EURUS' POV
Lunes. Pasukan na naman. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang panaginip ko kahapon. Hindi ko na rin ikunuwento sa kanila ang napanaginipan ko at nakita, baka sabihin ay nag iilusyon na naman ako. Homeroom namin ngayon kaya wala masyadong pinapagawa si Miss. Hindi naman na bago sa amin ang late na pag pasok niya sa classroom, pero ngayon yata ay iba.
"Go back to your proper seat." kalmado niyang utos. Mabait si Miss kaya hindi kailanman ginago ng mga kaklase ko."Due to the heavy rainfall kagabi, nag decide and headmaster na i-cancel ang camping this wednesday. It will be rescheduled next week." umingay ang boung classroom nang marinig namin ang announcement ni Miss. Ayon pa naman ang pinakahihintay ng lahat, bukod sa 3 days ang camping, may mga extra curricular activities din. Pero ngayon hindi na kami sa bundok, sa isang elementary school kami na matatagpuan sa Hawkin.Ang Hawkin ay matatagpuan sa gitna ng dalawang bayan, ang Acrane at Blendon. Mayamang bayan ang dalawa, ang Hawkin naman ay may pinakamaliit na bilang ng mamamayan. Ang sabi nga ng mga matatanda sa amin dati, wala na masyadong tumitira sa Hawkin dahil lumang bayan ito ng Acrane. Lahat ng mamamayan nagsilipat sa kabilang bayan. Pero mayaman sa yamang lupa ang Hawkin, mataba at masagana ang mga pananim dito. May paniniwala sila na binabantayan daw ito dati ng magandang diwata bago nabuo ang dalawang bayan. May naging kaguluhan sa Hawkin dulot ng pagiging sakim ng ibang mamamayan sa yamang lupa na naging sanhi ng pagkabuwag at nabuo ang dalawang bayan.
Anyway, ayon nga doon napagdesisyunan ng headmaster na mag camping ang lahat para maexperience namin ang pamumuhay ng mga tao doon. May tree planting na gagawin. More on nature and stuff ang boung program. Bakit ko alam? Syempre baka president ng student council 'to.Agad ding umalis si Miss dahil may aasikasuhin pa raw siya sa office nila. Dumating naman si Loki na late na naman."Late ka na naman, Loki!" pagalit sa kaniya ni Cresia, president ng classroom namin. "Sorry na pres, ang ganda mo ngayon ha." binigyan lang siya ng nakakatakot na tingin ni Cresia. "Sa susunod hindi na ako papadala jan sa pangbobola mo. Umupo kana." tinanguan lang nito ni Loki sabay ngiti. Nakalusot na naman si loko."Guess what." bungad ni Loki sa'min."May nakita ka na naman bang chicks ha?" pagloloko ni Dion na ikinangiti naman ni Loki. Hayup talaga. Pag babae usapan ang bilis."May bago palang lipat. Nakisingit ako kasi pinagkakaguluhan ng kabilang section e." sambit ni Loki. Transferee?"Sure ka?" tanong ko. Bakit hindi ko alam? Dinadaan din sa'min ang mga files ng mga students pag bagong salta. Hindi kaya'y nakaligtaan ko lang?"Eros." tawag ko. Busy ito kakatingin sa notebook niya. Kinalabit naman ito ni Helios, agad ding tumingin. "May bagong files bang binigay si Sir Casio?" takang tanong ko. Umiling lang ito, "Kung ganon, edi hindi mo rin alam na may bagong salta?""May bagong salta?" hindi makapaniwalang tanong niya. I take that as a yes. Tumayo ako para tunguhin ang SG office. Itatanong ko nalang kay sir Casio, sana nasa office lang siya.Sakto ang dating ko dahil paalis na rin si sir Casio.
"Oh, Eur. Naparito ka? Wala ka bang klase?" tanong ni sir. Sumabay na rin ako sa kanya sa paglalakad."Wala po sir. May itatanong lang po sana ako.""Go on.""Bakit po hindi dumaan sa'min ang files ng bagong salta?" seryosong tanong ko. Napatigil naman ni sir sa paglalakad.Katahimikan.
Akmang magsasalita na ako nang pinutol niya.
"Alam mo Eurus, may mga bagay na hindi kailangang alamin. Bumalik ka na sa classroom mo, papunta na si Mrs. Macario." itinulak pa nito ako paalis. Kukulitin ko pa sana pero nakita ko na ang paparating na si Mrs. Macario. Ayoko naman malagyan ng pulang marka 'no.Lunch time. Naisipan naming kumain sa cafeteria ngayong araw, usually kasi sa dorm lang kami kumakain pag may stocks kami. Pinuntahan muna ni Helios si Oceana para sumabay na sa'min kumain. Kaya rin ako nag-aya kumain sa cafeteria kasi gusto ko makita 'yung sinasabi nilang bagong salta. Hindi pa rin ako makapaniwala sa inasal ni sir Casio. Agad din naming narating ang cafeteria, as usual halos mapuno ang loob. Pero ang umagaw sa pansin ko ay ang isang grupo ng estudyante na tahimik na kumakain sa tabing bintana. As in kumakain lang sila, hindi nag-uusap, kahit pagtapon ng tingin sa mga nagpapansin sa kanila ay di nila magawa.
"Ayan ang mga bagong salta bro." feeling proud na sabi ni Loki. Aalis na sana ako para pumila nang biglang tumingin sa'kin ang nagiisang babae sa kanila. Nakatingin lang ito, walang emosyon. Para akong hinuhusgahan ng tingin niya. And for some reason, may kapareha siya kung paano siya tumingin. Nagiwas din ito at ibinalik sa pagkain niya. Nakakairita. Ayoko sa lahat ang tinitignan ako na para bang wala akong kwentang bagay. Nakakabastos ng pagkatao. Sa gwapo kong 'to, ayon lang magiging reaksyon mo?"Kita niyo 'yon? Sayo tumingin dre." bulalas ni Loki. Hindi ko siya pinansin at iniisip nalang kung saan ko ba nakita ang kapareha niya.
Nakahanap kami ng table bandang gitna, dumating na rin sina Helios at Oceana. Dala-dala palagi ni Oceana ang barbie niyang notebook na bigay pa sa kaniya ni mom. Namiss ko tuloy ni mom.
Napuno ng kwentuhan ang table namin, more on about sa lessons na tinetake ni Oceana pag may special session sila ni Helios sa tutoring. As usual si Eros tahimik lang na nakamasid sa paligid. We're both tahimik sa barkada, si Dion and Loki naman ay puro chicks ang inaatupag. Si Helios ang mabutihing kuya ni Oceana na dapat ako naman talaga. Mas malaki ang bond nila kumpara sa'min ni Oceana, kulang na lang sa'min na tumira si Helios.
Pagkatapos namin kumain, hinatid muna namin si Oceana sa room nila. Bago kami makarating sa classroom namin madadaanan muna namin ang section A2. Napansin ko na naman ay grupo ng mga bagong salta. Napakunot ako ng noo, usually kasi pag transferee ka ay sa last section ka ilalagay dahil late ka but this group. Ang dami kong katanungan, alam ko naman mababaw lang pero hindi kasi normal. Nakaka-curious lang. Una ay ang ikinilos ni Mr. Casio, tapos ngayon itong grupong 'to.
Sa pangalawang pagkakataon, nagkatinginan na naman kami nong babae sa grupo nila. There's something inside me na gustong lapitan siya. But no, hindi dapat ako nagpapadala sa ganito. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Halos lahat naman nakatitigan ko na pero bakit pag dating sa kaniya may kakaiba. Hindi kaya na kulam ako? Totoo kaya 'yon? Hayaan mo na nga. Baka nacucuruious lang talaga ako. Siya lang din kasi ang ganon tumingin sa'kin. Hindi sa pagmamayabang ha, pero talagang habulin ang grupo namin, lalo na ako. Gwapo na nga President pa ng student council. Dagdag pogi points din yon no.
Dumaan ang oras na wala akong naiintindihan sa mga lessons namin. Lumulutang ang isipan ko, hindi ko mawari bakit. Bakit ako nagkaganito? Normal lang naman na magkatitigan kami, pero bakit para akong binabaliw ng titig na niya? Hindi naman ganito nararamdaman ko pag nagkatitigan kami ni Alectrona? Eh ayon dapat kasi gusto ko siya. Pero bakit parang mas matapang 'to kumpara kay Alec? Hinayaan ko na lang ang nararamdaman ko, baka naiirita lang ako kaya ganon ko isipin ang tingin niya. Lilipas din naman 'to.Natapos na ang klase namin pero ang utak ko ay nasa kalawakan pa rin. OA man kung OA pero totoo. Hindi ko na nga rin naintindihan ang boung discussion namin na dapat ayon ang pinagtuunan ko talaga ng pansin. Dumeretso na akong dorm dahil feeling ko ay pagod na pagod ako at kailangan ko lang ng tulog.
EURUS' POVAround midnight na nang magising ako. Mahimbing na rin ang tulog ni Helios sa kabilang kama, agad akong bumangon para sana mag cup noodles nang may narinig akong kaluskos sa may veranda. Normal lang naman ang ganito, kaya pinabayaan ko na lang. Nag init na ako ng tubig, habang hinihintay kumulo nag scroll na muna ako sa social media. Nagchecheck lang kung may bagong announcement tungkol sa bayan namin. Wala namang bagong announcement kaya inexit ko na. Sakto kumukulo na rin ang tubig kaya ibinuhos ko na 'to sa cup noodles ko.Napagdesisyunan kong sa veranda na kakain dahil baka magising pa si Helios sa amoy ng cup noodles. Mahangin pero hindi malamig. Ang ganda rin ng kalangitan, kitang-kita ang sinag ng buwan. Habang hinihigop ang mainit na sabaw, hindi ko maitatanggi na nakakaakit talaga ang buwan ngayon. Hindi ko na namalayan ang oras kakatingin sa buwan kaya tumayo na ako para mag inat-inat. Nawala ang antok ko kaya nag
EURUS' POVPagkatapos kong samahan si Ayu hindi na kami muling nakapagusap, hindi ko na rin siya nakikita sa campus. Tanging yong mga kagrupo niya nalang nakikita ko kumakain sa cafeteria. Tinanong ko na rin si sir Casio, ang sabi niya ay meron daw emergency sa kanila kaya kailangan niyang umuwi. I wish her family is safe.Natapos ang pang umagang klase namin, nag bigay lang ng mga homeworks ang mga teachers. Ngayo'y balak namin tumambay sa kabilang building malapit sa field, ganitong oras may naglalaro na doon makikinood na lang muna kami.Dala-dala ko ang sketchbook ko para sa isang activity namin kay mrs. Faigao. Mag rarandom drawing nalang muna ako dahil wala talaga akong maisip na ilalagay. Ang sabi naman ni mrs. Faigao anything that makes you smile. Pwede naman siguro ibon? Napapangiti rin naman ako sa ibon lalo na pag naghahabulan sila. Pero ang babaw, kailangan ko ng deep.Habang nanonood sila hi
HADES' POVAfter Eurus and Eros left, the atmosphere turned into intense one. We have reports to be announce to the headmaster. This is a confidential one, kaya kailangang idismiss muna ni headmaster ang mga bisita niya. Additionally, in Eurus case, we tell him a lie. We can't afford to tell him the truth because we all know that this will lead into chaos. "Speak." headmaster said with full of authority. "There are three infected humans that can't handle the venom they carried, sir." sagot ni Zag. If you're been wondering what we are talking, i'll discuss it later."Inside here in the campus." dagdag pa ni Zag. I see how frustrated the headmaster is. I can't blame him, her grand daughter is missing, i know it's just been one day pero we all know we can't fight against the new infected and new born without her."You know the drill boys. As much as possible
EURUS' POVNagising ako sa kakaibang nararamdaman, malamig pero naiinitan at pinagpapawisan ako. Inilibot ko ang boung paningin ko, nasa sarili akong kwarto. Ang kwartong ito ay ang kwarto ko sa bahay namin. Agad akong bumangon para tignan ang labas, nang mahawi ko ang kurtina buwan na nagliliwanag sa dilim ang tanging nakikita ko. Gabi na pala. Naisipan kong lumabas sa kwarto dahil usually ganitong oras nagluluto na si mom ng hapunan namin. May cook kami pero when it comes to dinner si mom ang nagpeprepare dahil doon lang kami nagsasalo-salong tatlo.Habang naglalakad sa hallway papunta sa hagdanan, bumibigat ang pakiramdam ko. Bawat hakbang ay pabigat ng pabigat. Para rin akong inuubusan ng lakas. Kahit ganon nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa hagdan. Tinignan ko ang baba, may liwanag sa may bandang kusina kaya nagmadali akong bumaba. Nagluluto na siguro si mom.
THIRD PERSON'S POVSa mansyon ng isa sa mga konsehal sa mundo ng mga bampira nagaganap ang isang pagtitipon. Lahat ng kabilang sa nakakataas ay nandoon maliban sa kaniya– ang nag iisang Cromwell.Hindi mawawala ang mataas na tensyon sa bawat myembro ng konsehal. Lahat ay naghahangad ng kapangyarihan at mataas na pwesto. Lahat ay gustong angkinin ang pamumuno ng boung nasasakupan nila."Maaari na tayong magsimula." wika ng nasa gitna. "Wala na ba kayong respeto sa angkan ng Cromwell at nagpatawag kayo ng pagpupulong nang hindi niya alam." kalmadong wika ng lalakeng nasa dulo. Nakayuko lamang ito."Para saan pa? Para kontrahin lahat ng desisyon at mungkahi natin?" galit na sambit ng babae. Sumang-ayon naman ang iba na siyang kinamulan ng ingay."TAHIMIK!" sigaw ng nasa gitna. Siya ang anak ni Headmaster Caddel, s
EURUS' POVHating gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. May kung anong bumabagabag sa isipan ko. Napabangon ako nang may kumalabog sa kabilang room, may tumawa naman ng mahina kasabay ng pag tahimik uli.Maya-maya ay narinig ko ang mahihinang bulong sa kabilang kwarto. Tumayo ako at idinikit ang tenga sa pader. Hindi sa chismoso baka kasi may ginagawang milagro ang kabilang section."Tara, rounds tayo." boses ng lalake. Napakunot naman ako ng noo."Haha, masiyado ka namang excited." wika ng babaeng boses. Nabobosesan ko siya pero hindi ko matukoy kung sino."Gabi naman na, wala na masiyadong gising." sagot ng lalake. Tumawa ng mahina ang babae, tumahimik uli. Naghihintay akong may mangyare hindi ko alam bakit. Maya-maya ay pag bukas ng pintuan ang narinig ko. Anak ng pota! Sa labas pa nga ata nila gagawin.Agad akong kumilos at lumabas,
EURUS' POVNatapos ang hilaan ng lubid, hindi man lang ako nag enjoy sa boung activities. Lunch time at narito ako ngayon sa ground nakaupo lang. Wala akong ganang kumain, pakiramdam ko ay busog pa ako. Pinagmamasdan ko lang ang mga estudyanteng tuwang-tuwang nakipagkwentuhan habang kumakain.Tila hindi nila nararamdaman yong pagod kanina, pero ako parang pagod na pagod na."Oh." abot sa akin ni Loki ng pagkain. Tinignan ko lang 'to, hindi pa rin ako nagugutom kahit nakakatakam naman ang ulam."Kumain ka na, mamaya baka mahimatay ka pa sa gutom." dagdag niya. Wala akong nagawa kundi abutin ang pagkain, umupo ito sa tabi ko at sinabayan akong kumain."Aba, bakit mo naman sinosolo si Helios!!" sigaw ni Loki na may hawak pang drumstick sa kamay. 'Yong ulam ha. Tumakbo 'to papunta sa'min, inaya niya pa sila Eros na payapa namang kumakain sa gilid ng stage.
EURUS' POVPangalawang araw na namin ngayong araw, malakas ang ulan kaya hindi muna kami nakakapag outdoor activities. Nasa isang hall kami for our indoor activities, wala kaming ibang gagawin kundi makinig lang sa talambuhay ng bahay isa. Sharing kumbaga. Naupo ako sa may dulo sa tabing bintana, gustong gusto ko ang pagmasdang ang bumubuhos na ulan sa labas. Nakakarelax sa pakiramdam ang tunog ng patak nito sa bubungan. Hati-hati ang bilang ng mga estudyante may ibang nasa kabilang hall may iba naman na andito. Hindi naman kami masyadong marami sa loob ng hall, siguro nasa 30 lang kami since ang iba ay konti lang din sa section nila. Ang kasama namin dito ay ang section A2, A4 and B2 tapos kami A3. Hanggang C3 lang ang section sa bawat year, depende pa 'yon kung marami sa isang section o hindi.Agad naman kaming nag simula nong sinabe na ng host na start na. Unang nag share ang nasa unahang pwesto. Depende sa'min k