CHAPTER 43HINDI ko alam kung ano ang dapat isagot kay Arken. Dapat bang umamin ako? Tatalon sa sobrang tuwa? Nabibingi ako sa sariling kabog ng dibdib."You don't need to answer. Ang gusto ko lang ay sabihin ang matagal ko ng nararamdaman. Ang hirap kasi kung araw-araw ay kailangan kong itago ang damdamin para sa'yo."May maliit na ngiti sa kaniyang labi saka inabot ang setbealt. Kinintalan niya ako ng halik sa labi at nagulat ako roon. Pinagpapawisan at nanlalamig ako dahil sa kaba."It's my welcome kiss. Wala ka kanina sa bahay pagdating ko," sabi nito na titig na titig sa akin. Nakagat ko ng mariin ang labi dahil sa tuwang pinipigilan.Sinumbatan ko si Gieselle pag-uwi nito sa bahay. Pinaalala ko sa kanya kung paano niya ako iniwan sa ere at hindi man lang tinulungang makapagpaliwanag kay Arken."Ayoko ngang madamay sa gulo ninyong mag-asawa. Mamaya ay pagalitan din ako lalo't ako ang pasimuno ng paggala natin. Isa rin ako sa nakiusap na sumali ka sa pictorial. Mabuti ng ikaw ang
CHAPTER 44PALAPIT na ng palapit ang kaarawan ko pero hindi man lang namin napag-uusapan ni Arken ang tungkol dito."So may grand celebration ba, Pam?" Nanunukso ang boses ni Gieselle. Tulad ng mga monthsary dapat ay pahalagahan din ng taong nagmamahal ang birthday ng iniibig nila pero mukhang malabong mangyari ‘yon."Ayoko ng umasa, Gie, dahil alam ko namang wala," malungkot kong sagot."Ito naman masyadong matampuhin. Malay mo tatahi-tahimik lang 'yan si fafa Arken pero baka may inihanda para sa'yo."Iling ang tanging sagot ko sa kaibigan. Masasaktan lang ako kung aasa."Magdi-dinner lang siguro tayo at matutulog ng maaga."Kumunot ang noo ni Gieselle at hindi makapaniwala na ganoon lang ang gagawin."First time ko yatang narinig 'yan sa'yo na ganyan ang birthday celebration," mahinang usal niya.Nang sumunod na linggo ay hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Ate Leanne. Nakabalik na pala siya mula sa ilang linggong bakasyon."Kumusta, Pam?" malumanay na bati sa akin habang nasa garde
CHAPTER 45(ARKEN’S POV)"DUDE, sige na at sasaglit lang naman tayo roon. Para naman makita ako ng kapatid ko at malaman niyang supurtado ko siya sa career niya," pamimilit sa akin ng kaibigang si Kenjie. Kasali ang collection ng kapatid niyang fashion designer sa isang fashion show ngayon. Inaasahan nito ang kaniyang pagdating pero ayaw namang pumunta ng gago kung siya lang mag-isa."How about Matt? Iyon na lang kasi ang isama mo. Like, what the hell? Fashion show? Ano ako bading?" pagtanggi ko. May usapan ngayon ang barkada na pupunta sa isang high end bar at nakikita ko na ang sariling magsasawa sa maraming magagandang babae na puwedeng ikama na walang commitment at feelings na involved."Si Matthew? Naka-off na ang cellphone ng gago siguro ay nakakita na ng puwedeng maitabi buong gabi," reklamo niya.Napabuga ako ng hangin. Kung bakit kasi nangako pa siya sa kapatid niyang pupunta roon gayung mga babae at lalaking may pusong babae lang naman ang mag-i-enjoy sa ganoon?"Arken, ngay
CHAPTER 46(ARKEN’S POV 2)Akala ko’y tuloy-tuloy na ang pagbuo namin ng pamilya pero bumalik si Nicollete na naging parte ng aking nakaraan."Arken, I want you back. I still love you and I hope na ganoon ka rin sa akin," harap-harapan niyang pag-amin."Nicolle, I love you as my friend and as a sister. Sinubukan ko pero hindi na hihigit pa roon 'yon. Sinubukan naman natin na magkaroon ng relasyon dahil na rin sa kagustuhan ng pamilya mo at ng daddy ko pero wala namang nangyari 'di ba?" Pilit kong pinapaintindi sa kanya ang reyalidad.Natutunan kong pahalagahan ang ibang tao dahil kay Paloma. Dahil sa kaniyang kabaitan kaya kahit naiinis at nawawalan na ako ng pasensiya ay pinipigilan kong magalit."I want you back, Arken. Believe me ako pa rin ang babaeng babalikan mo at ako lang ang kayang magtiis sa'yo," isa na naman sa mga banta niya."I love Paloma! Kahit maghubad ka pa sa harapan ko ay hinding-hindi ako papatol sa'yo! Huwag mong hintayin na mas lalo akong magalit. Huwag mo ng ipi
"YOU MAY KISS THE BRIDE"Masigabong palakpakan ang pumutol sa malalalim na halikan namin ni Arken. Tila nakalutang ako sa alapaap at parang panaginip lang ang lahat.Isang taon pagkatapos ng marriage proposal ay tuluyan na kaming humarap sa altar at ikinasal ulit. Sa pagkakataong ito’y sa simbahan na, pinagplanuhang maigi at hindi madalian. Hinintay na muna naming manganak ako bago isinakatuparan ang aming pag-iisang dibdib.Kumaway sa amin si Ate Leanne na kalong ang bunso namin ni Arken. Kahit na lalaki pa rin ito’y masaya at buong puso naming tinanggap. Makagagawa pa naman daw kami ng baby girl rason ni Arken.Kahit panay ang iwas ni Gieselle para hindi makasalo ng bouquet pero parang nananadiya ang pagkakataon at kusang lumapit ang bulaklak sa kaniya."Naku, Gie, humanda ka dahil ikaw na yata ang susunod na magwa-walk down the aisle. I’m so excited for you my, dear, friend," tudyo ko rito."Naniwala ka naman sa pamahiing 'yan? Paano ako ikakasal kung kahit jowa nga ay wala ako?"
PROLOGUEBATA pa lang ako ay wala na akong ibang ginusto kung hindi ang maging isang modelo. Simula elementary hanggang high school, lahat ng related sa pagmo-model ay aking sinalihan mula sa mga workshop hanggang sa mga trainings ay wala akong ng pinalampas.Marami ang nagsabi na tama lang ang larangang aking napili. Malaki ang chance na matupad ko ang pangarap na iyon.Ang iba naman ay pinapasali ako sa mga beauty pageants pero uunahin ko muna ang pagmo-model dahil iyon ang aking pinakamalaking pangarap.Walang problema kay mama dahil number one fan ko siya. Lagi niya akong sinusuportahan at kahit saang event ay nandoon siya para magpakita ng suporta.Kabaligtaran naman sa aking ama na laging sinasabi na wala akong mararating sa pagiging model."Paloma, just be an engineer like me. Or mag-architecture ka na lang para may katuwang ako sa mga negosyo natin." Laging ganoon ang aming usapan pero nauuwi lamang sa pagtatalo at samaan ng loob.
CHAPTER 1"GUYS, Acropolis daw tayo pagkatapos nito!" sigaw ni Che-che, ang baklang organizer sa katatapos lamang naming fashion show. Ang tinutukoy nito ay ang isang sikat na high end bar.Like the usual, isa na naman ako sa mga star of the night. Kaya hindi na halos magkasya ang mga bulaklak at regalo na nandito sa harap ng malaking salamin kung saan ako inaayusan. Ang iba ay galing sa mga madalas na guests sa ganitong klaseng event at marami rin ay mula sa mga hindi ko pa nakikilala.Nagtatanggal ako ng make-up at halos lahat sila ay nagkakagulo dahil didiretso pa sa bar kung saan isi-celebrate ang success namin sa gabing ito."So are you coming with us? Please say yes," sabi sa akin ni Giesielle, ang matalik kong kaibigan. Pareho kami ng manager at tulad ko ay madalas din siyang apple of the eye."Hindi ba kayo napagod? Ang gusto ko lang ay mag-pajama tapos matulog ng sobrang
CHAPTER 2PARANG nananaginip ako. May nararamdaman akong haplos at halik mula sa mukha pababa sa leeg. Mainit ang palad na humahawak sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Tila idinuduyan ang aking pakiramdam. Sana ay hindi pa ako magising dahil maganda ang panaginip kong ito. Unti-unti pa akong nahuhulog sa kawalan. Mas lumalalim pa ang aking mahimbing na tulog pati na rin ang mga halik na iginagawad sa akin. Hanggang sa ang lahat ay lumalabo at ipinaubaya ko na sa kasama ang mga mangyayari.Naalimpungatan ako nang magising. Sumakit ang aking ulo dala ng kalasingan kagabi. Pagod na pagod din ang aking katawan at hindi ko alam kung paano ako nakauwi at kung sino ang nagmaneho ng aking sasakyan. Siguro ay si Giesielle dahil siya lang naman ang masipag at nagtitiyagang ihatid ako pauwi kapag nakainom na. Siya rin siguro ang nagpalit ng suot ko. Dahan-dahan kung tiningnan ang katawan na natatabunan ng makapal na comforter dahil baka ang ginamit ko ng pajama ang ipinasuot