Share

Chapter 6

NANG MAGSALUBONG ang kanilang mga tingin ay mas lalong nag-abalang ang init na kanyang nararamdaman. Ang mga mata nito ay bumaba sa kanyang kahubdan at bahagyang natigilan ang binata.

Akmang bubuka ang mga labi nito upang magsalita ngunit agad niyang hinila ang batok ni Syete at nilamukos ng halik ang basa nitong labi. Sabik na sabik siyang kinagat kagat ang labi at s******p. Hindi na siya makapag-isip ng tama dahil gustong gusto niyang mawala ang init ng katawan.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at ipinatong sa tayong tayo niyang dibdib. Para siyang may hinahabol dahil sa kabila ng hingal ay nagpatuloy siya sa ginagawa. Halos maubusan na siya ng hangin.

Siya mismong ang nagpisil ng katigas nitong kamay sa kanyang dibdig pero dumulas ang kamay nito na akala niya ay hahaplos din pabalik sa kanya. Pilit itong humihiwalay sa kanyang halik pero mas idinidiin niya ang labi.

Humawak ito sa kanyang magkabilang braso upang ilayo ang hubad niyang katawan sa katawan nito. Matigas siya, mas lalo niyang ikinapit ang kamay sa leeg nito.

"Hey, hey calm down," saway nito sa kanya nang magawa nitong humiwalay sa bibig niya.

"Kailangan kita." Bakas sa kanyang boses ang pagiging desperada.

Umiling ito. "You don't have to do this." Walang bakas ng galit ang boses nito sa ginawa niya.

Mariin niyang kinagat ang mga labi at kinuha ulit ang kamay nito. "Hawakan mo ako, gusto kong hawakan mo ang buong katawan ko." Ibinalik niya ang kanyang nito sa kanyang dibdib pero mabilis iyong inagaw ni Syete.

Ngumiti ito at hinaplos ang basa niyang buhok. "Basa ang katawan mo, kukuha lang ako ng damit para hindi ka lamigin."

Akmang tatalikuran siya nito nang mahigpit siya yumakap dito. Kung kailangan niyang magmakaawa para pawiin nito ang init na nararamdaman ay gagawin niya.

Pakiramdam niya ay ikakamatay niya kapag hindi niya nakuha ang gusto. "Pwede mong angkinin ang katawan ko, hindi ako magrereklamo." Hinalik halikan niya ang braso nito pataas sa batok nito.

Wala siyang maramdamang hiya sa mga ginagawa niya ngayon. Tuluyan siyang tinalo ng halimaw sa kanyang kalooban.

"No," madiin nitong sagot. Humarap ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Tiisin mo, alam kong pagsisisihan mo 'to kapag naging malinaw na ulit ang pag-iisip mo." Hinaplos nito ang kanyang likod upang kumalma. "Hindi ka gan'ong klaseng babae at naiintindihan ko. Calm down, I won't take advantage of you. You can trust me."

Dahil sa mga sinabi nito ay natauhan siya. Namalayan na lamang niya na basa na ang kanyang pisngi hindi dahil sa pagligo niya kundi dahil sa luhang masaganang dumadaloy mula sa kanyang mga mata.

Nagsimulang magtaas baba ang kanyang balikat dahil sa paglakas ng kanyang pag-iyak. Hindi niya akalaing ganito ang magiging reaksyon nito sa kapangahasan niya. Inaasahan niyang bigla nitong susunggaban ang hubad niyang katawan.

Inaasahan niyang magnanasa ito sa kanya dahil iyon ang ginawa ng demonyong gumagaw ng katahimikan ng kanyang buhay. Pilit na kinuha ang kanyang puri kahit na lumuha siya ng dugo sa sobrang pagmamakaawa.

"You can talk to me. You can tell me anything in your mind, my door is alway open for you but not with this."

Mas lalo siyang napahagulgol. Yumakap siya ng mahigpit dito dahil bigla siyang tinamaan ng labis na hiya dahil sa kanyang ginawa. Wala na siyang maipagmamalaki simula ng babuyin siya pero sa harap ng binata pakiramdam niya ay napakahalaga niya kaya't dapat niyang takpan ang hubad na katawan at hindi ipangalandakan.

"I-I'm sorry," umiiyak niyang sagot.

"I don't need your apology, what I need is you to be strong. I may not know what you have been through but I want you to be brave." Binigyan nito ng ispasyo ang kanilang mga katawan at nakangiting tumingin sa kanya.

"Maraming salamat sa'yo." Tanging naisagot niya dahil hindi niya mapigilang mamangha sa pagiging mabuti nito. Tila nakakakita siya ng halo at puting pakpak sa likod nito. Isang anghel.

"Magpahinga ka muna," pagkasabi niyon ay binuhat siya nito patungo sa kama nito at binalot ng kumot ang hubad niyang katawan. Nakamasid lamang siya sa bawat galaw nito na halos hindi niya mapaniwalaan.

Hindi niya akalain na may lalaki pa palang kayang tanggihan ang kahubdan ng isang babae.

"Dito ka muna para mabantayan kita. I have a lot things to do here in my room, so yeah. Stay here." Masuyo pa rin itong nakangiti.

Nag-iinit ang kanyang magkabilang pisngi sa sobrang kahihiyan pero hindi nito ipinaramdam na dapat siyang mahiya.

Tumango siya bilang sagot.

Tulad nang sabi nito ay naging abala nga ito sa harap ng laptop nito habang nakaupo sa paanan ng kama. Paminsan minsan itong tumitingin sa kanyang upang siguraduhin kung ayos lamang siya.

Wala sa hinagap niya na makikilala niya ang isang Seventh Castillion, ang pagkakaalala niya ay nasa madilim na sulok lamang siya ng kanyang apartment, takot at nag-iisa pero ngayon ay heto siya nakahiga sa malambot at malaking kamang pag-aari nito.

Kung ano man po ang plano niyo sa akin ay malugod kong tatanggapin. Taimtim niyang sambit para sa Maykapal habang nakatingin sa abalang binata.

Tuwid ang maninipis nitong mga labi sa pagiging seryoso sa ginagawa, minsa'y nagsasalubong ang mga kilay at napapailing.

"Are you bored?" Ilang sandali ay tanong nito.

"Hindi ako makatulog."

"You wanna hear a story? Though, it's corny." Tumawa ito sa sariling sinabi habang ang mata ay hindi inaalis sa screen ng laptop nito.

"Love story?" Napangiti siya. She's a fan of fairytale, well, almost all women are fan of happily ever after and perfect prince charming but that was before. Ngayon ay nawala na ang paniniwala niyang iyon dahil sa mga naging karanasan niya.

"Yes," isinarado nito ang laptop bago umayos ng upo pagharap sa kanya.

Tuwid siyang nakahiya habang balot ng kumot, nakalimutan na niyang wala siyang kahit anong saplot at ito ay nakaupo sa paanan niya.

"Ayos lang kahit anong kwento."

Ngumiti ito. "Once upon a time," sabay silang natawa dahil sa panimula nito pero muling nagpatuloy. "There's a prince who's really inlove with a beautiful, jolly and smart princess. He's too inlove to the point that he can give up everything for her but the prince is sad because the princess don't see him as a man but a brother. She don't love him as a man."

Nawala ang ngiti niya sa mga labi nang muling sumilay ang lungkot sa mga mata nito. Nandoon na naman ang pakiramdam na tila nasa iisa silang pasakit na pinagdadaanan.

Gusto niyang haplusin ang mukha nito at pawiin ang lungkot sa mga mata.

"Ibinigay niya ang lahat kahit alam niyang masasaktan siya. Maybe because he believes that if you love someone you should not expect them to love you back." Ang mga mata nitong nakatingin sa kanya kanina ay bumaling sa kumot at doon tuluyang natulala.

"Pero kapag nagmahal ka palaging umaasa kang mamahalin ka pabalik," sagot niya.

"Tama ka," anito.

"Tapos anong nangyari?"

"Ilang ulit siyang nasaktan pero tinanggap niya dahil sobrang mahal niya 'yong prinsesa."

"Ano bang nagawa ng prinsesa na paulit ulit na nakakasakit sa kanya?" Hindi siya tanga para hindi mahalatang ang sarili nito ang tinutukoy nito sa kwento. Basi sa pagkislap ng lungkot nito at sa baba ng boses habang sinasabi ang bawat salita ay halatang sarili nito ang tinutukoy nito.

Bigla siyang nagkaroon nang pagnanais na mas kilalanin ang pagkatao nito. May nag-uudyok na kanya na alamin ang tunay na dahilan kung bakit gan'on na lamang ang pagsigaw ng kalungkutan sa mga mata nito.

"Kapatid niya ang mahal ng prinsesa at mahal din ito ng kapatid niya," may pait sa boses nito.

Tigilan siya. Parang may kudlit na tumama sa kanyang puso dahil doon. Hindi siya nakapagsalita.

"Sa huli dahil alam niyang siya ang hadlang sa kaligayahan ng mga ito ay nagparaya siya. Kahit na nagkaroon na siya ng pagkakataon na angkinin ng buong buo ang prinsesa ay hindi niya ginawa dahil ayaw niyang ikulong ito sa lungkot habang buhay." Napakalaki ng bagay na ginawa nito para sa babaeng mahal nito, kaya siguro ay sanay itong mag-ingat at mag-alaga ng babae dahil sa pagtrato nito sa prinsesang sinasabi nito.

Bigla siyang nainggit sa babaeng tinutukoy nito. Kung titignan ay napakaperpekto na nito dahil hindi lamang sa pisikal na anyo kagili giliw dahil pati na rin ang pag-uugali.

"Masaya na ang prinsesa at ang prinsiping kapatid niya pero siya hanggang ngayon ay nakakulong pa rin sa sakit at--"

"At ikaw ang prinsiping nagparaya?" Hindi na niya napigilan ang sarili na sumabat. Tumitig lamang ito sa kanya at hindi sumagot. "Bakit hindi ka naging makasarili n'ong mga panahong pwede mo siyang angkinin?"

"Ikaw, magagawa mo bang angkinin ang isang taong sa simula palang ay hindi mo pag-aari?" Natameme siya. Wala siyang alam sa pag-ibig dahil ni minsan ay hindi pa siya umibig sa isang lalaki kaya't hindi niya maintindihan ang naging desisyon nito. "Wala akong pag-aari kaya wala akong maaangkin," dugtong pa nito.

Umalis ito sa pagkakaupo at gumapang sa kabilang bahagi ng malaking kama. Nakangiti man ito ay hindi pa rin siya kumbinsido na magaan ang kalooban nito.

Humiga ito isang dipa mula sa kanya at pumikit. "Magpahinga ka muna," sabi nito.

"Magpahinga muna tayo."

Magpahinga muna tayo dahil sa mga nakakapagod na kaganapan sa buhay na'tin. Magaan na ang loob niya kahit na nasa paligid ito, siguro dahil alam niyang mabuti itong tao at ilang beses na niya iyong napatunayan mula kahapon. Wala rin siyang maramdamang pangamba kapag malapit ito.

Ang kanyang pagiginig at pagkabalisa ay ang nakasanayang reaksyon ng kanyang katawan kapag may lumalapit na lalaki sa kanya. Iyon ang iniwang bangungot ng kanyang nakaraan.

Pareho silang hindi maganda ang nakaraan at ang lungkot nito ay ramdam niya rin. Wala pa man siyang karanasan sa pag-ibig ngunit ang isiping iparaya ang taong mahal mo ay napakasakit na, paano pa kaya itong nasa gan'ong sitwasyon.

"Sa susunod ikaw naman ang magkwento," sabi nito na nakapikit pa rin.

Hindi ko kaya. Gusto niyang isatinig ngunit mas pinili na lamang niya ang manahimik. Sana nga gan'on kadali. Aniya sa isipan. Sana gan'on lang kadali na balikan ang mga alaalang gusto ko nang kalimutan.

Kung siya ang tatanungin ay hindi na niya gustong muling buhayin sa kanyang sistema ang mga pinagdaanan niya dahil hindi niya kakayanin.

Tumagilid siya ng higa paharap kay Syete. Kitang kita niya ang pag-agos ng luha sa gilid ng mga mata nitong nakapikit. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa bigat ng kanyang puso.

Sobra siyang nasasaktan. Ang pinakamasakit na pag-iyak ay iyong tahimik. Alam niyang walang binatbat ang bigat ng kanyang kalooban habang nakikita ang pag-iyak nito sa nararamdaman nito ngayon.

Muli siyang tumihaya ng higa at tulalang tumingin sa puting ceiling.

Naalala niya ang kanta nito kanina. The man who can't be move. Mahal pa rin nito ang prinsesang sinasabi nito kahit na nagdurusa siya sa sakit.

Hindi siya dinalaw ng antok kaya't pinakikiramdaman niya lamang ang paligid.

"Princess."

Gulat siyang bumaling sa binata ilang minuto ang lumipas. Gan'on pa rin ang ayos nito. Nakapikit, nakapatong ang kamay sa noo at nakatihaya.

"Princess," sabi pa nito. Akala niya ay guni guni niya lamang pero nagsasalita ito habang tulog. "I miss you."

Nakaramdam siya ng awa habang pinapakinggin ito. Kahit sa panaginip ay dala nito ang sakit. Mapait siya napangiti. Parang wala kaming pinagkaiba, magkaiba ang dahilan ng sakit pero parehong nasasaktan.

"Sana maging masaya ka na," pagkausap niya dito. "Mabuti kang tao kaya deserve mo ang sumaya."

Napabuntong hininga siya dahil hindi na niya alam kung ano ang dapat na isipin. Ayaw niyang manghusga ng kapwa pero hindi niya talaga mapigilang makaramdam ng inis sa prinsesang sinasabi nito.

Umiling siya. "Hays, bakit ba inaalala ko ang ibang tao? Malaki rin ang problema ko sa sarili ko."

Bago siya pumikit ay naramdaman niya ang mahigpit na yakap ng binata.

"Princess," bulong nito.

Mas lalo siyang nainis.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
elsa cea
i love it. the whats so cute . try to read !
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status