Share

Chapter 1

Alam kong hindi magandang umuwi ako ngayon sa bahay dahil mainit pa rin ang tingin nila sa akin. Kahit na walong taon na ‘yon ay alam kong hindi pa rin nila ako napatawad sa paglalayas ko. Para sa mga magulang ko isa akong makasalanan dahil sa tinatahak kong landas. Lahat na lang na nakikita nila sa katawan ko’y pinupuna nila sa tuwing nagkakasalubong kami sa daan.

Both of my parents serve in the church. Maging ang mga pinsan kong babae ay nasa simbahan na rin at nagse-serve na bilang mga madre. My parents expected me to be one of my cousin and my sister. Pero kahit anong pilit nila sa akin hindi na talaga ako babalik doon. Iniisip ko pa lang na mamalagi sa loob doon ay kinikilabutan na ko. Kung pwede lang talaga na hindi na ko bumalik dito ay gagawin ko.

Papunta ako ngayon sa kumbeno upang sorpresahin ang aking kapatid na nag-aaral manging madre. Ayaw kong dumiretso sa bahay, since wala naman na doon ang aking kapatid. It wasn’t her dream to go here; it was mum decision. She just turn 19 today and I want to give her a present. Hindi naman ito ganoon kalaki pero pinagharapan ko ito galing sa sarili kong pawis. I was working part time in a café. Matagal ko na ring pinag-iponan ang kotse na ito para sa kaniya. Hindi naman kasi siya pinapayagan nila mommy na magkaroon ng sasakyan kahit na marami naman silang pera, pero mabuti na rin iyon para naman may dahilan akong makita siya ngayon at maabot ang regalo ko.

Pagkapasok ko pa lang ng kumbento ay agad na binungad ako ng mga mapanghusgang mata galing sa mga kaibigan ni mommy na minsan na rin nag-serve sa simbahan at nakapag-asawa ng mayaman kaya ayan, ang taas na ng tingin sa sarili. Binati ko sila pero tulad ni mommy ay mukhang hindi rin nila tanggap ang naging desisyon ko.

“Oh, hija, nandito ka ata? Papasok ka na bang maging madre ulit?” tanong nila. Bakas sa kanilang mukha ang pang-iinsulto.

“No po, Aunty. Nandito po ako para magpasikat sa inyo na may mas narating pa po ako kay sa mga anak niyong addict sa lipunan,” magalang kong sabi rito.

Agad naman na namula ang mukha ni Aunty Beth sa sinabi ko na iyon. Ang akala niya siguro ay magpapaapi ako sa mga tulad nilang matapobre. Mga anak nga nilang pinapasok nila sa religious school pero hindi nila masabihan na huminto na sa paggamit ng druga, tapos pakikialaman nila ang buhay ko na nagta-trabaho lang naman ako nang maayos.

“Aba, kung makapagsalita ka parang ang linis na ng pagkatao mo ah! Sino ka ba sa akala mo? Nakapang-ibang bansa ka lang kung umusta ka para ka ng sinong tao! Dancer ka lang naman doon, ‘di ba?” Bigla naman siyang napa-cross sign, kasama ang mga amega niyang ganoon din naman ang issue sa mga anak nila.

“Mawalang galang na PO, Auntie Beth. Hindi po ako nagmamalinis dito, at isa pa kung naging dancer man ako sa ibang bansa at least bitbit ko ang pagiging cum laude ko, kayo? Ang anak niyo? Ano’ng bitbit niya sa rehas?” I smirk at them.

“Sige PO! Ingat po sa pagtawid sa kalsada.” Naglakad na ‘ko paalis sa kanila.

Nakalimutan ata nila kung sino ang kausap nila. Kung kaya nila manglait, pasensya na lang dahil kaya ko ring higitan ang mga ‘yon.

Naabutan kong nakasandal si Finn sa poste habang nakataas ang kilay. Tulad ng ibang mga pinsan ko, napilitan lang din siya na mag-serve sa simbahan dahil sa pangba-blockmail ng mga magulang niya. Karamihan sa mga pinsan ko na nandito ay napilitan lamang din dahil sa nasa ng kanilang mga magulang.

“Ano na naman ang ginawa mo sa chakarit mong Aunty Beth?” aniya sa malambing na tuno. Natawa naman ako. Dati kasi hindi siya ganito magsalita. Sa lahat ng mga bakla na nakilala ko siya ang numero uno sa lahat ng rampa at beauty queen, kaya naman nakakailang lang na marinig ang kaniyang panglalaking boses.

“Wala. Binati lang namin ang isa’t-isa.”

“Bruha ka!” bulong niya bigla, bago ngumiti sa mga madreng nadaanan namin.

“Ang plastik mo,” sabi ko rito nang kami na lang dalawa ang natira sa terrace.

“Oo, alam ko. Gusto ko na talaga umalis dito bhie!” pagmamaktol niya.

“Edi umalis ka, sino ba pumipigil sayo? Namahinga naman na ang nanay mo at nasa sayo naman ang mana ng pamilya mo. Ano pa hinihintay mo?”

“Ano kasi!” Ngumuso siya sa akin.

“Ano?” suspetsya ko sa kaniya. Basta kasi ganiyan ang mga tingin niya alam kong may something talaga.

Lumapit ako sa kaniya habang hinuhusgahan ang buong pagkatao niya. “May lalaki ka rito, ‘no?”

“Parang—Parang ganoon na rin.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Kasi naman bhie, ang laki ng ano niya tapos ang sarap pang humalik. Paano ako makakaalis niyan?”

Sinasabi ko na nga ba. Parang ayaw ko na ata pakinggan ang sunod niyang sasabihin. Ang buong akala ko pa naman nagbagong buhay na ang isang ‘to at naging totoong pari na talaga na naglilingkod sa simbahan.

“Pinipigilan ko naman matukso. At alam mo ba ang gwapo ng kasama niya. Pang-model ang dating tapos, tirador din ng madre.” Bigla siyang napahinto sa sinabi niya.

Mabilis ko siyang tiningnan. “Ano’ng sabi mo?”

“Ah ano… hehehe… may sinabi ba ko?”

Masama ang kutob ko. Agad kong tinawagan ang phone number sa bahay upang alamin kung nakauwi ba doon ang kapatid ko. Malalaki ang hakbang ko papunta sa silid ng kapatid ko. Nasa likod ko rin si Finn habang pinipilit na magpaliwanag.

Sinubukan kong tawagan ang kapatid ko gamit ang telepono ng kanilang dorm, pero walang sumasagot. Kinuyom ko ang kamao ko. Sana lang talaga mali ang akala ko, kundi mapapatay ko ang kung sino mang taong sumira sa kinabukasan niya. Kahit pari pa ‘yan.

Narinig kong pinatawag si Finn ng isang sakristan, kaya naman wala siyang nagawa kundi ang sumama rito at pabayaan akong makaabot sa dorm ng kapatid ko. Humahangos na hinawakan ko ang pinto, pero agad din akong napahinto nang marinig ang boses ni mommy.

“Buntis ako, mommy.” Boses iyon ng kapatid ko.

Halos hindi ako makagalaw sa sinabi na ‘yon ni Melisa pero ang labis kong kinagulat ay ang malakas na sampal na binigay ni mommy sa aking kapatid at sa sunod niyang sinabi.

“Ipalaglag mo ang bata. Masyado ka pang bata para r’yan. Ano na lang sasabihin ng mga amega ko sa akin, na may anak akong rebelde at tangang anak na nagpabuntis sa kung sino-sinong lalaki?” Kalmado lamang ang boses ni mommy pero hanip kung manaksak ang kaniyang mga salita. Mas lalong humigpit ang pagkahawak ko sa doorknob. Hindi na siya nagbago.

Lumabas siya sa silid ni Melisa. She’s wearing her red dress and lipstick again, her posture screams authority and power. I can still recognize her gaze that almost killed me. Iyan din ang tingin noong sinubukan kong magpaliwanag sa kaniya, sa pag-aakala paniniwalaan niya ako. But, no. She despises me for lying at her, at pinalabas niya na kasalanan ko kung bakit nagawa ng mga pari na hawakan ako at sinubukan na halayin.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi bago niya ‘ko tiningnan. “Mabuti at nandito ka. Kumbinsihin mo ‘yang kapatid mo na ipalaglag ang bata para may silbi ka naman,” wika niya bago umalis.

Napasinghap na lamang ako habang sinubukan na pakalmahin ang sarili ko. Mabilis kong tinuon ang buong atensyon ko sa kapatid ko.

“Ate…” napahikbi siya at napayakap sa akin.

“Ayaw kong ipalaglag ito,”dagdag niya pa.

“Sino ang ama ng bata? Ang mga pari ba?” Napatigil siya at napahiwalay sa yakap. Napatingin ako sa kaniyang nangingig na kamay.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para pakalmahin. “Sino Melisa? Sabihin mo sa akin. Maniniwala ako,” I convince her. Alam kong takot siya sa mga oras na ito, pero gusto kong ipadama sa kaniya na may kakampi siya. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang dapat ginawa noon ni mommy sa akin.

“Si… Si Gabriel, ate. Si Gabriel McNight.” Napahikbi siya.

Niyakap ko siya nang mahigpit. “Dahan na. Makakasama sa bata ang stress. Doon ka na muna sa bahay ko. Ako ng bahala.”

“Ano’ng gagawin mo ate?”

“Huwag ka na munang umuwi sa atin, baka ano pang gawin ni mommy sa ‘yo.” I told her. Mas mabuti ng sigurado. Alam ko ang takbo ng utak ni mommy. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niyang mangyari.

Pumayag naman siya at agad na nag-impake. Hinatid ko na muna siya sa kotse. I told her to wait for me and I need to talk to someone. Agad na nilabas ko ang cellphone ko at pinadalhan ng mensahe ang mga pinsan ko para hingin ang impormasyon ni Gabriel. Hindi naman ako nabigo at lahat sila iisa lamang ang impormasyon na binigay.

Malalaki ang hakbang na pinuntahan ko ang kaniyang room nang makomperma ko mula sa pinsan na nandoon pa rin siya at hindi pa rin lumalabas sa rectory. Laking pasalamat ko’t nagkaroon ng assembly meeting ang ibang mga pari at napakaluwag ng daan para sa akin. Hindi na ko makapaghintay at malakas kong binuksan ang kaniyang pinto. Tumambad sa akin ang hubo’t hubad na lalaking nakatalikod sa akin. He was facing at the crystal water from his pool.

“Are you Gabriel McNight?” agad kong tanong dito. Mukhang hindi naman siya nagulat sa pagdating ko.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Halos mangunot ang noo ko nang maalala ang kaniyang mukha.Wala sa hitsura niya na maging pari. Kaya naman pala napaka-pamilyar ng kaniyang pangalan sa pandinig ko. Siya pala iyong lalaki na bumihag at nagpaluha sa mga kaibigan ko matapos niyang makuha ang gusto niya. Napakamalas naman pala ng kapatid ko at sa babaero siya nagpabuntis.

“Yes, babe. Are you here to have fun?” He smirks.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Halos mapaatras naman ako nang makita ang ari niyang tayong-tayo. Hindi maikakapagkaila na malaki, mapula-pula at mahaba ang kaniyang pagkalalaki, pero masyadong nabulag ng galit ang puso ko dahil sa ginawa niya sa kapatid ko.

Pinag-isa ko ang aming hakbang hanggang ramdam ko na ang kaniyang pagkalalaki. “I’ll fucking ruin your life, you mother fucker,” mariin kong sabi bago ko siya tinulak sa pool.

Hindi pa rin pala siya nagbabago at nakakainis pa rin ang kaniyang mukha. Ang mga tulad niya ang mahirap kumbinsihin na maging ama sa mga nabutis nila. Kaya naman hindi ko na pag-aaksayahan ang taong ito. Turuan na lang natin ng leksyon.

Wait and you'll see, Gabriel. Maling kapatid ang binuntis mo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status