Share

Arrangement Between Strangers
Arrangement Between Strangers
Author: EMRLDX

Chapter 1: A Deal

Matapos mapag-usapan ang hindi maayos-ayos na problema ng kumpanya, dismayadong lumabas sa pinto ng meeting room si Drew Alvarez, ang may-ari ng Alvarez Enterprise. 

Pabagsak itong umupo at nahampas nalang ang sariling lamesa dahil sa inis. Agad naman itong pinatahanan ng kaniyang asawa na si Claire. Binigyan niya ito ng alak upang kumalma saglit at agad naman nitong tinanggap.

"My company is subsiding! Our company is falling! Mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko nito!" Napasigaw ito at napahilamos nalang ang dalawang kamay sa kaniyang mukha. Kahit gulat ang asawa niya ay nagsalita parin.

"W-wala na akong maisip na paraan. We need somebody who can lift this company up, and I know no one!" Napasinghal din ito dahil nahahawa na ito sa kaniyang problemadong asawa.

"I need to think, I need to think of a plan!" Nagpalakad lakad ito at napatigil, "Argh! I can think of nothing!" Naglakad-lakad ulit ito paikot.

"Will you stop!? Nahihilo ako sayo! Nabablangko ang utak ko sa paggalaw-galaw mo!" 

"Shut up, and let me think!" Sigaw nito sa asawa.

Ang ganitong pag-uusap ay normal lamang sa mag-asawa, lalo na sa mga panahong pahero silang problemado. 

"Now, we're both yelling! Can you calm down? Hindi ka makakapag-isip ng maayos kung inis ang naghahari sa iyo!" Mukhang natauhan ang lalaki sa sinabi ng asawa kaya umupo itong muli, pinagpatuloy ang pag-iisip ng paraan para maibangon muli ang nalulugi ng kumpanya.

Humupa ang tensiyon sa pagitan ng mag-asawa at naglakas loob ang babaeng basagin ang nakakabinging katahimikan.

"Humingi ka na ba ng tulong sa relatives mo?" Tanong muli ng babae.

"You know I can't do that, right? Pagkatapos ng nangyari noon, naisip mo bang tutulungan pa nila ako? Think, Claire! Think!" 

Napayuko naman ang babae dahil sa pagsigaw ng kaniyang asawa. Alam niyang ilag na ang pamilya ni Drew sa kanila dahil sa nangyaring pilian, maraming taon na ang nakalipas. Kinagalitan kasi ito nang pinili ni Drew ang asawa niyang si Claire kaysa sa pamilya niya, kaya itinakwil ito. 

"I-Im sorry." Utal na paghingi nito ng tawad. Napabuntong-hininga naman si Drew nang mapagtanto ang nagawang paninigaw. 

Lumapit siya sa asawa at niyakap ito. 

"Everything will be fine. Maybe not now, but soon." Sabi nito at hinalikan ang asawa sa noo.

May katandaan na ang mga ito ngunit hindi mahahalata sa mukha at postura nila. Kahit nasa edad apatnapu at higit, masasabi mong nasa edad trenta pa lamang sila.

Sa yakapang iyon ay bumukas ang pinto at iniluwa si Elle. Siya ang anak ng mag-asawa.

Ang walang emosyong mukha ng dalawa ay napalitan ng pandidiri nang maabutang nagyayakapan ang mga magulang.

"Ew, dito pa kayo naglandian."

"Elle, iyang pananalita mo!" Sita ng ina.

Umirap naman ito, "Yeah, right! By the way, hihingi lang sana ako ng pera. My card is empty, I think I spent too much. But... argh! Just give me some!" Nayayamot na sabi nito. 

Hindi ganyan makipag-usap ang dating Elle. Simula nang nagsawa siya sa pagkontrol sa kaniya ng kaniyang mga magulang ay pinili niyang magrebelde. Naging bastos ito, basagulera at nawalan ng kulay ang buhay niya. Kung noon ay masigla ito, ngayon ay walang emosyon o makikita mong laging galit. Hindi mo ito masisisi dahil wala na siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kaniya, maliban sa nobyo niya.

"What for?" Tanong ng ama. Alam niyang kaunti nalang ay maghihirap na sila pero hindi nito ipinahalata sa anak dahil ayaw nitong dalhin rin niya ang problema.

"Jace just opened his newly built Casino, and I am planning to go there." Nababagot na sagot naman ng anak.

Si Jace ang kaibigan ni Kendrick na siyang nobyo ni Elle.

"With whom?" 

'Ano bang pakialam nila?' Iyan ang nasa isip ng dalaga.

"Is this some sort of interview?" Nangunot ang noo nito. "Bakit hindi niyo nalang ako bigyan? Nang makaalis na ako sa lugar na ito?" 

"Ha! Ngayon inuuna mo pa ang pagsusugal mo? Kasama nino? Ni Kendrick!? I told you many times already, he is no good for you! Leave him! He'll just ruin your life!" Panenermon naman ng ina niya.

"Claire..." Paninita naman ng ama niya.

"What!? Totoo naman ah? Since she met that guy, she changed! You never obeyed us nor respected us since you two had a relationship! Kung hindi ka pa pilitin ay hindi mo ginagawa ang gusto namin."

"Oh! I'm glad you brought that thing up." Umakto pa ang dalaga na para bang namamangha siya, ngunit agad din iyong nawala nang magsalita siya. "Hindi ko kayo sinusunod dahil alam kong wala akong magagawa sa huli, because all that matters is your decision! Yung gusto niyo lang ang nasusunod! Kailan nyo ba ako pinakinggan? Never! You controlled me! You manipulated me! Baka itong paghingi ko pa ng pera ay isumbat nyo pa!?"

"How dare you talk to me like that!? Remember, I am still your mother." Madiin na sabi ng kaniyang ina.

"Mother? Hahaha! Ni hindi ko nga naramdaman na ina kita eh!"

"Elle! Enough!" Sigaw ng ama niya ngunit mukhang wala itong narinig. Humarap siya sa ama niya. "Asan na yung pera ko? Sabihin mo lang kung ayaw niyo akong bigyan dahil aalis na ako."

Bibigyan na sana siya ng kaniyang ama ng magsalita ang ina niya.

"Our company is slowly subsiding. Wala na nga tayong pera, nakuha mo pang magsugal!" 

"Now, you're blaming me. Wow! Hindi ako ang nagpabagsak sa kumpanya, so stop blaming me! Mukhang wala naman kayong maibibigay- I mean, mukhang ayaw niyo akong bigyan so, I'm out of here." At naglakad siyang mabigat ang loob palabas ng pinto.

Napabuntong-hininga nalang ang lalake dahil sa ugali at naging sagutan ng mag-ina.

"Claire, sana binigyan nalang natin. Hindi na sana lumala yung pangyayari, mukhang nadagdagan pang muli ang sama ng loob niya sa atin."

"What!? So kasalanan ko pa ngayon!?"

"No, what I meant was, Elle is too young to deal with crises, let her live with a problem-free life."

"Problem-free!? That is absurd! All of us have problems! Ang mali kasi sayo, kaya mas lalong nagrerebelde iyang anak mo, ay dahil kinukunsinti mo! Ugh! Forget it, isipin mo kung paano mo maibabangon itong kumpanya."

Walang sabi-sabi itong umibis palabas ng opisina.

Kasabay ng pagbuntong-hininga ni Drew, napaisip itong pakargahan ang card ng anak at agad itong tawagan. 

Ilang ring pa bago ito sumagot.

"Bakit?" Tamad na sabi nito, malamang ay nababagot na dahil wala siyang maipansugal.

"Pumunta kana sa casino, go and have fun."

"Have fun? Really? Baka nakakalimutan mong hindi ninyo ako binigyan kanina?" Sagot naman ng dalaga.

Hindi maiwasang malungkot ng Ama niya dahil sa pagsagot-sagot nito. Alam ni Drew na malaki ang pinagbago ni Elle apat na taon na ang nakalipas, mula sa pagiging marespeto hanggang sa pagiging bastos. Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niyang may mali rin siyang nagawa noon.

"Meron na, pinakargahan ko na."

"Nice! Thank you, bye!" Biglang sumigla ang boses nang babae, indikasyong nagustuhan nito ang ginawa ng ama. Pinatay nito ang tawag at maliit na ngiti ang sumilay sa labi ng lalake.

'Atleast she's happy right now.' Naisip ng lalake.

Nawala sa isip ni Drew na kaunting pera nalang ang natitira sa kanila at kung mawawala pa ito ay maghihirap na sila, ngunit ang katotohanang iyon ay hindi pumigil sa kaniya para mapagkalooban ng pera ang anak, kahit na pangsugal niya pa ito.

Naglakad siya papuntang parking lot ng kumpanya nila at akma ng sasakay sa kotse niya nang may nagsalita.

"I heard... nalulugi ang kumpanya mo?" Isang lalake na naka amerikanang suot, gulat man si Drew ay pumihit ito paharap sa estranghero.

"May pakpak ngang talaga ang balita." Sarkastikong sabi naman ni Drew. 

"Oh, I just wanna help."

Animo'y nainsulto si Drew dahil parang nanliliit na ito.

"I do not need your help. But, thanks anyway." Sabi niya at pumasok na sa kotse. Isasara na niya sana ang pinto nang pinigilan ito ng estranghero. 

"What!?" 

"Easy, sir! Kung magbago man ang laman ng isip mo, call this number. Numero iyan ng boss ko." Matapos ibigay ang calling card ay naglakad na ito palayo. 

Taka namang tinignan ni Drew ang business card na iyon ngunit nagawa niyang iipit sa dala niyang mga papeles.

Mag-aalas tres palang nang hapon nang makarating ang lalake sa kanilang mansion. Agad namang nagtungo sa kaniyang opisina sa loob at nag-isip-isip.

Isang oras siyang nakatulala kakaisip ng paraan para muling ibangon ang kumpanya, ngunit wala talaga itong maisip. Napagdesisyonan niyang magbasa nalang muna at nagbabakasakaling makaisip na ng plano.

Naupo siya sa isang swivel chair at binasa ang mga papeles na inuwi niya. Nasa huling folder na siya at sa pagbuklat niyang iyon, nahagip ng isang calling card ang paningin niya.

Ilang minuto niyang tinitigan iyon at namalayan nalang ang sariling idinadial ang mga numerong nakasulat sa papel.

"Hello?"

"May I know who's calling?" Sabi ng isang babae sa kabilang linya.

Nagtaka si Drew dahil boses babae.

"I'm Drew Alvarez, a guy handed me your card, hours ago."

"Oh! You need financial help. Correct me if I'm mistaken."

"How did you-" napatikhim ito at nagsalitang muli. "What's your offer?" Tanong ni Drew, handa ng tumanggap ng tulong sa isang hindi kakilala.

"Let us meet. I'll send you the address." At natapos ang tawag.

Tumunog naman ang telepono ng lalaki at bumungad ang address kung saan sila magkikita.

"Hon! Claire! Dress up, we're going somewhere!" 

"I'm on it!" Sigaw naman ng asawa.

Agad naman silang nag-ayos at nagtungo sa lugar na iyon. Ilang minutong biyahe at tumigil sila sa isang malawak na kapatagan.

"Seriously? Dito?"

"Iyan ang sabi sa text message." 

"Why are we even here!?" 

"I think I found that 'somebody' who'll lend us help."

Nagpatuloy siya sa pagmamaneho nang hinarang siya ng isang guwardiya.

"Sino ho sila?" Tnaong nito.

"I'm Drew Alvarez. Someone commanded us to come over."

May tinawagan pa muna ito at may pinidot sa guardhouse. Biglang nabiak ang lupa at inilantad ang isang daan. Pababa ito, may liwanag ring nagmumula sa ibabang gilid ng daan.

May kabang sumibol sa mag-asawa ngunit nagpatuloy parin sa pagmamaneho hanggang sa tumigil sila sa isang tarangkahan. May guwardiya rin iyon at binuksan ang pinto ng kotse.

Nanlaki ang mga mata ng babae dahil sa naglalakihang baril na nakasabit sa katawan ng kaharap.

"Drew Alvarez?" Tumango naman si Drew. "Follow me." At naglakad sila pasulong hanggang sa tumigil sila sa isang kwartong puro metal ang kasangkapan; dingding, mesa at mga upuan. 

Nakaupo roon ang mag-asawang Martinez, sina Lance at Kristen. Ang Pamilyang kinatatakutan ng lahat, ang pamilyang kayang bilhin ang buhay nino man, at ang apelyido ng pamilyang makakasundo ng pamilya Alvarez. 

"Greetings, Mr and Mrs Alvarez. Let us talk about my proposal." 

Pinag-usapan nila ang naging kasunduan. Matapos ang ilang minuto ay nagsipirma na ang bawat pamilya sa isang papel, indikasyon ng pagsang-ayon. 

'An arrangement has been made, but between strangers.' Iyan ang nasa isip ni Drew, matapos ang mahabang pag-uusap.

"So, we have a deal?"

"Yes, we have."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status