Slow pace tayo kasi baka biglang matapos agad kapag binilisan ko HAHAHAH.
AYEISHA-“S-Sir,” ani ko na nauutal sabay hagod ng kabuohan niya.May suot pa siyang pantalon pero sa itaas wala na. At oo, nakakaakit siya talaga. Alam ko namang kahit nakadamit siya lagi sa harap ko, maganda ang pangangatawan niya at talagang maglalaway ka. Pero hindi pa ako handa. Napangiwi ako dahil sa naisip ko.Napalunok ako nang sunod-sunod. Nahawakan ko pa ng mahigpit ang damit ko nang mga sandaling iyon.Pero paano kung lumapit siya tapos hubaran niya rin ako? OMG!Anong ipapagawa niya sa akin? Kasama ba ‘yon sa serbisyo ko? Hindi pa ba sapat ang trabaho ko sa bahay na ito? Sa pag-aalaga sa anak niya?“It's not what you think.”“Oh,” ani ko na ang bibig ay nanatiling nakaporma ng o.Ang totoo niyan, bigla akong nanghinayang. Pero nang maalala ang mukha ko ay nalungkot ako bigla.Tumalikod siya sa akin mayamaya na ikinasunod ko. Napaawang ako nang labi nang makita ang likod niyang may sugat. May dugo rin kaya napalapit ako sa kan'ya sabay hawak doon. Napaigtad pa siya sa gi
AYEISHA - “TAPOS KO NANG pigain, Ate,” ani ko sa isang kasambahay namin matapos kong pigain ang niyog. Magluluto kasi kami ngayon ng bilo-bilo. May bagong kuha kasi ang driver sa likurang bahagi ng bahay ni King, bigla kaming naglaway ng bilo-bilo kaya naisipan naming gawing miryenda. Pero may tinira kaming ipapahinog na saging dahil miss ko na rin kumain ng turon at banana cue. Lagi kasi naming miryenda ‘yan noon sa farm namin sa Bicol. Kahit nga kamote. Ah, basta mga root crops! Ah, kamoteng kahoy pa pala! Meron naman dito, pero mas masarap yong sa amin. Malungkot na napabuntonghininga ako nang maalala ko ang magulang ko. “O sige, palagay na lang diyan. Ako na bahala, hanap ka na yata doon ng dalawang bata,” sagot niya sa akin. Dumaan muna ako sa silid ko at kinuha ang ab-Pad ko kung saan ako nagdedesinyo ng mga bagong ire-release ng kompanya ko. Ilang araw na akong hindi nakakapag-design. Sabagay, alam naman nila Mommy ang nangyari kaya hindi ako nakakagawa. Kaagad na iginiy
AYEISHA - KASALUKUYAN AKONG NAGHUHUGAS noon nang may humawak sa beywang ko. Bahagya pa akong nagulat dahil sa init ng kamay niya. “K-King,” ani ko nang malingunan siya. “Yeah, it’s me. May iba pa ba?” Sabagay, uwian na ng dalawang kasamahan ko pa. Tapos nagpapahinga na ang driver namin. Hinugasan ko lang ang ginamit ni Halina at Kalei na naiwan sa silid ng huli. “Saka tulog na ang mga bata,” dugtong niya. “M-may kailangan po ba kayo?” ani ko imbes na magkomento sa sasabihin niya. “Po na naman?” “I’m sorry. Hindi ko lang maiwasang sabihin, nasanay kasi ako dahil sa trabaho ko noon.” “Okay.” “May kailangan ka ba?” Ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko. “Hindi ako makatulog, e.” Bumaling ako sa kan’ya. Nakasandal na siya sa lababo. “Ipagtimpla kita ng gatas, gusto mo?” alok ko. “Sige. Pakidala na lang sa kwarto.” Sabay talikod niya. Hindi ko maiwasang magsalubong ng kilay. Nandito na, e ipapaakyat pa? Napailing tuloy ako. Binilisan ko ang paghugas at nagtimpla ng gata
AYEISHA - “GOOD EVENING PO,” bati ko kay King nang bumaba siya sa sasakyan. Alas diyes na ng gabi nang mga sandaling iyon. Sabi niya, pipilitin niyang maaga umuwi kaya ‘yon din ang sinabi ko kay Kalei. Nakatulugan na nga niya ang paghihintay sa ama niya. “Si Kalei?” “Nakatulog kakahintay sa ‘yo.” “Gano’n ba.” Tumalikod na siya sa akin at pumasok na sa loob. Seryoso siya at namumula ang mukha. Parang nakainom yata siya ngayon. Buti na lang safe siyang nakauwi. Pero bakit kaya siya uminom? Dahil sa problema nito sa kompanya? ‘Yon lang ang natatandaan ko sa sinabi niya kanina. Nakakapagtaka din, parang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Baka pagod lang siya. Naabutan ko si King na papasok sa silid ni Kalei kaya napangiti ako. Mahal na mahal niya talaga ang anak niya. Buti naman, kasi kailangan siya ng bata. Na-open niya sa akin ang tungkol sa ina niya. Bihira lang pala makita ni Kalei ang ina dahil nagtatrabaho nga sa ibang bansa. Ramdam ko na nangungulila siya dito. Naatim
AYEISHA-“BITAWAN MO NGA ako, King! Baka may makakita sa atin dito.”“Ayoko,” giit niya sabay dikit lalo ng katawan niya sa akin.“K-King,” ani ko at iniwas ang mukha ko sa kan’ya. “M-Mali ito, okay? May asawa’t anak ka na, kaya maling-mali.”“Kailan naging mali ang magkagusto sa ‘yo, Asha? Kakaiba ka, okay?” “Kakaiba dahil sa pagmumukha ko, gano’n ba ‘yon?”“No,” mabilis na sagot niya. “Na sa ‘yo ang hinahanap ko, Asha, napakaresponsable pagdating sa pamilya. At nakita ko iyon, kaya paano ko mapipigilan ang aking sarili na hindi ka gustuhin? Ramdam ko rin na may pagtingin ka sa akin, hindi ako manhid.”“P-pero may asawa ka nga. Kasal ka.”Napabuntonghininga siya. “M-matagal na kaming walang komunikasyon, Asha. Matagal nang wala. Okay?”“Paano kung bumalik siya, King? Paano ako kung sakali? Ayoko magdesisyon nang padalos-dalos. Sa totoo lang, hindi ako p’wedeng ma-inlove kahit kanino sa estado ko ngayon.” Ayoko, ‘yon lang. Dahil napakahina ko pagdating dito. Tingnan mo ang nagyari
AYEISHA-NAPAILING ako nang lingunin si King sa aking tabi. Sabi niya, mag-uusap kami, pero heto, tinulugan niya ako. At mahigit kalahating oras na siyang tulog.Humarap ako sa kan'ya nang maayos, pagkuwa'y tinitigan ko ang mapayapang mukha niya mayamaya.Bakit nga kaya wala nang komunikasyon ito sa asawa niya? Hindi kaya nagloko na? Kawawa naman si King kung gano'n.Pero mayaman naman si King, bakit pa kailangan na magtrabaho ng asawa niya? Kaya siguro nakahanap ng iba sa malayo.Napatampal ako sa noo ko. Parang ako din ang asawa niya, bakit kailangan kong magpakahirap na magtrabaho dito kung mayaman naman ako? Isa akong CEO ng isang sikat na clothing line dito sa Pilipinas, pero heto, nagpapakahirap at nagpapaka-ulirang Tita ni Halina. Marahil may rason din ang asawa ni kung bakit kailangan niyang lumayo.Naupo ako sa kama at iginala ang paningin. Kaming dalawa na lang pala ni King dito.Ano naman ang gagawin namin dito? Matutulog na lang? Hay, walang kasama ang dalawang bata ngayo
AYEISHA-"PATINGIN nga ako ng notebook mo, Halina.""Ito po, Ate."Kinuha ko ang notebook niyang may laman na note para sa christmas party. Hindi kasi ako naka-attend dahil nagkasakit si Kalei nang araw na iyon. Nang mabasa at makita ang amount ng babayaran ay ibinalik niya kay Halina.“Bukas, bibili tayo ng damit at pangregalo mo sa bayan pag-uwi galing school. Kaya matulog ka na ng maaga, huh?” ani ko sa kan’ya.“Yehey! May bago na naman akong damit. Thank you, Ate Asha! I love you,” masayang sigaw ni Halina sa loob ng silid namin. Buti na lang nakasara.“Ay, sus, inuuto mo yata ako?”“Love naman talaga kita kasi parang Mama na kita sabi ni Lola. Kaya sana, hindi mo ako iwan gaya nila.” Bahagyang nalungkot si Halina matapos iyon sabihin. Marahil, naalala nito ang ina nito at si Aling Precing.Kinabig niya ito at hinalikan sa ulo. “Salamat, Halina. Lagi mong tatandaan, Lahat gagawin ni Ate Asha para sa ‘yo. Ako na lang ang meron ka kaya hindi ako mawawala sa ‘yo. Okay?”Niyakap niya
AYEISHA - “HUH?” Pakiramdam ko nabibingi na ako. Hindi na mawala sa isip ko ang asawa ni King. Nasa Maynila na pala, at ayon nag-uusap ang mag-ama na uuwi yata bago ang pasko. “Kanina ka pa wala sa sarili. May problema ba?” tanong ni Nenita sa akin. Tinutulungan ko siya noon maghiwa ng mga gulay na gagamitin sa pagluto ngayong gabi. Tapos ko na kasing bihisan si Kalei at Halina. Nadumihan ang mga damit nila nang maglaro sa labas ng bahay. “W-wala, naalala ko lang si Aling Precing, malapit na ang pasko tapos hindi namin siya kasama. Ngayon pa lang nalulungkot ako,” palusot ko. Hindi pa kasi nila alam ang tungkol sa asawa ni King. “Oo nga pala, noh? Unang pasko na hindi niyo kasama si Aling Precing.” “Ano pang hihiwain?” “‘Yang carrots, Asha. ‘Yong sakto lang, huh?” “Sige.” Kinuha ko ang dalawang carrots at binalatan muna bago hinugasan. Kakatapos ko lang hiwain ang carrots nang pumasok si King. “Asha, follow me.” “Sige po,” ani ko at tumingin kay Nenita. Tumango siya sa