Share

Chapter 6

"How long are you going to avoid us?" siyang bungad sa akin ni dad.

Nandito kami ngayon sa malaking sala kung saan gawa sa bubog ang kabuuan, kaya naman kitang kita at dinig na dinig mo ang malakas na hampas ng kulay asul at berdeng alon sa dalampasigan at ang malakas na hangin na nagpapasayaw sa mga dahon.

May kataasan na ang sikat ng araw ng makauwi ako galing sa paglalakad lakad sa dalampasigan, papasok na sana ako ng gate ng maabutan ko si ate Elly na nakikipagtawanan sa kung sino, ng makalapit ako ng kaunti ay narecognize ko ang mga ito. It's my parents.

Tatalikod na sana ako at babalik na lamang sa paglalakad lakad ng bigla akong tawagin ni ate Elly. Panira talaga.

"Ma'am Arkeila!"

Nabato ako sa kinatatayuan ko at  hindi na nakahakbang pa. Tahimik na lamang akong napamura sa isip dahil sa inis na nararamdaman.

Bwisit naman oh, panira talaga!

Hindi pa man ako nakakagalaw ay mayroong nagsalita mula sa likuran ko.

"Arkeila!" my father's stern voice roared making me freeze in my place even more.

Dahan dahan akong napalingon at doon ay nasalubong ng aking mga mata ang nagngangalit nitong mga mata.

"D-dad..." utal kong tawag sa kanya. Masakit akong napalunok ng laway dahil sa paraan ng pagtitig na ibinibigay niya sa akin.

"We need to talk" aniya bago naunang naglakad pabalik sa bahay.

Imbes na gumaan ang pakiramdam at makahinga ng maluwag ay lalo lamang dumoble ang kabang aking nararamdaman.

That's how I got here. In an intense situation with my dad in front of me watching me with his squinted hawk eyes while I'm here in a sitting while fiddling with my slender fingers.

"Umuwi ka na sa bahay" pagbasag niya sa katahimikan.

Gulat naman akong napaangat ng tingin sa kanya.

No. Ayoko pang umuwi sa bahay. Once na umuwi ako sigurado akong ipapakasal niya ako dun sa lalaking iyon.

I'm only 18 for fucking sake.

"No, ayoko Dad. Ayoko" pagtutol ko sa sinabi nito. Kita ko ang lalong paggusot ng noo nito, nagpapahiwatig na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"You're going home. And that's final. You will pack your things now at uuwi ka na sa Manila kasama kami ng mommy mo, and no buts Arkeila. I'm your father at ako ang masusunod!" wika nito sa ma awtoridad na boses. Boses na lagi niyang ginagamit para ipaalam sa isang tao na wala ng makakapagpabago pa ng desisyon niya.

Pero paano naman ako kung habangbuhay ko nalang siyang susundin?

Paano nalang ako kung habangbuhay nalang akong magpapatali sa kanya sa leeg, yung tipong susunod lang sa kung ano mang sasabihin niya at sasang ayon sa bawat desisyon niyang gagawin.

Yes they provide me everything that I need, even my wants are sustained by them. Walang labis, sobra sobra pa nga e.

But I can't live a life na para akong asong sumusunod lamang sa kagustuhan ng mga magulang ko.

I am also a human being and I have the right to be free and have my freedom and peace.

Ano nalang ang mangyayari sa akin kung habangbuhay akong ganito. I thought that when I turn 18 magbabago na ang lahat. Na magiging malaya na ako.

Malayang magpasya para sa sarili at mamuhay ng naaayon sa kagustuhan ko at hindi ng mga magulang ko.

The treatment they're giving me for the past years was just too much. To much to be bare for so long.

"AYOKONG UMUWI." I said with finality. Pilit kong pinatapang ang sarili ko at tinitigan si dad na ngayon ay mag bahid ng gulat sa mukha pero nandoon pa din ang inis sa mukha nito.

"Ayokong umuwi kasi once na umuwi ako sigurado akong ipapakasal niyo ako kaagad sa lalaking iyon. Dad for pete's sake kaka eighteen ko lang a few weeks ago pero gusto niyo na ako kaagad ipakasal? Diba parang napaka bata ko pa para sa mga ganyan? Dad paano na yung mga pangarap ko sa buhay, yung mga goals ko kung ganito na hanggang ngayon hawak hawak niyo ako sa leeg. How can I manage our businesses in the future kung mas gusto niyo pa na magpakasal ako kesa ang magfocus sa pag aaral ko?" nagsimulang maglaglagan ang mga butil ng luha sa mata ko ng sabihin ko iyon.

"Sinusunod ko naman lahat ng sinasabi niyo sa akin e, pero dito sa part na ito...like...and hirap hirap dad." pagpatuloy ko.

"Akala ko I can finally have my freedom once na mag eighteen ako kasi diba ganun naman talaga kahit yung ibang magulang. Hinahayaan na nila yung mga anak nila kapag naka tungtong na sa legal age, although nasa kanila pa din pero ginaguide nalang nila at hindi tinatalian sa leeg!"

Hindi na nakapagsalita si dad pero nanatili ang masamang tingin nito sa akin.

"Give me time. Susundin ko pa din naman po ang gusto niyo e, wala din naman akong choice kung hindi ang sumunod diba. Kaya what's the point of hiding and running away?" sarkastiko akong natawa sa sarili kong mga salita.

"Patapusin niyo lang po ako ng college and I promise na papakasalan ko ang Sarkozy na iyon. Just please h'wag ngayon dad, marami pa akong gustong maabot at maranasan. Gusto ko pang ienjoy ang teenage life ko. Please kahit ito na lang h'wag niyo nang ipagkait pa sa akin, please dad." nagmamakaawa akong napagulgol habang nakatingin si daddy.

Kita ko ang malalim na pagbuntong hininga nito.

"Fine. Pero after mong maka graduate ng college the two of you will get married. As soon as you graduate college ay magpapakasal kayong dalawa ni Damian. No buts, magpapakasal kayo kaagad" he said with finality.

Hindi ko na nagawa pang magsalita pa dahil as soon as he said those words ay naglakad na ito palayo.

Naiwan naman akong magisa sa sala, nanghihina at nawawalan ng pag asa.

The hope of being free and independent is really gone. Habangbuhay na akong nakatali sa ganitong uri ng pamumuhay, buhay na kontrolado, walang kalayaan at walang pagdedesisyon para sa sarili.

I can't do anything but to accept this life.

✿✿

F******k Account: Flaire Morxeiah

F******k Page: FlairehixxieWP

I*******m: @flairemrxh

Tiktok: @flairehixxie /Flaire Morxeiah

G***l: flairehixxie@g***l.com

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status