Share

KABANATA 4

“MY parents are kind, whatever I say, that’s what they believe. Except for Grandpa, he is not that easy to convince,” lecture ni Dylan kay Danica habang papalabas sila ng elavator. Noong una ay medyo lumabas pa ‘yong pagka-ignorante ng dalaga na hindi na lamang ipinahalata.

“Ganoon. Eh, paano mo napaniwala ‘yong Lolo mo?”

“Magaling ako, kaya galingan mo.”

Huminto sila sa harap ng isang malaking pinto kapagkuwan. At tila sasabog na ang dib-dib ni Danica sa kaba. Parang ang hirap ng gagawin niya. Okay lang para sa kaniya na alam ng pamilya ni Dylan na may nakaraan sila---pero ang makita ang mga ito ng personal, ibang usapan ‘yon.

“Good evening, Sir,” pormal na bati ng dalawang naka-men in black sa kanila na noon ay nakabantay. Binuksan ng mga ito ang pinto.

Daig pa nila ang mga politiko sa dami ng bantay. Sila na sikat. Sila na importante. Sa isip ni Danica.

“Ready?” ang tanong sa kaniya ni Dylan na inalok ang kaliwang braso. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago ipinulupot ang kamay.

Malalaking bulaklak na nakahelira sa magkabilang gilid ng pinto ang unang bumungad sa kanila. Sa malaking bulwagan ay mga mesang nakabalot sa maputing tila at ganoon rin ang mga upuan. Maayos ang pagkakadetalye ng tema at talagang pinaghandaan.

“I am sorry we’re late,” pabulong na usal ni Dylan sa isang Ginang na marahil ay Ina nito dahil na rin sa pagkakahawig ng dalawa.

“Shhh,” saway na sagot ng Ginang. Mula ulo hanggang paa, napaka-ilegante nitong tingnan. At napakaganda.

Napayuko na rin sila ni Dylan nang makitang tahimik ang lahat at taim-taim na nakikinig sa nagbabasa ng prayer.

Matapos iyon ay kaniya-kaniyang nag-share ng memories ang bawat myembro ng pamilya na umabot ng halos tatlong oras. Naging emosyonal ang mga ito lalo na ang Lolo ni Dylan.

Samantalang siya? Ayon, muntangang panay ang tingin sa mga tao sa paligid. Aliw na pinagmasdan ang pag-iyak ng mga ito. Pati iyon sosyal?

Inip na napadaus-os siya ng upo. Ramdam niya ang pananakit ng kaniyang puwetan at ang masaklap ay mukhang matatagalan pa ang seremonya. Parang gusto na niya tuloy’ng bumalik ng cafē, at least doon nakakakilos siya.

Makaraan ang ilang sandali ay pumailalim ang isang lumang tugtugin ❝Don❜t forget to remember me❞ sa pamamagitan ng isang violin, habang isa-isang ipinakita sa malaking ding-ding na may nakatutok na ilaw ang mga larawan ng isang matandang babae.

Sa isang iglap ay nakaramdam si Danica ng lungkot. Noon lang siya parang tinablan. Paano kasi theme song rin ng kaniyang Nanay at Tatay ang kanta. Ang lungkot ng melodiya, maging ang liriko. Ang sakit, parang hindi niya kayang isipin na isa man sa mga ito ay mapunta sa ganoong sitwasyon.

“B-bakit?” hilam ang mga matang baling niya kay Dylan dahil sa ginawa nitong pagsiko sa kaniya. Ngumiwi-ngiwi ito na hindi niya maintindihan. Hanggang sa tila sumuko ito at marahang pinunasan ang kaniyang mga mata. Awtomatikong naipalis niya ang kamay nito dahil sa animo’y kuryenteng naramdaman niya roon.

“Ang ingay mo.”

Saka niya lang naintindihan. Mukhang napalakas yata ang pag-iyak niya dahil sa mga matang nakatingin sa kaniya.

“S-sorry..”

“She’s fine,” baling ni Dylan sa Ina.

“S-sorry po,” nahihiya niyang hingi ulit ng paumanhin.

Muling tumogtog ng memorial song at pagkatapos niyon ay pumainlang ang isang mahabang katahimikan.

“SA wakas ay nakilala ka na rin namin,” wika ng Ina ni Dylan sa kaniya. Kanina pa tapos ang seremonya at ang panghuli ay ang pagsasalo sa haponan. Magkasalo sa isang mesa ang buong pamilya. Habang sa ibang lamesa naman ang mga bisita.

Ito yata pinaka-nagustuhan niya sa lahat ng parte ng seremonya. Bukod kasi sa ang daming pagkain, masasarap pa ang mga ito.

Pero sa dami ng kutsara sa harap niya na hindi niya naman alam kung paano lahat gamitin, nagkasya na lamang siya sa karne at kaning inilagay ni Dylan sa kaniyang plato.

“We have heard everything, ija. And we’re really sorry for that,” ang Ama ni Dylan. Si Enrico.

Kaya naman pala tisoy si ATM boy. Gaganda at gagwapo ng lahi. Humahangang puri ni Danica na sinarili na lamang.

“Enough, sweetheart. Baka magbago pa isip ni---?”

“Danica ho.”

“Ah, sorry hindi kasi sinasabi ni Dylan ang pangalan mo, eh. By the way, wedding anniversary namin ng husband ko a couple of week from now. I want you to be there.”

“Opo Tita.”

“Huwag mo na ulit iwan ‘tong si Dylan namin, huh. Alam mo bang parang naging ibang tao iyan no’ng mangyari ‘yon.”

“Mommy..,” saway ni Dylan.

Ismid na tumingin si Danica sa katabi. Kunwari pa ito, ang galing umarte. Paano nito nagawa iyon sa sariling pamilya? Ang sama lang.

“I won’t let that happen again,” ang Lolo ni Dylan. “Dylan is not getting any younger anymore. Besides, I wanna see him having his own family before I am gonna leave this world.”

“Don’t say that, Papa. Tinatakot niyo kami,” ang Mama ni Dylan.

“Matanda na ako, Cassandra. Gusto ko settled ang lahat bago sumunod kay Elisabeth.”

“Papa, wherever ‘Mom is right now I know she’s happy. At malulungkot siya kapag naririnig niya ang mga sinsabi mo ngayon,” anang Daddy ni Dylan.

“That is the reality, Son. Nothing in this world is permant. Darating ang araw na kailangan ko ring iwan kayo,” dagdag pa ng matanda.

Ramon Monteverde, ayon sa kwento sa kaniya ni Dylan istrikto raw ito pero mapagmahal na Lolo. Naitayo ang DM dahil pagsisikap ng matanda. Isang simpleng tindahan lamang ito noon ng mga damit at walang pangalan. Hanggang sa ma-inspired ang matanda sa Asawang magaling magdisenyo ng mga damit. Hindi raw naging madali para sa DM ang umabot sa kinalalagyan nito ngayon. May mga beses ding nalugi raw ito at muntikan nang magsara. Pero hindi raw sumuko ang Lolo ni Dylan at itinaguyod pa rin ang DM hanggang sa unti-unti itong makilala at marating ang r***k ng tagumpay. At kahit matanda na ay ito pa rin ang tumatayong chairman ng DM. And last five years ago noong isinunod ito sa pangalan ni Dylan.

Ngumiti sa kaniya ang matanda. “Pagbibigyan mo naman ako hindi ba?”

“Nang ano ho?” inosenting tanong pa niya.

“Na makita ang magiging Apo ko sa tuhod.”

Matapos iyon marinig ay nasamid si Danica. Naitakip niya ang kamay bago tuluyang maibuga ang kinakain.

“Papa hindi ba pwedeng kasal muna?” ang Daddy ni Dylan. Medyo natawa itong napatingin sa kaniya. “Pero sabagay, parang gusto ko na ring makarga ang magiging Apo ko.”

“Tumigil nga kayong dalawa. Nakakahiya kay Danica,” saway ng Mama ni Dylan.

“Don’t worry,” kapagkuwan ay sabat rin ni Dylan at tiningnan siya. “We’ll work on it.”

At tuluyan na nga siyang napaubo. Ramdam niya ang paglipat ng mga butil ng kanin mula sa kaniyang bibig papunta sa ilong.

MAGHAHATING gabi na nang ihatid si Danica ng binata. Kasalukuyan silang nasa harap ng tinutuluyan niyang boarding house.

“Thank you so much!”

“Okay lang. Hindi naman ako lugi. Nabusog ako.”

“Friends?” kapagkuwan ay alok ni Dylan ng kamay sa kaniya. Napangiting tinanggap niya iyon.

“Friends.”

“Pasensya ka na. Gaya nang sinabi ko last na ‘to. Pero kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang lumapit sa akin.”

“Titingnan ko.”

Kapagkuwan ay muling ngumiti si Dylan. At sa tingin niya ay mas lalo itong nagiging gwapo sa tuwing ginagawa iyon.

“Mauna na ako.”

“Sige.”

Matapos makaalis ni Dylan ay saka lamang siya pumasok sa loob. Si Lily ang nagbukas ng pinto. Nagtanong pa ito kung saan siya pumunta dahil wala raw siya sa café kanina. At kung totoo na boyfriend niya raw ba ‘yong sumundo sa kaniya gaya nang sinabi ng kaniyang amo. Pero nang sabihin niyang trabaho lang ay hindi na ito nag-usisa pa.

“Night Dan..!” mula sa itaas ng deck ay sumungaw si Liliy. Magkasama sila ng kwarto maliban kay Sheila na nasa kabilang kwarto.

“Night..!” usal niya bago pumikit. Ang totoo napaisip siya sa alok ni ATM boy kanina. Pero mas mabuting huwag na. Gusto niya nang putulin anuman ang ugnayan niya sa rito.

---

PAGKATAPOS nga ng death anniversary ng Lola ni Dylan ay bumalik na ang kaniyang buong pamilya sa Manila. At gaya nang napag-usapan ay hindi na niya guguluhin pa si Danica.

Dumaan ang mga araw na hindi naman nagtanong ang pamilya ng binata tungkol sa kanilang dalawa ni Danica. Subalit nang mahigit dalawang linggo na ang lumipas ay doon na nagsimulang mag-tanong ang mga ito.

Mahirap nang ibalik sa dati, iyon ang idinahilan ni Dylan. Masyado niyang nasaktan si Danica kaya’t hindi niya ito masisi kung bakit nagbago ang nararamdaman nito para sa kaniya. Kaya kahit mahirap ay nagdesisyon siyang bigyan ito ng panahon para makapag-isip. Na ayaw niya muna itong guluhin hanggang sa ma-realized nitong mahal pa rin siya nito.

Hindi na nagkomento pa ang mga magulang ng binata. Maging ang matanda ay tahimik lamang kaya laking pasasalamat ni Dylan na hindi na nag-usisa pa ang mga ito.

DUMATING nga ang araw ng wedding anniversary ng mga magulang ni Dylan. At ayon sa kagustuhan ng mag-Asawa sa harden ng mansyon idinaos ang pagtitipon. Imbitado lahat ng mga malalapit na kaibigan ng pamilya, bussiness partners, at mga kilalang tao sa lipunan.

“Hey Dylan!”

Napangiti si Dylan sa bagong dating. Ang kaniyang kababatang si Francine. Abala siya sa pakikipag-usap sa mga bisita kaya hindi niya namalayan ang pagdating ng huli. Saglit siyang nagpaalam sa mga kausap at sinalubong ang kababata. Isang taon na rin ang lumipas noong huli sila nito nagkita. Matapos kasi nitong ikasal ay namalagi na ito sa California kasama ang Asawa.

“I’m happy you made it to be here. Kailan pa kayo dumating?”

“About a week.”

“I see. Musta?” baling naman ni Dylan sa Asawa ng kababata. Mabait naman ito pero hindi siya malapit dito.

“Okay lang,” tipid na sagot ng huli.

“May I have your attention everyone!”

Sabay silang napatingin sa nagsalita. Ang kaniyang Lolo kung saan nakatutok ang spotlight. Um-echo ang tinig nito sa buong lugar kaya lahat ng atensyon ay napunta rito.

“Una sa lahat ay gusto kong batiin ang aking Anak at manugang---happy wedding anniversary! Nawa ay marami pang taon ang darating. Pahalagahan niyo ang bawat sandaling kasama niyo pa ang isa’t-isa. Mahirap mawalan ng minamahal. And it seems the world collapse when that time happens. Sobrang hirap,” lintanya ng matanda. Dumaan ang ilang sandali bago uli ito nagsalita. “But anyways, I have another important announcement to make,” muli ay dag-dag pa nito at tumingin sa gawi ng Apo. “Dylan, I know you have worked so hard. Deserve mong maabot kung ano at sino ka ngayon. Pero apo, matanda na ako. Gusto kong bago ako mawala sa mundo ay makita ko man lang ang magiging Apo ko sa tuhod.”

Lahat ay natawa sa sinabi ng matanda maliban kay Dylan. Sa tono nang pananalita ng Abuelo ay tiyak niyang may pinaplano na naman ito.

“So I decided to just get your engagement party right away.”

“D*mn!” inis na sambit ni Dylan.

Nagpalakpakan ang lahat. At mababakas sa mukha ng bawat isa ang excitement na makilala ang mapalad na babae.

“Please do welcome, Dylan’s fiancèè!”

Mula sa matanda ay lumipat ang spotlight sa gawing pinto ng mansyon. Isang dalagang may suot na pulang cocktail dress ang nasa gitna niyon. Inalalayan ito ng isang medyo may edad na babae palapit sa kinaroroonan ng matanda. Muli ay nagpalakpakan ang mga bisita. Maging ang mga magulang ni Dylan ay tuwang-tuwa.

“Danica?” hindi makapaniwalang usal ni Dylan. Gaya niya ay mukhang hindi rin nito nagustuhan ang nangyayari.

“Why not join here, Dylan!” tawag pansin ng matanda sa Apo.

Noon naman natuon ang atensyon ni Danica sa binata. Sa isang iglap ay gumuhit ang sakit sa mukha ng dalaga na hindi niya maintindihan. Marahil ay may ginawa na naman ang kaniyang Abuelo.

Mukhang maiiyak na si Danica at mas lalo siyang nakokonsensya dahil doon. Tiim ang mga bagang ay humakbang siya papunta sa kinaroroonan ng kaniyang Lolo at Danica. At walang salitang hinila niya ang dalaga palayo.

Subalit hindi pa man sila nakarating ng gate ay naharang na sila ng mga bantay.

“Alis..!” mahinahong utos ni Dylan pero tila walang narinig ang mga ito.

“Sorry, Sir. Alam ng Chairman na gagawin mo “to kaya mahigpit niyang ipinagbilin na palaba---.”

“I said get the f*ck off!”

“Dylan!”

Salubong ang mga kilay na hinarap ni Dylan ang kaniyang Abuelo. Ayaw niyang magalit rito hangga’t maaari pero sumusobra na ito.

“Stop manipulating me, Lo! Huwag niyo akong pangunahan for pete’ sake hindi na ako bata!” hindi mapigilang sigaw ni Dylan sa Abuelo.

“Dylan!” saway naman ng kaniyang Ama. Sumunod rin ang kaniyang Ina maging ang kababatang si Francine at Asawa nito.

“I am just doing what is right!” galit na wika ng matanda. “I have been giving you for a long time, Dylan. I wanna learn of accepting Danica kahit alam kung langit at lupa ang agwat niyo, mabawasan man lang ang mga naging kasalanan ko. But what are you doing?!”

“You don’t get me, Lo. Ang akin lang huwag niyo akong pangunahan. Huwag kayong basta-basta nagdi-desisyon dahil buhay ko ‘to...!”

“You love her, don’t you?” bagkus ay tanong ng matanda.

Hindi na nakapagsalita si Dylan. Tila umurong ang kaniyang dila sa tanong na iyon ng kaniyang Lolo.

“Just yes or no, Dylan,” giit pa ng matanda.

“She doesn’t love me anymore..,” sagot ni Dylan sa sumusukong tinig.

“Oh, that is bullsh*t!” dumagundong na sambit ng matanda. Sa hitsura pa lang ay tila nasaid na ang pasensya nito. “It’s opposite from what I have heard from her in the hospital. You always have your reasons, Dylan. Is that really so or there’s something you do not say?!”

“Sorry po Lolo,” singit ni Danica. Sa tono ng pananalita ng dalaga halatang may dinaramdam ito. At hindi nga nagtagal ay nagsimula na itong humikbi. “Ako ho ang may kasalanan.”

“Tumigil ka,” pigil ang boses na babala ni Dylan sa nilingon na dalaga.

“Nagsinungaling po ako sa Apo niyo,” pagpapatuloy ni Danica. “A-ang totoo..,” saglit itong huminto at lumagpas ang tingin kay Dylan. “M-mahal ko pa rin siya.”

“You what?” hindi makapaniwalang tanong ng binata. Pero imbes na sumagot ay mabilis na tumingkayad si Danica---at inabot ang mga labi niya. Dala ng pagkabigla ay hindi niya magawang kumilos at tanging pagtigtig lamang sa nakapikit na dalaga ang nagawa.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status