Share

Chap.4: Announcement

Narrator POV:

Sa loob ng mansion ng ginoong Mr and Mrs. Stanley. Unti unting dumadami ang kanilang mga bisita na galing sa ibat ibang bansa and country. Ang mga lalaki dun sa loob ay nakasuot ng black suit at ang mga kababaihan at nakasuot ng red fitted gown. Ito ang theme nila ngayong hapon. 

 

May mga naglalakihang chandeliers na nakahalera sa itaas. May mga mesa din na paiba iba ng sukat na nakabase din sa espasyo ng lugar. May mga glass wine at iba pa. Meron na ding nagsisimula na ng inuman. 

 

Nang makarating sina Haru at Lin sa mansiyon ng mga parents ni Haru ay dumeritso sila sa second floor, kung saan may malawak na balcony sa itaas. Doon umupo sina Lin at Haru habang hinihintay ang oras ng pag-aanounce sa pagiging CEO ni Haru. Magkaharap silang umupo sa upuan habang may Jamaican Blue Mountain Coffees.

 

Biglang nagring ang phone ni Lin at sinagot naman niya ito. "Ahm, Haru. Sasagutin ko muna to ah." paalam ni Lin na ikinatango naman ni Haru.

 

Lumabas si Lin sa balcony at pumasok sa kuwarto ni Haru nung nagbibinata palang ito.

"Ma, napatawag ka? Pupunta ka po ba dito?" tanong ni Lin kaagad. Her mother name was Darlene Gu.

 

"Oo...pupunta kami. Tsaka, your father had an announcement later. Be ready my daughter. Cuz from now on, all the people that surrounds you and Haru will got scared." saad ng mama niya sa kabilang linya. Her father name was, Jhoie Gu.

 

Napabuka naman ng bibig si Lin."Huh? Ibig niyo po bang sabihin ma, ay iaanounced niyo din mamaya ang pagpasa ng trono niyo ni papa sa amin ni Haru? Di po ba ay sobrang delikado nun ma?" 

 

"Paano naman yun naging delikado anak? Lahat ng tao na nakapaligid sa atin ay lahat natatakot."

 

Napailing nalang si Lin at nagsalita. "Ma, delikado po iyon at baka di natin alam na baka nakamasid lang ang mga kalaban niyo sa gang. Tsaka if kung sakaling gusto niyo talagang iannounced ang tungkol dun, mas mabuti if tawagan ko nalang po ang mga security personnels po para ligtas din yung mga bisita natin dito ma." 

 

Napatawa ang kaniyang mama sa kabilang linya kaya napakunot noo si Lin."Anak, huwag kang magpanic. Dapat sila nga ang magpanic sa atin eh."

 

"Ma, kahit tayo ang kataas taasang tao sa underworld gang, at nirerespeto ng mga tao ay pwede na tayong makampante? Ma....sa loob man o sa labas ng underworld, may mga kalabang nakamasid ma. Pwede namang gawing private nalang ang pagpass ng throne niyo samin ni Haru. Dahil sigurado akong may mga reporters na naman ang makikitsismis tapos lalantad na sa publiko at lalantad din sa mga kalaban, ma." 

 

Lin was hoping na sana ay maiintindihan ng mama niya ang gusto niyang ipahiwatig. Ayaw niyang may mapahamak sa mga bisita o family niya. Para din naman ito sa kaligtasan.

 

"Please Lin....gusto ko din naman kasing sorpresahin ang asawa mo." saad ng kaniyang ina. 

 

Walang magawa si Lin kundi sundin ang utos ng kaniyang ina. Pero gusto niyang makatiyak. Kaya pagkatapos ng pag-uusap nila sa phone ay tinawagan niya ang right hand niya sa underworld gang, name Chris Sy. Isa kasi si Lin na secret princess of underworld gang. Sa tuwing pumupunta siya sa underworld place, palagi siyang nakasuot ng mask at ganon din ang kaniyang dalawang kaibigan. Kaya, wala ni isa sa kanila ang nakakita ng tunay na face nila except lang sa parents niya.

 

Chris Sy was her best friend. Isa ito sa mga kasamahan niya sa gang niya. Pangtatlo ay si Ming Vila. Apat sila dati. Pang-apat nun ay si Daniel Sage. Pero di ito nagtagal sa underworld gang dahil namatay ito. Di din ito masyadong marunong pagdating sa labanan. Kaya palagi itong nakaassign sa headquarters sa tuwing may misyon sila.

 

"Lin! Oh my gosh! After a year! You finally call me! Waahhh!!!" tili ng sa kabilang linya. Di mo maipagkaila na lalaki ang nasa kabilang linya dahil sa pagtili nito. Daig pa nito ang isang babae na nakatanggap ng regalo mula sa crush dahil sa sobrang kilig na naidulot.

 

Nailayo ni Lin ang phone sa tenga niya. At ng tumahimik ang nasa kabilang linya ay tsaka muna siya nagsalita. 

"Chris, call all the security personnels na walang ginagawa sa ngayon dun sa underworld. Pagkatapos ay sabihan mo sila na pumunta sila dito sa Stanley's Residence at bantayan ang labas ng mansiyon."

 

"Teka wait! Bakit? Bakit kinakailangan pang bantayan ang labas ng mansiyon? Pero if kung yan ang utos mo, din go! Sasali din kami ni Ming sa pagbabantay." magsasalita pa sana si Lin ng biglang pinatay nito ang tawag. Napasimangot si Lin.

 

'Kahit kailan ang bastos mo parin nuh, Chris? Di man lang marunong magsabi na, ioff ko na ang swag ah?'

 

Bumalik si Lin sa balcony at nakisabay sa pag-inom kay Haru ng Jamaican Blue Mountain Coffees.

 

«««««««««««

After ng ilang minutes.

 

Nasa itaas ng stage ang parents nina Lin at Haru. Silang dalawa naman ay nasa special table na nag-iisa lang ng kulay. Nasa kanila ang kulay white na table at sa bisita ay kulat light red.

 

Pumunta sa center ng stage ang mama ni Haru na si Hanna Stanley at nagsalita. "Good afternoon everyone. I'm gladly to see all of you here in seeing and witnessing my son to be a CEO of my company.  Come here my son, Haru Stanley."

 

Tumayo naman si Haru at pumunta sa stage.

 

"Now, let's welcome the new CEO of Rural Company!" 

 

Nagpalakpakan ang mga tao ganon din si Lin. May binigay naman na paper at pen Mrs.Hanna Stanley kay Haru at pinermahan ang contract of owner transferring.

 

Matapos ang pag-announced, pumalit ang parents ni Lin sa stage na siyang ikinataka ni Haru.

 

"Lin...anong gagawin nila diyan?" bulong ni Haru. Umiling si Lin bilang sagot. Siyempre alam niya ang dahilan kung bakit nandiyan ang parents niya.

 

"Hello everyone! Kami ng asawa ko ay napagpasiyahan na, ano ba? Dahil siguro ay time na para gawing public to. Haru Stanley was now already a mafia king. Ang papalit sa trono ko. Lin Gu Stanley was the mafia queen. Ang papalit sa dating queen. We announced it para aware ang mga nasa underworld gang." nang marinig iyon ni Haru galing sa papa ni Lin ay napatingin ito kay Lin na masusing nakangiti sa parents nito.

 

"Lin, alam mo ito?" tanong ni Haru at tumingin si Lin sa kaniya at tumango. Bigla naman niyakap ni Haru si Lin na siyang ikinagulat ni Lin.

 

"Lin, I know na di mo pa naturuan ang puso mong mahalin mo ako. Pero ito, isang malaking surpresa at regalo to sa akin lalong lalo ng iaanounced ito ngayon. Lin, I love you....." saad nito habang nakayakap parin kay Lin.

 

Nagulat si Lin ng marinig ang tatlong salita na lumabas sa bibig ni Haru. Bigla nalang tumibok ng malakas ang puso ni Lin. 

Napakagat labi si Lin at ngumiti.

"Matutunan ko din ang puso kong mahalin ka Haru. Pero sana na kapag dumating ang araw na iyon ay maging tapat ka sakin..."

 

Biglang tumulo ang luha ni Lin ng maalala bigla ang ginawa ng taong mahal niya. Ayaw na niyang maranasan ang ganon. Yung di tapat sa relationship ang taong minahal mo. Kaagad niya itong pinunasan ng patago. Di dapat siya basta basta makampante nun na loyal sa kaniya si Bryan.

 

"Pangako Lin..."

 

"Oops! Tama na iyang hug time niyo! Pumunta kayo dito sa itaas ng sa ganon mapupurungan na kayo ng korona." saad ng mama ni Lin. Humiwalay sila sa pagkakayakap at ngumiti sa isat isa. Tumayo sila at inakay ni Haru si Lin patungo sa itaas.

 

Umupo silang dalawa sa dalawang malaking upuan na kulay ginto tsaka sila pinatungan ng crown.

 

Biglang nagvibrate ang phone ni Lin kaya tiningnan niya ito. Tumambad dun ang text ni Chris.

 

From Chris:

»Lin, nandito yung mga kalaban natin sa underworld. Nasa labas ng mansion niyo. Buti nalang at napatay namin na ni Ming. Tsaka, may pahug-hug pa kayo ni Haru ah? Nakapagmove on kana ba kay Bryan?" 

 

Napailing nalang si Lin. Gusto niyang lumabas para tadtarin ng pinong pino si Chris dahil sa tinext nito sa kaniya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status