Share

Chapter 9

"SYETE? Nasaan ka?" Walang sumagot. Ilang ulit siyang kumatok pero wala pa rin. Pinihit niya ang door knob, bukas iyon kaya dahan dahan siyang pumasok.

Inilibot niya ang tingin sa buong silid. Hindi niya ito nakita. Bukas ang laptop nito na nasa gitna ng kama. Nakarinig siya ng lagaslas ng tubig, humakbang siya papalapit sa isa pang pinto kung saan nanggagaling ang ingay.

Akmang bubuksan niya iyon nang mauna itong buksan ng tao sa loob. Si Syete. Nanlaki ang mga mata niya.

Labis ang gulat niya nang makita ang hubad nitong katawan. Walang saplot ni isa, malinaw na malinaw sa kanyang paningin ang kabuuhan nito. Pati ang pagkalalaki nito na nakaturo sa kanya. Nakaturo sa'kin? "Bakit ako?" nausal niya. Naging blangko ang isip niya, hindi malaman ang dapat na gawin.

Naikuyom niya ang mga kamao sa sobrang kaba. "Sa shopee pi pi pi pi Ang dami mi mi mi mi. Bumili li li li li," hindi niya namalayan na sa sobrang kaba kinakanta na niya ang isang online
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status