Wish
"Hindi ko sinasabi ito para kaawaan mo siya. I just want to inform you so that you would avoid topics about his parents."
Naalala ko tuloy noong tinitingnan ko ang family picture nila Theros, parang nag-iba bigla ang aura niya. Bigla siyang nagalit at ngayon ay mukhang naiintindihan ko na. Siguro dahil ayaw niya talagang pag-usapan ang tungkol sa kanila.
Kahit ako ay hindi magawang maisip kung gaano kahirap para kay Theros ang mawalan ng magulang. Pero rason ba 'yun para lumaki siyang kulang sa pangaral? Puwede na bang gamiting excuse 'yun para hindi siya maging mabuti sa kapwa niya?
"Hindi mo naman kailangang humingi ng pabor sa 'kin. Saglit lang naman akong magiging tagalinis sa condo niya," sabi ko.
"You wouldn't know what will happen next. So please, Theros only needs love and care from someone. Can you do it?"
Bumuntongh
Deal"Dahil...matagal na akong itinakwil ni Mama bilang anak."Natigilan ako sa sinabi ni papa. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya nilingon ko si mama. Nang tumango siya ay doon ko napagtantong totoo nga."I-Itinakwil po kayo ni lola? Pero bakit po? May nagawa po ba kayong kasalanan?" naguguluhang tanong ko.Wala akong maisip na dahilan para itakwil ni lola si papa. Napakabuting tao ng papa ko at hindi ko maisip na kayang ipagtabuyan ng isang ina ang kaniyang anak.Muling huminga nang malalim si papa bago pilit na ngumiti."Simula nang piliin kong makasama kayo ng Mama mo, itinakwil niya na ako,” sabi ni Papa kaya mas lalo akong nagulat.Si mama naman ngayon ang bumuntonghininga."Hindi kasi tanggap ng lola mo ang relasyon namin ng papa mo. May iba siyang gusto na pakasa
BoyfriendKinabukasan, alas-singko pa lang ng umaga ay nandito na ulit si mama. Kaya naman may oras pa ako para umuwi at makapag-ayos. Gusto ko mang bantayan na lang si Danico ay hindi puwede dahil may klase pa ako."Mag-iingat ka, Dawn," bilin ni Mama.Tumango ako. "Opo, 'Ma. Alis na po ako."Lumabas ako mula sa kuwarto at naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko pa sila Papa at Laiza na kumakain ng almusal kaya sumabay na ako."Anak, pakisabi doon sa kaibigan mo, salamat sa pinahiram niyang pera," sabi ni Papa bago uminom ng tubig.Napahinto ako at bigla kong naisip si Theros. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung siya ba talaga ang nagpahiram sa akin ng pera. Alam ko naman na may tinatago talaga siyang kabaitan pero hindi lang talaga maisip na siya pa ang tutulong sa akin."Sige p
MessagePabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad ako patungo sa Dean's office. Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag ni Dean pero pakiramdam ko ay may masamang balita akong maririnig."Sige Miss, pasok ka na," sabi ng secretary ni Dean bago binuksan ang pinto para sa akin.Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Naabutan ko si Dean na may binabasang papel."Good morning Dean. Pinatatawag n'yo raw po ako?"Mula sa mga papel ay nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti."Take a seat, Miss Celeste," he said and motioned the seat in front of his desk.Tumango ako at agad na umupo. Mas lalo akong kinakabahan at hindi mapigilang manlamig ng kamay ko. Idagdag pa ang malamig na atmospera ng opisina nang dahil sa aircon."Miss Celeste, naging busy ka ba masiyado nitong mga
Hidden"Miss Celeste, I'm glad to see you here," Mr. Demeza greeted me as I entered his office.Inilibot ko ang paningin sa paligid at doon ko napansin na malawak itong opisina niya. Walang ibang taong naroon kundi kaming dalawa lang. Ang sekretarya niya kasing naghatid sa akin dito ay iniwan kami agad.Iminuwestra niya ang upuan sa harap ng kaniyang mesa."Have a seat," sabi niya kaya sinunod ko iyon.Habang papaakyat dito kanina ay hindi ko makita kung may iba pa bang model na narito. Parang ang tahimik nga ng buong building at hindi halatang isa itong kompanya ng isang soap brand."Before I let you proceed to the shooting area, you have fill up this paper. It contains your informations para na rin may ideya kami kung sino ka," sabi ni Mr. Demeza.Tumango ako kinuha ang papel na inabot niya sa akin. Sinagutan ko iyon ag
DateWalang nagsasalita sa amin ni Theros habang nasa sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas habang yakap ang sarili ko. Hindi ko siya kayang tingnan dahil nahihiya ako. At mas lalo akong nahihiya sa suot ko.Kahit pa nakasuot pa sa akin ang suit niya ay pakiramdam ko kulang pa rin ito. Iniisip siguro ni Theros na gano'n na ako kadesperada sa pera. Pero totoo naman. At kung gano'n nga ang iniisip niya sa 'kin, bakit bumibigat ang puso ko?Huminga ako nang malalim bago siya nilingon. Seryoso siyang nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho."S-Salamat. Hindi ko alam kung anong pinunta mo ro'n pero salamat dahil... isinama mo ako," mahinang saad ko.Gusto ko siyang pasalamatan kahit hindi ko alam kung ako ba talaga ang dahilan ng pagpunta o baka tungkol sa negosyo iyon. Nadagdagan ulit ang utang ko sa lalaking 'to."You went
Selfish"I told you, staring is rude."Nalunok ko agad ang pagkaing isinubo ko kaya ako nasamid. Si Theros kasi bigla na lang bumulong sa tainga ko."O, dahandahan lang Dawn. Drink first." Inabot sa akin ni Phoenix ang isang basong tubig at agad kong ininuman iyon.Nang mahimasmasan ako ay pinukol ko nang masamang tingin si Theros. Mapapahiya pa ako nang dahil sa kagagawan niya. Baka akalain nila patay-gutom ako kaya halos mabulunan na ako rito.Mayamaya lang ay may lumapit na staff kay Jarek kaya lahat kami sa table ay napatingin."Sir Jarek, si Miss Cypress po ayaw nang lumabas ng kuwarto niya. Ang sabi niya po tapusin na raw ang party," sabi nito kaya maging ako ay nagulat."What? Bakit naman niya tatapusin ang party niya?" naguguluhang tanong ni Jarek."Ikaw na rin ang may sabi, your sister's mind
TrainingPag-uwi ko sa bahay ay naabutan kong gising pa si mama. Nasa kusina siya at may sinusulat sa notebook."'Ma, alas-singko na po ng madaling-araw. Bakit gising pa po kayo?" tanong ko bago naupo sa katapat niyang upuan."Natulog naman na ako. Nagising lang ako kanina kaya naisipan kong kuwentahin ang utang natin."Pinagmasdan ko si nama at doon napansin na parang tumanda siya ng ilang taon. Dahil na rin siguro sa stress nitong mga nakaraang linggo. Dumami na ang kaniyang puting buhok at mas halata na ngayon ang kulubot sa kaniyang mukha."'Ma, wala na po ba talagang pag-asa na makabalik kayo sa palengke?" tanong ko.Bumuntonghininga si Mama at pilit na ngumiti."Hindi ko rin alam, Dawn. Pasensiya ka na, ha? Alam kong nahihirapan ka na sa pagtatrabaho. Kung may magagawa lang sana ako, hindi mo na sana k
LiarLumabas muna ako ng kuwarto niya para kumuha ng magagamit sa sakit niya. Naalala ko kung paano kami alagaan ni Mama kapag may sakit kaming magkakapatid. Pinupunasan niya kami ng maligamgam na tubig at kailangan daw pagpawisan para bumaba ang lagnat.Kumuha ako ng maliit na lalagyan ng tubig at bimpo. Bumalik ako sa kuwarto ni Theros at napansin kong mas lalong tumindi ang panginginig niya."Ang lamig naman kasi dito sa kuwarto mo," sabi ko bago kinuha ang remote ng aircon at pinahinaan iyon. Buti na lang at alam ko kung paano gamitin iyon kaya hindi ko nasira.Binasa ko ang bimpo bago ipinunas sa mukha ni Theros pababa sa leeg. Nang hawiin ko ang kumot niya ay natigilan ako. Ngayon ko lang na-realize na kailangan ko nga palang punasan ang buong katawan niya. Ibig sabihin, tatanggalin ko ang damit niya!"Kainis naman! Bakit ka ba kasi nagkasakit? Tagalinis la