Share

CHAPTER 2: LET'S PLAY

[BLAINE'S POV]

"Isang spaghetti nga po" ang order ko sa harap ng tindera dito sa canteen.

Kanya-kanya kami ng order dahil iba-iba din ang gusto naming pagkain. Nang makita ko ang spaghetti ay mabilis akong naghanap ng mauupuan namin hanggang sa namataan ko si Trent na kumakain mag-isa sa isang table.

Kaya naman dineretso ko na siya at umupo sa harap niya.

"Buti nalang at walang umupo dito. Solong-solo natin itong table" ang saad ko habang siya naman ay kumakain ng order niyang menudo.

"Some are attempting to sit here but I said that I was with you guys so yeah no one bothered to disturb" ang prenteng sagot niya. Gentleman talaga ito at kapag ngumuya ay nag-fleflex ang kanyang jawline.

Sakto naman ang dating ng apat, may ngiting nakapaskil sa kanilang labi. Sana all.

"Oh ano game?" ang tanong ni John.

"Sige ba"

"Sige"

"Okay" ang sagot namin nina Anton at Trina. Ang sinasabing game ni John ay ang mobile game na ni-launch nina Daddy.

"Play what?" ang inosenteng tanong ni Trent. Shet talaga ang baritono nitong boses, English pa.

"Oo nga pala fafa Trent, ang company nina Blaine ay nag-launch ng bagong game, yung blame na laro" ang sagot naman ni Trina.

"Oh that one. I just downloaded it yesterday and I can say that it's awesome. Who's the developer?" nakaharap na sa akin Trent, na hindi sinasadyang magtama ang aming mga mata. Staring at those green eyes urge me to kiss him, kahit kakakilala lang namin.

Sasagot sana ako ng inunahan na ako ni John. Inilalabas na rin ni Trent ang kanyang cellphone, siguro gustong makilaro.

"Guys, john03.room"

Iyon nga ang tinipa namin sa room finder. Nang makapasok ako ay naka-private muna ito para kami ang mauunang pupuno nito. Tsaka na yung 9 na miyembro.

(john03 created the room)

(blingblingbling joined the room)

(oniichan joined the room)

(pridekiller joined the room)

(Tnert_lmao joined the room)

(SenpaiAnt joined the room)

john03: Public ko na ba?

oniichan: Yes, babe.

(Saphire_malia joined the room)

(ImTheKiller joined the room)

(Pokpok101 joined the room)

(crush_kita joined the room)

crush_kita: Sino single diyan?

Pokpok101: Ako, ano number mo?

crush_kita: Wala ka namang pangload sa akin

john03: May jowa kaming lahat. Ikaw lang wala

crush_kita: Hi oniichan!

john03: Gago shota ko yan!

oniichan: Hi din

Dahil nga magkakatabi kami ay isang batok ang natanggap ni Trina kay John.

"Ang landi mo" ang inis na reklamo ni John.

"Nakikipagkaibigan lang naman siya" sagot niya at bilang ganti ay isang kurot naman ang iginawad ni Trina kay John.

"Arekup, mapanakit ka ha" ang reklamo ng lalaki at patuloy na nagsasagutan.

[A/N: john03 (John Elmer), blingblingbling (Blaine), oniichan (Trina), pridekiller (Jerry Gawn), Tnert_lmao (Trent), SenpaiAnt (Anton). Para hindi kayo malito sa account name nila.]

(Amback joined the room)

(astology joined the room)

(Hyung joined the room)

(InfiniTea joined the room)

(Luh joined the room)

Hyung: Start

InfiniTea: G!

Pinindot na nga ni John yung start button, syempre may physical distancing kami para naman hindi makita ang maibigay na role namin.

Blackscreen ang unang magpapakita tapos sumunod ang mga baraha na may mga picture ng role na maibibigay. Pumila ang mga cards at unti-unti silang naglalaho na ibig sabihin ay na-distribute na ang mga role.

Muling blackscreen ang magpapakita at kasunod niyon ay ang card na magiging role mo.

"YOU ARE A CITIZEN"

YOU CAN CHAT WITH YOUR FELLOW CITIZEN ONLY AT DAYTIME AND VOTE THE ONE WHOM YOU KNOW THE KILLER ISPOLICE WILL SEND YOU A MAIL TO A CHOSEN CITIZEN IF EVER HE/SHE CAUGHT THE FRAUD.

I'm a citizen, that's a relief. It's very hard to be a fraud and spy, lalo na't kayo lang ang magkakampi while a fraud will be given 30 seconds to choose who to kill.

[NIGHT 1]

*Player Selected*

(Player InfiniTea was murdered

Role: Citizen)

[DAYTIME]

(Amback, Luh, InfiniTea, blingblingbling, Hyung, oniichan, Saphire_malia are Citizen)

Amback: Any clues?

oniichan: Nope

Luh: Ngayon na namatay ang isa sa kasamahan natin, ano na?

Nabaling muna ang tingin ko kay Trina na nakatingin sa mga kasama namin. Baka isa sa kanila ang fraud at spy. Nang mapatingin ako kay JG ay seryoso ang mukha at nang mapatingin ito sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin.

blingblingbling: Should we skip for now, baka mamaya may clue na tayo?

Saphire_malia: True

*Vote Casted*

(No one is blamed)

[NIGHT 2]

*Player Selected*

(Player crush_kita was murdered

Role: Psycho)

"Landiin mo pa ang jowa na may jowa" ang saad ni John Elmer at sa sinabi niyang iyon ay nagkatitigan kami ng Trina ng palihim.

[DAYTIME]

(Amback, Luh, InfiniTea, blingblingbling, Hyung, oniichan, Saphire_malia are Citizen)

Saphire_malia: Still no clues?

Hyung: None

oniichan: john03 ang sus ko. Tingin siya ng tingin sa akin, kanina pa eh

blingblingbling: Same

Amback: Vote na ba natin siya?

Luh: Let's try, baka siya talaga

*Vote Casted*

(Player john03 is blamed

Role: Witchcrafter)

Napatingin kaming lahat kay John noong inis nitong ibinaba ang kanyang cellphone. Natatawa nalang kami sa expression nitong di mawari.

"Fuck you all" ang malutong pero pabulong na mura nito sa amin bago ipagpatuloy ang pagkain.

[NIGHT 3]

*Player Selected*

(Player oniichan was murdered

Role: Citizen)

"Tangina?" ang malutong rin na mura ni Trina at malakas pa iyon kesa kay John.

"Ayan kasi, karma mo yan. Vinote pa kasi ako. Katangahan" ang malakas na tawa ni John.

"Aba malay ba namin kung ikaw yung fraud, gago ka" so apat nalang kaming maglalaro sa table na ito. Si Trina ay citizen at si John ay witchcrafter.

[DAYTIME]

(Amback, Luh, InfiniTea, blingblingbling, Hyung, oniichan, Saphire_malia are Citizen)

Amback: Anyare doon kay oniichan?

blingblingbling: Ayun nag-aaway sila ng jowa niya

Hyung: Sino ba jowa niyan?

Luh: Napunta talaga diyan ah

Saphire_malia: Wala parin bang clues?

Luh: Wala pa. Mabagal kumilos yung police natin

Hyung: Skip?

Amback: Yes

*Vote Casted*

(No one is blamed)

[NIGHT 4]

*Player Selected*

(Player Tnert_lmao was trapped by Marksman

Role: Police)

(Player SenpaiAnt was murdered by Spy

Role: Marksman)

(Player Luh was murdered

Role: Citizen)

"Shet" ang tanging nasabi ni Anton.

Natawa nalang sila ni Trent at nag-fistbomb. Laro lang naman ito at hindi kailangan magpisikalan sila. Sa lamesang ito, kami lang ni JG ang naglalaro. It's either he is the fraud, doctor, spy or mayor. Who knows?

[DAYTIME]

(Amback, Luh, InfiniTea, blingblingbling, Hyung, oniichan, Saphire_malia are Citizen)

Saphire_malia: May sinend ang police sa akin na mail. Mukhang ako ang type niya ah. Si astology ang spy at may pa ps pa. Goodluck sabi niya. Shet kinilig ako. Sino may kilala sa kanya? Reto niyo na sa akin

Sa pagkakabasa kong iyon ay awtomatikong namasid sina Trina, John at Anton.

Si Trent naman ay pinagpatuloy ang pagkain. Mukhang hindi niya nabasa ang chat ni Saphire_malia. Kung namatay ka na sa game ay automatic mong mababasa ang chat ng citizen at fraud at spy.

Isinawalang-bahala ko nalang iyon at pinagpatuloy ang paglalaro pero ewan ko may nararamdaman akong kirot noong mabasa ko iyon.

*Vote Casted*

(Player astology was blamed

Role: Spy)

[NIGHT 5]

*Player Selected*

(Player blingblingbling was murdered

Role: Citizen)

Agad akong napatingin kay JG na seryoso lang na naglalaro. Tutok na tutok ang mga nito sa cellphone.

[DAYTIME]

(Amback, Luh, InfiniTea, blingblingbling, Hyung, oniichan, Saphire_malia are Citizen)

Amback: Tatlo nalang tayo. GG na ito guys

Hyung: Kaya pa ito

Saphire_Malia: Matinik maglaro ang fraud natin ah

Hyung: IKR

Amback: Sino na?

Saphire_malia: Di ko rin alam, kinakabahan ako baka mapatay natin ang doctor

Hyung: Skip?

Amback: Mag-sactifice muna tayo ng isa. Good luck!!

*Vote Casted*

(No one was blamed)

Si JG nga ang fraud base sa kilos nitong kinakabahan.

[NIGHT 6]

*Player Selected*

(Player Hyung was attacked but saved by the doctor)

[DAYTIME]

(Amback, Luh, InfiniTea, blingblingbling, Hyung, oniichan, Saphire_malia are Citizen)

Hyung: Win na ito kung mahahanap natin ngayon yung mayor. Saved tayo, may dalawa tayong pagpipilian

Amback: Sacrifice na ba?

Saphire_malia: Sige

Amback: Kay pridekiller ako

Hyung: Shit, si Pokpok101 sa akin

Saphire_malia: Oh fuck

*Vote Casted*

(Player pridekiller was blamed

Role: Doctor)

"Well, gg" ang tanging nasabi ni JG bago kami harapin.

"Sana matalino mga kasamahan naming citizen, baka kung sino binoboto" ang natatawang saad ni Trina. Hinayaan nalang namin yung mga natira na maglaro at pinagpatuloy namin ang pagkain.

Natatawa kami sa mga kwento ng magshotang sina Trina at John, syempre hindi KJ si Trent kaya nakikitawa na rin. Ewan ko lang kung naiintindihan niya ba o hindi.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay natapos din. Panalo ang citizen, wala namang magagawa kasi mag-isa lang yung fraud na gumagalaw. Nag-isang game na naman kami at ngayon ay nasa akin ang fraud.

"YOU ARE A FRAUD"

YOU HAVE TO KILL A PLAYER EVERY NIGHT, YOU HAVE A CHAT ROOM WITH THE SPY EVERY DAYTIME.

Ito ang mahirap kapag ikaw ang fraud. Kailangan agad mahanap yung  police para walang magsasalita.

[NIGHT 1]

*Player Selected*

(Player ImTheKiller was murdered

Role: Citizen)

[DAYTIME]

(pridekiller is the Spy, blingblingbling is the Fraud)

pridekiller: Kill Trina next, she's the doc

blingblingbling:  Ok

Pasimple akong tumingin kay JG, kalmado ang mukha at hindi mapaghahalataang spy hindi tulad kanina. Tumingin naman ako kay Trina na seryosong-seryoso. Unti nalang at magkakadikit na ang cellphone at mukha niya.

Bumaling mata ko kay Trent, hindi ko rin alam na nakatingin siya sa akin. How long did he stared at me, hindi niya sana nakita ang pasimple kong sulyap kay JG.

"What?" I mouthed at him.

"You're so beautiful" he also mouthed. Napanganga nalang ako sa kanyang sinabi. Bitch what?

"I know" I mouthed back. Parehas nalang kaming natawa ng palihim at noong humarap na ako sa lamesa ay walong mata ang nakatingin sa akin.

"Sige na, ligawan mo na. Doon din naman ang pupuntahan nito" ang sigaw ni Trina kaya naman mas maraming mga mata ang bumaling sa amin.

"Nakakahiya ka" ang bulong ko nalang at tinignan ang screen ng phone ko.

*Vote Casted*

(Player Saphire_malia was blamed

Role: Marksman)

"Sawadee kha, bitch" ang bulong ko sa sarili. Ewan ko ba kung bakit ko sinabi iyon, maharot naman kasi siya masyado.

[NIGHT 2]

*Player Selected*

(Player Hyung was murdered

Role: Citizen)

[DAYTIME]

(pridekiller is the Spy, blingblingbling is the Fraud)

pridekiller: WTH was that?

blingblingbling: Pagbigyan na natin, wala yan kausap pag namatay. Sige ka. Hindi tayo niyan papansin pag nalamang tayo ang spy at fraud.

pridekiller: Whatever. Si John ang isang citizen

Nangiti ako sa sinabi. Masungit talaga siya sa aming dalawa ni Trina pero maalaga naman yan at ramdam na ramdam namin yun. Swerte talaga ni Anton sa kanya.

*Vote Casted*

(Player InfiniTea was blamed

Role: Mayor

Mayor can't be lynched)

blingblingbling: There it is, my next victim. Baka mapasubo pa ako pag tayong dalawa lang ang natira

[NIGHT 3]

*Player Selected*

(Player Amback was murdered

Role: Citizen)

[DAYTIME]

(pridekiller is the Spy, blingblingbling is the Fraud)

pridekiller: Citizen killer ka ah

blingblingbling:  Nagkataon lang. sunod ko na mayor

pridekiller: Do it don't say it. Si Luh ang  police, mas mabuting iyon ang unahin mo.

blingblingbling: Copy that

*Vote Casted*

(Player Luh was blamed

Role: Police)

"Hahahaha, ampota. vinote out ng citizen ang mayor" ang natatawang katwiran ni John

"Tanga, kausapin mo kasamahan mo" ang bulong ko sa isipan. 

Tawa nalang kami ng tawa dahil wala pa kaming nakakalaro na inuna vinote out ang police. Oh well, hindi naman nila alam yung role ng isa't isa except for citz and frauds and spies.  Mas madali na ito, walang kaming proproblemahin ni JG na police.

[NIGHT 4]

*Player Selected*

(Player InfiniTea dodged the slaughter

Role: Mayor)

[DAYTIME]

(pridekiller is the Spy, blingblingbling is the Fraud)

blingblingbling: Ano hula mo?

pridekiller: Si Anton, citizen din

blingblingbling: Okay noted

*Vote Casted*

(Player oniichan was blamed

Role: Doctor)

"Ang bobo naman ng mga citz, pag meron sa inyo ang citizen, kukutusan ko kayo isa-isa" ang inis na lintaya ni Trina. yumakap naman sa kanya ang boyfriend para amuhin.

"Hahanapin natin ang mga citizen na yan at tutulungan kitang bubugin sila" ang paglalambing ni John. Natawa nalang kami sa reaction ni Trina na nanatiling inis ang mukha.

[NIGHT 5]

*Player Selected*

(Player InfiniTea dodged the slaughter

Role: Mayor)

[DAYTIME]

(pridekiller is the Spy, blingblingbling is the Fraud)

pridekiller: Si Trent ay citizen. Magkakasama pa talaga, tiyak kong may masusuyo mamaya 

blingblingbling: Goodluck nalang kay John, mahirap pa naman suyuin ang isang yan

pridekiller: Ikaw na kumasama sa kanya, ayokong naririnig mga hagulgol niyon. Parang sirang plaka pa naman ang tunog

blingblingbling: Takbuhan nalang natin siya para wala siyang rason kundi magpasama kay John

pridekiller: Deal

*Vote Casted*

(Player pridekiller was blamed

Role: Spy)

Padabog na ibinaba ni JG ang cellphone humarap kay Anton. Piningot nito ang tenga ng lalaki dahil para mapasigaw si Anton at nagtatatakbo palabas ng cafeteria.

"Tama na" ang sigaw ni Anton pero lapit parin ng lapit si JG, mukhang di titigil.

"Kawawang lalaki, sabi kong huwag munang i vote out si JG eh, ayaw makinig" ang natatawang katwiran nito habang pinapanood ang dalawa ngunit natigil siya sa pagtawa ng makaramdam ito ng isang akbay.

"Babe, paano mo nalaman?" ang tanong ni Trina. May ngiti ito sa labi pero madilim ang mukha nito.

"B-babe, syempre na-nag chat siya sa akin at sinasabing vinote niya si JG" ang sagot ni John pero mukhang hindi kumbinsido si Trina.

"Patingin nga phone mo" ang utos ng babae at bago pa man niya hinigpitan ay agad na nakalaya at nakatakbo si John.

"Babe patawad" ang paghingi ng tawad ni John. Ngayon, apat na silang naghahabulan palabas ng cafeteria.

"Come on, let's follow them" ang suhestiyon ni Trent, inilahad pa ang kamay at sino pa ba ako para tumanggi. tinulungan ako nitong tumayo at naglakad palabas na rin ng cafeteria.

Pagkarating namin sa hallway ay naka-luhod sina John at Anton sa harap ng nakapameywang na sina JG at Trina. Nakakatawang panoorin ang posisyon nila parang anak na pinapagalitan ng nanay.

"We're sorry" ang sigaw ng dalawa bago itaas ang dalawang kamay na parang sumusuko sa mga police. 

END OF CHAPTER 2…

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status