Share

Chapter 66Book two - Ika labing walong kabanata

Angela’s Point of view

Nagising ako ng maramdaman ko na may nakatitig sa aking mukha at sa tingin ko ay may ilang minuto ng nakatayo sa aking paanan ang isang estranghero. Kahit hindi ko nakikita kung sino ito ay ramdam ko ang mabigat na enerhiyang dala nito na may kaakibat na panganib.

May ilang segundo na rin akong gising ngunit mas pinili ko na mag-kunwaring tulog at makiramdam sa aking paligid.

Ilang sandali pa, narinig ko ang mga yabâg nito tungo sa kanang bahagi ng kama.

Ramdam ko ang bawat kumpas ng kanyang mga kamay maging ang pag-angat ng isang braso nito sa ere, hanggang sa isang iglap ay mabilis kong nasalo ang braso nito na paparating sa aking mukha.

Hindi nga ako nagkamali ng sapantaha ng sa pagmulat ng aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang dulo ng isang patalim na gahibla na lang ang layo sa dibdib ko.

Isang lalaki na nakasuot na pang nurse na uniporme ang siyang may hawak ng patalim at nakikita ko mula sa kanyang mga mata ang determinasyon na patayin ako ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status