EURUS' POV
Pangalawang araw na namin ngayong araw, malakas ang ulan kaya hindi muna kami nakakapag outdoor activities. Nasa isang hall kami for our indoor activities, wala kaming ibang gagawin kundi makinig lang sa talambuhay ng bahay isa. Sharing kumbaga. Naupo ako sa may dulo sa tabing bintana, gustong gusto ko ang pagmasdang ang bumubuhos na ulan sa labas. Nakakarelax sa pakiramdam ang tunog ng patak nito sa bubungan. Hati-hati ang bilang ng mga estudyante may ibang nasa kabilang hall may iba naman na andito. Hindi naman kami masyadong marami sa loob ng hall, siguro nasa 30 lang kami since ang iba ay konti lang din sa section nila. Ang kasama namin dito ay ang section A2, A4 and B2 tapos kami A3. Hanggang C3 lang ang section sa bawat year, depende pa 'yon kung marami sa isang section o hindi.
Agad naman kaming nag simula nong sinabe na ng host na start na. Unang nag share ang nasa unahang pwesto. Depende sa'min kung ano ang i-sheshare namin. Kung sad memories, best experience or happy. Sa case ko, wala akong maisip na i-sheshare. Ayokong may nakakaalam ng ibang pangyayare sa buhay ko lalo na pag confidential. Lahat ng nangyare sa'kin confidential.
Nag-isip pa ako ng mabuti dahil alam kong may kahit paanong memories naman na hindi confidential na meron ako. Mahaba pa naman kaya may oras pa ako para makapagisip ng mabuti. Hindi ko na nagawang makinig ng mabuti sa mga talambuhay nila. Tanging naiisip ko ay 'yong panahong buhay pa si dad, panahong kasama namin siya sa bahay, masayang nakikipag kulitan sa'min. Bumalik na lang ang diwa ko nang sikuhin ako ni Loki, siya ang katabi ko.
"Anong sayo pre?" tanong niya. Nag isip muna ako bago sumagot. "Wala akong maisip pre e." sagot ko. "Ako rin e." sagot niya pabalik. Buti na lang talaga at nasa hulihan kami dahil kung hindi, kung ano-ano na lang siguro masasabi ko sa harapan, baka gumawa na lang din ako ng kwento.
Hindi nag tagal ako na ang mag sheshare ng kwento ko, hindi naman ako kinakabahan dahil sanay na ako sa maraming tao. Tumayo ako sa gitna, hawak ang isang mic. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang kwentong ibabahagi ko.
"Nangyari 'to nong nasa isang lugar ako. Isang simpleng lugar, tahimik at payapa." panimula ko. Tinignan ko silang lahat, lahat ay nakatingin sa'kin at nakikinig.
"Nakaupo ako non sa isang bench sa gilid habang pinagmamasdan ang fountain sa harapan ko. Isa siyang lumang park, kung nacucurious kayo." huminga ako ng malalim bago ituloy.
"Hindi marami ang tao na napasyal sa park na 'yon, kaya parang solo ko na rin. And I saw this one girl." tumingin ako sa kabuuan ng andon. There I saw her. Our eyes meet then nag flashback sakin ang nangyare.
"She's cute, her height is average. Her hair is above shoulder." hindi ko alam pero nakatingin lang ako sa kaniya. Iba naman ay nagbubulong-bulungan. Hindi ko maalis ang titig ko sa kaniya. "It's funny how I fall in love on first sight, though ako lang ang nakakita sa kaniya. Nakatalikod siya sa'kin that time."
"From that time, sinasadya ko nang pumunta sa park,I think this happened nong vacation. Para ko na rin siyang stinastalk kung iisipin ano?" natawa ako nang marealize ko ang ginagawa ko dati. Ang creepy ko pala.
"And then one day, hindi ko na siya nakita sa park, ang nakakatawa don ay siya ang dahilan bat ako andito ngayon. Kung bakit tinuloy ko pa rin ang pag-aaral ko dito sa Castillio de Academia." napangiti ako sa thought na yon.
"Nalaman ko na dito rin pala siya nag-aaral kaya hindi ko na tinuloy na mag states. I had a huge crush on you, Alec." I said without thinking. Lahat sila ay nagulat, may iba naman na nag tetease sa'min. Nahiya si Alec sa ginagawa nila pero ngumingiti naman. Puro kantyawan ang nangyare sa loob ng hall kaya pinatahimik sila ng host.
"but..." pagtuloy ko.
"I liked you before. Now I have someone in my mind recently. And I think my feeelings for her is growing bigger and bigger." after that nag thank you ako. Natapos na ang boung session kaya hinayaan na kaming gawin ang mga bagay na gusto naming gawin.
Nahihiya na tuloy ako tumingin kay Alec dahil sa pag amin ko ng biglaan. Though hindi niya naman kasalanan 'yon. Naglakad na ako pabalik sa room namin, hindi ko na rin tinitignan ang nasa harapan ko dahil nababalot na ko ng hiya sa kakaasar nila sa'kin. Nang makarating ako sa harapan ng room namin, nahagip pa ng tingin ko si Ayu na nakatingin sa'kin. Para siyang nakangisi sa'kin, hindi na malinaw sa paningin ko dahil mabilisan lang.
Pumasok na ako sa loob, buti na lang at nasa ibang section si Alec dahil mas nakakahiya at nakakailang kung andito siya. Hindi ko alam pero parang kasalanan ko na ewan. Matagal na yon, ngayon iba na ang ginugusto ko. Tsaka dapat hindi ako nahihiya kasi wala na rin naman akong nararamdaman para sa kaniya ngayon. Oras na ng lunch namin, humihina na rin ang ulan kaya baka mamaya ay pwede na kami sa labas.
Naisipan kong mahiga na lang muna, iniisip ko ang mga bagay na nangyayare sa buhay ko, bakit ko sila ginawa, sino ba ang mga taong nameet ko before. Paano ba kami naging magkaibigang lahat? Ang dami kong katanungan sa isipan ko.
Hindi ko na namalayang nakatulog pala ako, ginising lang ako ni Eros para mananghalian. Kumain naman kaagad ako dahil nakaramdamn na rin ako ng gutom, pagkatapos ay naupo na uli ako sa gilid. Kumikirot kirot ang ulo ko kaya agad akong nagsabi kina Helios. Ikinuha naman nila ako kaagad ng gamot sa H.E para mawala rin kaagad. Siguro dahil sa naulanan ako kanina nong pabalik na kami dito. Minabuti ko na lang na mag pahinga na lang muna para na rin mabilis mawala ang sakit ng ulo ko. Nahiga na uli ako, mas kumportable na ako ngayon kumpara sa kanina. Mas lumamig ang boung room dahil lumakas na naman ang ulan sa labas. Hindi rin sila nag patay ng fan dahil mainit sa loob dahil andito kaming lahat.
Hinayaan na rin nila akong matulog, hindi na muna sila nag ingay utos nila Loki. Mga siraulo talaga.
EURUS' POVNgayon lang umaraw uli, kaya naman naging busy na ang lahat sa kaniya-kaniya nilang gawain. Ako naman ay nasa room lang nag papahinga. Masakit pa rin kasi ang ulo ko kaya hindi na muna ako hinayaang makisali sa mga activities namin ngayon. Baka raw kasi lumala at mahilo pa ako, binigyan naman nila ako ng tubig at gamot. Naisipan ko na lang na manood sa kanila kaysa bagutin ko ang sarili ko sa loob ng room namin.Nag lagay ako ng upuan sa harapan ng room namin, kitang-kita ko ang mga students na abala sa iba't ibang gawain. Maya-maya rin ay nag simula na ang ibang activities. Pinagsabay sabay na nila dahil hindi namin nagawa kahapon ang iba. Bali mahahati sa iba't ibang grupo ang iisang section para sa ibang activities, depende 'yon sa dami ng activities sa umaga.Ang saya pa rin pala kahit nanonood lang ako dito. nakakatuwa kasi lahat ng students ay nag eenjoy sa mga games. Hindi ko t
EURUS' POVHindi kami dumeretso sa Academy dahil ayon sa bagong announcement ng headmaster, pwede na raw kami umuwi sa kaniya-kaniyang bahay dahil walang pasok ng one week. agad naman itong ikinatuwa naming lahat, halata sa amin na sabik na sabik na kaming makauwi sa kaniya-kaniya naming tahanan. Mabilis lang ang naging byahe namin, nang malapit na ako sa subdivission namin ay inihanda ko na ang mga gamit ko.I am so happy that finally I can sleep on my own bed with the smell of home. Agad akong bumaba nang tumigil sa tapat ng subdivission namin ang bus, nakareceive rin ako ng text na nakauwi na raw si Oceana kaya dumeretso na ako sa bahay. Hindi na ako nag patumpik-tumpik pa, kaagad akong pumara ng tricycle para ihatid ako sa bahay namin. Malawak ang subdivission namin, pero madali lang naman mahagilap ang bahay namin dahil namumukod tangi itong kulay mint green at kapansin pansin ang laki nito.Kilala na ri
EURUS' POVKitang-kita ng mata ko ang itsura ni mom, wasak ang dibdib nito at may kung sinong dumukot ng puso niya. Tinawagan ko na ang mga police para dito, wala ako sa katinuan dahil sa nangyari. Mabilis lang din silang rumesponde, ngayon ay kausap nila si Oceana na umiiyak. Kahit ako, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Ang bilis.'Yong.. 'yong pulang letter. Agad akong napatayo at hinanap ang pulang letter, nakita ko ito na hawak ng isang officer kaya kaagad akong lumapit. "Sandale, pwede po bang matignan ang laman ng letter na 'yan?"inabot naman nito sa akin. Umupo ako sa gilid at binuklat ang letter, walang ibang laman kundi,DIE, AMELIA. DIE.Ayan ang nilalaman, kaya ba ganoon ang reaksyon ni mom? Sino namang magbibigay nito? Si Oceana.
EURUS' POV Hindi ako makatulog ng maayos kagabi, hindi mabura sa isipan ko ang nalaman ko. Halo-halo ang nararamdaman ko, pero mas nananaig sa akin ang ma-curious. Sino ka ba talaga, Aeulos? Tumayo na ako sa kama at naghilamos, maaga pa pero pinili ko ng bumangon. Mahaba pa ang araw marami pa akong pwedeng gawin. Una ang kaso ni mom, pangalawa ay ang burol niya. *riiing* *riiing* Agad kong dinampot ang cellphone ko, 'yong officer pala kaya agad kong sinagot. "Hello po."bati ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nakaramdan ako ng kaba, feeling ko ay may hindi magandang mangyayare ngayon."'Wag ka sana mabigla sir." hindi ako umimik at hinintay ang sasabihin niya. "Nawawala po ang bangkay ni Mrs. Laurie
EURUS' POVNakatayo sa aking harapan si Aeulos. Likod niya lang ang nakikita ko pero alam kong seryoso siya, halata rin ang pagtaas baba ng kaniyang balikat na para bang hinihingal siya. Hindi ko alam kung paano ko naigalaw ang boung katawan basta naigalaw ko nalang ito. Napaatras ako nang unti-unting nagkamalay si mom, o kung si mom pa ba siya."Tss, kahit kailan napakapakialamera mo!"sigaw ni mom kay Ayu. Mahinang tumawa lang si Ayu, napansin ko ang mga galos sa katawan niya. Anong nangyare sa kaniya?"You bitch!"rinig ko ang sigaw mula sa sala. Agad akong napatingin don, bumungad sa amin ang humahangos na si Hades."Bakit mo naman kami iniwan?"iritable niyang sabi. Hindi naman siya pinansin ni Ayu dahil nakatingin ito kay mom."Shit, shit!"tar
EURUS' POVNagising ako sa lamig ng hinihingaan ko. Matigas at malamig, nasaan ako? Nasaan sila? Agad kong inilibot ang boung paningin ko, nasa isang maliit na kubo pala ako. Umuulan pa rin sa labas kaya hindi ko makita kung nasaan ako bukod sa kubo na ito. Agad akong tumayo para maghanap ng pwedeng maging ilaw dahil sobrang dilim sa loob. Hindi ko alam kung papaano ako napunta dito, si Ayu kaya? Nasaan?Kinapa ko ang bawat madadaanan ko, buti nalang at hindi ako napapatid o nababangga sa mga gamit. May hagdan pababa siguro ay ito ang papuntang kusina. Kaagad akong bumaba para maghanap ng lampara o kandila. Buti naman at may nahanap ako, nakalagay ang lampara sa maliit na lamesa at may posporo doon. Para bang naghihintay lang ito ng taong maliligaw at magpapahinga dito sa kubong 'to. Agad kong sinindihan ang lampara, hindi siya ganon kaliwanag pero pwede na gamitin pangpalipas ng gabi.
EURUS' POVRamdam ko na ang pagod ko kakatakbo at hinihingal na rin ako. Pinipilit ko ang sarili kong tumakbo pa ng mas mabilis dahil pakiramdam ko ay may mangyayareng masama. Malayo pa lang ay natanaw ko na ang kubo kaya mas binilisan ko pa, tahimik na rin ang boung paligid dahilan para mas kabahan pa ako. Huminto ako para magpahinga, hingal na hingal na ako at unti-unti na ring nauubos ang lakas ko. Inilibot ko ang boung paningin ko, wala akong makitang Ayu o mga dambuhalang aso. Hindi kaya ay nakalayo na sila?Nang makapagpahinga na ako kaagad kong nilibot ang boung paligid. Nagulat ako nang makita ang mga dambuhalang aso na lasog lasog na ang boung parte ng katawan pero mas nagulat ako nang makita si Ayu na nakahiga, umaagos ang dugo niya at humalo sa tubig ng ulan sa lupa. Wala na siyang malay. Kaagad akong lumapit sa kaniya at tinignan kong humihinga pa ba siya. Nakahinga naman ako nang m
EURUS' POVHindi ako makatulog ng maayos, kanina pa ako pagulong gulong sa kama pero sadyang marami ang tumatakbo sa isipan ko. Una si Oceana dahil hindi ko pa rin alam kung nasaan sila, si mom dahil misteryoso pa rin ang nangyare sa kaniya, at si Aeulos hindi ko pa rin alam kung ano ang kalagayan niya.Hindi ko na natiis, tumayo ako at lumabas sa kwarto ko. Naisipan kong puntahan si Aeulos sa kwarto niya, gusto ko na rin kasing tanungin si Ayu kung ayos na ba siya. Medyo madilim na sa second floor pero maliwanag naman sa first floor. Tahimik akong naglakad pababa, may naririnig din akong ingay kaya alam kong may tao pa sa baba or vampire.Naabutan ko sila Hades sa baba kasama si Ayu. Nakatalikod ito sa akin kaya tanging likod niya lang ang nakikita ko. May pinagusapan silang seryoso pero natigil din nang makita ako ni Donn. Kinalabit niya sila p