Share

Chapter 113

Isang malakas na sampal ang nakuha ni Liam galing kay Angeline bago siya tinalikuran ng mag-asawa. Dahil sa matinding galit na nararamdaman niya, sinuntok niya ng malakas ang dingding. Napadaing siya nang naramdaman ang pagsakit ng kaniyang kamao. Napapikit siya nang nakitang dumurugo ito. Kumuha siya ng malinis na tela at ginawang pamunas sa sugat ng kaniyang kamay.

May kumatok sa pinto. Hindi niya ito pinansin. Nanatili lang siyang nakatalikod habang pinupunasan ang kamay niya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Pumasok ang kaniyang ina na si Blythe upang tingnan ang anak.

“Magsisimula na ang seremonya,” sabi ni Blythe. Sinubokan niyang hawakan ang balikat ni Liam ngunit mabilis na umiwas ang binata. “Galit ka pa rin ba sa akin?” diretsong tanong niya. Hindi sumagot si Liam. Wala siyang balak kausapin ang kaniyang mga magulang hanggang sa matapos ang seremonya.

Umupo si Blythe sa bakanteng silya at pinagmasdan ang kaniyang anak. Napansin ni Liam ang pagtitig ng kaniyang ina. Nili
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status