THIRD PERSON POVNakasandal si Aldric sa kotse niya habang malalim pa ring iniisip ang tuluyang pakikipaghiwalay sa kanya ni Samara. Naikuyom niya ang palad niya sa sobrang inis. Gusto niyang magbitaw ng sunod-sunod na mura dahil sa nangyari. Hindi ito ang plinano niya. Ang pinakanakakaasar pa ay natalo lang siya ng isang bulag.“Bullshit,” malutong niyang sabi sabay hampas sa kotse niya.Binuksan niya ang pinto nito at papasok na sana nang biglang may tumawag sa pangalan niya.“Aldric.”Napalingon siya at agad niyang nakilala ang babaeng nasa harapan niya.It's Mandy, ang best friend ng ex niyang si Samara. Ngayon pa lang sila mag-uusap na sila lang dalawa kaya medyo nanibago siya. Nacurious siya kung anong pakay nito sa kanya.“You need… anything?” nakakunot noong tanong ni Aldric kay Mandy.Ngumiti si Mandy at tinagilid ang ulo niya bilang pagsenyas na pumasok muna sila sa kalapit na café. “I’ll tell you something,” sambit ng dalaga bago siya pumaunang maglakad.Naguguluhan man a
MARCO POVAra is sleeping on my chest. Mag-iisang oras na rin. Ito ang unang beses na hindi ako gumamit ng gamot na pampabulag nang sobrang tagal kaya naninibago ako sa liwanag ng paligid. May mga pagkakataong sumasakit ang ulo ko o biglang nanlalabo ang paningin ko. Nahihirapan din akong mag-concentrate sa mga bagay-bagay.Kinapa ko ang secret pocket ng bag ko kung saan nakalagay ang maliliit na bote ng serum na siyang ini-intake ko. Naroon pa rin ang mga ito at kung hindi mo alam na may secret pocket ang bag ko ay hindi mo yun mapapansin. Matapos kong i-check ang bag ko ay hinalikan ko ang noo ni Ara.Ilang linggo na lang ay babalik na ako sa pamamahala ng Silvestre Business Empire.I want to secure my future for her and Lolly. I'll be away for months at hindi ko pa alam kung paano ko yun sasabihin sa kanya.Basta ang alam ko lang, kapag nakabalik na ako ay pakakasalan ko na siya.Hinawi ko ang buhok ni Ara nang bigla itong naalimpungatan at nagising.“Uhmm,” pag-ungol niya.Dali
THIRD PERSON POVInihiga ni Aldric ang sarili niya sa kama. Hindi pa rin maalis-alis sa isipan niya ang sinabi ni Mandy sa kanya.‘Sinong bumarìl sa kanya?’ nag-aalala niyang tanong sa dalaga.Naikuyom ni Mandy ang palad niya. ‘It's Eli, your friend,’ diretsahan nitong tugon sa binata.Naipikit ni Aldric ang mga mata niya. Alam niyang medyo tuliro ang utak ni Eli pero tapat naman itong kaibigan. Kahit baliw na baliw ito sa ex niyang si Samara ay hindi siya nito ginawan ng masama. Malaki ang respeto nito sa pagsasamahan nila at gano'n din siya.Tatlong magkakasunod na tunog ng doorbell ang nagpahinto sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at nagtungo sa pinto ng living room upang buksan ito. Tumambad sa kanya ang apat na pulis na may hawak na mga dokumento. Agad na napakunot ang noo ni Aldric.“Kayo po ba si Mr. Aldric Rodriguez?” bungad na tanong ng isa sa mga pulis sa kanya. Malaki ang pangangatawan nito at medyo bugnutin ang itsura.Naningkit ang m
MARCO POVNaiwan akong mag-isa sa kwarto ko. Lumabas kasi si Ara para salubungin sina Candice at Lolly dahil marami raw silang dalang pagkain. Hinabilin pa niyang bumili ang mga ito ng Korean Food kasi alam niyang paborito ko ‘yun.Napangiti ako sa pagiging maalaga niya. Hindi pa kami kinakasal ay pang-wife material na.Kinuha ko sa loob ng bag ko ang maliit na box na laman ang singsing na pinasadya ko pa talaga para sa proposal ko kay Ara. Gumaan ang pakiramdam ko habang patuloy ‘yung pinagkatitigan.Si Ara ang babaeng una kong minahal—at alam kong sa panghabang-buhay ay sa kanya lang ako nakalaan.Sumagi sa utak ko ang usapan namin ni Mr. Sanchez no'ng huli naming pagkikita.Napahinga ako nang malalim at bahagyang nalungkot sa nangyaring tagpuan.(FLASHBACK)‘Sir Marius, totoo ho ba ang sinabi niyo sa akin sa telepono? Magbabalik ka na sa pamamahala ng Silvestre Business Empire?’ bungad na tanong ni Mr. Sanchez no’ng palihim kaming nagkita sa isang restaurant ng hotel na pagmamay-a
MARCO POVMariin kong tinitigan ang batang lalaki na tinawag ni Lolly kanina na EJ. Kumakain siya ng ramyeon sa tapat ko. Kasalo rin namin sina Ara, Candice at Lolly sa iisang mesa.Sa tingin ko ay nililigawan niya ang pamangkin ko, at dadaan muna siya sa butas ng karayom bago mangyari ‘yun. Kumukulo ang dugo kong talaga. Kailangan naming mag-usap nang masinsinan.“Hoy,” paninimula ko ng usapan. Tinuktok ko ang mesa nang tatlong beses para maagaw ko ang atensyon niya. Napatigil siya sa pagsubo ng ramyeon at tumitig siya sa akin. “Kompleto na ba ‘yang mga buto mo? Ha?” mariing tanong ko sa kanya.Napakurap-kurap siya na para bang inisip pa kung ano ang ibig kong sabihin. Agad na sumingit si Ara.“Hay, Love naman. ‘Wag ka ngang maraming tanong d’yan. Kumain ka na lang. Baka matrauma pa ‘yang bata dahil sa ‘yo at mareport ka for child abuse,” saway niya sa ‘kin at nilagyan ng gimbap ang plato ko. “May paligaw-ligaw na nalalaman, eh,” dahilan ko sa kanya.“Ay, hayaan mo na,” saway niya s
MARCO POV‘Magsisimula ang fireworks display mamayang 12 AM sa MÒA complex bilang pagsalubong sa kaarawan ng nag-iisang anak na lalaki ng batikang negosyante na si Mr. Rovelle Silvestre. Bagama't mailap sa camera, ay matatandaan na ilang taong nawala ang anak ng Ginoo at manunumbalik na nga ito sa pamamahala ng Silvestre Business Empire. Ang misteryosong anak na lalaki ng batikang negosyante na kailan man ay hindi pa naisasapubliko at lumaki sa South Korea ay pinaniniwalaan na siya ring henyo sa larangan ng pagnenegosyo na si Shadow Raven kaya sabik na sabik ang lahat kung tuluyan na nga siyang magpapakilala o pananatilihing lihim pa rin ang pagkatao niya…’Naningkit ang mga mata ko sa napanood kong balita sa telebisyon. Bahagya akong natawa. Iniisip talaga nila na isasapubliko ko ang pagkatao ko? Tch, silly. That will never happen.I’m enjoying my freedom. Mas madali ko ring nakikilala kung sino man ang mga nagbabalak na trumaydor sa akin sa larangan ng pagnenegosyo dahil wala silan
THIRD PERSON POV‘Fly me to the moonLet me play among the starsLet me see what spring is likeOn a-Jupiter and MarsIn other words: hold my handIn other words: baby, kiss me~’“Uhhmm…” pag-ungol ni Mrs. Licaforte habang niroromansa siya ng kabit niya. Isinandal siya nito sa dingding saka siya nito pinasadahan ng halik sa leeg at balikat.Matapos tanggalin ng kabit niya ang damit niya pang-itaas ay kinarga siya nito patungo sa kama. Hindi mapaghiwalay ang labi ng dalawa na nilàsap nang husto ang isa't isa.Marahang binaba ng lalaki ang ginang sa kama saka niya ito pinatungàn. Naka-topless na lang ang kabit ni Mrs. Licaforte kaya malayang nahimàs ng ginang ang matipunong katawan ng lalaki. Malaki ang agwat ng edad nilang dalawa pero tila hindi nila ito alintana.Mrs. Licaforte enjoyed the pleasure. Isang sensasyong hindi naibibigay sa kanya ng kanyang asawa.Inilapit ng lalaki ang bibig niya sa tenga ng ginang. “I want all of you tonight,” bulong nito sa nang-aakit na boses.Hinàplos
SAMARA POVTatlong katok sa pinto ang nakaagaw ng atensyon namin nina Candice at Mandy.“Ms. Saldivar and Ms. Dela Rosa, handa na po ang decorations para sa pinahanda niyong dinner date sa rooftop,” saad ng isang nurse sa amin.Napasinghap si Candice. “Tapos niyo nang i-arrange lahat? Ang bilis niyo, ah. Bibigyan namin kayo ng bonus,” tumango-tango siya na mukhang satisfied talaga sa serbisyo nila.Ngumiti naman ang nurse. “Ay, ‘wag na po, Ma'am. Hindi naman po kami gaanong busy ngayon. Isa pa, first time pong mangyari ‘to rito sa ospital kaya nagboluntaryo rin ang iba na tumulong. Parang mas excited nga po kami, eh,” magiliw niyang sabi sa amin saka siya bumaling sa akin. “Congrats po, Ma'am. Best wishes,” bati niya. “Thanks,” pangiti kong tugon sa kanya.Bumaling sa akin si Mandy. “Ichi-check na muna namin sa taas, ah. Tsaka baka may maitulong din kami ro'n. Hintayin mo na lang ang message namin kung pwede ka nang umakyat,” saad niya sa ‘kin. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kan