Alas sais na ng gabi pero nasa loob pa rin siya ng opisina at subsob sa trabaho. Araw-araw na niya iyong ginagawa. Wala rin naman siyang uuwian sa bahay kaya't minabuti niyang ibuhos ang mas maraming oras sa trabaho. Nakatulong naman iyon nang malaki sa negosyo nila dahil mas dumarami ang kliyente nila.Iniangat niya ang ulo saka minamasahe ang leeg habang nakapikit. Biglang may mahihinang katok siyang narinig sa pinto. Napakunot-noo siya dahil akala niya ay siya na lang ang naiwan sa opisina."Come in!"Agad na bumukas iyon at dumungaw ang nakangiting mukha ni Dwayne, ang kaibigan niyang kasosyo rin sa negosyong iyon."I knew it! Nandito pa rin ang dakila kong partner. Wala ka bang planong umuwi? Dito ka na lang kaya tumira." Napapalatak na sabi nito na tuluyang pumasok na sa loob.Natawa siya sa narinig."Spill it out. What do you need, bro?" Alam niyang may hihingin na naman ito na pabor kapag gano'n ang bungad nito."Whoa! It's not me who needs something from you. It's you who need
Suot niya ay pulang bra na sinusubukang takpan ang kabuuan ng mga malulusog nyang dibdib. Halos kalahati lang ng mga dibdib nya ang nakayang takpan nu'n. Isang sexy lace panty na pula din ang tanging suot niya sa ibaba. Sumasabay ang kembot niya sa nakakaakit na tugtog. Ilang beses din niyang pinag-aralan ang pagsayaw na parang nang-aakit.Nasa harap niya ang isang lalaking nakaupo habang pinapanood siyang sumasayaw. Hindi niya makita ang hitsura nito dahil nakasuot ito ng masquerade mask. Lagi rin nitong suot ang sweatshirt na may malaking print ng Bugs Bunny sa gitna. Sa porma ng pangangatawan nito, tantiya niya ay nasa early thirties na ang lalaki. Gaya ng dati ay wala itong kakilos-kilos habang pinapanood siya.Tumalikod siya sa lalaki. Pumunta sa likod niya ang dalawang kamay para tanggalin ang hook ng bra. Nang matanggal iyon ay itinaas niya ang isang kamay na may hawak ng bra niya at iniikot-ikot iyon sa ere saka itinapon sa tabi.Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki habang nak
Alas dose ng gabi ang schedule ng pagsasayaw niya gabi-gabi. Sinusundo siya ng taxi sa mismong bahay ng baklang among tinutuluyan nilang mag-ina. Ala-una siya laging natatapos at hinahatid din siya ng taxi uli pauwi ng bahay. Ang kliyente niya ang laging nagpapatawag ng taxi na maghahatid-sundo sa kanya gabi-gabi. Sa isang condo na malapit lang sa kanila ang laging pinagdadalhan sa kanya ng taxi. Sa limang buwang pagsasayaw niya rito ay hindi pa niya nakita ang pagmumukha nito. Ang inaasahan niya talaga ay isang matandang lalaki na may malaking tiyan ang magiging private client niya. Sa postura ng lalaki ay halatang inaalagaan nito ang pangangatawan. Ni hindi niya alam ang pangalan nito, lagi lang itong tinatawag ni Diva na Mr. MC.Hindi rin sila nagkakausap kahit kailan. Ang trabaho niya lang talaga ay sayawan ito at pagkatapos ay umaalis na ito agad at hahayaan na siyang magbihis sa kwartong may nakahandang munting stage para sa pagsasayaw niya. Walang kama sa kwartong iyon. Tingin
Lagi na siyang tinatawagan ni Red sa phone mula nang makilala niya ang binata. Hindi ito nauubusan ng mga kwento at masaya naman siya lagi kapag kausap ito. Nang inaya siya nitong kumain sa labas isang araw ay hindi na rin siya nagpatumpik-tumpik pa. Hindi pa siya kailanman sumamang lumabas sa isang lalaki. Nandoon kasi ang takot niya. Pakiramdam niya ay wala talagang matinong lalaki. Ang gusto lang naman ng mga ito ay ang katawan ng babae. Nagbago ang pananaw niya na iyon nang makilala niya si Red. Iginagalang siya nito kahit masyado itong palabiro. Siguro dahil hindi nito alam ang totoo niyang trabaho kaya ganu'n.Paano pala kung malaman nitong sumasayaw siya na halos bilad ang katawan sa harap ng isang lalaki? Rerespetuhin pa kaya siya ng binata?Hindi naman malalaman ng lalaki kung hindi niya sasabihin kaya't inalis na niya sa isipan ang pangamba.Susunduin sana siya ni Red sa kanila pero sabi niya ay magkita na lang sila sa Mall kung saan sila nagkita dati. Suot niya ay isang dam
Kinakabahan siya nang sunduin siya ni Red sa bahay nila nang gabing iyon. Ipapakilala siya ng nobyo sa kapatid nito. Kanina pa siya nakatayo sa harap ng salamin." Ang gand-da n-man ng a-anak ko," sabi ng inay niya kahit hindi pa rin diretso ang pagsasalita nito.Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan na hindi mapakaling nakatitig sa sarili. Nilingon niya ang ina nang nakangiti." Salamat, Nay. Mana lang ako sa inyo," nilapitan niya ito at hinalikan sa pisngi.Kita rin niya ang kasiyahan sa mukha ng ina. Kanina pa niya ito pinakain ng hapunan. Naigagalaw na nito nang dahan-dahan ang isa pa nitong kamay kaya't hindi na siya gaano'ng nag-aalala kapag naiiwan itong mag-isa. Lagi niyang iniiwan ang isang phone para matawagan siya agad kapag may emergency lalo na't nasa trabaho siya.Pumasok muna si Red sa loob ng bahay nila para ipagpaalam siyang muli sa ina. Alas-syete na iyon ng gabi. Nagpaluto raw ito sa bahay at alam na ng kuya nito na dadalhin nito ang girlfriend sa bahay para ipakil
Wala siyang imik hanggang sa maihatid siya ni Red sa bahay nila. Pinipigilan lang kasi niyang maiyak. Lalabas na sana siya ng kotse paghinto nito sa harap ng bahay nila nang pigilan siya ni Red. Hinawakan nito ang kamay niya." May problem ba?" tanong nito na pilit hinuhuli ang mga mata niya.Malungkot na tumingin siya sa nobyo." I don't think na gusto ako ng kuya mo," hindi niya masabi rito ang sinabi ng kapatid nito sa kanya.Ginagap nito ng dalawang kamay ang palad niya." Kuya will eventually like you. Kailangan lang niyang makita na isa kang espesyal na babae. Huwag ka nang malungkot, please," hinawakan nito ang baba niya at nginitian siya.Ngumiti na rin siya rito. Matagal na niyang hinihintay na halikan siya ng lalaki. Kahit kailan kasi ay hindi pa niya naranasan iyon kahit sa klase ng trabaho niya. Ipinikit niya ang mga mata para hindi na ito magdalawang-isip na halikan siya. Hinalikan nga siya nito pero sa noo lang.Nagtatakang napadilat siya." Good night, Nap. Hindi na ako
Suot na niya uli ang isang maluwang na jacket at maong pants nang lumabas siya ng banyo. Nakita niyang nakaupo pa rin ang kapatid ni Red at may bitbit uli itong basong may lamang alak. May nakahanda na ring isang upuan sa harap nito. Bantulot na lumapit siya sa lalaki. Nananatiling nakayuko siya dahil hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito lalo't wala na itong takip sa mukha.Hindi na niya hinintay na paupuin siya nito. Agad na umupo na siya sa upuang nasa harap ng lalaki at saka lang niya napansin na may hawak itong isang diyaryo. Nang ganap na siyang nakaupo ay saka ito nagsalita." Hiwalayan mo na ang kapatid ko, that's the first thing you should do. Second, you will still work for me but... may mababago sa usapan natin and of course, you'll get a higher pay," sinasabi nito iyon na para bang wala siyang choice.Biglang naghimagsik ang loob niya. Inangat na rin niya ang tingin sa lalaki." Gagawin ko iyong unang sinabi mo pero hindi mo ako mapipilit sa ikalawang kondisyon m
Hindi niya alam kung paano makikipaghiwalay kay Red. Ayaw niyang masaktan ang lalaki pero kailangan niyang gawin kesa naman mawala ang respeto nito sa kanya kapag nalaman nito sa kapatid nito ang trabaho niya. Alam niyang sa hiwalayan din ang uwi no'n kapag nagkagano'n.Matagal na nakatitig lang siya sa phone. Nagulat pa siya nang biglang tumunog iyon. Si Red ang tumatawag." Hello, Red?" maagap na sagot niya." Sam, pwede ba tayong magkita ngayon?" seryoso ang boses nito at hindi siya sa sanay na gano'n ito kaseryoso.Lagi kasi itong masigla at masayahin kapag tumatawag sa kanya. Sinabi na kaya rito ng Kuya nito ang tungkol sa kanya? Kinakabahan man ay pumayag siyang makipagkita sa lalaki. Agad siyang naligo dahil susunduin siya nito pagkatapos ng isang oras.Dinala siya ni Red sa isang tahimik na lugar. Alas kwatro na no'n ng hapon at nasa isang park sila. Hindi sila lumabas ng kotse. Tahimik ito mula nang sunduin siya sa bahay nila.Bigla nitong hinawakan ang kamay niya nang bumali