Isa lang ang gusto ni Aryen Romero sa buhay niya at iyon ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Ulilang lubos mula pagkabata at nakuntento sa puder ng mapanglait at mapanakit niyang tiya. Papasok siya bilang isang katulong sa isa sa pinakamayamang pamilya sa Laveda. Sa sobrang yaman ng mga ito ay kahit sino sa bayan nila ay nangangarap na mapabilang sa pamilya Lizares, at isa na ang Tita niya. Her Aunt's thirst for wealth awakened when she knew about her work. Inutusan siya nitong akitin ang tagapagmana ng mga Lizares at kung hindi niya iyon gagawin ay palalayasin siya ito at hahayaang tumira sa kalsada. Hindi totoo ang mga diyos sa mitolohiya pero mukhang naisasabuhay ito ni Armiel Frederick Lizares. At talaga nga namang sobrang imposible na maaakit niya ito dahil sa kasamaan ng ugali na parang ang tingin sa lahat ng mga mahihirap ay mukhang pera. But as she know him well, she discovered something deep in him behind his rich face, and lifestyle. Sa sandaling panahon ay nagawa niyang ibigay ang lahat-lahat sa binata. Pero hindi kailanman pabor sa kanya ang tadhana. Nalaman ni Armiel ang plano ng Tita niya at lubos itong nagalit na pinagtabuyan siya na nagpadurog sa kanya ng husto. Nang lumayo siya sa binata ay nalaman niyang dinadala niya ang bunga ng isang gabing mainit nilang pinagsaluhan. At kahit anong hirap ang hinarap niya dahil doon ay determinado siyang huwag ipaalam dito ang tungkol sa anak. Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Gaano man niya itago ang anak ay lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. Paano niya haharapin ang galit nito sa ginawa niyang pagtago sa anak nila? Will he believe that she's not after his wealth? Will the chain of love between them could hold them two together again—or not?
View MoreChapter 24Tanging pagtango lang ang sinagot ko sa tanong niyang iyon. Napahinga siya ng malalim saka tumango na lang rin.“Let’s go,” sabi niya at sinama niya ako sa pagkausap sa mga sadya niya dito sa resort na ito. Pamilyar ang mukha ng mga may-ari dahil halos sikat lahat ng mayayaman dito sa lugar namin. Kaya nang ipinakilala ako ni Third ay todo ang hiyang nararamdaman.“Wow, you got a nice taste,” sabi ng lalaki kaya nahiya ako lalo.“I do, but I want to finish this right away. We have something to do after. I got no time so I hope you understand that,” sabi ni Third at nagsimula na nga silang mag-usap tungkol sa negosyo.Tahimik naman akong nakinig. May mga bagay akong naintindihan at may mga bagay na wala. Pero ang hindi ko lubos na mapigilan ay ang mapahanga lalo kay Third. Sobrang sarap pakinggan ng propesyonal niyang boses.“Thank you so much, Hijo. You never disappoints, I mean your company and your products never disappoints. Hanggang sa magbukas kami ng marami pang branc
Chapter 23“I’ll just eat here. I am so tired to walk downstairs. My body is aching,” sabi niya at hindi ko naiwasang mapangiwi doon.Nakangisi siya at halatang binabantayan ang ekspresyon ko kaya bahagya akong napanguso pero tumango na rin.“Ihahatid ko na lang dito. Dadalhin ko na rin ‘to sa baba,” sabi ko saka kinuha ang mga pagkain na hindi nuya nakain.“Make it for two,” sabi niya kaya tumango naman ako saka bumaba na.Nang makababa ako ay kaagad kong sinabi kay Manang Juanita na doon na kakain si Third sa taas kaya kaagad niyang inayos ang mga pagkain sa tray.“Gising naman pala,” sabi niya kaya marahan akong tumango at nang mailagay niya ang lahat ng pagkain sa tray na dadalhin ko ay kaagad na akong nagpaalam para umakyat ulit sa itaas.Nang makapasok ako sa loob ay naabutan ko siyang nakatayo pero wala pa ring damit. Tanging boxers lang ang suot niya at nang makita ako ay kaagad siyang lumapit para kunin sa akin ang tray.“Next week na lang ako babalik sa Manila. Or I don’t kn
Chapter 22Madaling araw na kaming nakauwi sa mansyon. Wala akong maalala masyado dahil. Ang huli ko lang na naaalala ay ang pagbuhat sa akin ni Third papasok. Hindi malinaw sa isipan ko ang nangyari kagabi dahil sa antok. Pero ngayong umaga ay nagising ako sa isang malambot na kama.Hindi pa tuluyang nagigising ang diwa ko kaya unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Ang una kong naramdaman ay ang pananakit ng katawan ko. Sa isang beses kong pagkurap ay unti-unting naging malinaw ang mga mata ko. At doon ko tuluyang nalaman kung nasaan ako.“Third,” mahinang paggising ko sa katabi ko na mahimbing pa rin ang tulog.Banayad ang paghinga niya at ayaw ko sanang istorbohin pero nang sinubukan kong gumalaw para saka bumangon ay napangiwi ako sa sakit ng buong katawan ko. Lahat ng parte ng katawan ko ay mahapdi kaya napadaing ako.“Third,” muling pagtawag ko sa lalaki na bigla ring naalimpungatan. Pero imbes na tuluyan siyang magising ay sumiksik lang ang mukha niya sa leeg ko.Napabuntong
Chapter 21Gustong-gusto ko ang lakas ng hangin dito. Pero hindi rin ako makalakad ng maayos dahil sa mga alon. Gustong-gusto ko rin ang mga nangyayari ngayon. Hindi ko maiwasang panoorin si Sir Armiel na kumukuha ng inumin sa dala niyang plastic kanina.Dahan-dahan naman akong napaupo sa deck ng yate habang pinapanood siya. At nang ituon niya sa akin ang pansin niya ay wala sa sarili akong tumingin sa dagat. Nakakatakot. Sobra siguro akong matatakot kung mag-isa lang ako dito. Pero hindi ako mag-isa.“You’ll drink some soda. You can’t drink beer,” marahang sabi niya saka inabot sa akin ang isang inumin na nakalagay sa lata. Dahan-dahan ko naman iyong inabot at nang makuha ko ang binigay niya ay doon siya unti-unting umupo hindi kalayuan mula sa akin.“Sir Armiel—”“I told you a lot of times to call me Third,” sabi niya bago uminom ng beer na hawak.Napalunok ako saka ko binalik ang tingin ko sa harap.“Bakit Third?” wala sa sariling tanong ko. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko
Chapter 20Dire-diretso akong pumasok sa quarters at hindi ko na sila hinayaan pang magtanong ng kahit ano dahil kaagad kong tinaklob ang kumot sa buo kong katawan. Nanginginig ang buo kong katawan habang nakapikit ako ng mariin.Nagwawala ang puso ko at paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari. Muntik nang may mangyari sa amin. Kung walang kumatok at tumawag sa kanya ay baka hindi lang iyon ang nangyari. Hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang sarili ko o hindi. Para akong sunod-sunuran sa kanya na sa bawat lapit at haplos niya ay kaagad akong bumibigay.Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Sa dami-dami ng pumapasok sa isip ko ay nanatili na lang akong tulala buong gabi. Kung saan-saan na umabot ang utak ko. Hindi ko na matukoy kung ang gusto kong gawin. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gusto kong mangyari. Hindi ko na alam kung paano ako gagalaw at humarap sa bawat tao dito sa mansyon.Hiyang-hiya ako. Sobra akong nahihiya kahit wala namang nakakalaam. Hindi
Chapter 19Nanginginig ako habang nagbibihis. Lahat kami ay kinakabahan pero sobra-sobra ang kaba ko dahil sa mga nangyari. Hindi panaginip ang lahat ng ito. Hindi ito imahinasyon. Totong nanduto muli si Sir Armiel. Totoong naglapat ang mga labi namin kanina.Hindi magkamayaw ang lahat sa pag-aayos at paglilinis ng pool habang ako ay nakatulala dito sa quarters namin. Nanginginig ako hindi dahil sa lamig kung hindi dahil sa mga emosyon na nabuhay sa katawan ko.Nagmamadali ako pero hindi ko mahanap ang uniporme ko kaya hinablot ko ang damit na unang nakita ko sa drawer ko para suotin. Lampas isang minuto na ako at gusto ko nang umiyak sa sobrang taranta. Minadali ko ang pagsuot ng isang maluwang na sleeveless at ang shorts na nabunlot ko na manipis na maikli na sobrang maluwang sa hita na parte. Pero maglilimang minuto na kaya wala na akong oras pa para maghalungkat ng maayos na susuotin.Nang makalabas ako sa quarters ay tumakbo ako sa loob ng mansyon. At sa likod ako dumaan para dum
Chapter 18Hindi ko maipaliwanag pero parang mas naging malungkot ang mansyon para sa akin sa sumunod sa mga araw. Ang sabi ni Manang Juanita ay baka sa susunod na buwan ay babalik na si Don Frederick at may posibilidad na kasama ang mga magulang ni Sir Armiel.Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.At sabi ni Manang Juanita hindi nagsasabi si Sir Armiel kung kailan siya muling babalik. Para akong dinurog. Para akong tinapakan at sobrang nahihiya ako sa sarili ko. Sa totoo lang, may parte sa akin na umaasang makita siya isang umaga duto na pakalat-kalat. Tulad noong mga nakaraang araw na bigla siyang susulpot pero hindi iyon nangyari kaya nawalan na rin ako ng pag-asa.Gusto kong matawa. Sobra-sobra ang epekto sa akin ng halik na iyon. Hindi lang halik. Sobra pa sa halik ang nangyari. Pero sabi nga ni Manang Juanita, iba ang mga lalaking lumaki sa siyudad. Iba siya. Ibang-ibang siya. Ang layo-layo niya.“Kaunti na lang talaga iisipin kong heartbroken ka. Pero wala ka namang boyf
Chapter 17Para akong hinahabol ng lambot ng mga labi niya. Nanginginig ang katawan ko at para akong mawawalan ng bait. Hindi ko alam kung bakit nangyari iyon. Hindi ko alam kung bakit ako nagpadala.Napapikit ako ng mariin saka marahan na napasabunot sa buhok ko. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat at walang katotohanan pero alam kong imposible. Hindi ko alam kung magagawa ko pang tumingin sa mga mata ni Sir Armiel matapos ang nangyaring iyon. Hindi ko alam kung paano ko nalampasan ang araw na iyon na hindi na muling nakikita si Sir Armiel. Halos hindi ako umalis sa quarters at nagawa ko pang mag dahilan na masama ang pakiramdam ko. Oo, masama ang pakiramdam ko dahil sa nangyari pero ginamit ko iyon para sa dahilan na gusto kong iwasan si sir Armiel lalo na dahil sa nangyari.Hindi ako nakatulog sa gabing iyon. Mulat na mulat ang mga mata ko kaya bumangon na ako alas kuwatro ng umaga. Tulog pa silang lahat kaya walang tunog akong lumabas para makalanghap man lang ng presko
Chapter 16Is he advance thinking? Ako ba ang iniisip niyang mabubuntis?“Sir—”“Stop calling me Sir!” Napasiksik ako sa pinto ng kotse dahil sa galit niyang pagsigaw. Pilit kong pinakalma ang paghinga ko dahil ayaw kong makagawa pa ng ibang rason para mas magalit siya lalo. Ilang sandali pa ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na umigting ang panga niya at ang paghigpit ng hawak niya sa manibela.Walang nagsalita sa amin. Nanatili akong tahimik at ganoon rin siya hanggang sa makarating kami sa mansyon. Nang huminto ang kotse ay mabilis siyang bumaba at hindi ko inaasahan ang pagbukas niya ng pinto mula sa labas para sa akin. Pero nandoon pa rin ang inis sa mukha niya.“Bring me a beer inside my room after five minutes,” he ordered before turning his back at me. Napalunok na lang ako saka napahigpit ang pagkakahawak ko sa mga pinamili bago dahan-dahan na dumiretso sa kusina sa likuran. Kaagad akong humingi ng paumanhin kay Manang Juanita dahil hindi ko nabili lahat ng pinabibili niya
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.