Share

Klirk's Wife 25

Sunday, naisipan kong dumalaw na lang muna sa bahay ng mga magulang ko. Sa kanila muna ako tumambay dahil wala naman akong gagawin sa bahay pero pagdating ko ay nandito rin sina Ate Claire.

Bumati lang ako kay mama bago ako nakipaglaro kay Violet. Habang si Ate naman at ang asawa niya ay kausap ni Papa. Nang mapagod na ang pamangkin ko ay nakatulog na ito kaya inilagay ko siya sa kama ko. Baka kasi kapag sa kama nina ate ay mahulog ito lalo na at walang bantay.

Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang mapatingin ako sa may pintuan nakita ko si Ate na pumasok at naupo sa tabi ng anak niya na natutulog sa kama ko.

"How are you?" Napatingin akong muli kay Ate habang marahan nitong hinahaplos ang buhok ni Violet.

"Okay lang," simpleng sagot ko habang patuloy lang sa ginagawa ko. Naitapon ko na lahat ng mga nairegalo ni Primo sa akin noon. Tanging ang malaking stuffed toy na regalo na lang sa akin ni Klirk ang nasa kwarto ko ngayon.

"Hindi na masakit?" Nagkibit-balikat ako sa tanong niya. Al
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status