Share

Chap.3: Confirm!

 

Lin POV:

 

Nandito ako ngayon sa tabing dagat. Nakaupo sa ilalim ng puno habang tinanaw ang dagat at ang bawat hampas ng alon. Sobrang linaw nito at ang mabughaw na kulay ng dagat. Mga huni ng ibon na kumakanta sa itaas ng puno. 

 

Gusto kong irefresh ang puso ko sa sakit kanina. Sobrang nakakapagod. Kung yun ang gusto niya na mahalin ko si Haru at kalimutan siya? Edi sige. Gagawin ko. Di nakakapagod mahalin ka Bryan, pero ikaw itong nagsabi sa akin na mahalin ko si Haru.

 

Tama ka. May kaniya kaniya na tayong responsibilities. Responsibility mo ang babaeng nabuntis mo. Responsibility ko din ang pagiging asawa ni Haru.

Dapat na pagtuunan ng pansin ko ang pagiging asawa ni Haru.

 

Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito na nasa bulsa ko. Tiningnan ko kung sino ang tumawag. Si Haru pala...

Sinagot ko ito.

 

"Haru? Bat ka napatawag?" 

 

"Lin. Umuwi ka dito ng maaga. Mamayang hapon bago mag alas sais ng gabi, iaanunsiyo na ni mama ang pagiging CEO ko! Sumama ka sakin ah? Ikaw date ko dun..." masayang saad niya. 

 

Napabuntong hininga ako at tumayo. "Okay. Uuwi na ako. Tsaka, pwede bang ipagluto mo ako? Hehehe...ngayon lang." nagustuhan ko kasi ang mga luto niya kanina.

 

Pero pwede naman yatang ask lang ako eh. 

 

"Sige. Ipagluluto kita. Kahit ano ba?" tanong niya at sinagot ko din. "Kahit ano."

 

Kaagad akong sumakay sa skateboard ko at pinaandar pauwi. Sisimulan ko na ang bagong henerasyon ko sa pagiging asawa ni Haru at kalimutan nalang ang lalaking mahal ko na nakabuntis ng ibang babae. 

 

~~~~~~

Nang makarating na ako sa bahay exactly 11 a.m., tumambad sa aking harapan si Haru na pawis pawis habang nakasuot lang ng boxer at sando. Bakat sa kaniyang matipunong dibdib ang pawis.

 

Nakatingin siya sa akin habang tinatanggal ko ang suot kong sapatos sa sofa. Nakatayo siya sa pintuan ng gym. It means, kakatapos palang niyang mag ehersisyo.

 

"Buti nandito kana? At tsaka Lin." saad niya at naglakad ako patungong second floor para magbihis sa kuwarto. 

"Oum?"

 

"Hindi pa kasi ako nakapagluto. Gutom kana ba?" tanong niya. Napalingon ako sa kaniya. 

 

"Hindi pa naman. Tsaka okay lang! Sabay sabay nalang tayong magluto!" saad ko na tinanguan naman niya.

"Magbihis muna ako. Ikaw din! Punasan mo yang likod mo at baka magkasakit ka!" saad ko ulit at tuluyan ng umakyat pataas.

 

 

 

Narrator POV:

Matapos pagsabihan ni Lin si Haru na punasan ang likod nito at baka matuyuan na sanhi ng pagkasakit, ay sumunod naman ito. 

Nasa loob ng gym si Haru habang pinupunasan ang sariling likod gamit ang kakahubad na sando. Matapos magpunas ay kinuha ni Haru ang t-shirt nito na nasa gilid ng marvel at isinuot tsaka lumabas at dumeritsong kusina. 

 

Pagdating ni Haru sa kusina ay nakita niya si Lin na nakatayo sa kitchen habang nagtatadtad ng onions and garlics. Napangiti si Haru ng makita si Lin na may suot itong apron. Pumunta naman sa kitchen cabinet si Haru at kinuha dun ang sariling apron at isinuot tsaka tumulong sa pagluluto ng tinulang isda.

 

Masaya ang dalawang mag-asawa na tila ba ay mahal nila ang isat isa. Yung mag-asawang walang problemang kinakaharap. 

Sinabihan naman ni Haru si Lin.

"Lin...pwede bang humingi ng favor?"

 

Naglunod ng isda sa kaldero nun si Lin nI sabihin iyon ni Haru. Tumingin si Lin dito at nagsalita."Sige, ano iyon?"

 

"Pwede ba na ang endearment natin ay 'pie'?" saad ni Haru habang nasa ibang lugar ang mata. Nasa lababo kasi si Haru habang binudburan ng asin ang isda.

 

Nang marinig iyon ni Lin ay napahinto ito sa pagmix ng mga ingredients sa nilulutong tinula.

Napaisip tuloy si Lin.

 

'Pie?  Ibig sabihin kalahati?'

 

"Pero kung ayaw mo, okay lang." malungkot na saad ni Haru ng mapansing hindi siya nito sinagot ni Lin. 

 

Nataranta naman si Lin dahil sa pagkalungkot ng boses ni Haru. Hindi siya sanay minsan sa ganito. "Ano bang pinagsasabi mo? Okay lang din naman na pie ang endearment natin ah?"

 

"Talaga?" may ngisi sa labi si Haru. Tumango si Lin ng biglang lumapit sa kaniya si Haru at ninakawan siya ng kiss sa lips na biglaan. Nagulat dun si Lin dahil sa mabilis na aksiyon ni Haru. 

 

Bumalik si Haru sa lugar nito kanina habang si Lin ay di na mapakali. Ang ulo nito ay nasa ibang side habang namumula ang pisnge. Inaamin niya, di pa niya ito naranasan kay Bryan. Ang ginagawa lang kasi ni Bryan sa kaniya ay halikan siya sa noo.

 

Napakurot nalang si Lin sa sariling bewang dahil sa pag-iisip naman tungkol kay Bryan. Gusto na niyang magmove on at magmove forward nalang sa relationship nila ni Haru. Pero heto siya, nasa isip parin si Bryan.

 

Makakaahon nga ba talaga si Lin sa sakit na idinulot ni Bryan sa kaniya? 

 

Matapos ang pagluluto ay sabay sabay silang kumain. Sabay sabay din silang nagbihis. Pero si Haru ay nasa kabilang kuwarto. Suot ni Haru ang isang formal attire for party. May black jacket na pinapaluoban ng white shirt. May mahabang necktie sa dibdib. At pants na black at isang tick-tack na black shoes.

Suot din naman ni Lin ang isang pleated pants na kulay black, at isang pleated jacket  na kulay dark purple. At nakahigh-heals na black sandal, mga two inch. 

 

Ang kulay black na buhok ni Haru ay nakaone-length na siyang ikinaguwapo nito ng todo. May black itong mga mata at masyadong makapal na kilay. Maputi si Haru at may makisig na pangangatawan dahil sa exercise.

Nakasimple lang si Lin. Straight na black hair na may maliliit na dalawang ipit malapit sa tenga. May chocolate eyes si Lin, di masyadong makapal na kilay, porselenang balat, red rose lips kahit walang lipstick at isang hugis coca-cola na body.

 

Matapos magbihis ng dalawa ay bumaba sila ng second floor at dumeritso sa sasakyan na Porsche. Inakay naman ng dahan dahan ni Haru si

Lin patungong front seat at pinagbuksan pa ng pintuan. At tsaka pumunta sa kabilang side si Haru para sumakay. At ng makasakay ay tsaka pinaandar ang engine ng sasakyan.

 

Ang galaw na ginawa ni Haru ay masasabi mong sobrang gentlemen nito, na tila ba ay parang isang knight na inaakay ang prinsesa ng dahan dahan pababa ng trono.

 

Nang makaalis na ang sasakyan nila, sa isang madilim na parte ng sulok, may isang lalaking nagtatago habang nakasunod ang tingin sa kakaalis na sasakyan. Nakapants ito ng black, jacket na black, nakacup at nakamask. May phone ito sa bandang tenga nito.

 

Nagsalita ang lalaking nakamask.

"Confirm boss! Tama ang address na ibinigay ng civilian. Dito nga sila nakatira. At kakaalis palang. Mukhang pupunta sila sa Stanley's residence."

 

Tumawa ang nasa kabilang linya. "Hahaha! Oh sige, sundan mo. Ipapasunod ko nalang ang mga iba mo pang kasamahan. At alam mo na ang dapat gawin."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status