Isang buwan na walang usad ang kaso. Napapa-isip nalang ako kung paano mare-resulba ang krimen na ito. Naisip ko rin kung kailan kaya muling aatake ang killer sa kanyang mga target. Hating gabi na at hindi pa rin ako mapakali sa kai-isip kung ano ba talaga ang motibo sa sa krimen.
Tumayo ako sa aking pagka-higa dahil gusto kong uminom nang gatas. Nag-lakad ako papuntang kusina at nag-timpla.
Huminga ako nang malalim at inilapag ang isang bagong gatas sa aking lamesa. Tumungo ako sa loob nang aking kwarto at kinuha ang aking laptop saka bumalik sa may kusina.
Binuksan ko ang aking laptop at muling tiningnan ang iba’t-ibang kuha nang litrato sa crime scene. Hindi pa rin maalis sa isip ko na baka isa itong series murder.
Una, sampung bala at pangalawa ay siyam na bala ang nakuha sa loob nang crime scene at ang dalawang ito ay may tama sa kanilang ulo.
Napa-hinga ako nang malalim dahil wala akong makitang kakaiba sa mga litrato.
“We are dealing with a smart criminal. I know he or she knows what he is doing and maybe he is not just an ordinary person. I hope my suspicion is wrong,” bulong ko sa aking sarili.
Nagulat ako ang biglang mag-ring ang aking cellphone. Sino na naman ang tatawag sa akin ngayong hating gabi. Tiningnan ko ang screen nang aking cellphone at nakita ko ang isang hindi nakarehistrong numero.
Napa-taas ang aking isang kilay kung sasagutin ko ba ito o hindi. Baka kase nangangailangan. Hindi naman din ako tinatawagan ni Kuya Liam nang mga ganitong oras. Nagpasya akong sagutin ang tawag sa aking cellphone. “Hello?” sabi ko sa kabilang linya.
Ngunit walang sumasagot sa akin pabalik. Inulit ko ang aking salita hanggang sa ibinaba niya ang tawag. “Baka wrong dialed,” sabi ko sa aking sarili.
Muling tumunog ang aking cellphone at ganun pa rin ang nangyare. Parehong numero pa rin. Walang sumasagot sa kabilang linya. Ako na mismo ang nag-baba nang tawag.
Hanggang sa muli siyang tumawag. Dahil sa naiinis na rin ako ay sinagot ko na ang tawag at sinigawan siya nang, “Hoy! Kung sino ka man pwede bang tumingil kana! Nakakaistorbo ka na sa akin!” Nanindig ang aking balahibo nang may boses lalake at babae na tumatawa sa kabilang linya.
“Si…sino to?” paulit kong tanong sa kanya. “Ang sabi ko sino ito!” Bigla siyang tumahimik. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya pinatay ang tawag maging ako rin ay hindi ko binaba para hindi maputol ang linya.
“Hello Police Captain Enriquez. Kamusta na ang kasong hinahawakan mo?” tanong niya sa akin. Hindi ko maidentify kung lalake o babae ba ang aking kausap dahil sa pa-iba-iba ang tunog nang kanyang boses.
Gumamit siguro siya nang voice changer para hindi ko matukoy kung sino ang nasa likuran nang boses na ito.
“Napatahimik ka?” sabi niya sa akin. Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil nanginginig ang aking mga palad at parang sasabog ang aking puso.
“Mag ingat ka Luna. See you in hell.” Ito ang huling sinabi niya sa akin at naputol na nang tuluyan ang aming linya.
Tikom pa rin nag aking bibig at nanginginig pa rin ang aking kamay. Hindi ko alam kung paano niya ba nalaman ang aking pangalan at pagkakilanlan. Tama nga ba ang aking hinala? May alam siya at alam kong hinding-hindi siya magpapahuli.
“There is no perfect murder,” bulong ko sa aking sarili. Inubos ko na ang aking gatas at pinindot ang switch off nang aking laptop sabay bumalik na ako sa aking kama para mag-pahinga. Sa kabila nang kaba ay napalitan agad ito nang antok. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Nagising ako nang may biglang bumagsak na malakas na bagay sa aking sala. Tumayo ako para buksan ang ilaw sa aking kwarto.
Lumabas ako sa aking kwarto at naglakad papuntang switch para buksan ang ilaw, nang tumambad sa ang malaking pagkabukas nang aking pinto sa sala. Dito na ako kinabahan.
Tumakbo ako para isara nang maayos ang aking pinto. Napatingin ako sa wall clock pasado alas dos na pala nang madaling araw. Bumalik ako sa loob nang aking kwarto para kunin ang aking baril para pandepensa sa aking sarili.
Naglakad ako papuntang kusina at doon ko nakita nag isang nakaitim na suot. Naka-hoody siya at naka-facemask na itim. Hindi ko maidentify kung siya ba ay lalake o babae dahil sa kanyang suot.
Itinaas niya ang hawak niyang baril at itinutok ito sa aking ulo. Uunahan ko na sana siya kaso nang pinihitin ko ang trigger ay walang lumabas na bala. Sinubukan ko ulit pero wala talaga. Humalakhak siya at ipinutok ang baril sa akin.
Isang malakas na alarm clock ang gumising sa akin. Napaupo ako sa aking kama at punong-puno nang pawis ang aking buong katawan.
“Panaginip lang pala,” sabi ko sa sarili ko. Ala sais na pala nang umaga at kailangan ko nang maghanda papuntang trabaho. Pagkatapos kong kumain at maligo ay pumunta na ako sa aking basement at sumakay sa sarili kong sasakyan papunta sa headquarters.
Pag-pasok ko sa loob ay nakita ko si Patrolman Richard na nakaupo sa sarili niyang upuan. “Good morning Ma’am Enriquez,” sabi niya sa akin sabay nagbigay nang saludo.
Iginala ko ang aking paningin sa buong kapaligiran. “Nasaan na ang iba?” tanong ko kay Richard.
“Wala pa po si Ma’am Celyn, si Sir Dawson po ay day off niya ngayon,” sagot niya sa akin. Sana hindi nalang nag day off si Dawson dahil mukhang kakailanganin ko siya dito sa opisina.
“Ganun ba?” Umupo ako sa aking upuan muli akong nagbalik-tanaw sa kaso. “Robert Malinao at Emilio Perez. Ano ang mga koneksyon ninyo sa killer?” bulong ko sa aking sarili.
“Good morning,” bati sa amin ni Celyn sabay umupo sa kanyang upuan. Inilabas niya ang kanyang laptop at sinabi sa akin na may nakuha siyang access sa isang cctv.
“Andito ang kuha nang cctv sa araw nang pagpatay kay Robert Malinao,” sabi sa akin ni Celyn. Lumapit ako sa kanya at maging si Richard para tingnan ang record.
Pinanood namin ang video. Nakita ko ang isang tao na pabalik-balik sa abandonadong gusali sa lugar na kung saan pinatay si Mister Robert sa mga oras na bandang ala dyes hanggang alas dyes trenta. “Ito lang ang nahagip nang cctv at wala na?” tanong ko kay Celyn. “Wala na akong makita. Sinubukan ko pang mga hanap pero ito lang ang na-recovered ko. Mukhang sinadyang burahin nang mga may- ari nang cctv ang mga record nila para hindi sila masangkot sa kahit ano mang pangyayare,” sagot sa akin ni Celyn. “Kailangan natin matunton at malaman kung sino man ang tao na iyon,” sabi ko sa kanila. “Ako na pong gagawa Captain Enriquez,” pagbu-boluntaryo naman ni Richard. Ngayon ko lang napapansin si Richard na mag-mula nang sumama din siya sa aming team. Masipag siya at mapag-matiyag kaya pala inilagay siya sa amin ni Colonel Santos.
Day off ko ngayon at na-gising ako sa isang tawag galing kay Lucy. Sinabi niya sa akin na may nadiskubre pa daw siyang pwedeng mag-bigay nang lead sa killer. Nang dumating sa aking condo ang papel na nagla-laman ng blood type nang magka-ibang tao ay doon ko na kinuha ang aking cellphone para tawagan si Luna. Mas mabuting malaman niya ito dahil kailangan niya rin nang ideya. Ayokong pakawalan ang kaso na ito at pursigido akong masara ang kaso. Nang makarating na dito so Luna ay sinabi ko sa kanya ang aking nalalaman at sinabi ko rin sa kanya na kailangan namin pumunta sa bahay ni Misis Elena Malinao. Andito na kami sa kanilang bahay at naka-harap na namin ang isang may edad na babae. “Andito kami para i-hatid sa inyo ang isang magandang balita. Nagkaroon na kami nang panibagong lead sa pagkamatay nang iyong asawa na si Mister Robert Malinao,” pagsasaad sa kanya ni Luna. “Maramin
“Salamat sa impormasyon Richard umupo ka muna dyan sa iyong silya at tulungan si Ma’am Celyn kung ano man ang ipaga-gawa niya sa iyo,” sagot ni Luna sa kanya. Nag-padala pa pala si Colonel nang isa pang kasamahan namin. Napatayo kaming lahat nang dumating ang isang lalake na kasing tangkad ko.“Hi! I am Austin Gray. Pinadala ako ni Colonel Santos para tumulong sa pag-usad nang kaso, nakita ko na rin ang background nang dalawang biktima at nakakuha na rin ako nang copies sa lahat ng mga dokumento nila,” sabi niya sa amin. Inabot ko ang aking palad para makipag-kamay sa kanya.“I’m Alexander Dawson, Alex nalang,” pagpaki-kilala ko sa kanya at ganun din ang mga kasamahan ko sa loob. Lima na kaming lahat para mag-tulong-tulong upang umusad lang ang kaso. Umaasa kaming lahat na any
Babae ang naging biktima nang krimen na nangyare sa motel. Andito na ako ngayon sa aking condo kasama si Celyn at pinag-iisipan nang mabuti ang case na ito.Ang babae ay isang dalaga at nasa labing walong taon ang kanyang edad. May walong bala na tumama sa kanyang katawan.“Konektado ba ito sa case nila Mister Perez at Malinao? Ano sa tingin mo Celyn?” tanong ko sa kanya habang hinahanap niya pa rin ang access sa cctv sa motel. “Sa tingin ko ay hindi,” maikling sagot niya sa akin.“Siguro nga,” sagot ko sa kanya at napakibit-balikat ako. Nag-ring ulit ang aking cellphone at nakita ko ang pangalan ni Alexander sa screen.Sinagot ko ito agad. Sinabi niya sa akin ang nalalaman niya at nagpasya siya pupunta daw siya ngayong gabi sa aking condo.Hindi na ako nagdalawang-isip pa na patuluyin siya dito dahil kailangan namin mag-usap, lalong lalo n
“May itatanong lang ako sa iyo,” tanong ni Celyn sa suspek. Lumapit siya sa lalake at hinawakan ang panga nito.“Hoy gago! Tumingin ka sa akin,” paulit ni Celyn sa kanya. “Anong koneksyon mo sa murder case ni Mister Malinao at Mister Perez?” tanong ni Celyn sa kanya sa suspek.“Wala akong koneksyon talaga sa kanila. Pinatay ko siya nang naayon sa aking desisyon. Ang walong bala ay para sa walong lalakeng pinag-palit niya sa akin nang walong beses,” sagot niya sa akin.Napaiyak ang lalake sa aming harapan. Halatang mahal niya ang babae, pero hindi solusyon ang pagpatay o kumitil nang buhay para lang sa tunay na pag-ibig. Matapos ang dalawang araw ay tuluyan nang nakulong si Antonio Gonzales sa kasong murder at rape. “Nakita ko ang news ngayon, tinitira tayo nang me
“Perfect,” bulong ko sa aking sarili nang may nakuha akong fingerprint sa gilid nang lamesa na kung saan naka-patong ang ulo nang biktima. Maaaring ang fingerprint na ito ay galing sa killer.Pagkatapos nang aming pag-i-imbestiga sa crime scene ay inilagay nang bangkay sa corpse bag at idinala ito para ma-examine.Kaming lima ay nasa labas na ngayon at kaharap na ang mga sinasabing kasambahay nang biktima.Kini-kilala ang biktima sa pangalang William Andres, apat na put dalawang taong gulang, walang asawa at anak, isang business man. Lumapit ako sa dalawa niyang kasambahay na nasa edad bente at parang ang isa ay nasa edad kinse. “Nasaan kayong dalawa nang mangyare ang krimen?” tanong ko sa kanila.“Sir? Huwag niyo po kaming ikulong wala po kaming kinalaman dito,” sagot sa akin akin nang isang babae. Mukhang mag-ina ata silang nagta-trabaho sa loob
“I found nothing Luna. Sorry,” rinig kong pagpa-paumanhin niya.“Alin sa dalawa Celyn? Wala nga bang cctv o wala kang nakuhang record sa cctv? Dahil magka-iba iyon.” tanong ko kay Celyn.“May cctv man o wala, wala rin kwenta dahil wala din tayong makukuha,” sagot niya sa akin. Iniharap niya ang kanyang laptop at ipinakita sa amin.“See? Unsupported files. May alam ang killer,” wika sa akin ni Celyn. Nainis ako sa kanya dahil hindi siya naging specific sa kanyang sinasabi. Isipin niya naman sana na hindi biro ang krimen nangyayare. At isa pa, bawal kaming magka-mali sa investigation report naisa-submit namin sa itaas.Magka-iba kase ang mga salitang walang cctv at walang nakuhang record sa cctv. Walang cctv ay simple, wala talagang naka-install na cctv.Ang walang nakuhang record sa cctv, simple din, ibig sabihin ay may cctv pero wala lang record.“No worries guys. Sa tingin ko ay malapit
“You were right Luna, maybe isa itong series murder case and the killer wants us to count down,” sabi ko sa kanya.“Alam ko na pinuntahan mo si Lucy. Ano pa ang mga nalaman mo sa kanya?” tanong niya sa akin. Habang nakatitig siya sa litratong black and white.“About sa fingerprint. Fingerprint evidence can play a crucial role in criminal investigations as it can confirm or disprove a person's identity,” sagot ko sa kanya.“I know. It is unique and can never be the same for two persons. So anong result sa fingerprint identification exam?” tanong sa akin ni Luna. “Sa unang biktima na natagpuan natin kagabi na si William Andres. Ang pattern nang kanyang pointed fingerprint ay plain arch, samantalang sa unidentified person’s fingerprint pattern was accidental whorl,” sagot ko sa kanya.“The arches create a wav