Share

CHAPTER 72: Trials Ahead

MARCO POV

Naiwan akong mag-isa sa kwarto ko. Lumabas kasi si Ara para salubungin sina Candice at Lolly dahil marami raw silang dalang pagkain. Hinabilin pa niyang bumili ang mga ito ng Korean Food kasi alam niyang paborito ko ‘yun.

Napangiti ako sa pagiging maalaga niya. Hindi pa kami kinakasal ay pang-wife material na.

Kinuha ko sa loob ng bag ko ang maliit na box na laman ang singsing na pinasadya ko pa talaga para sa proposal ko kay Ara. Gumaan ang pakiramdam ko habang patuloy ‘yung pinagkatitigan.

Si Ara ang babaeng una kong minahal—at alam kong sa panghabang-buhay ay sa kanya lang ako nakalaan.

Sumagi sa utak ko ang usapan namin ni Mr. Sanchez no'ng huli naming pagkikita.

Napahinga ako nang malalim at bahagyang nalungkot sa nangyaring tagpuan.

(FLASHBACK)

‘Sir Marius, totoo ho ba ang sinabi niyo sa akin sa telepono? Magbabalik ka na sa pamamahala ng Silvestre Business Empire?’ bungad na tanong ni Mr. Sanchez no’ng palihim kaming nagkita sa isang restaurant ng hotel na pagmamay-a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status