Share

CHAPTER 9

CHAPTER 9

CLEMENTINE DESCHAMPS

"Gising ka na pala." Rinig kong sabi sa akin ni Francis.

Teka? Francis?

Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na narinig ko at nakita si Francis na katabi kong nakahiga sa kama.

Binabangungot ba ko o ano?

"Bakit ganiyan ang itsura mo?" Kunot-noong tanong niya.

Kung nakakunot ang noo niya ay napakunot din ang noo ko.

"Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa Versailles ka?" Gulat kong tanong sa kaniya.

"Wala akong ginagawa." Dahilan niya.

"Wala kang ginagawa? Bakit hindi mo gawin ang trabaho mo bilang hari?"

"Kaya kong gawin dito 'yon."

"Sinundan mo ba ko dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Sinundan? Sino ka para sundan ko?" Pagtanggi niya.

"Kung gan'on... BAKIT KA NANDITO?" Madiin kong tanong.

"Ayaw mo bang nandito ako o ano? Alam mo bang wala pa kong tulog dahil ginugol namin ang buong gabi na bumabyahe papunta lamang rito?"

"Wala naman akong sinabi na ayaw kong nandito ka. Nagtatanong lang ako kung bakit ka nandito. Isa pa, kasalanan ko ba
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status