Share

Cold Summer Nights
Cold Summer Nights
Author: misslunakim

Chapter 1

SOFIA'S POV

NAGISING ako sa lakas nang patugtog sa labas ng kwarto. Diyos ko, nag umpisa na naman ang kapatid ko. Bumangon ako at pagtingin ko sa orasan shocks I over slept. Pag labas ko ng kwarto nag kokonsert nang pag kaaga ang kapatid ko. Di nya pa ko napansin na lumapit kasi may papikit pikit pa kaya pinatay ko ang speaker.

" Seriously kuya di ka na nahiya sa kapitbahay ang lakas ng sounds mo. " reklamo ko.

" Ohh good morning mahal na prinsesa. " bati nya na may pagkasarcastic.

" Tsk, anyway where's mom? " tanong ko habang papunta sa lamesa para makakain na.

" Gone, I don't know where to. " naupo na din sya para kumain. Nang may lumabas sa kabilang kwarto.

" You're awake finally. Malelate na ko kaya di na kita maisasabay. " sabi ng isa ko pang kuya.

By the way I have two older brothers Stefan and Damian

" Yeah yeah go ahead take care. " sabi ko nalang habang patuloy sa pagkain.

" Ako na maghatid sayo, mamaya pa naman ang pasok ko. "ani Kuya Damian.

" Nah, hindi na kuya kaya ko sarili ko. 3rd year na ko pahatid pa ako sayo baka tawanan lang ako ng mga school mates ko. Atsaka nagtitipid ka sa gas diba? " mukhang nag isip pa kung papayag sya sa sinabi ko

" Fine, but make sure you take care. You got the phone I gave you last week.? " tumango ako. Alam ko kay Dad galing yun. Kahit papano kahit nandito kami di kami kinakapos sa budget at alam ko si Dad pa din ang nagbibigay.

Ang pinagtataka ko lang kung si Dad ang nagloko bakit binibigyan pa nya kami na dapat sa mistress na nya binibigay. Well it's really his responsibility to give because we are the legal family but he also have a choice not to give right? I just don't get it.

" Hey? Are you listening? " tumango lang ako.

" Sorry may naalala lang ako " binilisan ko na ang kilos ko para makapasok na ako. After a few minutes, I'm finally done pag labas ko sa kwarto namin ni Mommy wala si Kuya Damian.

" Kuya, pasok na ako. Bye!! " paalam ko di ko alam nasaan yun. Pag labas ko nandun siya nakasakay na sa kotse nya regalo ni Dad noong graduation nya last year.

" Let's go. " aya nya sabay ngiti at pataas taas pa ng kilay. Sumakay nalang ako kulit talaga.

" Sabi ko nga wag mo na ko ihatid. " naiinis na sabi ko, natawa nalang sya.

" Sorry can't help it. " umiling nalang ako. He never listen.

Habang nasa byahe kami bigla nyang inopen up ang tungkol kay Dad which is ayaw ko talaga.

" Kuya please.. Ayoko pag usapan si Dad. " ayoko talaga, galit ako di ko alam kung saan. Hayy.

" Fine just don' t treat him like he was nothing. He's still our Dad. " He's always depending Dad hindi ko alam kung dahil lang mas close sila o may iba pang rason na ayaw naman nilang ipaalam sa akin. Di na ko kumibo dahil kahit papaano may respeto ako sakanya.

Ilan minuto lang nakarating na kami sa school pumarada sya kung saan bakante. Bago ako bumaba chineck ko muna lahat ng dala ko kung may nakalimutan ako.

" Your phone? " paalala niya.

" Here. " sagot ko sabay patingin sakanya ng phone. Bumaba na ako. Marami nang mga estudyante na pumapasok sa gate ng school ang iba nakatingin samin or sa kotse ni kuya, well I can't blame them it's a black porsche na di maiimagine na maliligaw dito sa probinsya.

" I can't pick you up later. " may balak pa talaga ako sunduin.

" It's okay Kuya you don't have to. Bye. " tumalikod na ako narinig ko bumukas at sara ang pinto ng kotse nya.

" Hey you forgot this. " bagong wallet??

" That's not mine. " lumapit sya sakin at pumunta sa likod ko para ilagay sa bag ko yung wallet.

" Now its yours, bye see you later. " pasaway talaga. Di ko alam kung sino ba talaga ang tunay na panganay, sya ba o si Kuya Stefan. Mas seryoso kasi yun kesa sakanya.

Pumasok na ako daming nakatingin sakin ganito ba talaga feeling ng transferee. Lumakad lang ako papasok sa gate marami ng mga estudyante. Well nung bakasyon palang nakuha ko na ang section ko, kaya di na ko masyado mahirapan ngayon. Maliit lang ang school ko ngayon kumpara sa dati, what do I expect it's a public school. Di nagtagal nakarating din ako sa room. Pagpasok ko marami ng mga student at naghanap ako ng bakanteng upuan. Sa bandang dulo ang nakita ko at may nakaupo sa tabi nito na babae.

" Is this vacant? " tanong ko tumingin naman sya dahil mukhang busy sa ginagawa. Ngumiti sya bago sumagot.

" Yeah bakante yan upo ka. " naupo naman ako. Inayos ang mga gamit ko. " I'm Sunshine, you are? " sabi nya sabay lahad sa kamay para makipag handshake.

" Sofia. " tinanggap ko ang handshake nya.

" Lambot ng kamay mo. " bigla nyang sabi, ngumiti lang ako.

Madami pa syang kinwento nakinig lang ako sakanya. Maya maya nagring na ang bell nagsitayuan na ang ilan sa mga kaklase ko.

" Lika flag ceremony na. " sumunod lang ako sakanya kasi nga di ko pa masyadong kabisado ang mga activities nila dito. Nagkanya kanyang pila na ang karamihan ayon sa section nila, ganun din kami. Matagal natapos ang flag ceremony dahil sa dami ng announcement.

Nakabalik na kami sa classroom and as I expected tuwing first day of school kailangan introduce yourself. Medyo matagal bago makarating sakin kasi nasa likod ako nakaupo. Kaya pinanood ko nalang ang mga nagpapakilala. Ako na ang susunod na magpapakilala kaya tumayo na ako pagkaupo nung last. Nakangiti ang teacher habang papalapit ako sa harap. Pagkadating ko sa harap I just smile a little then I started to introduce myself.

" I'm Sofia Devika Montenegro. " yun lang ang sinabi ko kahit sa dati kong school pangalan ko lang din talaga ang binabanggit ko tuwing mag introduce yourself.

" Oh ikaw pala yung sinasabi ni Mrs. Santiago na galing sa Brooklyn International School. " parang bilib na bilib na sabi ng teacher namin.

" Di ba mahal dun ma'am pang mayaman lang yun.? " tanong ng iba kong kaklase. Gusto ko na umupo ang dami nilang tanong.

" Totoo ba? " tanong pa ng iba. Tinignan ko teacher namin ngumiti sya na para bang sinasabi na sige sagutin mo na, hay..

" Yeah it is. Can I sit down ma'am? " umupo na ako pag kasagot nya. Naririnig ko pa sila nag bubulungan na 'hala mayaman pala yan bakit dito sya' ' siguro naghirap na sila' etc...

Di ko na pinakinggan ang mga sinasabi nila at dumiretso nalang sa upuan ko. Tahimik lang ako hanggang sa matapos ang ginagawa nila. At sa wakas nag umpisa ng maglecture ang teacher.

Discussion

Take notes

Recitation

Dyan lang umikot ang buong umaga ng klase, halos alam ko naman na ang ibang topic kasi advance nga sa school na pinasukan ko noon kumbaga 2nd year palang pinag-aaralan na mga topic ng 3rd year. Kaya ako lang ang nakakasabay sa mga topic.

" Ui Sofia tara lunch na tayo. May baon ka? " tanong ni — anu na nga ulit pangalan nito.

" Ahm sorry I forgot your name. " sorry mahina ako sa memorization ng pangalan. Naglakad na kami papuntang Canteen.

" Sunshine, anu ka ba haha. Anu may baon ka na lunch? " At ngayon ko lang naalala na naiwan ko ang baon sa bahay. At wala na din magdadala ngayon tinignan ko yung wallet ko, yung totoong wallet ko na bigay ni Mom. Shocks, di ako nakahingi ng baon ko. So I tried the wallet that Kuya Damian gave. To my surprise it's FULL as in full I don't even know how much is this. Full of thousands and a credit card?? Seriously.?? Binalik ko muna sa bag ko yung wallet.

" Can you give me a sec. " sabi ko kay Shine saka nilabas ang phone ko at nagdial. After a few minutes of ringing sinagot din nya.

( Hey what's up? )sagot nya.

" What's with this wallet? " I'm really annoyed right now, he just chuckled by the sound of my voice.

( Why? That's all yours baby. Spend it. And I won't take a NO for an answer. ) I took a deep breathe.

" It's Dad's. " sagot ko.

( So? He's helping us whether you like it or not. Keep that money and card that's yours. I have to go. ) Maawtoridad na sabi nya na para bang kailangan talaga masunod ang gusto nya. Yun lang at pinatay na nya ang tawag.

What choice do I have?

Bumalik na ako kay Shine at inaya nya na ako sa pila para makakuha ng pagkain. Pagkatapos namin naghanap kami ng table na bakante and unfortunately wala kami mahanap na bakante hanggang sa may tumawag kay Shine. Nilapitan namin ito pamilyar sila sakin pero hindi ko matandaan mga pangalan nila halos nakangiti silang lahat. Inaya kami na makisalo sa kanila kaya naupo na kami nauna si Shine at sumunod ako katabi nya. Nakangiti silang lahat sakin such an akward situation.

" Hi I'm Chloe, Shine's cousin. This is Michelle, Kylie Astrid. " pagpapakilala nila. I smiled.

" Sofia. " Pakilala ko naman.

" Kaklase natin sila. Sorry couz mahina sya sa pangalan haha. " Sabat naman ni Shine. Ngumiti naman sila.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng may lumapit sa lamesa namin mga lalaki. Di ko sila pinansin tuloy lang ako sa pagkain ko. Hanggang sa umalis na ang mga ito, mga kasama ko lang naman ang kinausap.

Nagkwentuhan lang silang lima di naman ako sumasabat kasi di ko alam ang topic nila and besides di pa ako close sakanila. Saka baka nahihiya din silang kausapin ako.

" Hello??? earth to Sofia. Bakit di ka nagsasalita dyan?. " Pansin ni Shine.

" Ahmm I'm sorry I don't know what you guys are talking about, that's why I don't interfere. " Akward akong ngumiti.

" Ok lng yun Shine anu ka ba. It's Okay Sofia just feel free to talk to us. " Sabi naman nung isa.

Natapos na din kami kumain makalipas ang ilang minuto nag aya pa sila sa tambayan nila matagal pa naman daw kasi ang umpisa ng klase kaya tambay muna kami. Pinagmasdan ko ang school malayo talaga sa dati but I don't really have a choice do I?

Maraming mga circle of friends na nakatambay sa kanikanilang lugar. Yung iba nagkwe-kwentuhan, naglalaro, nagkakantahan at kung anu ano pa pinagkakabusyhan. Habang ang mga kasama ko busy nagkwekwentuhan nag basa nalang ako ng notes ko last year to have a recap.

" Sofia ok ka lang? " Tanong ni Shine, dahil siguro tahimik ako.

" Yeah I'm okay. Just don't mind me. I'll just browse my notes. " sabi ko nalang, wala naman kasi ako sasabihin eh.

" Manonose bleed kami sayo friend jusko. " Reklamo ni Michelle. Ngumiti ako bago sumagot.

" Sorry di lang ako sanay na mag pure tagalog but I'll try my best not to speak fluent english. " Ngumiti naman silang lahat.

" Anu ka ba ayos lang samin noh, kausapin mo kami ng english pero tagalog sagot namin." sabay tawa na sagot ni Astrid. Ngumiti lang ako.

" Anu ba yang binabasa mo? " tanong ni Chloe.

" Possible next topic on our next subject. " I answered. Well I love reading kahit nandun pa ako sa dating school. That's one of my hobbies.

Tinignan nila yung notes at napatigil sila di ko alam kung bakit.

" Gosh Sofia sulat mo ba yan?. " Tanong ni Kylie.

" Pangit noh? Tinatamad pa kasi ako ng sinulat ko yan. "

" Anung pangit pinagsasabi mo dyan, jusko apaka ganda parang computerized or type writer. Nakakainggit mga girl. " sabi naman ni Michelle. Di ko alam kung panu ako magrereact sa mga sinasabi nila. Ang lalakas pa ng boses.

Di na ako nakapag focus kasi sobrang ingay nila kaya hinayaan ko nalang sila tignan ang iba ko pang mga notes. Gusto pa nilang magpaturo, eh panu ko ituturo yung bagay na natural ko lang na nagagawa. Napailing nalang ako. Natigil lang sila sa pangungulit ng magring na ang bell. It's the sign that the lunch break is done. Pumunta na kami sa classroom nag umpisa na rin pumasok yung iba naming kaklase. Maingay pa sila kasi wala pa ang teacher namin. I'll just continue my reading even if its impossible to focus.

" Sofia punta kami sa banyo sama ka? " tanong ni Astrid. Umiling naman ako , I don't feel the need for a toilet break. Kaya umalis na sila naiwan ako sa mga classmate namin na nagkakagulo.

" Oh my gosh girl papalapit na si Ace sayo. " narinig kong sabi ng nasa harap ko sa katabi nya. I didn't waste my time to look at them cause I'm too focus on my notes. " Ahy lumagpas " sabi pa. Dun ko lang naramdaman na may tumayo sa gilid ko.

" Hi...... Iya. " dun lng ako tumingin sa nagsalita ng banggitin nya ang pangalan ko. Ang pangalan ko na malalapit lang sakin ang nakakaalam.

" Ahmm Hi " bati ko pabalik sabay balik ulit ng tingin sa binabasa ko. Saka ko na naman narinig ang salita sa harapan ko.

" My gosh in-snob nya ang isang Ace. Kapal. " sabi nito papatulan ko na sana ng biglang nagsalita si Ace 'daw'.

" Grabe ahh di mo na ko matandaan? " tinignan ko ulit sya. But I don't really remember, kung nakasama ko man sya noon eh di ko tlga matatandaan.

" I'm sorry do I know you? " tanong ko.

" Ace. Magkalaro tayo tuwing bakasyon. Pag nagbabakasyon kayo noon dito pumupunta kayo sa bahay kasi diba bestfriend ang mga mama natin. " kumunot ang noo ko. Bakit wala ako matandaan.

" Sorry I can't really remember you. " My apology, di ko talaga maalala.

" Seryoso.?? Pero subukan mo alalahanin. " pilit pa nya sakin ng biglang dumating yung next teacher namin

" Okay class settle down. " bumalik na sya sa upuan nya sa harap na dismayado. Well anu magagawa ko eh hindi ko naman talaga sya matandaan.

" Ui bakit kausap mo si Ace ha.? " biglang sulpot ni

Sunshine.

" Ahh may tinanong lang. " sagot ko nang may tonong hindi interesado.

" Alam mo bang varsity player yan ng school team captain pa. Daming babae nagkakagusto dyan ok lang din na magkagusto ka sakanya. " aniya.

" What??! No! He's just asking something. Besides I'm not interested, I have trust issues with men gusto ko lang mag aral. " pagtatapos ko sa usapan ayoko pahabain.

Tinignan ko yung Ace napansin kong napabuntong hininga sya. Di ko sya nakita kaninang umaga is he late or what.

" Wala sya kanina kasi nasa gym sila nagmeeting di ba sabi ko kanina varsity player sya. " What?? Is she a mind reader?

" Seriously? What are you talking about? I'm not even asking why you keep on telling me about him. " bulong ko sakanya.

" Your facial expression kasi, parang curious ka sakanya kaya sinabi ko na hehe. " she chuckled.

" Ms. Dizon pwede bang ikwento mo samin ang sinasabi mo sa katabi mo. " luh nakatingin na pala samin lahat maski yung Ace. Ingay kasi nito, nagkasalubong ang mata namin ni Ace. I don't know but there is something about him that I have to know. What if kilala ko nga sya noon, I can't really remember anything in the past eversince that accident. Biglang may nagflashback sa isip ko na syang kinasakit ng ulo ko bigla, sobrang sakit. And the last thing I knew sinalo ako ni Ace.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
misslunakim
Please do support this story it's my first :) do also follow me and vote thanks guys:)
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status