HALF-BROTHERHindi maalis ang tingin ko kay Lino habang naghahain siya ng pagkain sa mesa. Mas kalmado na ang itsura niya ngayon kumpara kanina pero mapapansin pa rin na may malalim siyang iniisip. Nang mailapag niya ang tubig sa mesa ay tumingin siya sa akin. “Let’s eat,” sabi niya bago naupo sa katapat kong upuan. Tumango lang ako at nagsimula na ring kumain. Iyon nga lang, halos hindi ko magawang lunukin ang pagkain dahil masiyadong naglalakbay ang isip ko.Si Lino, nagkakilala lang kami sa gas station. Naging malapit agad kami sa isa’t isa dahil pareho kami ng estado sa buhay. Parehong nagsisikap para makaahon sa kahirapan. Mabait siya. Mabait naman talaga siya bilang kaibigan. Iyon nga lang, napansin ko ang pagbabago sa ugali niya sa tuwing may kinalaman kay Theros ang pinag-uusapan namin.Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung bakit gano’n na lang katindi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Para bang may mas malalim pang dahilan. Bahagya akong nagulat nang tumunog ang doorbe
Continuation“Half-brother?” gulat kong tanong. Magkapatid sila? Pero...paano naman nangyari ‘yon? Kung magkapatid sila, bakit ang laki ng galit ni Lino kay Theros? At kung magkapatid nga sila, bakit ipapahuli ni Theros si Lino sa mga tauhan niya?Muling natawa si Lino pero saglit lang iyon. “Mukhang napaimbestigahan mo na ang pagkatao ko. Ano pa ang mga nalaman mo? Nalaman mo ba na kabit lang ng ama ko ang nanay mo? Na nauna kaming naging pamilya bago sinira ng nanay mo ang buhay namin? At sa huli, ang nanay mo ang pinakasalan ng walang k’wenta kong ama!”“Kaya ka nagagalit at naghihiganti ngayon nang dahil lang sa pinakasalan ni dad si mommy. Hindi mo ba naisip na baka may dahilan si dad kaya gano’n ang ginawa niya?” tanong ni Theros.Pagak na natawa ulit si Lino. “Lang? At anong dahilan? May tama bang dahilan para abandonahin niya kami ng nanay ko! Na kahit nagmamakaawa ako no’n na tulungan niya kami dahil may sakit si
SimulaPalaging may liwanag sa dulo ng madilim na lagusan. Iyon ang palagi kong itinatatak sa puso at isip ko. Sa tuwing nawawalan ako ng pag-asa o kaya naman ay gusto ko nang sumuko, iniisip ko na lang na matatapos din ang lahat. Na balang araw, makakamit ko rin ang inaasam ko sa buhay.Mabilis kong isinarado ang kalan nang makitang luto na ang almusal na ginawa ko. Sinandok ko iyon sa plato bago ko inilapag sa mesa.Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang mga yapak ng paa ng pamilya ko. Sunod-sunod silang pumasok sa kusina kung nasaan ako.Nakangiti ko silang tiningnan. “Magandang umaga!”Humalik ako sa pisngi nila mama at papa nang makaupo sila sa hapagkainan. Nakangiting pinagmasdan ni mama ang pagkain sa mesa.“Naku, dapat hindi ka na nagluto ng almusal. Ako dapat ang gumagawa nito,” sabi ni mama.
ImpressMabilis na lumipas ang mga araw simula nang mag-exam ako sa University. Ang sabi sa amin, hintayin na lang daw namin ang admission letter na ipapadala nila at doon daw nakalagay kung nakapasa kami o hindi.Hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap kaya naman kinakabahan na ako. Kung sakaling hindi ako makapasa doon, kailangan ko na namang maghanap ng ibang school.Abala ako sa paglalampaso ng sahig nang lumapit sa akin si Laiza, ang bunso kong kapatid.“Ate, malapit na pong magpasukan, bibilhan n’yo po ba ako ng bagong sapatos?” tanong nito habang inosenteng nakatingala sa akin.Nasa palengke pa sila mama at papa kaya kaming tatlo lang ang naiwan dito sa bahay. Day-off ko rin ngayon sa trabaho ko sa bakery kaya sinamantala kong maglinis.Ngumiti ako sa kapatid ko at umupo kami pareho sa silyang kahoy. Sa
WantHindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga mayayamang grabe kung gumastos ng pera. I mean, wala naman akong karapatang pakialaman sila dahil pera naman nila ’yon. Pero nasasayangan lang ako sa mga ginagastos nila sa hindi naman importanteng bagay.Buti na lang at hindi bumaba ng kotse iyong si Theros para ipilit sa akin iyong pera. Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw ko silang sunod-sunod na umalis.Napailing na lang ako bago umupo sa harap ng kaha. Alas-syete pa lang ng gabi kaya may tatlong oras pa akong hihintayin bago umuwi. Tumunog ang cellphone ko hudyat na may natanggap akong mensahe.From: AllenKita tayo mamaya. Hintayin mo ako sa park.Nagtataka man ay pumayag pa rin ako. Ang sabi niya kanina nagkayayaan sila ng tropa niya, eh bakit makikipagkita pa siya sa ’kin? Ayos lang naman kahit umuwi na siya sa kanila.
FriendPinag-isipan ko nang mabuti ang sinabi ni Aling Mona sa akin. Ang pusong madalas makaranas ng sakit ay nawawalan ng pakiramdam. Ayaw kong maging manhid ang puso ko at tuluyan akong mawalan ng pakialam sa paligid kaya mas mabuting tapusin ko na ang ugat nito habang maaga pa.Kinuha ko ang cellphone ko at nagpadala ng mensahe kay Allen na makikipagkita ako sa kanya. Nakapagpaalam na ako kay Aling Mona na maaga kong isasara ang bakery dahil may gagawin pa ako. Mabuti na lang at pumayag siya.Sa park ulit ako nakipagkita kay Allen. At kagaya nang dati, huli na naman siya sa oras ng usapan namin. Ganiyan ba ang babawi? Nangako pa nga siya na hindi na mali-late sa usapan namin pero napako lang ulit ’yon.Isang oras ang lumipas bago ko natanaw si Allen na paparating. Halatang nagmadali siya dahil hinihingal pa siya at tagaktak ang pawis.“Dawn, sorry
CourseMabuti na lang at nadaan ko sa pakiusap si Manong guard kaya pinayagan niya akong lumabas. May tatlong klase pa ako sa hapon pero kayang-kaya ko namang habulin iyon. Ang mahalaga ay makauwi ako agad.Pinara ko ang jeep na dumaan sa tapat ng campus at agad na sumakay. Habang nasa biyahe ay mas lalo lang akong kinakabahan.Pagkababa ko pa lang ng ay tinakbo ko agad ang daan papunta sa bahay namin. Mula sa labas ng pinto ay naririnig ko na ang paghagulhol ni mama.“’Ma? ’Pa? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko bago umupo sa tabi niya.Halos hindi na siya makahinga kaiiyak kaya bumaling ako kay Papa. Basang-basa na rin ang kaniyang pisngi sa luha.“’Pa, ano po bang nangyari?” muli kong tanong.Bumuntonghininga si papa at sinapo ang kaniyang noo. Mas lalo kong na
Escape“Madaling araw ka na laging umuuwi anak, baka naman pinapagod mo nang sobra ang sarili mo?” nag-aalalang tanong ni mama habang naghahain ng almusal.Kagigising ko lang at pagpunta ko rito sa kusina ay ganiyan agad ang bungad ni mama sa akin. Isang oras nga lang ang tulog ko kagabi at inaantok pa ako ngayon."Oo nga naman, Dawn. Ang laki na ng eyebags mo kapupuyat,” sabi naman ni papa pagkatapos humigop ng kape.Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Ilang araw na akong nagtatrabaho hanggang madaling araw pero hindi pa rin sila nasasanay. Ako nga, pakiramdam ko nasasanay na ang katawan ko sa setup ko ngayon. Pero s’yempre nakararamdam pa rin ako ng puyat."Hindi naman po nakakapagod ang trabaho ko. Nakakatulog naman ako doon kapag walang customer. Huwag na po kayong mag-alala,” paliwanag ko ngunit hindi man lang nagbago