Nanlulumong tumingin sina Britney at Francine sa kanilang ama saka bumaling kay Vanessa.“A-Anak mo rin siya?” Hindi makapaniwalang wika ni Britney. “And she will be the next CEO kapag isa sa inyo ay nawala,” dagdag ni Henry. Binaba niya ang baril at binitawan si Vanessa. “Well, wala naman talaga akong balak na takotin ka, Apollo. Nakakatawa ang itsura mo nang itutok ko sa anak mo ang baril.”“Umalis na kayo rito, Henry. Isama niyo sila!” Bulyaw ni Celso at itinuro sina Britney at Francine. Kinilabit ni Lucas si Britney. “Nandito na ang mga pulis,” bulong niya. “Papasokin niyo sila,” utos ni Britney. Bago pa mahawakan ng mga tauhan ni Henry sina Britney at Francine, pumasok ang mga pulis bitbit ang warrant of arrest para kay Celso. “Magandang araw, Sir Coper. May warrant of arrest po kami para sa inyo sa –”“Para sa akin?” Kinuha niya ang papel at binasa ito. “What? What's going on?” “Mr. Celso Venedic Coper, you are under arrest for the suspicion of Financial Fraud, Insider Tra
Muling itinaas ni Celso ang kaniyang kamay at dahan-dahan itong lumuhod sa harap ni Henry. Kumuyom ang palad ni Henry saka nilabas ang kaniyang baril. Itinutok niya ito sa ulo ni Celso. “Bakit ngayon mo lang sinabi ang too, Celso?!” galit na sigaw niya. Idiniin niya ang baril sa ulo nito. “All these years, nasa harap ko lang pala ang pumatay sa ama ko!” Luminga-linga sa paligid si Henry. Hinahanap niya si Apollo. “I had no choice, Henry. Kaibigan ko siya. Kailangan kong pagtakpan ang ginawa niya dahil natatakot ako na makulong siya. Ako ang tinakbohan niya pagkatapos niyang patayin ang ama mo,” sabi ni Celso. Itinaas niya ang isang daliri niya hudyat na kailangang maghanda ng mga tauhan ni Celso. “Apollo!” galit na sigaw ni Henry at pinutok ang baril sa kawalan. “Pinatay mo ang ama ko!” Nakangisi si Celso habang nakadapa at pinapakinggan ang mga hinain ni Henry. Nagkalat ang mga tauhan ni Henry sa buong paligid ngunit hindi niya alam na nakakalat din ang mga tauhan ni Celso. Isang
Itinutok ni Celso ang baril sa ulo ni Apollo. “Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin. Kaibigan kita pero anong ginawa mo? Inagaw mo siya sa akin. Inagaw mo sa akin ang babaeng bumuo ng mundo ko!” Hinawakan ni Apollo ang baril. Idiniin niya ito sa ulo niya. “Iputokmo ang baril, Celso,” paghahamon niya. “Hindi mo alam kung gaano kahirap ang sitwasyon naming dalawa noon. Wala akong inagaw, Celso. Kusa siyang pumayag na pakasalan ako dahil ‘yon ang gusto ng mga magulang namin. Labag sa loob ko na pakasalan siya dahil alam ko na ikaw ang mahal niya at hindi ako!”Nangingilid ang mga luha nilang dalawa. Nanginginig din ang kamay ni Celso. Suminghap siya saka kinasa ang baril. “Hindi ako magkakaganito kung hindi mo siya pinakasalan, Apollo. Kaibigan kita. Nagmamahalan kami. Ako ang nauna pero sa ‘yo siya ikinasal at nagtagal!” Tuloyan ng tumulo ang mga luha ni Celso. Hindi niya ito pinansin dahil nakatitig siya kay Apollo. “Isang buwan akong nawala dahil nagkasakit ako. Ka
Luminga-linga sa buong paligid si Lucas at nagbabasakaling makita si Liam pero. Naghintay siya ng ilang minuto at tinitingnan niya rin ang mga kasama ng pulis. “Liam?” paulit-ulit na tawag niya habang hinahanap ito sa iba’t ibang lugar malapit sa lugar kung saan sumabog ang bomba.Mahigit kalahating oras din ang nakaraan bago dumating ang mga bumbero dahil malayo ang lugar sa lungsod. Malapit na nilang matapos patayin ang apoy ngunit hindi niya pa rin nakita si Liam. Nagsisimula na siyang kabahan baka may nangyari sa kaibigan niya. Sinubokan niyang pumasok sa loob upang tingnan ngunit ayaw siyang papasokin.“Nandiyan ang kaibigan ko! Kailangan ko siyang makita!” galit na sigaw ni Lucas sa bumbero nang pigilan siya sa pagpasok sa loob.“Malakas pa po ang apoy, Sir. Bawal kayong pumasok baka mapano kayo sa loob –” “Wala akong pakialam! Kailangan kong makita ang kaibigan ko! Nasa loob siya nang sumabog ang bomba!” Sinubokang suntokin ni Lucas ang bumbero pero mabilistong nakailag. Nap
Scoth Liam’s POV“You're not my father! I don't have a father! Stay away from us! We don't need you! You don't love us!” galit na sigaw ni Max sa akin. Hinihila niya ang aking damit. Gusto niya akong palabasin. Parang unti-unting dinudurog ang aking puso sa mga salitang binitawan ni Max. Ngayon ko lang ulit siya nakita na ganito kalapit pero panunumbat ang natanggap ko. I can’t blame my son. Nakita niya ako na kasam sina Celine at Selena whom I thought na anak ko si Selena. Tumayo ako para yakapin sana siya ngunit bigla niya akong itinulak. Napahawak ako sa kama ni Francine nang muntik na akong ma-out-of-balance.“Bumalik ka na sa pamilya mo! Hindi ka namin kailangan dito!” sigaw ni Max. Napansin ko ang pangingilid ng kaniyang luha. Mas lalo akong nakaramdam ng sakit. Huminga ako ng malalim saka lumuhod para maka-level ko si Max. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. “I’m so sorry, Max,” I whispered. Yumuko ako para itago ang namumuon luha sa aking mga mata. Biglang kumalma si Max
Francine’s POV“Are you ready?” Liam asked me pagpasok niya ng kwarto.Tumango ako. “I had no choice. Ngayon ang libing nila,” sagot ko. Mahigit isang linggo akong nanatili sa bahay mula nang namatay sina Britney at Daddy. Tahimik naming idinaos ang burol nila dahil ‘yon ang gusto ko. Dito rin pansamantalang nakatira ang pamilya ni Lucas sa bahay namin habang inaasikaso nila ang nangyari sa pamilya ko. Napalingon ako kay Liam nang hawakan niya ang aking kamay. Kinuha niya ang family picture na hawak ko saka ibinalik ito sa ibabaw ng bedside table. “Malalampasan mo rin ang lahat. You’re brave,” bulong niya bago ako niyakap ng mahigpit. “Nandito lang ako palagi sa tabi mo.” Napasinghap ako nang nagsimula na naman mangilid ang aking mga luha. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan at pinaparusahan ako. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula muli. Ang sakit-sakit pa rin isipin na wala na sila.Kumalas siya sa yakap at hinanap ang aking mga mata. Pinunasan niya ang namumuon
“Let’s go, Luc,” sabi ko nang napansin ang paglingon ng ibang tao sa amin. Binaba ni Lucas si Max. Nakasunod lang ako sa kanila. “Mommy,” tawag ni Max sa akin. Agad akong lumapit sa kaniya. “Yes, Max? May problema ba?” I asked him. Tumingin ako sa paligid. Nakatingin silang lahat sa anak ko. “I want to go home. Ang daming tao rito,” sagot niya. Lumuhod ako para maka-level siya. “Max, hindi pa tayo pwedeng umuwi. Ililibing pa natin sina Tita Britney at Lolo mo. Pagod ka na ba? Gusto mo bang ako naman ang magbubuhat sa ‘yo?” “I’m not tired. I just want to go home,” he whispered. Napabuntong hininga ako. “Tataposin lang natin burol, Max. Uuwi tayo agad,” sabi ko. Bumaling ako kay Lucas. “Ayaw niya sa maraming tao. Baka naninibago na naman siya.” “Ako na muna ang bahala sa kaniya. Mauna ka na dahil nandiyana ang pari. Kailangan nandoon ka,” sabi ni Lucas. Tinapik ko ang balikat ni Lucas. “Sige, sige. Maraming salamat, Luc.” Malapit na akong dumating sa malaking tent nang bigla ko
Tahimik naming tinahak ang daan pauwi ng bahay pagkatapos ng libing nina Britney at Daddy. Hindi kami pwedeng magtagal sa sementeryo dahil baka maabotan kami ng ulan doon.Napalingon ako kay Liam nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinalikan ito. “Are you okay?” tanong niya. “Pagod lang ako, Liam,” sagot ko. “Matulog ka muna. Gigisingan ko na lang kayo pagdating natin sa bahay niyo,” sabi ni Liam. Inayos niya ang takas na buhok ni Max. “When I first saw him, I know he’s my son. Pero bigla mong sinabi na hindi ko siya anak.”Sumandal ako sa balikat niya. Ipinagsiklop namin ang aming mga kamay. “I had no choice, Liam. Kailangan ko talagang itago sa ‘yo ang totoo kahit na makikita naman sa mukha ni Max na nagmana siya sa ‘yo. May anak kayo ni Celine –”“Kalimutan na natin ang tungkol doon, Francine. Lumabas na ang katotohanan. Hindi ako ang ama ng bata.” Hinalikan niya ulit ang kamay ko. “Kayo lang ang pamilya ko. Magpahinga ka muna.”“Yes, Liam.” Ipinikit ko ang aking mga mata.