Share

CHAPTER 1

  AFTER SIX YEARS.

    "PASENSYA ka na, Charity. Mahina talaga ang restaurant ngayon at kailangan kong magbawas ng mga tauhan. Itinira ko lang e iyong mga dati ng staff."

        Halos manlumo si Charity nang marinig ang mga salita ng kaniyang boss. Sisante na raw siya at kinakailangan na talaga nitong magbawas ng staff.

      "Bale ibibigay ko na lang sa'yo ang limang araw na sahod mo. Pasensya ka na talaga, kung hindi lang humina, hindi kita aalisin," muling sabi ng kaniyang boss. Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot.

       Napatango-tango na lamang si Charity, hindi niya ipinahalata ang lungkot na nararamdaman.

      "S-sige ho, naiintindihan ko po."

       Iniabot sa kaniya ng kaniyang boss, ay, ex-boss na pala ngayon ang sobre na naglalaman ng kaniyang huling sahod. Matapos nun ay nagpaalam na siya rito.

        

        KINAGABIHAN, natagpuan ni Charity ang sarili na maharot na iniyugyog ang kaniyang balakang sa isang nightclub, sinasabayan ang salin ng tugtugan. Hindi alintana ang tumatagaktak na pawis sa kaniyang noo, pababa sa kaniyang mukha. Wala rin siyang pakialam sa sabog-sabog niyang buhok na ngayon ay sumaboy na sa kaniyang magandang mukha.

      "Whoah!" Pasigaw-sigaw pa niyang turan, habang sinasabayan ng head bang.

       Sinong mag-aakalang ang babaeng nagwawala sa dance floor ng exclusive nightclub na iyon ay natanggal pa lamang sa trabaho kaninang umaga. Parang sa pagsasayaw sa gitna ng dance floor ibinabato ni Charity ang frustrations.

       "Girl, umupo na tayo, hinihingal na ako!" Bahagyang sigaw ni Milet kay Charity.

        Si Milet na kaibigan niya at nanlibre sa kaniya sa club na iyon. Naku, kung siya ay hindi niya afford doon, mga drinks pa lamang ay mabubutas na ang bulsa niya na dating butas na.

        Ayaw pa sana niyang umalis sa gitna, pero medyo nahilo na siya kaya sumama na rin siya kay Milet sa table nila.

        "Parang sumakit na ang mga paa ko," reklamo ni Charity pagkaupo pa lamang nila ni Milet. Mga mukha silang nakipagsabunutan dahil sa mga buhok nilang sumabog dahil sa kakayugyog.

        "Sino ang hindi mananakit ang mga paa, look at your heels nga. Puwede na iyan pangsaksak, girl!"

         Natawa si Charity sa tinuran ng kaibigan. Mataas na ba iyon para kay Milet?  6 inch heel pa nga lang ang suot niya, para naman madagdagan ang height niya na 4'11 lang. Isa sa mga insecurities niya ay ang height niya na tila kaunti lang ang itinaas sa lupa.

         "Oh teka, magr-retouch lang ako," paalam niya sa kaibigan at tumayo na. Pero bago umalis, muli siyang yumuko at tinanggal ang suot na stilettos. Alam niyang medyo may tama na siya sa mga ininom niya, mas safe na 'yong walang heels para hindi matumba.

         Medyo pasuray-suray siyang naglakad sa dim na pasilyo patungo sa comfort room. Medyo blurred na rin ang paningin niya, pero ipinilit pa rin niya. Pero bago pa siya makarating sa C.R ay biglang tumama ang katawan niya sa isang matigas na bagay.

"Ouch!" D***g niya at napaatras. Tumingala siya upang makita kung saan siya bumangga. Was she really that small that this person couldn't see her?

          Dahil sadyang dim, pati ang sadyang panlalabo na ng paningin niya, hindi niya masyadong makita ang mukha ng kaharap. Pero isa lang ang sigurado niya, napakatangkad neto!

Amoy na amoy rin niya ang pabangong nanggagaling rito, dahil isang hakbang lamang ang layo nila mula sa isa't isa.

          "Hindi ka man lang mags-sorry, huh?" Sita ni Charity sa lalaki. "Ano? Tititigan mo lang ako?" Mataray pa niyang dagdag nang hindi sumagot ang lalaki at tanging titig lang ang ibinibigay nito. Sa tuwing lasing siya ay malayong-malayo ang karakter niya sa normal na siya.

          Wala siyang nakuhang sagot sa lalaki, nakatitig lamang ito sa kaniya na tila isa siyang insekto. Tila lalong nag init ang ulo ng dalaga.

         "Oy!" Tinapik pa niya ang dibdib ng lalaki. Well, napakatigas nun na tila adobe. "Magsalita ka naman!"

         Ngunit kagaya kanina, wala siyang nakuhang tugon sa estranghero na alam niyang nakatitig lamang sa kaniya. Hangang sa may dalawang nakaitim na lalaking bigla na lamang lumusot sa kung saan. Lumapit sa kaniya ang mga ito at akmang hahawakan siya sa magkabilaang braso upang ilabas ng club na iyon.

        "Don't. Just let her go."

        Tinig iyon ng lalaking nakabanggahan. Walang bahid ng emosyon, malalim, seryoso, at buong-buo. That voice gave a chill down her spine. Lumayo sa kaniya ang dalawang lalaki at pumwesto sa likuran ng estranghero.

         "Charity!"

        Napalingon siya kay Milet na papalapit sa kaniya. Hindi man niya masyadong makita ang mukha ng kaibigan, pero ramdam niya ang takot at nginig sa boses nito. Bagay na hindi niya maintindihan.

         Agad na hinawakan ni Milet ang kabilang braso niya at nahintakutang tinignan ng kaibigan ang estrangherong nakabanggahan niya. Nalilito nang mga sandaling iyon si Charity sa inaasal ng kaibigan na tila nakakita ng tigre sa katauhan ng estranghero.

          "Ako na po ang humihingi ng pasensya, sa kung ano man ang nagawa ng kaibigan ko, Mr. Silvestre." With matching payuko pa ang kaibigan niya.

         "Hey, wala akong ginawa. Siya itong bumangga sa akin, noh!" Maktol niya sa kaibigan.

         Milet slightly pinched her arm as if telling her to keep quiet. Charity just rolled her eyes as if annoyed by what was happening.

         Tahimik na nilampasan sila ng lalaki, muling naamoy na naman ni Charity ang preskong-preskong amoy nito, nais niya tuloy mapapikit.

         "Teka-" habol pa sana niya sa lalaki, ngunit tinakpan ni Milet ang bibig niya. "Ano ba?!" sita niya sa kaibigan nang maalis ang kamay nito sa kaniyang bibig.

         Pinandilatan siya ng mga mata ni Milet. "Gosh, Chari! Lagi ka talagang minamalas! Sa dami-dami ng puwede mong makaharap ay si Mr. Silvestre pa!"

        Hindi maintindihan ni Charity ang gustong sabihin ng kaibigan. Hinilot-hilot niya ang noo na tila doon nagmumula ang sakit ng kaniyang ulo.

        "Bakit? Anong mayroon sa lalaking iyon?" nakasimangot niyang usisa sa kaibigan.

       Hinila siya ni Milet palabas ng club, sa hindi mataong lugar.

        "Para sabihin ko sa'yo, sa susunod na makita mo ang lalaking iyon, iwasan mo na lang. Isa siyang Mafia, maraming illegal na gawain, masama siyang tao! A monster, Charity! Buti na lamang at hindi mo siya napikon kanina, naku!" Mahabang litanya ni Milet sa kaniya. Biglang tila naging problemado ito.

       "Mafia?" Natitigilan niyang ulit sa salitang iyon.

  

       "Oo, Charity. Madalas siya sa mga nightclub, hindi ko lang expect na mapapadayo siya rito. Ah basta-" sabay hila sa braso ni Charity. "...basta hanggat maari huwag mo na lang pansinin iyon kung makikita mo ulit."

        Charity winced.  "Eh ni hindi ko nga nakita totally ang mukha niya. Blurred na ang paningin ko noh."

        "Ah basta! Tara na nga at ihahatid na kita." Sabay hila ni Milet sa kaniya patungo sa sakayan.

       

***

         "HIRAMIN mo muna ito." Sabay abot sa kaniya ni Milet ng tatlong libong piso. Nasa harapan na sila ng apartment na tinutuluyan niya.

          "Para?"

          "Sira ka ba? Wala kang trabaho ngayon at alam kong magkano lang ang hawak mong pera, gamitin mo iyan sa paghahanap ng bagong trabaho."

         Gustong maiyak ni Charity sa pagiging mabuti nito. Kumpara sa buhay niya, mas maalwan ang kay Milet. Bakit ba kasi tila nakuha niya ang lahat ng kamalasan sa mundo?

         "Ayoko ng drama. Go na, pasok ka na. Aalis na ako," anito nang tila mapansin ang naluluha niyang mga mata.

         "Salamat, Milet. Balang araw ay makakabawi rin ako sa'yo."

         "Tsk. Sige na aalis na ako, bye!"

         Hinintay niya munang makasakay ang kaibigan sa naghihintay na tricycle bago niya binuksan ang pintuan sa kaniyang apartment. Pero dahil sa nahimasmasan na siya, kaya matalas na muli ang pakiramdam niya. Bigla siyang napalingon sa daan, ramdam niya kasi na para bang may nagmamasid sa kaniya mula sa malayo, o guni-guni lamang niya iyon?

         "Dala lang siguro ng alak 'to..." kausap niya sa kaniyang sarili at tuluyan nang pumasok sa loob ng kaniyang maliit na apartment.

        Pagkapasok ni Charity sa loob, hindi na niya nakita ang pag-alis din ng isang itim na kotse na tila nagmasid lamang sa kaniya.

         

        

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ah sinundan sya ng naka bangga nya na nagligtas sa kanya noon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status