Share

KABANATA 14

DAPIT hapon na nang magising si Danica. Eksakto ring naulingonan niya ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Tuluyan na siyang bumangon at tinungo ang pinto.

“Bakit ho?” ang tanong niya nang pagbuksan ang landlady.

“Baka kako di ka pa kumain. Dinalhan kita ng pinangat,” anito na tinutukoy ang laman ng dalang tupperware.

Napangiti si Danica na kinuha iyon. Matagal na rin siyang hindi nakatikim niyon. Simula kasi no’ng tumira siya sa mansyon ng mga Monteverde hindi na niya nakakain ang mga pagkaing nakasanayan na niya. “Salamat po.”

“Pwede kang mag-stay muna sa bahay habang wala pa ang dalawa,” pagmamagandang loob pa ng landlady.

“Ay okay lang po, te. Darating na rin ho sina Lily at Ate Sheila maya-maya,” tangging wika ni Danica.

“Ganoon ba. Osiya sige. Nasa bahay lang ako kapag may kailangan ka.”

Muli ay ngumiti si Danica. Likas talagang mabait ang kausap kahit na noong dito pa siya nakatira.

“Sige po. Salamat ulit.”

INIHANDA ni Danica ang hapagkainan, ininit na rin niya ang mga pagk
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status