG tanging mga marahang halinghing na lamang ang naririnig ni Charity, at wala na ang tunog ng nagsasapakan, marahan niyang iminulat ang mga mata. Masunurin talaga siya, hindi niya iminulat ang mga mata magmula kanina. Wala na ang knight in shining armor niya pagmulat ng kaniyang mga mata, ang dalawang manyak na nakabalandra sa sahig na lamang ang naroon. Para makabawi sa kalapastangan ng mga ito, binigyan niya ng mga tig-isang sipa ang dalawa, sabay takbo upang hanapin ang nagligtas sa kaniya. Ngunit wala na nga ito. Napapadyak na lamang ang dalagita. "Ni hindi ko man siya napasalamatan, ayy..." *** "IPALILIGPIT ko ho ba sila?" Iyon ang bungad ni Servant Kim nang makalulan na siya sa black porsche. Si Servant Kim ang kaniyang personal driver mula pagkabata pa lang niya. "Nah. Let them live and suffer." "Hindi ka ba natatakot na malaman ito ng iyong ama?" Muli ay isang katanungan mula kay Servant Kim. "Hindi niya malalaman kung wala kang sasabihin," masungit niyang tugon dito. Hindi na sumagot ang lalaki at ngumiti na lamang ito. Ipinangako ni Cameron sa sarili na iyon ang una't huling makikialam siya sa mga ganoong bagay. Alam niyang hindi ikakatuwa ng kaniyang ama ang ginawa niya ngayon. Nakakatawa, hindi ba? Ang ibang ama siguro ay matutuwa kapag nalaman na may ginawang kagitingan ang mga anak. But not his father. He is different. Ayaw nitong nakikialam sila sa mga bagay na wala silang mahihita. Kung mayroon man siyang kilalang isang tao na napaka-selfish at lupit, iyon ay ang kaniyang ama. For Cameron, his father is a monster, and his father was slowly turning him too into a monster. Ano pa nga ba ang aasahan niya? He is a Silvestre. He is a son of a Mafia, and soon he will become the Mafia Lord- a distant, cold, heartless mafia lord. For short, a Monster.AFTER SIX YEARS. "PASENSYA ka na, Charity. Mahina talaga ang restaurant ngayon at kailangan kong magbawas ng mga tauhan. Itinira ko lang e iyong mga dati ng staff." Halos manlumo si Charity nang marinig ang mga salita ng kaniyang boss. Sisante na raw siya at kinakailangan na talaga nitong magbawas ng staff. "Bale ibibigay ko na lang sa'yo ang limang araw na sahod mo. Pasensya ka na talaga, kung hindi lang humina, hindi kita aalisin," muling sabi ng kaniyang boss. Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot. Napatango-tango na lamang si Charity, hindi niya ipinahalata ang lungkot na nararamdaman. "S-sige ho, naiintindihan ko po." Iniabot sa kaniya ng kaniyang boss, ay, ex-boss na pala ngayon ang sobre na naglalaman ng kaniyang huling sahod. Matapos nun ay nagpaalam na siya rito. KINAGABIHAN, natagpuan ni Charity ang sarili na maharot na iniyugyog ang kaniyang balakang sa isang nightclub, sinasabayan ang salin ng tugtugan. Hindi alintana a
MALALAKAS na lagabog sa pintuan ng kaniyang apartment ang gumising kay Charity kinabukasan. Madalian siyang bumangon at tila agad na nagising ang kaniyang diwa. Hindi kaya ang landlady niya ang may gawa ng ingay na iyon? Grabe naman, alas sais pa lamang ng umaga. Mabilis na nagtungo si Charity sa pintuan at marahang binuksan iyon. Hindi ang landlady niya ang nabungaran, kung hindi ang kaniyang tiyahin na hindi maipinta ang mukha. Kasama nito ang anak na babae na ganoon rin ang pagmumukha. "Oy, Charity! Aba e anong petsa na ngayon?! Nakakalimutan mo na yata ang dapat na sustentong ibibigay mo sa amin?!" Angil nito sa kaniya. Palihim na naikuyon ni Charity ang mga kamao, upang pigilan ang emosyon nang mga sandaling iyon. Pilit niyang pinakalma ang sarili at inisip na lamang na malaki ang utang na loob niya sa babaeng kaharap. Ito lang naman kasi ang kumupkop sa kaniya magmula pagkabata, simula mamatay ang mga magulang niya sa isang aksidente. Pagkupko
CHARITY is no longer comfortable with her blindfold, she is now standing with six other women. Bago sila bumaba sa sinakyan nila kanina ay piniringan sila at hindi na niya alam kung nasaan na ba sila ngayon. Biglang sinaklot ng kaba ang kaniyang dibdib, dahil sa mga halo-halong emosyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Ganoon ba talaga kahigpit at kailangang piringan pa sila, para hindi nila makita o matandaan ang daan? Gusto ko na yatang pagsisihan ang naging desisyon ko, ah... Kausap niya sa kaniyang isipan. Bahagya niyang hinila pababa ang black dress niya na tumaas sa kaniyang mga bilugang hita. Hakab na hakab iyon sa kaniya, kaya halata ang kurba ng kaniyang katawan. Naiinis siya kay Georgia at iyon ang ipinasuot sa kaniya. Ipinagupit rin nito ang buhok niya na ngayon ay nasa itaas na lamang ng balikat niya. "Now, you may remove your blindfold, girls." Boses iyon ng tauhan ng mga Silvestre na nag-asikaso sa
PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon si Charity kinabukasan. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at iniisip kung bakit naroon siya sa ganoong silid. Nasapo niya ang noo nang maalalang nakipagkasundo pala siya kay Cameron Silvestre. Bigla niyang nahawakan ang labi nang pumasok sa isip niya ang nangyaring halik sa pagitan nila ng binata, hindi naman nagtagal iyon, pero bakit tila ramdam pa rin niya hangang ngayon? "That's it. We sealed the deal. You will bear my child, Charity." Tsaka lumayo si Cameron sa dalaga na tila natulala dahil sa simpleng halik na iyon. Iyon ang naalala niyang sinabi pa sa kaniya ng binata. Hindi akalain ni Charity na aabot siya sa ganitong sitwasyon para sa kagustuhan niyang makatakas sa hirap ng buhay na mayroon siya. Isang marahang katok mula sa labas ng kaniyang silid ang narinig ng dalaga at kasunod nun ay ang tinig ni Servant Kim. "Miss Charity, please prepare we will leave after thirty minutes." Tsaka nawala na ang tin
NAGISING si Charity nang tila may mga mata na nakamasid sa kaniya. Pero nang imulat niya ang mga mata ay wala naman, agad siyang tumayo at tinignan ang mumurahing wrist watch na suot na galing pa kay Georgia. Alas singko na pala ng hapon. Grabe ilang oras din siyang nakatulog. Agaran siyang tumayo at naisipang magpahinga sa tabing dagat at panonoorin na rin niya ang sunset. Nayakap ng dalaga ang sarili nang dumampi sa balat niya ang malamig na hangin, napangiti siya dahil gusto niya ang pakiramdam nun. Napatigil siya nang malapit na sa tubig dagat nang mapansin na may bultong lumalangoy doon. Sinalakay siya ng kakaibang takot sa isiping isang estranghero iyon, pero imposible dahil ang Isla Silvestre ay ekslusibo lamang para sa mga Silvestre ayon kay Servant Kim. Nawala lamang ang kaba ng dalaga, nang lumitaw ang ulo ng taong pinagmamasdan. It was Cameron. Gosh! He is so damn gorgeous! Nagtama ang mga mata nila ng binata habang paahon ito sa tubig.
PATULOY ang pagsulong ni Cameron patungo sa dalaga, habang patuloy naman ang pag-atras ni Charity, hangang sa tumama ang likod niya sa may sink at alam niyang wala na siyang aatrasan pa. Hindi niya ipinahalata sa lalaki na bahagyang nangangatog ang kaniyang mga tuhod. "C'mon, Charity. Let's satisfy ourselves," mapanudyong saad ni Cameron sa kaniya na ngayon ay nasa harapan na niya na halos mahalikan na niya ang matipunong dibdib nito. Ngayon niya kita kung gaano siya kaliit sa tabi nito. She slowly felt her stomach tighten strangely. Kakaiba ang binibigay na pakiramdam ni Cameron sa kaniya nang mga sandaling iyon. His eyes caressed her face. "You're really innocent, Charity." He loves it everytime Charity looks at him innocently. Gosh! She loves how Cameron say her name. "You can't hide the fact that you're attractive to me, too," he whispered. Cameron was right. Noong una ay pera lang talaga ang habol niya, but a
MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO... "FINALLY tapos ka na," saad ni Charity sabay punas sa pawis na tumatagaktak sa kaniyang noo. Masaya niyang pinagmasdan ang munting hardin niya na ginawa sa likod ng bahay nang hapon na iyon. Sa sobrang boring niya sa mga nakalipas na araw ay iyon ang napagdiskitahan niyang gawin, tho mahilig naman siya talaga sa mga halaman. Isang linggo na sila sa Isla Silvestre pero wala naman nangyayari sa kanila ni Cameron. Actually, lagi itong wala dahil tila may mahalaga itong inaayos. Halos hindi na nga sila magkita dahil sa tuwing gigising siya ay wala na ito. Katulad ngayon, nasa isla nga si Cameron pero maghapon itong nasa silid. May balak ba talagang magkaanak ang mokong na iyon? Bulong ni Charity sa isipan. Inayos niyang muli ang mga tipak ng bato na ginawa niyang patungan sa ibang mga halamang nasa paso. Nang matapos sa ginagawa at nakapaglinis na ay umakyat siya sa taas upang makapagpalit ng damit, balak niyang lumusong
GABI na nang magising si Charity dahil siguro sa pagod sa pag-angkin sa kaniya ng binata, not just once, twice but many times. Tila sabik na sabik ito. Wala na si Cameron sa tabi at pinakinggan ang banyo kung may tao roon, pero wala. Nanakit ang buong katawan niya na tila binugbog siya, pero mas ramdam niya kirot sa pagitan ng kaniyang mga hita. Marahan siyang bumangon habang nakatapis sa kaniya ang blanket dahil wala pa siyang saplot sa katawan nang mga sandaling iyon. Napatingin siya sa eleganteng wall clock at nagulat siya nang makitang alas otso y medya na. Kita niya ang bahid ng dugo sa puting bed sheet tanda na naipagkaloob na nga talaga niya ang pagkababae kay Cameron. Wala siyang makapang pagsisisi, sa totoo niyan ay tila ang saya ng puso niya dahil kay Cameron niya iyon naipagkaloob. Wala ang mga saplot niya at alam niyang naiwan iyon sa tabing dagat, kaya dala-dala niya ang mabigat na blanket habang palabas ng silid ni Cameron at patungo sa sarili niyang