Share

CHAPTER 1: NEW GUY

[BLAINE'S POV]

"BESHY!!" ang matinis na sigaw ang unang sumalubong sa akin.

"Trina, gaga ka. Manahimik ka kaya" ang pagsusuway ko. Kayo ba naman kasi ang pagkakatitigan ng mga tao dito sa hallway.

"Na miss kita" ang wika ni Trina sabay yakap ng mahigpit.

"Doon ka nga. Kakagaling lang natin sa mall kahapon, no" sinubukan kong kumawala sa yakap niya pero mahigpit talaga.

Nasa ganoong pagyakap ito ng may humila sa kanya dahilan para mapabitaw sa akin.

"Bakla ka!" ang inis na sumbat ni Trina sa kaharap nito. Ang boy bestfriend ng lahat, Jerry Gawn.

"Hoy JG, saan ka kahapon? Bigla ka nalang naglaho na parang bula ah" ang tanong ko kay Jerry. Imbis na sumagot ay inikutan pa ako ng mata. Attitude si sis!

Maya-maya ay humarap ito kay Trina.

"Bitch, huwag kang skandalosa dito. Kulang nalang, gusto mong hubarin ang damit ni Blaine" ang sermon nito sa kaibigan.

"Huwag mo akong ma-bitch bitch ah. Ikaw lang kaya yung dino-doggy style sa ating tatlo" pang-aasar pabalik ni Trina, tawanan ang mga nakarinig kaya isang batok ang isinukli ni Jerry sa kanya.

Nang marinig namin ang bell ay saka kaming sabay-sabay na pumasok sa classroom.

Umagaw-pansin ang nasa kanan kong may kaliitan pero may pagkabibong lakad ni Trina Camello. Isa siyang varsity sa basketball sa pinapasukan naming unibersidad. Maganda, morena, pandak pero matangos ang ilong. Marami nang nagkagusto sa kanya pero isa lang ang binigyan niya ng pagkakataon.

Sa aking kaliwa naman ay ang aming gay bestie na si Jerry Gawn Fernandez, in short JG. Isa sa mga pinakamatalinong estudyante sa campus. Matangkad, average ang katawan, gwapo na may pagkababae ang mukha at maputi. Walang lalaki na gusto niya ang hindi niya nakuha kay laking may kalaro ng apoy sa gabi.

Ako naman na nasa gitna nila ang nag-iisang anak at tapagmana ng pamilya namin, Blaine Ayaguza. Half Japanese blood by Father and half Filipino blood by Mother.

Maagang namatay si mama pagkatapos akong ipinanganak. Hindi naman nahirapan si daddy sa pinansyal pero kita sa mga mata ang pangungulila at lungkot. Gayunpama'y sinipagan niya nalang ang kompanyang minana niya kay Lolo.

Maganda, sexy, matangkad, pero may pagkaboba ang dating ko sa aming tatlo. Ako ang kadalasan nilang isabak sa mga pa-beauty contest nila pero hindi makasagot sa Q&A kaya ang ending ay nasa top 4 or 5 ako.

Kahit naman wala akong alam sa akademya. Nag-eexcel parin naman ako sa pagtugtog ng iba't ibang instrumento tulad ng piano, guitar, flute, at iba't iba pang instrumento mula sa ibang bansa.

"Beshy, pa sabi kay Tito na congrats ah. Success ang ginawa nilang pag-launch sa bagong game nila" ang pagbati ni Trina. Pansin ko nga na naging usap-usapan ang larong kaka-launch lang nina Daddy.

Habang nasa ganoong pag-uusap kami at tahimik lang na sumusunod si JG ay may matipunong lalaking lumapit sa kanya.

"Hi" ang bati nito bago niya halikan sa lips si JG.

Tango lang naman ang sagot nito pero halatang kinilig dahil nag-red ang buong mukha nito. Baklang to!!

"Blaine, bansot, una na kami ah. Kita nalang sa classroom" ang pagpapaalam niya. Hindi pa man kami sumagot ng tuluyan niyang hinila si JG.

"Grabe, bansot talaga? Pero infairness bagay sila ni Anton" ang kinikilig na wika ni Trina.

Si Anton Rodriguez, ang boyfriend ni Jerry. Laking probinsiya ang binata kaya may pagka-moreno ang balat na mas nagpatingkad ng kanyang anyo, gwapo at matipuno pa ang katawan. Swerte ni Jerry. Matalino rin naman siya kaya 100% scholar siya dito.

"1 day palang sila pero kung makahila, akala mo seloso" ang natatawang saad ng kasama ko habang tinatanaw namin ang magjowang kumaliwa papuntang CR.

"Ngi, akala ko sa classroom. Kailan pa naging classroom ang CR? Sabagay, ginagawa din nilang canteen ang restroom. Kunwari lalabas para umihi, yung pala diretso canteen" ang madaldal na salita ni Trina at nilagpasan namin ang CR na pinasukan ng dalawa.

'12 STEM-BENEVOLENCE'

Ang classroom na pinasukan namin, boba ako pero sa tulong ni Anton at Jerry, pumapasa kami ng walang dahilan. No sex attached pa sa mga guro.

Umupo kami sa silyang bakante mula sa likuran. Inireserba din namin ang dalawang upuan sa tabi naman para naman hindi na mahirapan pang maghanap ng mauupuan ang magjowa.

Nasa ganoong paghihintay kami ay may pumasok na lalaki sa bago siguro, ngayon lang namin ito nakita.

Tumahimik ang lahat, sino ba naman kasi ang hindi matutulala sa ganitong ka-gwapong mukha. Matangkad ito sa akin ng unti, may built ang katawan dahil medyo humapit ang kanyang damit at yung labi ay pulang-pula na kay sarap kagat-kagatin.

"Bhie, sara muna natin ang bibig mo ha. Malapit na kasing may pumasok na langaw tsaka basang-basa na yung lamesa dahil sa laway mo" ang pang-aasar ni Trina at naramdaman kong pinupunasan ang aking lamesa.

"Ha?" ang tanong ko pero nakatitig parin ako sa lalaking nasa harapan.

"Ang sabi ko, nagwagwapuhan ka kay kuya na nasa harap" ang sagot nito at sa narinig kong ay napabalik ako sa reyalidad.

"HAKDOG!!" ang sigaw ko sa mukha ni Trina at may tumalsik pa na laway sa mukha ni Trina.

"Yakss... Ang sagwa mo naman. Napakaburara mo talaga" ang pandidiri nito sabay punas ng tissue sa kanyang mukha.

Hindi ko sinasadyang mapatingin ulit sa harap at gulat nalang ako nang palapit sa amin ang bagong lalaki. Muli akong natulala at nabato-balani sa kanyang anyo.

"Hi" ang saad sa akin ng makalapit. Ako naman ay parang tangang nakatingin lang sa kanya.

"Ummm" kinakabahan kong sagot. Di ko alam kong magpapakilala ako o kung ano man hanggang sa naramdaman ko ang pagbangga sa balikat ko.

"Hi. I'm Trina" pagpapakilala at walang pasabing kinuha ang kamay ng lalaki at siya pa mismo ang nakipagkamay.

"Oh, okay. I'm Trent Houderson BTW" ang pagpapakilala niya at matapos iyon ay naharap siya sa akin.

"You are?" ang nag-aabang mula sa aking sagot.

"I-i'm B-blaine" ang kinakabahan kong sagot at napayuko. Nakita ko naman ang pagtaas ng kanyang kamay na parang gustong nakipagkamay.

Wala na akong sinayang na oras at agad na nakipag-kamay. Halos tumagal ng ilang segundo ang ganoong pagkakahawak at pagkakatitig sa kanya.

"Bhiee, nasasaktan mo si Kuya" ang paalala ni Trina na nagpabalik sa akin sa reyalidad kaya agad ko siyang binitawan.

"Is this seat taken?" ang magalang nitong tanong. English speaking pala ito, malamang American ito.

"Uhhhh, no. Sa tabi nalang ni Trina uupo ang dalawa" ang sagot ko at siniko ang impokritang katabi ko. Alam na niya ang gagawin, inilagay nila ang bag namin sa dalawang bakanteng upuan.

"Sinong dalawa?" ang tanong ni Trent na ikinagulat ko kasi akala ko ay purong amerikano at may accent pa ang lolo niyo.

"You can speak Filipino?" di makapaniwalang tanong ko.

"Barely. I'm not yet fully fluent in speaking your language"

"Ah, kaya pala. So are you half..."

"Yes, I'm half American at half Filipino"

"We're the same but I'm Japanese"

"Oh that's explain why" ang tanging nasabi lamang niya na ipinagtala ko.

"Explain what?" ang tanong ko.

"Nothing" maikli niyang sagot.

Magsasalita pa sana ako nang dumating ang dalawang magjowa ito. Gulong-gulo pa ang buhok ni Jerry na naglalakad palapit sa amin.

Nang makaupo ito sa tabi ni Trina ay agad na nagsuklay ng buhok. Sumunod naman si Anton sa kanya at umupo sa kanyang tabi.

"Babe" ang bulong nito pero nanatili ang seryosong mukha ni JG.

Pinagpatuloy niya ang pagsusuklay habang patuloy rin naman sa panglalambing naman si Anton.

"Tignan mo itong dalawa, wala pang isang linggo, nag-aaway na" ang bulong ni Trina pero narinig iyon ni JG at kinurot ang babae sa hita.

"ARAY!" ang malakas niyang sigaw kaya napatingin sa amin ang ibang kakaklase.

"So, you're new here?" ang pangbaling ni JG kay Trent na tahimik lang na nakatingin sa harap.

"Yes" maikling sagot nito.

"Nice meeting you. Jerry Gawn, you can call me JG" ang pagpapakilala ni Jerry bago makipagkamay.

"Anton, tol" ang pagpapakilala rin naman ni Anton bago makipagkamay.

Mumurahin sana ni Trina si JG pero pumasok ang aming adviser.

"Good morning class" bati ng guro.

"Good morning Ma'am" bati rin naman namin pabalik.

Nagsimula nang mag-discuss si Ma'am. Gen. Bio kaya medyo nabobored ako. Mas nage-excel ako sa Pre-Calculus namin. Minsan naman ay nagtatanong sa akin si Trent pero tanging iling at tango ang aking sagot.

Nang marinig namin ang pagtunog ng bell ay hudyat para lumabas kami pero mabilis na pinabalik kami ng guro.

"Muntikan ko nang makalimutan. May bago pala kayong kaklase. Please, come her infront" ang saad ng guro namin bago timayo si Trent at pumunta nga sa harap.

"Hi everyone, some may know me and some are don't. Well, I'm Trent Houderson. I want to friends with all of you" pagpapakilala ni Trent. Matapos iyon ay muli kaming nagpaalam sa guro.

Kami namin nina Trina ay sinimulang mag-empake ng aming mga gamit bago lumabas pero nagulat ako ng makita si Trent na nakatayo sa labas.

"I'm not yet familiar with this place, can I join you guys?" ang tanong niya. Hindi muna ako sumagot at tinignan ang mga kasama ko. Isang tango ang kanilang sagot.

"Yeah, sure. Where's your next class?" ang tanong ko habang bumababa kami sa hagdan.

"Oral Com, 10:30 am so I still have 1 hour to spare" ang maikling sagot niya.

"We're classmates then. Don't worry, you're safe in our hands" ang saad ko naman at sa ganoong pagbaba kami ay may sumigaw.

"HONEY!" ang sigaw ni John habang palapit sa amin.

"HON!" ang sigaw din naman ni Trina at tinakbo na pababa kung saan naroon si John.

John Elmer Montefalco, the athlete of the school. Hinahangaan siya sa galing nitong maglaro, kumanta at sumayaw. Tirador talaga itong si Trina ng magaling gumiling ang bewang eh.

"I missed you so much" ang maarteng saad ni Trina. May paluha-luha pa ito. Sabagay, ikaw ba naman ang mapahiwalay sa kasintahan mo nang labis dalawang linggo. Walang text at tawag pa iyon.

"Welcome Back"

"Congrats, tol"

"Congratulations!"

Ang bati namin nina Anton at JG habang si John naman ay litong tumingin sa katabi ko kaya naman mabilis kong siniko si Trent.

"Oh, my bad... I'm Trent Houderson, a new student here in campus" pagpapakilala niya. Mabuti naman at maintindihan niya ang siko kong iyon.

"John Elmer, pre" ang pagpapakilala rin naman ni John bago niya asikasuhin ang nagpapalambing na si  Trina.

Nasa ganoong paglalakad kami ay naramdaman kong tumunog ang cellphone na ibig sabihin ay may message akong na received.

From: JGBeks

Arte ng kaibigan natin. Nag-aalala ako kay John baka lagutan ng hininga sa higpit ng yakap ng lintang yan

To: JGBeks

Hayaan mo na, alalahanin mo nga yang boyfriend mo. Sige ka, di kayo magtatagal. Straight yan

From: JGBeks

Yang kasama mo, kausapin mo. Parang outcasted ang mararamdaman niyan

Para kaming siraulo doon na nag bibigayan ng mensahe. Andito lang naman sila sa likod namin. Sa mensaheng pinadala ni Jerry ay pasimple akong sumulyap kay Trent. Ang gwapo talaga kahit anong angulo. Dahil sideview ay kita ko ang kulay green nitong mata at matangos na ilong.

"Is there a dirt in my face?" ang tanong na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Tila nakaramdam ako ng hiya, ilang segundo na ba akong nakatitig sa kanya.

"Ang gw-- at este ang ganda talaga ng tarpaulin na iyon oh" sabay turo sa gilid niya. Nang tumingin siya doon ay napatingin ako kina JG at Anton na mahinang tumatawa.

Sinimangutan ko nalang sila bago bumalik sa daan.

"May billiards pala ang school na ito? That's awesome" sa pagsasalita niya ng Filipino ay napakatatas. Para talaga siyang Pilipino kung magsalita ng wikang Filipino.

"You know how to play?" ang tanong ko na isang tango at ngiti ang kanyang isinagot.

END OF CHAPTER 1…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status