Share

Chapter 3: The Wedding

AYEISHA'S POV…

HINDI MAALIS ANG tingin ko sa wedding invitation card na nasa mesa ng Daddy ko sa library. Gusto ko lang naman kunin ang librong hinihiram ko kay Mommy, tapos 'yon ang naabutan ko? 

Nanghihinang napaupo ako sa swivel chair ni Daddy. Ilang araw ko ng nililibang ang sarili ko dito sa bahay namin pero heto, pinapamukha na naman sa akin ng tadhana na wala na kaming pag-asa ni King. Sa susunod na araw na ang kasal, at gaganapin iyon sa tahanan nila Jena. Ang sakit-sakit sa dibdib. Kahit anong pilit ko sa sariling libangin, lagi ko lang siyang naalala. Sa puso ko, tutol ako sa kasalang iyon.

Dapat mangibang bansa ako pero hindi ako pinayagan nila Daddy. Hindi kasi sila sanay na umaalis ako ng ganoon katagal. Wala kasi akong balak na dumalo sa kasal. Kahit anong pilit pa nila Daddy, ay buo na ang pasya ko, hindi ako dadalo sa kasalang iyon. Baka mamaya, sumigaw pa ako ng itigil ang kasal. Oh, God! Alam kong kaya kong gawin, pero alam kong masasaktan ang magulang ko, ayoko ring mapahiya sila. 

Ilang buntonghininga pa ang pinakawalan ko bago ako tumayo at tinungo ang bookshelves kung saan naroon ang hinihiram kong libro. Pagkakuha niyon ay lumabas na ako. 

Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ang boses ng Mommy ko. Masaya na naman siya.

Lumapit ako sa nakaawang nilang pinto at sumilip. 

"What do you think, Thart? Maganda ba?" 

"Lovely, sweetheart, as always," nakangiting puri ng Daddy ko matapos niyang sipatin ang suot na dress ni Mommy. Gagamitin niya iyon sa makalawa sa kasal ng anak-anakan nila. 

Napakagat ako ng labi.

Dapat mas maganda pa diyan ang suot niya kapag ako ang ikasal kay King, pero hindi na mangyayari iyon dahil sa iba  ikakasal si King.  Mukhang hindi ko na makikita ang aking ina na magsuot ng magandang damit para sa aking kasal.

Sinabi ko kasi sa sarili kong hindi ako magpapakasal kapag hindi si King ang lalaking maghihintay sa akin sa may altar. Para kasing hindi ko na kayang magmahal pa ng iba. 

Muli kong tiningnan ang aking ina na masaya. As if naman, anak niya ang ikakasal, dinaig pa yata niya si Tita Laura.

Napangiti ako ng mapakla kapagkuwan. Sana nga ako na lang ang pakasalan ni King, ano?

Marahas akong napabuntonghininga sa isiping iyon. Hindi na kailanman mangyayari, hindi niya ako mahal. At kung meron man siyang pagtingin, kapatid lang iyon. Hanggang doon lang, kaya nga sobrang sakit.

Imbes na magbasa ng librong hawak ko, nilibang ko na lang ang sarili ko manood ng mga palabas. Wala akong ginawa nang gabing iyon kung hindi ang manood ng mga movie na nakakaiyak, gusto niyang damayan ang mga iiyak sa palabas. Kaya naman para akong tangang ngawa nang ngawa sa aking silid. Natulog nga ako na hilam ang luha, at unti-unti ng nanlalagkit sa aking pisngi.

NAPATINGIN ako sa salamin kinabukasan. Magang-magang ang aking mga mata kakaiyak ng mga pinanood ko. Idagdag mo pa ang ilang oras ko lang na tulog.

"Anong nangyari sa mata mo, love?" Hindi ko namalayan ang pagpasok ng aking ama sa silid ko.

Akmang itatago ko nang hilahin niya ang aking kamay.

"Don't tell me, dahil kay Kuya King mo ito, anak?"

"Nanood ako ng movie, Dad," ani ko.

Tinitigan niya ako. 

"Sure?" Parang hindi siya makapaniwala sa akin. 

"Yes, Dad."

"Naka-move on ka na sa kan'ya, love?" Hindi ako nakaimik sa tanong niya. 

Naupo ako sa kama ko at tumingin sa Daddy ko.

"Honestly, hindi pa, Dad." Yumuko ako at nilaru-laro ko ang aking daliri. "Kahit anong gawin ko, ayaw talaga niyang mawala sa puso ko,"

"Oh, love," aniyang lumapit pa sa akin para yakapin ako.

Napahahulhol ako bigla nang maramdaman ang yakap ng Daddy ko. Alam niya ang nararamdaman ko para kay Kuya King pero hindi niya kayang manipulahin ang binata para gustuhin ako. Kaya tumigil na siya sa pagiging cupid namin ni Kuya King, matagal na, simula nang ipakilala ni Kuya si Jena. 

"Kaya ba hindi ka man lang lumalabas nitong nagdaan?" tanong nito sa seryosong himig.

Marahan akong tumango. 

Natuklasan ko kasing minadali ang kasal, ayon kay Bembem. Pagkatapos ng party niya, pumutok na raw ang balitang iyon pero ayaw ipasabi sa akin na ikinainis ko rin. Ang pagkakaalam ko kasi matagal pa silang ikakasal dahil sa hindi pa nga handa si Jena. Kaya ang sabi ko sa sarili ko, may panahon pa ako para baguhin ang desisyon ng Kuya King ko, hindi ko alam na mapapabilis pala.

Hindi kaya dahil sa akin kaya minadali ang kasal? Ayaw nga nilang ipaalam sa akin, e. Sobra pala ang pagkadisgusto ni King sa akin, kung gano'n.

"I'm sorry, love, wala akong magagawa para sa 'yo. Hindi natin mapilit ang Kuya King mo na gustuhin ka. I did my best, pero wala rin, alam mo 'yan. Nakakakonsensyang paghiwalayin sila, mahal na mahal nila ang isa't isa, anak. Mahal kita pero mali kung mamanipulahin ko ang Kuya King mo. Saksi ako sa pagmamahalan nila, kaya alam kong wala kang laban kay Jena. Patawad, anak…"

Napapikit ako dahil sa mga sinabi ng ama ko. Masakit na katotohanan na naman galing sa aking ama ang sumampal sa akin.

"It's okay, Dad. Ginawa ko rin ang makakaya ko para mahalin niya ako, pero bigo ako." Bumitaw ako kay Daddy. Napatitig  ako kay Daddy nang maalala si Tita Laura. "G-ganito din po ba ang pakiramdam niyo noon kay Tita Laura?"

Ngumiti siya sa akin, hinaplos din niya ang pisngi ko.

"Sa totoo lang, anak, hindi ko naman mahal talaga ang Tita Laura mo. Mukha kasi ng dati kong asawa ang gamit niya, pero hindi ibig sabihin, mahal ko siya. Ang Mommy mo talaga ang mahal ko. Naging bulag lang ako nang mga sandaling iyon dahil lagi kong nakikita si Tita Laura mo na gamit ang mukha ng ex-wife ko. Sa Mommy mo lang ako nabaliw. Kaya magkaiba tayo, anak ng naramdaman." Tiningnan niya ako mata sa mata. "Malay mo, gano'n ka rin, anak. Makikilala mo rin ang lalaking para sa 'yo. At kapag nahanap mo na, makakalimutan mo rin na minahal mo ang Kuya King mo. Tingnan mo kami ng Mommy mo, masaya na, kasi natagpuan na namin ang isa't-isa."

"Sana nga, Dad. Nahihirapan na rin kasi ako sa kalagayan ko. Pero, 'di ba, matagal na kayong magkakilala ni Mommy?" ani ko nang maalala iyon.

"Yeah, she's my secretary before, kaibigan din pala. Matagal ko na siyang kilala, pero bilang babaeng mamahalin, hindi pa. Buti na lang, namulat ang mga mata ko, na siya pala ang gusto ko, ang pinapangarap ko na mapangasawa at makasama ko habang buhay." Tinuro niya ang puso ko kapagkuwan. "Kaya sa tingin ko, hindi pa dumadating ang lalaking para sa 'yo. Bata ka pa, anak, para sumuko. 'Wag kang mawalan ng pag-asa. Hintayin mo lang, okay?"

Ngumiti ako sa kan'ya at tumango.

"Maiintindihan ko kung hindi ka sasama sa araw ng kasal. Ako na ang bahalang mag-explain sa kanila kung bakit." Pinisil niya ang aking kamay kapagkuwan.

"Thank you, Dad."

Umalis si Daddy na nakangiti.  Pinakita ko lang sa kan'ya na okay na ako. Pero ang totoo, nahihirapan akong tanggapin ang kapalaran ko. Oo, bata pa ako, pero ganito ang pakiramdam ko. Ang hirap lokohin ang sariling may mahahanap pa akong ibang lalaki. Pero kung meron, sana bilisan niya ang pagdating. Sana ngayon na para mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

ARAW NG KASAL ni King at Jena nang mga sandaling iyon. 

Napatingin si Thunder sa asawa matapos marinig ang vow na binitawan ng anak-anakang si King para kay Jena.  Gano'n din kasi ang mga sinabi niya para sa asawa noon. Kaya nakikinita na niyang magiging maganda ang pagsasama ng dalawa. Pero nalungkot siya nang maalala ang anak na si Ayeisha. Sana matagpuan na niya ang lalaking para sa kan'ya.

"Bagay talaga sila, Thart," nakangiting sabi ni Grazie, ang magandang misis niya.

"Sinabi mo pa, sweetheart. Gusto ko ring masaksihang ikasal si Ayeisha," aniyang bahagyang malungkot. 

"Ikaw kasi, pinagbabawalan mo na makihalubilo sa iba,"

"Gusto ko naman, sweetheart. Kaso, nakakatakot sa panahon ngayon."

"Nag-iingat naman siya, a."

"Yeah." Si King lang kasi ang naasahan niya sa pagbabantay kay Ayeisha. Kung kasama nito ang Kuya King nito, okay lang. Hindi rin niya kasi maasahan si Benrick dahil napakaabala, abala sa babae at sa opisina. Ang hirap pa utusan.

Napapalakpak din siya nang marinig ang palakpakan mula sa mga bisita. Patapos na pala ang seremonya. Sinelyuhan ng anak-anakan ang vow  ng halik. Hindi talagang maikakailang masaya si King sa kasalang iyon. Halata sa mga mukha at kilos niya, gayon din si Jena.

Kasalukuyan silang kumakain noon, kasama ang dalawang kamabal nilang bunso nang may tumawag kay Grazie. Kaagad itong lumayo para sagutin. Maingay kasi ang paligid, may maikling programa rin kasi ng mga sandaling iyon. 

Hinatid niya ng tanaw ang asawa kapagkuwan. Kausap na nito ang tumawag na nakatalikod. 

Napasinghap siya nang biglang mawalan ng balanse ang asawa. Buti na lang napahawak ito sa pader na naroon. Gusto niya sanang puntahan para alamin ang nangyari. Maayos naman kasicang tayo nito, pero bakit biglang nawalan ito ng balanse?

Matagal ang asawa sa ganoong posisyon, at nang lumingon ito sa kan'ya, hilam na ang luha. Parang dinudurog ang puso niya nang tingna siya nito. Parang may nangyari.

Napatayo siya at lakad-takbong tinungo ang kinaroroonan nito. 

"Sweetheart?" aniya.

"S-si A-Ayeisha, Thunder… May nangyari kay Ayeisha…"

Kinabahan siya sa paraan ng pananalita ng asawa.

"What happened, sweetheart?" Hawak niya sa magkabilaang braso noon ang asawa habang hindi inaalis ang tingin dito.

Napapikit ang asawa sabay pakita sa kan'ya ng picture mula kay Benrick.

"Oh, God…" tanging sambit niya nang makita ang nangyari sa anak na si Ayeisha. 

Mga Comments (49)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
magnda Pala story nilang dalawa ,mga anak anak na nila ito
goodnovel comment avatar
Shine
Ang bilis namn nito tapos agad story ng anak ni astin at laura wala pa din kay callen at asia
goodnovel comment avatar
Shin's
update po please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status