SAMARA POV
Ilang oras akong nakatulala habang tinititigan si Marco mula sa malayo. He's studying using braille and audio books.Hindi pa rin ako nahihimasmasan sa nalaman ko kagabi. Ni sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ko na tatay na siya.Wala sa sariling paulit-ulit na tinutusok ko yung hotdog sa pasta na kinakain ko."Sis, maawa ka naman d'yan sa hotdog mo, durog-durog na, oh. Kainin mo na yan," biro ni Candice. Natigil pa siya sa pag-ccp niya para lang sabihin yun sa 'kin.Kasabay kong kumakain dito sa cafeteria ang dalawang kaibigan ko. Well, palagi naman talaga kaming magkasama.Nagtatawanan sila Candice at Mandy pero hindi ko magawang makisali sa kanilang dalawa. Masyadong occupied yung utak ko."Sa tingin niyo posible yun?" wala sa sariling tanong ko."What?" kaswal na tanong ni Mandy tapos uminom siya ng milktea."Na may anak na si Marco," diretso kong sabi. Sabay silang nabilaukan."Uho, uho," ubo ni Candice tapos natawa siya. "Joke ba yan? Kita mong bulag, oh," nagpatuloy siyang kumain.Natatawa rin si Mandy habang nagpupunas ng bibig niya. "Why so random, Ara?"Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ngayon palang ata ako bumalik sa huwisyo ko. "Bakit? Bulag lang naman siya pero mukhang hindi naman siya baog," paliwanag ko sa kanila. They both laughed."Ok, fine Ara. Sino naman yung nanay? Ikaw?" pilosopong tanong ni Candice kaya sabay ulit silang natawa ni Mandy. Mukhang wala talaga silang balak na seryosohin yung sinasabi ko."What makes that impossible?" panguso kong sabi saka nagpatuloy na kumain."The answer is obvious, Ara. Sino naman ang papatol sa bulag? Maybe that woman is just so stupid to burden herself. Look at Marco, oh. Does he looks like he can handle a family? Yeah, he might be handsome, pero sa panahon ngayon, hindi ka mabubusog sa itsura lang 'no. Sixty pesos na kaya ang kilo ng bigas," saad ni Mandy.Napatitig kami ni Candice sa kanya with our mouth slowly opening na para bang nakakita kami ng genie na lumabas sa bote."What?" takang tanong niya."Did you just say na nagagwapuhan ka sa kanya?" pagkaklaro ni Candice."Why? Oh, c'mon guys," natawa siya. "Totoo naman, diba?" Naiilang niyang ibinalik kay Marco ang paningin niya tapos inabala ang sarili niya sa paggawa ng assignment. "Braso pa nga lang parang gusto ko nang magpasakal," pahina nang pahina ang boses niya."I'm sorry, what?" sabay na tanong namin ni Candice kasi halos bumulong nalang siya sa hangin.Tiningala kami ni Mandy tapos pinandilatan niya kami ng mata. "Wala, ang sabi ko, gumawa na rin kayo ng assignment kung gusto niyong makapasa.""Ahh," sabay na sang-ayon namin ni Candice sa kanya.Uminom kaming tatlo ng milk tea. Nagpangalumbaba si Candice. Sa direksyon siya ni Marco nakatingin. "Well, may itsura nga siya. Ano kaya ang feeling ng makipagsex sa bulag?" nakakagat-labi niyang sabi."Uho, uho," kami naman ni Mandy ang nabilaukan."Grabe, ah? Pati ba naman bulag, papatusin?" hirit ni Mandy."Swerte niya na sa 'kin 'no? Baka kapag natikman niya ang isang Candice Dela Rosa, bigla siyang makakita," confident na sabi ni Candice na hinawi pa ang buhok niya para ipakita ang malaking dibdib niya."Shut up, Candice," naibagsak ni Mandy ang notebook niya sa mesa kaya nagulat kami. Napakurap kaming tatlo. Nang mapagtanto ni Mandy na nakatulala lang kami ni Candice sa kanya ay pinilit niyang tumawa na sinabayan nalang namin. Naiilang siyang bumalik siya sa pagsusulat pagkatapos. Bumulong-bulong si Candice.Pasimple kong tinitigan ang dalawa kong kaibigan. Mukhang may gusto ata kay Marco ang dalawang 'to. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang totoong may anak na siya? Dapat ko bang sabihin sa kanila?Mariin kong pinagpapalit-palit ang paningin ko sa kanilang dalawa. Sa itsura ng dalawang 'to na mukhang palihim lang na sinasaksak ang isa't isa sa isipan nila ay mas mabuti sigurong manahimik nalang. Napainom ako ng milk tea.Beep."OMG? May bagong post sa fansite ni Shadow Raven," biglang sambit ni Candice.Napatitig kami ni Mandy sa kanya na parehong walang ideya sa sinasabi niya."Hindi niyo siya kilala?" gulat na tanong niya sa amin. Sabay kaming napailing ni Mandy."For real?" hindi niya makapaniwalang sabi. "Lagi siyang trending sa twitter. Isa siyang famous secret billionaire. Sa yaman nga niya ay kaya niyang bilhin ang buong Pilipinas— or even the whole Asia. Madalas siyang mapag-usapan sa socialite groups na nasasalihan ko. Nobody knows kung babae ba siya o lalaki. Iilan lang din ang nakakaalam sa itsura niya. At age of seven ay natuto na siyang maghandle ng malaking kompanya. At age eleven ay meron na siyang isang business empire. Tapos nung tumungtong siya ng seventeen ay bigla siyang nagbitiw sa pwesto niya. Nobody knows the reason pero may malalaking businessmen na nagsasabing nagkakaroon pa rin sila ng business transaction kay Shadow Raven. And you know what? Yung mga detalye tungkol sa pagkatao niya ay tagong-tago talaga. Nag-uutos pa siya ng mga tauhan niya na sila ang makipag business deal para hindi siya matrace. Masyado siyang mysterious kaya na rin siguro maraming nagkakainteres na malaman ang kahit katiting na information ng buhay niya. Malaki pa nga ang bayaran sa social media just to get leaked infos tungkol sa kanya," uminom si Candice ng milk tea matapos ang mahabang paliwanag.Actually, minsan ko na rin siyang narinig. Kahit si Tita Olivia ay nabanggit siya ng isang beses. Pero alam mo naman ang social media diba? Kahit nga siguro sabihin kong ako si Darna, pwede. Madali lang namang gumawa ng kwento at pati na rin ebidensya online. May mga apps na nga ngayon to manipulate things. Tapos may mga taong makikisabay din at magpopost kahit hindi naman sila sure, makasakay lang sa kasikatan ng issue na yun. Hindi mo na alam ngayon ang totoo dahil ang iba ay gumagawa nalang naman ng kwento para mapansin."Nagpapaniwala ka talaga run? Masyadong maganda ang descriptions niya. Halata mong gawa-gawa," saad ni Mandy kay Candice na natatawa pa. "Hindi mo ba alam yung kasabihan? If it's too good to be true, then it isn't true. Kaya maraming nai-scam ngayon kasi maraming uto-uto. Alam na ngang imposibleng mangyari tapos papatulan pa talaga.""Hey?" pinandilatan siya ng mata ni Candice. They giggled. "Hindi ka talaga risk taker 'no? Wala kang mararating sa buhay.""Shadow Raven," Mandy murmured na hindi pa rin naniniwala. Tinuloy niya nalang ang paggawa ng assignment niya."Totoo nga siya, ano ka ba?" pagpupumilit pa rin ni Candice."Kapag bumagsak ka mamaya, totoo rin. Gumawa ka na nga ng assignment," pangaral ni Mandy."Ewan ko sayo, LOLA."Sisimulan ko na rin sana ang assignment ko nang tumawag si Aldric. Iniwan ko muna sila Mandy at Candice para maghanap ng location na 'di gaanong maingay."Excuse me," paalam ko sa kanilang dalawa. Lumapit ako sa bintana saka sinagot ang tawag. "Hello, babe?" pangiti kong sabi."You asked me na magpapasama ka sa company niyo, diba? To visit your dad," paninimula niya."Yes I did, what time mo ako susunduin?" tanong ko."I'm sorry, Ara. Bigla kasing nagkayayaan ang team. Hindi ko naman sila mahindian kasi kasama si coach. May sasabihin daw," paliwanag niya."Uhm, sure, ok lang," sagot ko sa kanya. "I can ask manong to drive me naman.""Just call me kung nagkaproblema, ok? I love you," malambing niyang sabi."I love you more," tugon ko."Ara," aligagang lumapit sa akin si Mandy. Agad niyang ipinakita ang isang putol na bracelet sa 'kin. "Really?" Tapos nag-aalala siyang tumingin kay Candice.Nagulat ako at chineck ang kanang kamay ko. Natanggal ko pala ang bracelet ko nang hindi ko namamalayan."Sorry," pinilit kong ngumiti at kinuha yun mula sa kanya. Sabay na kaming nakalingon ngayon kay Candice.Matampuhin pa naman siya lalo na kung tungkol sa mga gamit na binibigay niya. Mabuti nalang at abala siya sa cp niya kaya hindi niya napansin."Nahahalata kong masyado kang absent minded. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mandy sa akin habang sinusubukang isuot ulit ang bracelet ko.Hindi ko alam na sobrang lutang ko pala kanina. Siguro ay nasagi ko ang bracelet ko kung saan nang hindi ko namamalayan.Umiling si Mandy. "Sira na talaga," tinanggal niya yung bracelet niya. "Magpalit nalang tayo tutal pareho lang naman ng itsura. May lakad ka ngayon, diba? Ako na ang magpapaayos nitong sayo," tinago niya yung bracelet ko sa pitaka niya at isinuot yung kanya sa akin. "Baka umiyak pa si Candice," biro niya.Bahagya akong ngumiti. Naalala ko pa nung nabali ni Mandy yung niregalong headband ni Candice. Isang araw siyang umiyak tapos hindi kami pinansin. Mabuti nga at napatawad niya pa si Mandy. Kaya siguro ganito yung reaksyon ni Mandy ngayon, nadala na siguro."Girls, baka malate tayo sa next subject," tawag sa amin ni Candice habang inaayos ang shoulder bag niya.Nagkatinginan kami ni Mandy. Nagsisenyasan kami. Agad niyang tinago sa bulsa niya ang kamay niya bago kami naglakad papunta sa classroom namin.***THIRD PERSON POVMr. Frederick Licaforte, CEO of Licaforte Corp. hastily walks towards the meeting room. Kasunod niya ang lahat ng key executives ng kompanya at iilang financial advisors. They are all wearing formal attire at pare-parehong seryoso ang mukha.Ramdam mo ang tensyon sa paligid. With this kind of aura ay paniguradong may nangyaring hindi maganda."Luchi, tell CFO Ferrer na sumunod sa meeting room as soon as possible. We will be having an urgent meeting," utos ni Mr. Licaforte sa sekretarya niya."Right away, Sir," mabilis na tugon ni Luchi at saka naglakad paalis.THIRD PERSON POV"Luchi, tell CFO Ferrer na sumunod sa meeting room as soon as possible. We will be having an urgent meeting," utos ni Mr. Licaforte sa sekretarya niya."Right away, Sir," mabilis na tugon ni Luchi at naglakad paalis.Nagkatinginan ang mga empleyado. The meeting must be so important para ipatawag ni Mr. Licaforte ang lahat ng high ranking officials ng kompanya.Nang makapasok sa meeting room ay isa-isa silang umupo. Kanya-kanya silang binigyan ng maiinom ng personnel na naka-assign sa meeting room."Mr. Licaforte, what seems to be the problem?" Agad na bungad ni CFO Ferrer pagkabukas palang niya ng pinto. Dumiretso ito sa nakareserved niyang silya."I should be the one asking you that, CFO Ferrer," sinenyasan ni Mr. Licaforte ang sekretarya niyang si Luchi na kakapasok lang na ibigay sa board members ang kani-kanilang folders na kulay pula. In every Licaforte Corp's meeting, red folders signify bad news so everyone scanned it immediately. Mababakas mo ang pangungunot s
Samara POV"Daddy," pangiti kong sabi nang madatnan ko si dad sa main office niya. Abala ito sa pagbabasa ng mga papeles pero hininto niya yun nang makita ako."Ara, have a seat," saad niya. Ang kani-kanina lang na seryosong mukha ay agad na umaliwalas."Good evening, Sir," bati rin ni Atty. Santivañez."Oh," natawa si dad nang makita itong maraming dala at bumaling sa akin. "This kid is a lawyer and a CPA at the same time tapos pinagbitbit mo lang ng gamit?""Ahh," magpapaliwanag sana ako pero si Atty. Santivañez ang sumagot para sa 'kin."It's fine, Sir. I offered the help. Hindi niya naman ako pinahirapan," matapos sabihin yun ni Atty. Santivañez ay sabay silang natawa ni dad. "I need to go, Sir. May aasikasuhin pa akong documents," paalam nito bago lumabas ng main office.Umupo ako. "He's quite too kind," saad ko."Yeah, dito rin siya nag-intern. Matulungin talaga at mabait ang batang yan. Masipag pa, matalino at maaasahan. Ni minsan ay hindi pa niya ako binigyan ng problema," pag
SAMARA POV"Cheers," nagtoss kami nila Candice at Mandy bago ininom ang kanya-kanya naming baso ng tequila. Sa 'Tipsy Tavern' naman namin naisipang gumala ngayon. Banned na kasi ako sa 'The Red Velvet' dahil sa ginawa kong eskandalo.Nagpangalumbaba ako at nilaro ang yelo sa loob ng basong hawak ko sa kanang kamay. 'Hay, pinasikat ko na nga ang bar nila, galit pa sila.'Kinalabit ako ni Candice. "Another cute guy, oh. Baka gusto mong gawan ng Part 2 yung scandal mo. Miss ka na ng haters mo sa social media," biro niya habang nakatitig sa bartender na nagfiflair mixing. Pinapalibutan siya ng maraming babae.I shook my head sa bagot na mukha. "I'm not anymore interested. Ayoko nang pasakitin ulit ang ulo ni daddy. And besides, malapit ko nang ipakilala si Aldric sa kanya, iiwas na muna ako sa kalokohan."Sabay silang napasinghap."Wow, Ara? Ikaw ba yan?" Hirit ni Mandy. Kita mo pa rin ang pagkagulat sa mukha niya.Muling lumagok ng isang baso ng tequila si Candice. "Ang nagagawa nga nam
SAMARA POVHalos madurog na yung steak sa plato ko habang nakatitig ako sa pangiti-ngiting si Tita Olivia.Ang kapal ng mukha niyang maging masaya sa kabila ng panloloko niya kay daddy."Olivia, sabi ni Manang Letty, madaling araw ka na raw nakauwi kagabi. Saan ka galing?" Tanong ni daddy sa kanya.Pasimpleng umirap si Tita Olivia kay Manang Letty bago pangiting sumagot kay daddy. "Nagkayayaan lang with my amigas. Napasarap yung kwentuhan namin kaya 'di ko na napansin ang oras. Kilala mo naman ang friends ko diba?" Kampante nitong sabi.I glared at her. 'Friends' talaga, ah? Wow, big word.Kahit hindi ko namukhaan ang kasama niyang lalaki kagabi dahil sa suot nitong fedora ay klaro pa sa memorya ko kung gaano kahigpit ang hawak ni Tita Olivia sa braso niya. Nakapilig pa ang ulo nito sa balikat ng lalaking yun habang magkasama silang pumasok sa hotel na para bang bagong kasal.Napatingin ako kay daddy. Mapayapa lang siyang kumakain na mukhang kumbinsido sa itinugon ni Tita Olivia.Napa
SAMARA POV"I'll ask you something to repay me," sumeryoso ang mukha niya. "Hindi libre ang pagtulong ko sayo, Ara," diretso niyang sabi.Natigilan ako at napawi ang ngiti sa labi ko. "A-Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.Mas lumakas pa ang pintig ng puso ko nang tumaas ang gilid ng labi niya.'Anong kapalit ang hihingin niya?'Inilapit niya nang konte ang mukha niya sa 'kin. Naaamoy ko na ang panglalaki niyang pabango. Ilang beses akong napakurap. Maraming naglaro sa isipan ko.'What he'll gonna say? What's on his mind?'"Smile," nakangiting sabi niya."Smi— ha?" Nagtataka kong tanong."I said smile, yan ang hinihingi kong kapalit sa mga naitulong ko," ulit niya.Natigilan ako. Ilang saglit bago ko nakuha. "Ahh," napatango ako at natawa. Saka lang ako nakahinga nang maluwag. Pangingitiin niya lang pala ako, akala ko naman kung ano na. Napapunas tuloy ako ng pawis nang wala sa oras."Yan, mas maaliwalas. Hindi bagay sayo ang matamlay," puri niya."Nakakatakot
SAMARA POVUmalingawngaw ang ingay ng tambol sa buong gymnasium. Ngayong araw ang start ng ensayo ng cheerleading squad kung saan kami kasali ni Candice."ROAR LIKE A TIGER! MOVE WITH GRACE! WE'RE UNSTOPPABLE! ALWAYS ON THE CHASE!" we shouted in unison. Practice palang ay todo bigay na kami."Woooah! Panalo na ang Northford University! Sure na sure na yan!" hiyaw ng mga estudyanteng nanonood sa amin.Limang universities ang makakaharap namin ngayong Sportsfest. Last year, ang team namin ang nanalo kaya hindi na kami gaanong kinakabahan. We always give our best to provide a satisfying show, and I know this year will still be our spotlight."Well done, that's all for today," anunsyo ng cheer instructor namin habang pumapalakpak. "Bukas ulit, same time. We'll perform some stunts on next meeting so prepare guys, ok? Dismiss," saad niya bago tuluyang umalis ng gymnasium.Agad kaming humiga sa inilatag na sleeping mat ni Candice sa sahig. Nakapikit akong huminga. Ang sarap talagang humilat
SAMARA POVNadatnan kong mag-isa si Marco sa isa sa mga picnic tables ng mini park ng Northford University. May earbud siya sa isang tenga at nagsusulat gamit ang braille. Sa tingin ko ay nag-aaral na naman siya.Iginala ko ang paningin ko sa paligid, walang tao. Dahil na rin siguro ang karamihan ng mga estudyante ay nag-eensayo. Naglakad ako palapit kay Marco.Agad na nasagi ng mga mata ko ang pang-mascot na costume sa loob ng nakabukas na sako sa tabi niya. Gawa ito sa makapal na fabric na matatansya mong mainit suotin. Mabigat akong huminga. Nasa harap niya na ako pero hindi niya pa rin ako napapansin kaya malakas na ibinagsak ko ang dala kong bag sa mesa. Nagulat at napahinto siya sa pagbi-braille niya."Ba't nagpresenta kang maging mascot at maging kengkoy lang sa Sportsfest? Nag-eenjoy ang lahat ng estudyanteng salihan ang mga gusto nilang events so dapat ikaw rin. Sa tingin mo ba kapag nagmascot ka, tatayo ka lang nun? Sasayaw ka ng ilang araw sa mga games na parang engot, akal
SAMARA POV"Teka lang, h-hindi ka bulag?" Gulat na gulat na tanong ko sa kanya.Napakunot ang noo niya. "Ano?" Natatawa niyang sabi.Hinarap ko ang worksheets sa kanya. "Ang ayos-ayos ng pagkakasulat nitong mga sagot sa worksheets. Imposibleng magawa 'to ng hindi nakakakita," mariing pagpapaamin ko sa kanya."Worksheets? Hindi naman kasi talaga bulag ang nagsulat niyan," sagot niya."So nakakakita ka nga?" Pag-uulit ko.Napahinga siya nang malalim. "Hindi ako ang nagsulat n'yan, Ara. May braille transcribers ang Northford University. Sa kanila lumalapit ang mga bulag na estudyanteng katulad ko. Programa yun ng school at may sarili silang office sa tabi ng library. Magbabayad ka lang depende sa dami ng ipapagawa mo. Hindi mo ba alam yun?" Mahabang paliwanag niya.Naibagsak ko ang sarili ko sa upuan. "T-Talaga?" paninigurado ko sa kanya.Tipid siyang ngumiti. "Pinanganak akong bulag. Kung nakakakita man ako, ba't ko pa pahihirapan ang sarili ko, diba?" pagkaklaro niya.Natigilan ako. May