Share

Klirk's Wife 26

"Wala ka bang balak na sagutin iyan?" napatingin ako kay Charlie na nakatingin sa cellphone kona kanina pa tunog nang tunog habang nasa ibabaw ng table.

Nandito kaming dalawa sa conference room at nagso-sort out ng plano para sa request ng isa sa mga client namin. Gusto kasi nito ay garden wedding na may pagka-theme park. Siyempre hindi naman ako pwedeng humindi, binabayaran ako para mag-plan at mag-organize, kaya wala akong choice kundi sundin ang gusto ng client namin.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinatay iyon bago muling bumalik sa brochure na hawak ko.

"Sabihin mo nga sa akin. Nag-away ba kayo? LQ?"

Umiling ako sa kaniya.

"So, anong problema? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag niya? Noong nakaraan sa akin siya nagtatanong kung busy ka raw ba. Girl, ang haba ng hair mo. Hindi mo pa nga sinasabi sa akin anong nangyari noong nasa bar tayo at bigla na lang kayong umalis na dalawa tapos hindi na kayo bumalik."

Ibinaba ko ang hawak ko at tumingin sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status