Share

Chapter 5: Gangster

Eliz’s Point of View

 "Well, isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko dito sa campus natin and besides..Ruhan is a leader of a gang group," patuloy ni Lolo kaya nagulat ako. Hindi ko alam kung anong ire-react. It’s cool but at the same time, scary.

"G-gang? You mean isa siyang gang..ster? Yung mga nakikipag-basag ulo sa kalye tapos nagbubugbog ng kung sino—What the heeeck!" hindi makapaniwala kong sabi at tumingin kay Ruhan na napahilamos lang ang kamay sa mukha. Bakit? Mali ba yung description ko sa gangster?

"Iyon ba ang tingin mo saken?!"inis na sigaw niya.

"Well, yun ang nasa utak ko eh." Inilibot ko ang mata ko sa kung saan, baka sumabog na ang lalaking ito dahil sa akin eh. Malay ko ba kung kasali din siya sa mga illegal transaction dito sa Pilipinas.

"But, don't worry dahil ang gang na kanyang mundo ay hindi masasama. Legal ang gang na kinabibilangan niya. Kung gusto mo ay sumali ka na din sa Gang na iyan—"

"No! No! And absolutely not! Anong tingin niyo sakin? Yung mga nakakalat diyan sa kalye na may mga tattoo tapos nakikipagbugbugan tapos sasali sa mga illegal transaction?!" halos magputukan ang ugat ko dahil sa pagsigaw.

"Sabi na ngang hindi ganun yun!"Hindi makapag-timping sambit ni Ruhan.

"Whatever, duh~" Malditang sabi ko at inirapan lang siya.

 Twenty minutes later…

 "Wala na talaga akong magagawa?"pamimilit ko pa kay Lolo. Nakaka-awa na ako dito eh, kanina ko pa siya kinukumbinsi na hindi ko kailangan si Ruhan as my bodyguard or something. Baka mas lalo akong bawian ng buhay dahil sa high-blood. Nandito parin kami sa Dean’s Office dahil pinag-meryenda niya pa kami ni Ruhan.

At maging si Ruhan ay hindi payag sa gustong mangyare si Lolo Sevastion.Ayaw namin sa isa’t-isa, iyon ang big deal.

"By the way, look at this…" Nabaling ang atensyon namin ni Ruhan kay Lolo na noon ay may kinukuha sa kanyang drawer. Isang envelope, itim na envelope. Binuksan niya iyon at may papel siyang inilabas mula doon, iniabot niya iyon sakin.

Hindi ko binasa ang lahat ng nakasulat doon dahil sobrang haba, basta ang alam ko ay is aiyong death threat.

"That means nanganganib ang family natin?"tanong ko pa kahit halata naman ang sagot. Wala lang, gusto ko lang mag-react.

Hindi lang para sa akin kundi sa buong pamilya ko. Kadalasan kasi ay ako ang nakakatanggap ng mga ganyan. "Kung pagbabasehan ang sulat, may kasalanan tayo pero ano?" tanong ko pero walang sumagot.

TOK! TOK! TOK!

Mabilis na itinago ni Lolo Sevastian ang sulat sa may drawer, habang ako ay inayos ang pagkakaupo."Come in," wika ni Lolo.

Nagbukas ang pinto at tumambad sa harapan namin ang isang lalaki na gray ang buhok, kagaya ni Ruhan ay matangkad din ito at mukhang may ipagmamalaki din pagdating sa hitsura. Nasa requirements ba ng campus na magaganda at gwapo lang ang pwedeng pumasok? Parang wala yata akong nakitang panget dito eh. Unlike Ruhan, wala siyang mga fiercing. Sabagay, mukhang gangster si Ruhan. "Oh kuya, bakit ka nandito?" biglang sabi ni Ruhan kaya napatingin ako sa kanila.

Kuya? ow, feel ko talaga na mas mabait siya kaysa sa ugok na kasama ko. "Oh Yohan, let me introduce you my grandaughter Eliz Cortejo. Eliz, this is Yohan Day Pedraza, Ruhan's older brother." pagpapakilala ni Lolo at ginantihan ko siya ng napakatamis na ngiti, mukha naman siyang mabait so syempre, mabait din ako.

Pero wait… Day? Night? Sinadya ba na ganoon ang mga second name nila? Bakit ang weird ng mga pangalan ngayon, kung saan-saan nakukuha. "Hello Eliz, nice meeting you," sabi niya at inilahad ang kamay niya dahilan para tanggapin ko iyon at makipag-kamay.

I don’t know pero iba yung pakiramdam ko sa kanya. When you look at him…you can see maturity and…ako lang ba ang nag-iisip na baka SSG President siya? Bagay kasi sa kanya eh. "And Eliz, Yohan is our Campus King also one of the Prime 4." sabi ni Lolo at umupo muli.

Oooh, so he’s not a president but a King? Cool. "What's with the Prime 4 thing?"

Is it a group or club? Like F4? Ganern?

"Every year may ginagawang line up which is Campus Rank. Kung sino man ang rank 1 ay understood na siya ang Campus King or Queen." paliwanag ni Lolo at itinuro ang ilang pictures frame na may litrato ng sa tingin ko ay mga naging Campus King and Queen.

"Ang Prime 4… si Yohan ang nagbuo niyan. Every year, ang rank 1 up to rank 4 ay bubuo ng isang grupo at iyon ang Prime 4. Sila ang mamumuno sa buong campus kasama ang mga Officers." Ah, nai-kwento na sakin ata ni Lolo iyan? Na may parang naging tradisyon na daw sa Campus na magbuo muli ng Prime 4, ito pala ‘yon.

Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa mga Prime 4 na iyan at sumagi ang isang tanong saking isipan. Dahil habang tiningnan ko kanina ang mga pictures ay mapapansin ko na ang litrato ni Yohan na mag-isa lang samantalang yung iba ay may mga partner.

"Where's the Queen, btw?" tanong ko kaya naman napatingin sila sakin. Hindi ko maipaliwanag ang tingin nila sapagkat kakaiba ito. What? May nasabi ba akong mali?

"The Queen is..dead. Noong isang linggo lamang," bakas sa boses ni Yohan ang dalamhati, siguro ay malapit sa kanya ang taong iyon.

D-dead? As in patay?? Medyo kinilabutan ako dahil hindi ko akalain na mismong Queen ay mamamatay, first time bang nangyare ito? "Sayang naman...ngayon nga lang ako naka-diskubre ng Campus na may Queen at King tapos...diko manlang makikila ang Queen."

Ngayon ko lang kasi nalaman na pwede pala sa mga school na may Queen at King. Parang ang exciting siguro noon? "Hayaan mo na, ngayong taon na ito ay magkakaroon na ng panibagong King at Queen."Paliwanag ni Lolo.

Ano kayang pakiramdam ng isang Campus Queen? Siguro lagi kang center of attraction. Sabagay, kahit naman hindi ko maranasan maging Queen ay laging nasa akin ang atensyon ng mga tao. "Eliz, you may go now. May pag-uusapan pa kami nina Yohan at Ruhan," Ani Lolo Sevastian.

Kumaway lang ako sa kanilang tatlo, ayaw ko pa sana umalis dahil gusto kong maka-bonding si Yohan. Mukha naman siyang masarap kasama, si Ruhan lang talaga iyong hindi. Umalis na ako dun at nagmadaling lumabas. Papunta na ako sa room ko ng makasalubong ko si Nathan.

"Oh Eliz, pupuntahan sana kita. Uuwi kana ba?"

"Yeah, ihahatid mo ba ako?" tanong ko.

"May pupuntahan kami nina Shin…pero pwede naman—"

"It’s fine, kay Lolo nalang ako sasabay," sabat ko at mukhang nagdadalawang isip siya. "Just go, I’m fine, really."

"Okay… i-text mo nalang ako kapag naka-uwi kana. Love you pinsan!"

Oh diba ang sweet, fyi lang ha, wala pa iyang girlfriend since birth.  Sa edad ni Nathan , dapat ay magsimula na siyang makipag-date. Siya lang naman ang may problema eh, halos lahat yata ng girls dito sa campus ay may gusto sa kanya, ang gagawen niya nalang ay pumili.

Pero ewan ko ba sa kanya, hindi pa daw niya kasi nahahanap ang ‘the one’.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status