Share

Chapter 20

Masayang pinagmamasdan ni Niel ang nabili nitong singsing. Siya talaga mismo ang nagdesign para lang sa espesyal na babae na dumating sa buhay niya. Gawa ito sa white gold at purong diamonds naman ang tumpok na hugis star. Alam niyang masyado pang maaga para ayain na niyang magpakasal si

Chandria ngunit hindi na talaga siya makapag-hintay.

Sa araw-araw na nakikita niya ito ay mas lalo niya lang itong minamahal. Pero bago 'yon kailangan niya munang makipag-bati sa ina at ito na nga siya ngayon. Sa mismong tapat ng mansyon nila. Bumusina ito at kaagad din naman siyang pinag-buksan.

Binati siya ng mga trabahante at isa-isa naman niyang nginitian ang mga ito. Marahil

nagulat din ang mga ito dahil ilang taon na rin ang lumipas bago siya muling nakatapak sa pamamahay na ito.

Dumiretso na kaagad ito sa garden dahil ayon sa isang katulong nila nandoon daw ang kanyang ina at nag-aalmusal.

Nang siya'y makarating, nadatnan na niya ang ina na nagbabasa ng magazine at ilang beses pa itong napaku
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status