"How's school, Sis?" my sister asked me while we're in the middle of our breakfast.
Tinapos ko muna ang pagkain ko saka siya sinagot.
"Okay naman po, Ate. Wala naman pong problema sa school," I lied.
Hindi ko sinabi sa kanila 'yong nangyari saakin no'ng isang araw . Gabi na rin naman umuuwi si Ate kaya hindi niya naabutang iba na 'yong suot kong damit pagkauwi ko. Ayaw kong pati 'yong pambubully saakin sa campus ay problemahin niya rin. Masiyado nang marami 'yong iniisip niya at hindi ko na 'yon dadagdagan pa. Kakayanin ko naman siguro 'yon kahit 'di ako nagsusumbong sa kanila.
Kaya ko nga ba?
Malakas na nagpakawala ako ng buntong-hininga na agad namang ikinalingon nila ate at Auntie. Pinagpatuloy ko nalang 'yong pagkain ko. Sighing can't help me to stop my bullies.
"Ilalagay ko na sa bag mo 'yong baon mo," sambit ni Auntie.
"Sandali!"
Before I could stop her, she already saw what's inside my bag.
"Bakit may mga extrang damit ka sa bag mo?" Binuklat niya 'yong mga damit na nilagay ko kanina sa loob ng bag ko.
Nagmamadaling tumayo ako at kinuha sa kan'ya 'yong damit. "W-wala po ito. Para kasi 'yan sa PE namin mamaya," pagsisinungaling ko. Inayos ko muna 'yong mga damit dahil nawala ito sa pagkakatupi nang buklatin iyon ni Auntie bago ibinalik sa loob ng bag ko.
Nagdadala na ako ng damit ko just in case na mabiktima ulit ako ng pagbuhos sakin ng tubig kaya magtataka talaga sila.
Narinig kong tumikhim si Ate kaya napalingon ako sa kanya. She's staring at me like she was observing me if I was telling the truth. Napaiwas nalang ako ng tingin sakanya.
"Masiyado namang marami 'yan para gamitin mo sa PE niyo," sabi niya. "Magsabi ka ng totoo? B-inu-bully kaba sa school?" biglang tanong niya saakin.
Napatingin ako sa kanya at 'di ko alam kung ano sasabihin ko. "H-hindi po talaga, Ate."
"Siguraduhin mo lang. Hindi kami nagpapagod kakatrabaho at kakaalaga sa'yo para hayaan kang i-bully lang doon," malamig na sabi niya. Tinapos na niya 'yong pagkain niya bago nagpaalam na umalis.
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang pag-trip-an ako ng mga bullies. Hindi lang basta pagbuhos ng maruming tubig ang naabutan ko ng mga araw na 'yon. Pininturahan ng red paint 'yong upuan ko at ang masahol pa doon ay nalock ako sa loob ng comfort room habang nagbibihis ako. Ni hindi man lang nagpakita 'yong Santi na 'yon who promised that he will take responsibility of me.
Naging conscious na rin ako sa palagid ko. Hindi na rin ako makatambay sa rooftop dahil biglang may tumatambay na rin doon. Wala na akong choice kung hindi maghanap ng bagong tambayan.
"What's with that sounds?"
"Naririnig niyo ba kung saan galing 'yon?"
"Oh my gosh! Tunog ng palaka 'yon di'ba?"
I'm on my way papunta ng locker ko dahil kukunin ko 'yong libro ko sa Trigo. 'Di nakawala sa pandinig ko 'yong bulungan ng mga estudyante sa hallway patungong locker room. I could clearly hear the sound of a frog that they are pertaining. Habang palapit ako sa locker ko ay palakas nang palakas 'yong huni ng palaka.
"I think... galing 'yon sa locker niya," bulong ng babae sa likuran ko.
Malakas ang tibok ng puso ko no'ng nasa harap na ako ng locker ko. Tanga lang ang 'di mapapansin na doon nanggagaling 'yong huni dahil pagkabukas na pagkabukas ko no'n ay nagsitalunan palabas ng locker ko ang mga palaka.
"Ahh! Get that shitty frog away from me!"
"Wahh! It touches my shoe!"
"HAHAHAHAHA."
Nagkagulo na sa loob ng locker room. 'Yong iba ay nagtatakbong palabas sa takot na malapitan ng mga naglalakihang palaka. Nanatili lang akong nakatayo sa harap ng locker ko at nakatingin sa gutay-gutay ko ng mga libro at puno ng dumi ng mga palaka.
"Aww~ That's so cute. Nag-reunion ang mga cheap."
Napalingon ako sa nagsalita at bumungad saakin si Jasmin at ang mga alipores niya. Taas-noong naglakad siya palapit saakin. Rinig na rinig ko ang pagtunog ng takong ng mga sapatos nila habang humahakbang sila. Nakatutok pa saakin ang mamahalin niyang phone habang tinitingnan niya ako na parang nandidiri siya saakin.
"Mukha ka ng basahan. No wonder kung bakit hindi na nakadikit sayo 'yong magaling mong boyfriend. Who would like to be with a cheap like you?" sabi niya na may halong panunuya.
"You're right, Quennie!" sang-ayon sakanya ng kasama niya.
I close my fist to stop my grudge to punch them while laughing their ass off.
"Enjoy my gift, Weirdo!" I can hear the sarcasm when she said it. They gracefully walk theirself out the locker like they didn't do something disgusting.
Mag-isa nalang ako dito at tanging 'yong mga palaka nalang ang kasama ko dito. Inilabas ko 'yong mga libro ko. May mga pahina pang nalaglag dahil natanggal na ito sa pagkakadikit.
"Puchangina naman oh! Mga letse kayo! Kailan niyo ba ako titigilan?!" sigaw ko. Galit na ibinato ko ang hawak kong libro pero parang pinagti-trip-an ako ng tadhana dahil sumakto ang pagbato ko sa mukha ni Prof. G na 'di ko namalayang nasa loob na rin ng locker room.
"Miss Deceda, come with me in the Dean's Office. Now!" Dumagundong ang galit na boses ni Prof. G.
Napapikit ako para maitago ang inis ko. Pakiramdam ko parang pinaglalaruan na ako dito. I want to cry my frustation but I know it can't help me nor solve my problem.
"I want to meet your guardian tomorrow, Miss Deceda dahil sa ginawa mo," saad ni Dean Yllona.
"Please 'wag na po, Dean. Tatanggap po ako ng kahit anong consequences basta 'wag niyo lang ipapatawag sina Ate," pagmamakaawa ko sakanya.
After the incident in the locker, I ended up here in Dean's Office dahil lang sa 'di ko sinasadyang mabato sa mukha si Prof. G ng gutay-gutay na libro. How ironic it is? Ni hindi man lang pinatawag 'yong nambaboy sa locker ko.
"Okay fine. Hindi ko ipapatawag 'yong guardian mo. But you have to do this. The locker room has been lockdown for the whole day and all you have to do is to clean it by tomorrow all by yourself. Since sa locker mo naman nanggaling ang mga palaka."
"Pero Dean—"
"Hushh!" Pagputol niya sa sasabihin ko. Naitikom ko nalang 'yong bibig ko nang tingnan niya ako ng masama. "You don't have a choice, Miss Deceda. If you don't want your sister to be here tomorrow then do the consequences," she said.
You can sense the authority in her voice and all I could is to nod my head. Labag sa loob na lumabas ako sa office na hindi man lang nasasabi ang side ko. Sa katunayan ako ang naagrabiyado dito. Nasira 'yong mga libro ko, napapunta ako sa Dean's Office at bukas maglilinis ako ng locker. Wala pa bang mas ikakasama ang araw na'to?
Feels like heaven was listening on my thoughts. Bigla nalang dumilim ang paligid at bumagsak ang ulan. Nagmamadaling tumakbo ako papunta ng parking lot at naghanap ng masisilungan ko. I still have a class after this but i choose to go home early. After ng nangyari, nawalan na ako ng ganang umattend pa ng klase.
I drop a message sa driver namin na sundiin na ako ngayon. Sinabi ko na rin sa kanya kung nasaan ako dahil hindi rin naman ako makakalabas ng campus sa lakas ng ulan. Hindi sapat ang suot kong hoodie dahil mababasa pa rin ako.
Tinago ko na 'yong phone ko at luminga-linga sa paligid. Nasulyapan ko pa ang isang grupo ng mga estudyante na babae at lalaki na sa tingin ko ay nasa first year pa lamang. They looking at me as if they already saw me from somewhere and then look at their phone, laughing. Inayos ko ang pagkakalagay sa ulo ko para matakpan 'yong mukha ko.
Nakakapagtaka lang. Hindi ko nakita ni anino ng Santi na 'yon. Hindi naman sa inaasahan ko siyang umaaligid saakin but nakakainis Lang dahil parang trial lang 'yong pagtulong niya saakin. The last time that I've seen him is the time na nasabihan ko siyang manyak.
"Ate, pwede po magtanong?" Lumingon ako sa kumulbit saakin. He's one of the student na kanina pa ako tinitingnan. I step back when I noticed that he was to closed to me. "Itatanong ko lang po sana kung kayo po 'tong nasa viral na video." Bigla niya pinakita sakin 'yong nasa phone niya.
Halos mamula ang mukha ko sa kahihiyan. Video iyon no'ng nasa locker ako at sigurado akong sina Jasmin ang nagpakalat no'n. Natapos na 'yong video kaya lumayo na 'yong lalaki saakin at bumalik sa mga kaibigan niya. Halos lahat ng mga estudyanteng nakasilong sa waiting shed ay nakatingin na ngayon saakin. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pang tumagal sa lugar na 'to.
Hindi ako gumagamit ng social media at tanging sa pangtawag at pang-text lang 'yong phone ko. Hindi ko alam kung hanggang saan na umabot 'yong video ko pero hinihiling ko na sana hindi 'yon makita ng ate ko.
Nang masilayan ko nang papalapit na 'yong kotse na minamaneho ng driver ko ay kusa na ako naglakad palapit doon. Medyo tumila na rin 'yong ulan pero hindi pa ako nakakalapit ay may kotseng biglang dumaan sa harap ko. Tumalsik saakin 'yong tubig na nasa kalsada at halos nabasa no'n ang buong damit ko.
"Oh my goodness! Is that you, Phitrice?" gulat na saad ni Jasmin na binaba lang 'yong windshield ng kotse niya. "'Yan kasi... tumingin-tingin ka sa dinadaanan mo kung ayaw mo magmukhang b****a." pekeng ningitian nga ako. Itinaas na niya 'yong windshield tsaka nagmaneho paalis 'yong kotse niya na parang walang nangyari.
Tama nga ang sinabi niya. Nagmukha akong basahan dahil sa tumalsik na putik sa damit ko. Tumigil sa harap ko ang kotse namin at lumabas doon na may payong 'yong driver namin. Nagulat pa ito dahil sa naabutan niya.
"Anyare po sainyo, Miss?" tanong niya saakin.
"Wala po, Manong. Tara na po. Umuwi na tayo," sagot ko. Nagmamadaling pumasok na ako sa kotse.
Hindi ko inaasahang buong araw ako mapagti-trip-an. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Kailangan ko nang umalis sa university na 'to kung nais kong makapagtapos ng pag-aaral na walang nanti-trip sakin.
***
"Bakit gusto niyang magtransfer, Auntie?" gulat na tanong ni Ate."Hindi ko rin alam, Patrice. Basta't umuwi nalang siya kanina na puno ng putik ang uniform niya at bigla nalang ako sinabihan na kausapin ka na ilipat siya ng school," paliwanag sa kanya ni Auntie.Napabuntong-hininga nalang ako habang nakikinig sa usapan nila sa labas ng kwarto ko. Pinakiusapan ko si Auntie na siya na ang mag-convince kay Ate Patrice. Ayaw ko mang sabihin sa kanila na nabu-bully na ako sa campus pero hindi ko na matatagalan 'yong ginagawa nila saakin.Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok doon si ate at umupo sa kama ko. Itinuon ko ang atensiyon ko sa librong binabasa ko. Narinig ko siyang tumikhim kaya napalingon ako sakanya. Inabot niya saakin 'yong hawak niyang libro. Kinuha ko 'yon at itinabi sa gilid ng study table ko."I guess tapos mo nang basahin
"Miss Phitrice, hindi pa ba kayo bababa ng kotse?" tanong saakin ni Manong Harry, 'yong driver namin.Nagising ako matapos malunod sa kawalan. Nagmamadaling lumabas ako ng kotse tsaka patakbong dumiretso sa classroom ko. Malapit na akong ma-late sa unang klase ko. Kahapon pa ako nawawala sa sarili ko dahil sa nangyari.The news about me almost falling in rooftop had reach the Head's Office. Parang ayaw ko nang pumasok dahil ngayon palang pinagtitinginan na ako ng mga schoolmates ko. They already give me a names. 'Suicidal Girl'. They doesn't know what's really happen and eventually concluded that I decide to end myself because of the bullies.Pagdating ko sa classroom ay agad akong umupo sa desk ko. Maingay kanina dito pero no'ng dumating biglang nagsitahimik sila. Nilabas ko ang notes ko para doon nalang ituon ang atensiyon ko kaysa pansinin ang mapanghusgang tingin
'Mommy, please wake up,' sambit ko habang niyuyugyog ang katawan niya.Napatingin ako sa kamay ko at nababalot na ito ng dugo pati na rin ang damit ko. I cry for help just to save my mother's life. I felt her hold my hand. Kahit sa ganoong sitwasyon nagawa niya pang ngumiti saakin. Mas lumakas ang iyak ko nang unti-unting pinipikit niya ang kanyang mata.'Mommy, please hold on. Mommy!'Nakarinig ako ng alingawngaw ng sirena. Nanatiling nakayakap lang ako sa Mommy ko at hindi siya binibitawan. May mga taong lumapit saakin at pilit akong nilalayo sa Mommy ko.Unti-unting naging malabo ang palagid at may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko. Pagkamulat ko ng mga mata ko nasa ibang lugar na ako. Nakatitig saakin sina Santi at Yassi. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at doon ko lang napagtantong nasa infirmary
The four corners of my room filled with silence. Nakamasid lang ako sa kanya habang siya ay parang batang namamasyal sa parke sa loob ng kwarto ko. Walang masyadong gamit sa kwarto ko maliban sa mga unfinished artwork ko.Lumingon siya saakin kaya dali-dali kong inalis 'yong tingin ko sa kanya. I heard his footstep going to my side and I felt my bed sink a bit. I suddenly feel uneasy when his hand land on my forehead. Mataman niyang sinasalat 'yong noo ko na parang sinusukat ang temperatura ko."May sakit ka na't lahat-lahat, suplada ka pa rin." Gamit ang likod ng palad niya, tinulak niya ang noo ko para humiga ako ng maayos."Why are you still here pa rin ba? Hindi kita kailangan dito kaya you can leave now," supladang saad ko sa kanya."Habagin! Ngayon lang ako nakyutan sa conyo," he muttered but enough for me to hear it.
"Next week will be your finals. The names that I will call are those who didn't manage to compile all of the requirements in my subject..."Prof. Garcia are now calling the names of some of my classmates. I was patiently waiting for my name to be called dahil absent ako for almost a week and I'm aware na 'di ko pa napapasa 'yong final output ko sa Drafting. Natapos nang tawagin ni Prof. Garcia pero hindi ko man lang narinig 'yong pangalan ko.Sa mga sumunod kong subject ay gano'n pa rin. They calling out those names na kulang pa 'yong mga requirements but I didn't heard my name. Nakakapagtaka dahil sa pagkakaalam ko ay nagbigay sila ng outputs the day na naaksidente ako sa hagdan ng school building namin."Hello, Classmate! Kamusta?" bati saakin ni Yassi.Gaya ng palagi kong nakikita sakanya, she still wear her bright smile but she l
My eyes widen on its fullest. Not because I was shock but I am grateful. I let out a deep sigh of relief."Great! So I don't need to explain anything." I make my voice sound sarcastic. Ilang araw kong pinag-isipan kung paano ko sasabihin sa kanila 'yon pero all this time alam naman pala nila 'yon."Yup. Natanong ko na si Santi about doon. He confessed immediately," she answered before eating her food. By the tone of her voice, it's more likely she threatened him than asked him."But what is the reason why you invited him over dinner?" tanong niya.Bubuka pa sana ang bibig ni Auntie kaya agad ko siyang pinanlakihan ng mata. "Stop it, Auntie. I invite him para pasalamatan siya. Ginawa niya kasi 'yong output ko when I was being bedridden," paliwanag ko. Tumango lang sila pero ando'n pa rin ang nakakalokong ngiti nila.
"Anong mukha yan, Yassi?" nagtatawang tanong ni Santi.Lukot ang mukha ni Yassi at parang maiiyak nang maabutan siya ni Santi. Pagkatapos kasi ng meeting ay dumiretso agad ako dito sa Green House. Ewan ko kung bakit ito sumunod sa akin. It became my hangout place eversince they totally locked the rooftop."Bakit kayo nandito? Could you find some other place? I want to be alone," pantataboy ko sa kanila."See, Santi? May red days yata jowa mo. Ayaw na niya akong kausap," naiiyak na sumbong ni Yassi kay Santi."Kailan ka ba kinausap niyan. Baka may ginawa kang 'di niya nagustuhan. Hala ka! Lagot ka kay Miss Patrice niyan," pananakot ni Santi sa kaniya.Nataranta ako nang biglang naging totoo ang iyak niya. Wala sana akong balak na pansinin sila pero bigla nalang ngumawa si Yassi.
"Is she okay?" nag-aalang tanong ni Ate kay Auntie.She drop her things in the floor of my room and immediately walk towards my bed. Kinapa niya ang mukha ko at mataman akong tinitigan. Nakahinga lang siya ng maluwag nang makumbinsi na siyang okay na ako."Ano ba nangyari sa'yo kanina? Tumawag sa akin si Auntie while I'm in a middle of inspection na umuwi ka na masama ang pakiramdam mo. Inatake ka na naman ba?" she asked continuously while caressing my hand."I'm okay na, Ate. I can't just stop myself in overthinking kaya inatake ako," I explained.She looked at me worriedly and caress my hair. She usually do this when she felt relief. Kaya ayaw kong palaging nag-aalala sila sa akin. The worriness of their face makes me sick. Pinapahina ako no'n.