MARCO POVHinila ako ni Ara sa storage room ng rooftop. Alam ko ang nasa isip niya at gusto ko ‘yun. Pagkarating namin sa loob ng storage room ay sinara niya ang pinto at mapusok naming tinitigan ang isa't isa. Matamis siyang ngumiti sa akin tsaka niya isa-isang tinanggal ang butones ng aking tuxedo. Hinawakan ko ang beywang niya at kinabig siya palapit sa akin. Sinalubong ko ng mainit halik ang kanyang labi.‘Two old friends meet againWearin' older facesAnd talk about the places they've been~’“Uhm, Love,” mahina niyang pag-ungol at pinaglaro ang dila naming dalawa. Naramdaman ko ang init ng kanyang bibig at naamoy ang mabango niyang hininga.Pinanggigilan ko ang pang-upo ni Ara, saka ko pinasok ang kamay ko sa loob ng kanyang palda. Hinimas ko ang hita niya paakyat sa kanyang pagkababae. Masuyo siyang napangiti na tila nagustuhan niya ang aking ginawa.Tahasan niya akong hinila at iginiya sa nag-iisang kutson ng storage room. Marahan kaming umupo roon habang hinihimas pa rin namin
MARCO POVHalos kalahating oras pa lang kaming nakakaidlip ni Ara ay narinig naming may pumipihit ng doorknob ng pinto ng storage room. Kumatok ito ng tatlong beses.“Hello? May tao ba r'yan?” tanong nito, saka niya mahinang sinabi na, “ba't sarado ‘to?”Naiimagine ko pang kinakamot niya ang ulo niya.Base sa boses niya ay siya ‘yung maintenance ng ospital na tumawag din sa ‘min kanina na bumaba ng rooftop.Nagkatinginan kami ni Ara at napapigil ng tawa. Mabuti na lang talaga at tapos na kaming gumawa ng milagro. Nairaos namin ang pagtatalìk namin na walang distorbo.Mabilis kaming nagbihis para kung sakali man na buksan ng maintenance ang pinto ay diretso na kaming makakalabas. Alam kong malisyoso kaming pinag-iisipan ng kung ano-ano ng maintenance pero imbis kabahan ay parang na-excite pa kami ni Ara.“May tao ba? Saan ba ‘yung susi ko,” muling sambit ng matandang maintenance.“May tao, ho! Katatapos lang naming magchukchakan,” pabirong tugon ni Ara. Nasapo ko na lang ang noo ko da
MARCO POVIpipikit ko na rin sana ang mga mata ko at matutulog sa tabi ni Ara nang pumasok sa kwarto ang dalawang nurses na siyang tumulong sa akin na nagbihis kagabi. Lumapit silang dalawa sa kinaroroonan naming dalawa ni Ara habang nakangisi. May dala-dala silang isang papel na parang may kung anong nakasulat. Nagpanggap ako na wala akong nakikita para ituloy nila ang kung ano mang plano nila saka ko sila susunggaban. Mahigpit kong niyakap si Ara para agad ko siyang maprotektahan sakaling gawan nila kami ng masama.“Sir,” nakapamulsang tawag ng isang nurse sa akin. Nakaramdam ako ng kaba. “Tulog na po ba si Ma'am?” dagdag nitong tanong sa ‘kin.Napakunot ang noo ko sa kanya. “Mahimbing na ang tulog niya, bakit? May kailangan ba kayo sa ‘kin?” mariing tugon ko sa kanya.Nagkatinginan silang dalawa at chineck pa si Ara kung totoo nga ang sinasabi ko. Nang makasiguro sila ay sabay na gumuhit ang ngiti sa kanilang labi. Inabutan nila ako ng maliit na envelope na parang lalagyan ng ca
MARCO POV“Shadow Raven,” bungad sa akin ng lalaking nakaupo sa swivel chair nang makaharap siya sa ‘kin. Mababakas mo ang katandaan sa boses niya.Malalim akong napahinga bago ko siya nginitian. “Mr. Sanchez,” sambit ko sa pangalan niya saka bumukas ang ilaw.Mag-uusap pa sana kami nang sabay kaming nakarinig ng pagputok. Napapikit ako dahil sa gulat.“Happy birthday, Sir Marius!” bati sa akin ng dalawang nurses. Bumagsak ang makukulay na confetti sa akin.Napahalakhak si Mr. Sanchez. “Oh, meet Dos and Jack, mga bagong Veilers ng pamilya Silvestre. Makukulit talaga ang dalawang ‘yan. Katatapos lang ng training nila sa Netherlands,” pagpapakilala niya sa ‘kin sa dalawang nurses na nasa tabi ko.Pabiro silang sumaludo sa akin. “Hi, Sir…” sambit nila saka sila nagtawanan.Ang mga Veilers ay mga tauhan ng pamilya Silvestre na nagkalat sa iba't ibang parte ng Asia. Mga piling scholar sila na nakapasa sa mahihirap na test na binibigay namin nang taunan. Isa itong programa na pinangunahan ko
MARCO POVLumabas na muna ng secret room sina Vien, Dos at Jack para hayaan kami ni Mr. Sanchez na makapag-usap nang masinsinan. Naglalaan talaga siya ng oras na makapagkwentuhan kami sa t'wing sasapit ang aking kaarawan. Pinagsaluhan namin ang natitirang alak. Nagsimulang magbukas ng panibagong diskusyon si Mr. Sanchez.“Nagpahanda ng malaking salo-salo ang mommy mo sa mansyon. Hindi ka ba hahabol? Inimbitahan niya ang mga bigating business partners ng pamilya Silvestre para ianunsyo na ano mang araw ay babalik ka na sa pamamahala ng Silvestre Business Empire. Sabik na sabik ang mommy mo sa pagbabalik mo,” masigla niyang sabi.Napailing ako at tipid na napangiti. “Kapag nagpakita ako sa kanya ngayon ay siguradong tatambakan niya agad ako ng maraming responsibilidad sa pamamahala ng negosyo namin. Gusto ko munang magliwaliw at sulitin ang isang linggong pagdiriwang ng Sportsfest ng Northford University,” tugon ko sa kanya.“Oh, sportsfest,” tumango si Mr. Sanchez. “Namiss ko tuloy ang
MARCO POV Mag-isa akong naglalakad sa madilim na hallway ng ospital. Nakasunod sa akin ang isang nurse na may hawak na bàril. Sumagi sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Mr. Sanchez sa loob ng secret room kanina. ‘It's Eli Delgado. Ang lalaking bumàril sa ‘yo sa Northford University. Bali-balita na matindi ang pagkagusto niya sa fiancée mong si Samara kaya nais ka niyang paslangin. Mag-iingat ka sa kanya,’ nag-aalalang payo ni Mr. Sanchez sa akin. Gumuhit ang ngiti sa labi ko habang nakikiramdam sa paligid. Tahimik ang pasilyong tinatahak namin ng lalaking pinangalanan ni Mr. Sanchez na Eli at tanging ang yabag lang ng sapatos naming dalawa ang maririnig. Huminto ako sa tapat ng pinto ng fire exit at pumasok roon. Iniwan kong nakabukas ang pinto na tila ba nag-aanyaya kay Eli na sundan ako. Nanatili akong nakatayo sa loob. Naramdaman ko ang pagpasok ni Eli na tila ba kampanteng-kampante na nasa kanya ang alas. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang anino niya na unti-unting
MARCO POVSinikap kong panatilihin ang huwisyo ko sa kabila ng bahagyang pagkahilo. Nanlalabo ang paningin ko pero pinilit ko pa rin na ituon ang atensyon ko para analisahin ang kalaban ko at ang kabuuan ng fire exit.Parang namamanhid ang ulo ko sa sobrang sakit ng natamo kong sugat pero tiniis ko ang pangingirot nito. Sa likod ng maskara ay naramdaman ko ang pagngisi ng babaeng nakatitig sa akin.“Tayo!” pagmamando niya. Sa pagkabingi ng tenga ko ay halos malabo na rin sa akin ang totoong boses niya.Sinusuri ko pa rin ang paligid at kinukwenta ang mga posible kong pag-atake base sa natitira kong lakas.“Sampung minuto,” mahina kong naiusàl.“Ano?” nagtatakang tanong ng babaeng kaharap ko.Mariin ko siyang tinitigan. “Sampung minuto at magkukumahog ka nang lumabas mula rito,” saad ko sa kanya saka tumaas ang sulok ng labi ko.Bahagya siyang natawa at isinentro sa noo ko ang hawak niyang bàril. “Talaga? Wala pang sampung minuto ay mapapatay na kita.”Bang!Ipinutok niya ang baril sa
THIRD PERSON POV“AHHHH!” sigaw ni Mandy. Tinanggal niya ang suot na maskara na nanggagalaiti niyang tinapon sa sahig.Nagpupuyos siya sa galit at pinagbabasag ang kung ano mang mahawakan niya. Nagwala siya at pinagtutumba ang mga gamit sa silid kung saan siya naroroon.Binalak niyang patayin si Marco, ang lalaking nagpapaligaya kay Samara, pero nabigo siya,…at mukhang mahihirapan siya.Kinuha niya ang camcorder na nakapatong sa mesa at plinay ang video na kinunan niya sa rooftop. Usapan nila ‘yun ni Samara.‘How are you feeling now, Mrs. Samara Licaforte Villaflor?’ ‘Hmm, ano ba? Ah, I'm happy.’ ‘Oh, really?’ ‘Yes.’ Nanginginig ang kamay ni Mandy habang pinapanood ‘yun. Halos mawasak na niya ang hawak na camcorder. Mabibigat ang paghinga niya at tila may kung anong poot sa kaloob-looban niya na gustong sumabog. Hindi masukat ang nararamdaman niyang galit.Hindi niya gustong nakikitang masaya si Samara. It's like a dose of hell to her. She'll do everything to ruin it as much as s