Share

CHAPTER 6: Happy days

Samara POV

"Daddy," pangiti kong sabi nang madatnan ko si dad sa main office niya. Abala ito sa pagbabasa ng mga papeles pero hininto niya yun nang makita ako.

"Ara, have a seat," saad niya. Ang kani-kanina lang na seryosong mukha ay agad na umaliwalas.

"Good evening, Sir," bati rin ni Atty. Santivañez.

"Oh," natawa si dad nang makita itong maraming dala at bumaling sa akin. "This kid is a lawyer and a CPA at the same time tapos pinagbitbit mo lang ng gamit?"

"Ahh," magpapaliwanag sana ako pero si Atty. Santivañez ang sumagot para sa 'kin.

"It's fine, Sir. I offered the help. Hindi niya naman ako pinahirapan," matapos sabihin yun ni Atty. Santivañez ay sabay silang natawa ni dad. "I need to go, Sir. May aasikasuhin pa akong documents," paalam nito bago lumabas ng main office.

Umupo ako. "He's quite too kind," saad ko.

"Yeah, dito rin siya nag-intern. Matulungin talaga at mabait ang batang yan. Masipag pa, matalino at maaasahan. Ni minsan ay hindi pa niya ako binigyan ng problema," pagbibida ni dad.

Sumang-ayon ako. Base nga sa karanasan ko kasama si Atty. Santivañez kanina ay masasabi kong tama siya.

"Dad," inilabas ko ang dala kong bouquet ng carnation flowers. Agad iyong nagpangiti kay daddy.

"You need a new car?" Biro niya at tinanggap ito.

"No," malambing kong sabi. "Nagkasagutan tayo nung isang araw diba? Hindi pa ako nakakapag-sorry."

Huminga ito nang malalim. "Come here."

Tumayo ako at niyakap si dad mula sa likuran niya. "Galit ka pa rin ba?" Malungkot na tanong ko.

"Hmm, nagtatampo, pero alam mo namang hindi kayang tiisin ng magulang ang anak niya." Lumingon siya sa 'kin at hinalikan ang noo ko. "I promised to your mom na aalagaan kita. I know you love me, pero minsan nakakalimutan mong iparamdam sa akin yun. You've been a headache lately, honestly," pag-amin niya.

Naningkit ang mga mata ko at nahihiyang ngumiti. "Sorry na, dad," ako naman ang humalik sa noo niya saka siya tinitigan. "Sorry kung sa ganoong paraan ko dinadaan ang pangungulila ko kay mommy."

Napabuntong-hininga siya at hinawi ang buhok ko. "You were too young nang mawala ang mom mo, Ara. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo kasi nag-iwan din siya ng puwang sa puso ko. H'wag mo sanang iisipin na hindi mo ako pwedeng takbuhan kapag nalulungkot ka. You can tell me anything."

Napakurap ako. "Anything?"

Tumango si dad. "Are you thinking of something right now?"

Bahagya akong napangiti. Mukhang good mood naman na si daddy. Sabihin ko na kaya ang tungkol sa amin ni Aldric? Pagod na rin akong itago ang relasyon namin.

"Hmm," nag-aalinlangang panimula ko. "Kasi dad... hindi ka ba magagalit kung may boyfriend na ako?"

Agad na kumunot ang noo nito. "What? I knew it, kaya may suhol kang dala," iniangat niya ang niregalo ko sa kanyang bouquet ng carnation flowers. "You're still a student, Ara. Magtapos ka muna ng college," nagsimula siyang ibalik ang atensyon niya sa mga papeles sa mesa.

"Dad, mabait naman siya. Hindi rin siya abala sa pag-aaral ko," muli ko siyang nilambing. "Sa katunayan, mas naiinspire pa nga akong magtapos dahil sa kanya. Ni minsan ay hindi pa siya nagloko. Perfect boyfriend siya, dad," pagyayabang ko.

Lumingon siya sa akin. "Gaano na kayo katagal?"

"Uhm, almost 3 years?" Sabi ko sa pilit na ngiti.

Napailing si daddy. Parang gusto pa niyang magprotesta pero napagtanto niya ata na wala na siyang magagawa. "I want to meet him," sambit niya.

Halos tumalon ang puso ko sa tuwa. "Really?"

Tumango siya. "Pero kung hindi ko siya magustuhan, iwan mo agad, ah?" Pagbabanta nito na nakaturo pa sa akin.

"Dad naman," nakasimangot na saway ko sa kanya. Natawa ito sa naging reaksyon ko.

"But seriously, I want to meet him. Gusto kong makilala ang lalaking nakatiis sa ugali ng anak ko. He must be an extraordinary man," biro nito.

"Wow dad, ah? Grabe," natatawa kong sabi.

Sumandal si dad sa swivel chair niya. "How about your birthday? I already told Luchi to plan for your party. It's your special day so I'll give you a chance to ask me anything," pag-iiba nito ng usapan.

"Hmm," bahagya akong tumingala para mag-isip saka ako muling tumingin kay daddy. "I want to spend 3 days at Balesin."

"That's good, I'll let you use our private jet so you can invite your friends," suhesyon nito.

Umiling ako. "I don't want them. Gusto ko tayong dalawa yung magbakasyon. Kelan ba nung huling nagbeach tayo? Hindi ko na maalala," kunwari ay nagtatampo kong sabi.

Naningkit ang mga mata niya. Sa tingin ko ay may naka-schedule na siya sa araw na yun.

"Ara..." Magpapaliwanag pa sana siya.

"Just 3 days dad, sige na," pangungumbinse ko.

"Fine, let's go there together," pagsuko niya.

Naiiyak ko siyang niyakap. "I love you, dad."

Sa maraming pagkakataon na hindi kami nagkakaintindihan, gusto kong mapunan lahat yun kahit tatlong araw lang. Gusto kong makabawi sa kanya.

Kinuha ni daddy yung sticky notes sa stationary tray ng table niya. 'Will spend three days at Balesin with my lovely daughter,' sulat niya rito.

Nagmukha pa yung kontrata kasi naglagay siya ng dalawang blangko para sa pirma naming dalawa.

"If hindi ka tumuloy, it would be considered a breach of contract," pagbabanta ko sa kanya at dinikit yung sticky note sa ledger niya.

He smiled na mukhang proud sa narinig. "You know legal things now, isa ka ngang Licaforte."

"Oo naman," confident kong sabi. "I am Samara Licaforte and I'm good at everything."

Ngumiti si dad. "Really?"

Sasagot pa sana ako sa kanya nang makarinig kami ng tatlong katok sa pinto.

"Hmm, come in," saad ni dad.

Pumasok ang sekretarya niyang si Luchi. "Kakarating lang po ni Mr. Perez for your business collaboration meeting. Pinadiretso ko na po siya sa conference room."

Kinuha ni dad ang isang folder mula sa drawer niya. "Tell him I'm coming," sambit ni dad sa sekretarya niya na agad namang sumunod. Nilingon ako ni dad at hinalikan sa noo. "I need to go now, let's talk again some other day."

Tipid na ngiti lang ang iginanti ko bago tuluyang lumabas si dad ng main office.

Napabuntong-hininga ako.

Isasara ko na sana ang drawer na naiwan ni dad na nakabukas nang mapansin ko ang news article about a factory na nasunog 15 years ago. Kinuha ko ang dyaryo at binasa.

Naging malaking issue pala 'to dati kasi kasamang nasunog sa loob ang may-ari ng factory na naging dahilan ng pagkalugi ng kompanya niya. The factory was also operating 24/7 kaya may mga trabahanteng nadamay.

Isa ito sa pinakamalaki at pinakamalalang sunog na nangyari sa buong bansa. Ang anggulong nakikita ng mga awtoridad ay ang kakulangan sa safety protocols. Meron ding kuro-kuro na kagagawan ito ng mga kakompetensya ng may-ari sa negosyo.

Naningkit ang mga mata ko. 'Ba't may ganitong article sa office ni daddy?'

"Ms. Samara," tawag sa akin ni Atty. Santivañez. Nagtataka siyang tumingin sa dyaryong hawak ko. "What's that?" Tanong niya.

"Ahh," agad ko yung binalik sa drawer ni daddy. "Wala, random article lang," tugon ko sa kanya.

"Pinapacheck lang ni Mr. Licaforte kung nakauwi ka na," pangiti niyang sabi sa 'kin.

Kinuha ko ang mga gamit ko. "Pauwi na rin ako, pakisabi nalang kay daddy," sambit ko bago lumabas ng main office.

***

"On your march, ready, get set, GO!"

Naghiyawan ang lahat matapos i-announce yun ng referee. Mabilis na nag-unahan ang kani-kanyang representatives ng College Departments sa running race na siyang grand opening ng Sportsfeast.

"Woooah! Go Business Department!" Cheer ng mga kaklase ko sa representative namin.

Iginala ko ang paningin sa paligid.

Napuno ng maraming kulay ang stadium ng Nortford University dahil sa flaglets na binabandera ng bawat estudyante.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko kasi mahanap si Aldric sa Architecture Department.

'Hey.'

Agad na lumapad ang ngiti ko nang makita ang notification sa phone ko.

Speaking of...

Binuksan ko ang messenger ko para mabasa pa ang ibang sinend ng boyfriend ko.

'It's quite loud here. Let's walk around?'

Sinubukan ko siyang hanapin. 'Where are you?'

Beep.

'In your heart?'

I giggled. Naisip niya pa talagang mag-pick up line?

'Korni mo,' biro ko.

Patuloy pa rin ako sa pagbabasa ng messages niya nang kalabitin ako ni Mandy. "Boyfriend mo, oh," turo niya kay Aldric na nakasandal lang pala sa railing. May dala itong teddy bear at isang heart-shaped balloon.

Tinukso ako ni Candice na katabi ko lang din. "Wow, ah? Valentines?"

Inirapan ko siya bago tuluyang lumapit kay Aldric. Saglit pang naghiyawan ang mga nakakita sa amin.

"Anong pakulo 'to?" Pagtataray ko kunwari sa kanya saka kinuha yung regalo niya.

"Sabi mo ok na sa daddy mo na ipakilala mo ako sa kanya. A little celebration?" Pangiting tugon nito.

Napuyat nga kami kagabi dahil ang haba ng naging pag-uusap namin sa phone nung ipinaalam ko yun sa kanya.

"Let's go to a certain place, may inihanda ako," yaya niya sa akin.

Hinawakan ko ang braso niya. "Tara."

***

"Hey, slowly," nakatakip sa mga mata ko ang dalawang kamay ni Aldric. Ginagabayan niya akong maglakad.

"Ano ba 'to? Baka ipa-hazing mo 'ko, ah?" Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"No, trust me, konteng hakbang nalang," malambing niyang sabi. "Here, open your eyes."

Sinunod ko ang sinabi niya at bumungad sa akin ang isang napakagandang garden na puno ng carnation flowers. May nakapalamuti pang fairy lights sa paligid. Agad akong napangiti dahil sa pagkamangha.

"Mas maganda 'to kung gabi, kaso hindi na kasi ako makapaghintay kaya pinakita ko na agad. Did it ruin my surprise?" Nahihiya niyang sabi.

Nilingon ko siya at ipinulupot ang braso ko sa leeg niya. "Don't worry, I like it," kinintalan ko siya ng halik sa labi.

"Here's your menu, Ma'am," inabutan kami ng menu ng isang waitress.

Nakangiti akong tumingin kay Aldric. "May food din?"

"Sabi mo dati gusto mo ng dinner sa gitna ng garden, diba? I hope you don't mind if we'll have an early lunch instead," dinala niya ako sa isang romantic na dining table. May naka-decorate pa ritong bulaklak. May dalawang musikero rin sa tabi na nag-aabang na may hawak na cielo at violin. They immediately played nang makaupo kami.

Nakangiti kong tinitigan si Aldric. "Masyado mo akong ini-spoil, baka masanay ako nito," babala ko sa kanya.

"Edi masanay ka, wala naman akong balak na itigil 'to," malambing na tugon niya. "Plano kong ligawan ka kahit na kasal na tayo o kahit matanda na at kulubot na ang balat nating dalawa." Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa 'kin. "Sayang naman yung romantic music, shall we dance first?"

Tinanggap ko ang kamay niya at sumayaw kaming dalawa sa gitna ng garden. Ipinilig ko ang ulo ko sa balikat niya at matamis na ngumiti.

Kay sarap sa pakiramdam na makahanap ng isang taong bibigyan ka ng assurance na hindi ka niya iiwan.

***

THIRD PERSON POV

Static noises...

Isang misteryosong tao ang sumandal sa swivel chair niya at inayos ang mga datus na nakalap ng kanyang laptop.

Halos alam na niya ang araw-araw na nangyayari sa buhay ni Samara.

Ang mga taong nakakasalamuha niya. Ang mga lugar na napuntahan niya. Sunod-sunod na recorded na boses ang nagplay.

'Sorry na, dad.'

'Sorry kung sa ganoong paraan ko dinadaan ang pangungulila ko kay mommy.'

'It's your special day so I'll give you a chance to ask me anything.'

'I want to spend 3 days at Balesin.'

'If hindi ka tumuloy, it would be considered a breach of contract.'

'Hey, slowly.'

'Masyado mo akong ini-spoil, baka masanay ako nito.'

Napataas ang gilid ng labi ng misteryosong tao. Nilaro niya ang daliri sa mesa.

Konteng panahon nalang...

Makakahanap din siya ng pagkakataong sirain ang buong pagkatao ni Samara at sisiguraduhin niyang magiging miserable ang buhay niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status