Share

Chapter 68 Book two - Ika dalawampung kabanata

Hareth Point of view

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na gumalaw sa aking tabî si Angela kaya nagmulat ako ng aking mga mata.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” Inaantok kong tanong sa kanya, habang hinahaplos ang makinis niyang pisngi. Alas siyete na ng umaga nang magising ito at nanatili pa rin kaming nakahiga sa kama.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa bibig nito bago humarap sa akin, yumakap sa aking katawan ang isang braso nito bago ibinaon ang kanyang mukha sa aking dibdib.

“Masarap ang tulog ko kasi katabi kita, salamat.” Malambing niyang saad, mahigpit ko siyang niyakap habang masuyong hinahaplos ito sa likod. May isang buwan na rin kaming namamalagi dito sa resort, dahil kailangan ni Angela ng isang tahimik at payapang lugar na makakatulong sa kanyang paggaling.

Naghilom na ang sugat nito sa balikat kaya masasabi kong magaling na ito sa physical na antas ngunit hindi sa emosyonal na aspeto.

Pagkatapos ng insidente na iyon ay malaki ang naging epekto nito sa mental health
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status